SA LOOB ng silid ni Irenea. Naramdaman niya ang papalapit na yabag ni Geralde. Saglit siyang natigilan sa napansin. "Maging ang tunog ng iyong paglakad ay memoryado ko na. Ang iyong mga yabag na sa twing mararamdaman kong papalapit ay kinatatakutan ko dati. Natatakot akong iluluwa ka ng pintuan upang ako ay pasukin. Ngunit ngayon..., ngunit ngayon ay hindi ko na makapa ang damdaming iyon. Yabag mo pa lang ay nagpapakabog na sa aking dibdib. Pinanabikan ko na ang masilayan ka. Ninanais ko na ang marinig kang nagsasalita at tumatawa. Kapag umaalis ka ay ipinanalangin kong maging ligtas ka at sana ay makabalik agad. Umiibig ako sa iyo, Geralde. Ang nararamdaman kong ito para sa iyo ay hindi ko kaylan man naramdaman kay Roberto. Alam kong mali sapagkat sa loob ng aking sinapupunan ay pumip

