HABOL na ni Josh ang paghinga. Kanina pa siya nagpapalakad-takbo ngunit hindi pa rin niya matunton ang daan pabalik sa mga kasama. Maging si Aldo na na nakita niyang nagdaan kanina ay biglang nawala. "Gaano ba kalaki ang bahay na ito at hindi ko makita ang daan pabalik? Bakit tumatakbo rin si Aldo? May humahabol din kaya sa kanya?", tanong niya sa sarili. Nakatukod ang isa niyang kamay sa dingding upang mabalanse ang pagtayo habang panay na panay ang paghingal. Muli siyang tumingin sa pinanggalingang pasilyo at tinignan kung nakasunod pa rin sa kanya ang aninong nakita. Nakahinga siya at nagawang sumagap ng hangin nang hindi na makita ang humahabol sa kanya. Muli siyang nagtipon ng lakas sa sandaling paghinto. At nang tila nakapagpahinga na ay saka muling hinanap ang mga kasama. Gus

