NAKALABAS na ng gate at malalaki ang hakbang ng Robertong tinatanaw ni Ising. Agad nang nakalayo ang lalaki kung kaya hindi na niya nagawang habulin at tanungin. "Mag isa lang siyang umalis. Hindi niya naisama si Irenea. Hindi ito maaari. Kailangang mawala sa bahay na ito ang babaeng yon! Kailangan kong gumawa ng paraan!", pagkasabi ni Ising ay naisipan nitong tignan si Irenea sa taas ng bahay. Kailangan niya itong mahimok na sumama kay Roberto. Hindi pa man nakakahakbang sa unang baitang ng hagdanan ay agad na niyang napansin ang isang kumpol ng manggang hilaw na naka patong sa ikatlong baitang. "Bakit may mangga dito? Wala naman akong napansing dala kanina si Roberto. Kanino ito galing? Hindi kaya...? Si Senyorito Geralde ang nagdala nito?", tanong niya uli sa sarili. Napatingin siya

