CHAPTER 35 - Ang galit ni Ising

1030 Words

HINDI naging madali ang sumunod na mga araw para sa mga nakatira sa bahay kastila. Nagkaroon ng tila mataas na pader na nakapagitan kay Geralde at Irenea. Umiiwas si Irenea na magkaharap sila ni Geralde sapagkat bahagya pang maga at may pasa ang kanyang pisngi. Lalo namang tumibay ang maling akala ni Geralde dahil sa pag iwas na iyon. Hanggang sa maging ito man ay nanatili na lang sa loob ng silid na ginagamit bilang opisina. O kaya ay madalas na lumuluwas sa bayan upang bisitahin ang negosyo at mga paupahan na naroon. Nang umigi naman ang sitwasyon ni Irenea at gawing muli ang pag aasikaso kay Geralde ay napansin naman ng babae ang matamlay na pakikitungo nito sa kanya. Nagdalang hiya siyang tanungin ang pinagkakaganun ni Geralde at nagsawalang kibo na lanang. Nagkikita, nagkakasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD