CHAPTER 23 - Babaeng nakaitim

966 Words

“BUKSAN nyo ang pinto! Let me out! Let me out!", paulit ulit na sigaw ni Milen habang hinahampas ng palad ang pinto. Hindi alintana ang pamumula at pananakit ng mga kamay. Pinipihit din ng dalaga ang door knob na hindi naman maigalaw. Napahinto siya sa ginagawa nang may malamig na hanging umihip sa bandang likuran. Bahagya pang tinangay ang ilang hibla ng kanyang buhok. Nagtataas baba ang dibdib niya sa tindi ng takot. Nakiramdam siya, saglit siyang nanatiling nakatayo at walang kagalaw galaw maliban sa itim ng mga matang nagpapalipat lipat sa magkabilang sulok ng mga mata. Malakas ang kanyang paghingal kasabay nang pagtatambol ng kanyang dibdib. Natatakot man na ang makikita ay ikagigimbal ay hindi pa rin niya napigilang sundin ang tulak ng utak. Dahan dahan ang ginawa niyang paglingon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD