CHAPTER 24 - Liwanag sa dilim

917 Words

Dahil hindi nakita si Reynalyn sa loob ay muling dinaluhan ni Josh ang walang malay na si Milen. Itinapat niya ang daliri sa butas ng ilong ng dalaga upang maramdaman kung humihinga pa ito. Nang di makuntento ay itinapat naman ang isang tenga sa dibdib ng dalaga at pinakinggan ang pagpintig ng puso nito. "Buhay siya! Bakit kaya nakahundasay siya sa sahig? Anong nangyari dito? Nasaan si Reynalyn?", sabi ng binata. Sinubukan uli nitong gisingin ang kandong kandong na dalaga. Banayad na tinapik ang pisngi nito at niyugyog ang katawan. Ngunit hindi pa rin nagkakamalay ang dalaga. Bahagya niyang iniangat ang katawan nito at iniupo ng nakasandal sa sulok na dibisyon upang hindi bumagsak. Siniguro niyang maayos ang kinalalagyan nito bago sandaling iniwan. Dinukot ng binata ang panyo sa bul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD