Imprint on my Heart [2]

5185 Words
Chapter 2. Faye’s POV Kasama ko ngayon si James. Sa katunayan nga ata ay date namin ito. Yeah, we’re dating na nga kahit na medyo nai-isyu na kami sa school. At heto pa ah, ang sabi nila ako pa raw ang nanulot kay James? Sus. Tikom bibig nalang ako eh. Gusto ata nilang ikuwento ko ng detalyado ang istorya namin? Kung makapang-judge sila eh. Hanggang ngayon nga, ganito lang kami ni James. At aaminin ko, nade-develop na talaga ako sa kanya eh. Siya lang naman ata 'tong hindi gumagawa ng move sa 'kin. Bakit nga ba ako naga-assume. Kasi naman, anim na buwan nang lumipas, ganyan pa rin siya. Ang sungit at ang tipid pa rin magsalita at ganito pa rin ang relasyon namin. “Ano James? Tatayo ka nalang diyan? Wala ka talagang gustong puntahan?” “Ka't s'an.” “Anong kahit saan lang? Ikaw nagyaya na lumabas tayong dalawa tapos'di ka magse-set ng lugar kung saan tayo magde-date?” “'Kaw.” “Ako? Kung saan ko gusto? Ay nako. Dun nalang tayo sa bay walk! Tino mo talaga kahit kailan.” At nagsimula na kaming maglakad. Malapit-lapit lang naman dito sa 'min 'yun eh. May bay walk talagang malapit dito sa 'min, tabi lang ng pinakamalapit na park sa 'min dito. Hay nako, siguro kung ibang babae hindi talaga makakatagal kay James. Tignan niyo nga, simpleng pagsabi lang ng, "Ikaw bahala kung saan mo gusto pumunta", hindi man lang magawa? At tanging "'Kaw" lang ang naisabi niya. 'La eh, James nga kasi 'yan. Sanay na rin naman akong ganyan siya. Siguro kasi si Clarisse nagsawa sa ganyang ugali ni James kaya si Renz ang pinatos niya. Grabe, hindi ba niya naisip na boyfriend 'yun ng isa sa mga barkada niya? Una pa lang talaga, siya na ang karibal ko. 'Yan ba ang kaibigan? Dating naospital si Zayn nun, 'yung ako pa nga ang nagligtas sa buhay ni Zayn nun, pinagselosan ba naman ako kay Bhez? Kay Yrie pala… Nakakalungkot isipin na nagbago na nga talaga siya. Iba naman ang pag-move on sa pagbago sa sarili eh. Tapos sasabihin niya kami rin naman ang may kagustuhang maging ganun siya? 'Di naman eh. Kaya kami na rin naman 'tong lumayo sa kanya. Tinataboy na rin naman niya kami bakit pagpipilitan pa namin 'yung sarili namin sa kanya? Siya na rin ang nagbibigay ng dahilan para layuan nga talaga namin siya. “Lalim.” Ang lalim daw ng iniisip ko. Oh ayos, may translator kayo para sa dakilang James ninyo. “Hay. James… James… Hanggang ngayon talaga, wala kang balak magbago?” “Ynah. Yrie pala.” Gets niyo? Sabi niya si Ynah lang naman daw ata ang nagbago. Taeng 'yan. Ang ayos talaga 'no? “Oh. 'Yun nga, nagbago na siya. E ikaw? Kailan mo balak naman?" “Puti uwak.” “Natatawa ako sa 'yo. Siguro kaya nagsawa sa 'yo si Clarisse kasi ganyan ka talaga katipid 'no?” Sabi ko habang tumatawa. “Baka.” “Pero bilib ako sa 'yo ah. Ngayon lang talaga ako nakakilala ng taong tulad mo.” “Tss.” “Likas na talaga sa 'yo 'yan 'no? Wala na kaming magagawa pa. Pero tama ka, 'wag ka na nga magbago James ah. Gusto kong ganyan ka nalang lagi.” “Ba't.” “Siyempre ganyan ka na eh. 'Yan na 'yung pagkakakilala sa 'yo. Kumbaga trademark mo na 'yan, so bakit mo pa babaguhin? Tsaka naiintindihan ko pa naman mga pinagsasabi mo diba? Hayaan mong tayong dalawa lang nagkakaintindihan. Haha.” “Tss. Bata.” “Mahal mo naman. Hihi.” Bigla siyang napahinto ng lakad. Shems. Oops lang pala. Nadulas ang aking dila. Lagot na po. Ang daldal mo kasi masyado, Faye! Naalala ko dati 'yung kay Zayn nadulas din ang dila ko. Pero wait! Ano pa lang gagawin nito? Ire-reject niya kaya ako? Ano ba naman ito. Para namang nag-confesse ako nito. Bakit kasi ang daldal ko? “Alam mo naman pala.” Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. K-kasi… NGUMITI SIYA! NGUMITI SI JAMES DELA CRUZ! OMG LANG. NGUMITI SIYA HABANG NAKATINGIN SA 'KIN. Kinikilig ako! Ramdam kong sobrang pula na ng buong mukha at tainga ko. Bakit kasi ganyan ka James. Ewan ko ba pero parang ang simple lang naman ng ginawa niya, sobrang kinikilig na ako. Never ko pa talagang naranasan kay Renz 'to. Kasi kung si Renz ang gagawa niyan parang… Wala lang. Ang simple nalang ng dating sa 'kin nun. Parang kumbaga kay pick-up walang “BOOM”. Pero 'yung kay James. Mga ngiti at simpleng salita niya… BOOM NA BOOM NA! PAMATAY NA TALAGA. Ayan. Nabuo na agad ang araw ko sa sinabi ni James. Ta-tapos… Ngumiti pa siya! Doble doble na talaga ang saya ko today! “…Sunod.” Parang binuhusan ako ng isang timba nang may halong yelong tubig sa sinabi niya. Nauuna na pala siyang maglakad, 'di ko namalayan. At wow ha? Makasabi ng “sunod” daig pa ang among nag-aalaga ng aso! Kasalanan mo kaya 'to Mister James! Nagpapakilig ka, tapos bigla mo kong iiwan? Aba’y gago. “O-oo na! Hmp.” Tumakbo na ako palapit sa kanya at kumapit sa braso niya habang nakangiti. Weee! ‘Di niya tinatanggal. Cassandra’s POV Andito ako ngayon sa bahay namin. Wala nga si loves ko ngayon eh. Ewan ko lang kay author kung bakit binigyan niya ako ng pagkakataon na magkaroon ng POV ngayon. Siguro kasi taga-narrate nalang lagi ang role ko dito? Nakakatampo ka naman author. Pero okay na rin pala! Kasi wala masyadong nangyayaring conflict between sa ‘min ng loves ko. Steady lang kami. Loyal naman kasi talaga kami sa isa’t isa eh. ‘Yung tipong… Walang exchange partners ang nagaganap? Sa ngayon kasi, medyo kampi ako sa panig ng JaFaye! Kahit sabihin nating mas best friend ko si Clarisse? Mali naman kasi talaga siya eh. Sa dami ng puwedeng ipalit niya kay James 'yung boyfriend pa ng isa sa mga barkada namin? Saka nagulat din kami nung binabatikos na si Faye raw ang nanulot ng jowaers. Kaya ayun, mas tumindi ang galit ni Faye kay Clarisse. Siyempre sino pa ba ang ibang magsasabi ng ganun diba? Si Clarisse lang naman ang maggagawa ng kuwento. Pero ewan ko sa kanila. Basta kinikilig naman ako sa JaFaye eh. Kaya siguro okay na rin ‘to. Pansin ko lang author ha. Sa book one mo pa ako pinagna-narrate ng mga nangyayari dito. ‘Yung totoo? Wala kang balak may mangyari sa ‘ming dalawa ni Denyel ko? No! Not baby ha. I mean kakaibang twist or spice naman sa relasyon namin! At heto pa pala… ‘Yung simula nung pagbabago naman ni Ynah---I mean ni YRIE, pinagsamang Ynah at Marie daw eh. ‘Yun na ‘yung simula din ng pag-iwas niya sa ‘min. Pagiging “Best b***h in town”, ika ng nakararami. Oh, and take note the FAME there. Sumikat naman siya after nun kasi kapag “b***h” nga naman ang mga usapin hindi mawawala dun ang pambu-bully diba? Ang pagsuot ng mga daring na damit? Ang pagma-make up ng bongga at ang PAGMO-MODEL. Naging model siya. Kinuha siyang model ng isang sikat na stores dito sa Pinas. Ang PRIMADONNA. Ayos diba? Model din nga yata siya ng Forever 21. Astig ‘no? ‘Yung mga dream stores ng isang babae, hinakot niya. Natuwa naman kami dahil nakuha siya. Freelance model lang naman siya. Ayun nga lang, kasabay nung pagsikat niya tuluyan na niya kaming kinalimutan. May other ^group of friends^ na nga ata siyang kinabibilangan. Sila Donnalyn Bartolome… ‘Yan, nakakasama niya ‘yan. Grabe ‘no? Sikat na kasi eh. Kinalimutan na rin kami. ‘Di rin namin ine-expect na magkakaroon siya ng lakas ng loob balikan ‘yung mga taong umapi sa kanya noong una pa lang at sumira ng buhay niya. Ang tapang na niya ngayon. Na halos lahat ata ng taong madadaan niya ay naggi-give way sa kanya. At heto pa ha, mas maraming lalaking nagkakandarapa na sa kanya ngayon. Siyempre kung ‘yung nerd pa nga lang siya,wala pa masyado, 'yung inayusan na siya dun na dumami ang mga suitors niya. Ano pa kaya ngayong sobrang ganda na niya? Na mas maayos pa siya sa maayos? Mas maganda pa siya sa mas maganda? At nagmukha na talaga siyang cool. Ano pa nga bang magagawa namin diba? Wala eh, buhay niya ‘yan. Wala kaming karapatang diktahan siya kung alin ang tama o hindi. Kung saan ba siya mas okay diba. Sana nalang, ‘di mangyari sa ‘min ng Daniel my loves ko ang tulad sa mga nangyayari sa barkada namin ngayon. Sana na nga forever na kami ng loves ko at hindi mahabag si author at ‘di maging hyper na ‘yung tipong gustong pinahihirapan lahat ng characters. Clarisse’s POV “…Istick naman. ‘Wag ka nang bumusangot diyan oh.” Ayan na naman ang famous deadly pout ni Renz. Ano pa nga bang bago diba? “Hayst.” “Hayaan mo nalang kasi sila. Smile ka lang kasi Istick ko.” “How can I? Ang hirap ngumiti sa ganitong sitwasyon.” “Ako nga nakakapag-pout pa sa ganitong sitwasyon eh. ” “Bakit. Sinabi ko bang mag pout ka?" Hindi nakausap si Renz. 'Wag lang siyang magpa-cute ngayon dahil wala talaga ako sa mood. Ngayong maraming nambabatikos sa ‘kin? Sa amin ni Renz? Psh. Life’s unfair. Ano bang ginawa ko para ganyanin nila ako diba? Okay. Six months have passed… Ganito pa rin. Wala naman yatang bago sa ‘min ni Renz. Nililigawan niya kasi ako. Simula nun nagkagulo-gulo na. ‘Yung nagkakaroon na ng undecided feelings. Confused na ako… Hanggang ngayon nililigawan pa rin naman niya ako. Oo, hindi ko pa siya sinasagot. Ewan ba. Medyo naco-confuse pa talaga ako ngayon. Yup, for almost six months naco-confuse pa rin ako talaga sa tunay na nararamdaman ko. Ewan ha, pero medyo… hindi pa yata talaga ako sure kay Renz? Bakit? Ay ewan! Siguro kasi… Nakikita kong masaya si Faye? Kay James? At si James? Masaya din siguro kay Faye? Malay ko sa kanya. Daig pa niya si Kristen Stewart sa pag-produce ng emoticons niya sa totoong buhay eh. Magulo na kung magulo. Pero para kasing… hindi ko pa pala talaga kayang i-let go si James. Aaminin ko nasasaktan pa ako kapag nakikita ko silang magkasama lagi ni Faye. Lalo na kapag get together ng barkada? Sila lagi ‘yung naho-hot seat. Taeng ‘yan! Naiinggit ako. Nai-insecure ako nang hindi naman dapat. Ano bang mayroon kay Faye? Bakit simula sa una siya pa rin talaga ang karibal ko? Kaya totoo ang bali-balita na pinalalabas ko ngang si Faye ang nanulot kay James ko. Kasi nga hindi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko kay Renz eh? Infatuation lang ata ‘to. Hay ewan! ‘Di ko talaga alam. Alam naman ni Renz ‘yun. Pero wala raw eh. Sadyang na-develop na raw talaga ang feelings niya sa ‘kin… Hahantayin niya raw ako sabi niya. Dapat lang naman yata eh? Kasi if you really love that person kahit anong mangyari hahantayin mo siya… Sana na nga lang maantay niya ako. Lalo’t ngayong hirap ako mag-move on kay James. Tanga na kung tanga dahil ako na nga ‘tong nakipag-break, ako pa rin ‘tong nahihirapan sa mga nangyayari. Siguro nga masaya na silang dalawa ni Faye. Ang saya nalang nila laging tignan. Sila nga ba talaga ang para sa isa’t isa? Oh please, sana magkaroon ng chance na magkabalikan kami. Ito ang hindi alam ni Renz. Na umaasa pa rin akong magkabalikan kami ni James. Ang alam niya lang naman ay ‘yung nahihirapan pa ako mag-move on, ayun lang ‘yun. Pero my feelings for James? It never fades. Mahal na mahal ko talaga si James dahil siya ang una ko at alam kong ako rin naman ang una niya. So bakit ko sasayangin ang pagkakataong una na nga namin ang isa’t-isa, pakakawalan pa namin ang isa’t isa? Pero wala eh, ako ‘tong si tangang hiniwalayan siya… Iniwan siya. Oo, sising-sisi na ako ngayon. Sising-sisi ako na iniwan ko siya at sa Faye na ‘yun pa siya napunta. Ang tanga din nitong si Faye eh. Nasa ‘kin na nga ‘yung jowa niya pinatos naman niya ‘yung jowa ko, I mean, 'yung ex ko. Parang unfair diba? Ang daming lalaki diyan pero bakit ‘yung ex ko pa? ‘Yung basura ko’t isinuka ko na? May pagkamalandi pala siya. Buti nalang ‘di ganyan si Ynah… Ah, si Yrie pala. Medyo okay na rin naman yata ang pagbabago ni Yrie eh. Sumikat pa nga siya tapos nagmo-model na siya. Gandang career nga eh. Pero ewan ko lang dito sa barkada kung bakit parang ayaw nila ng mundong ginagalawan ngayon ni Yrie. Samantalang ako, medyo bet ko naman. 'Yan si Yrie, may pagka-bad girl. Nailalabas niya ngayon ang dati niyang kulo. And I’m happy for her dahil nakalabas na siya sa kanyang comfort zone. “Heto drumstick, Istick. Pampalamig ng ulo mo!” Abot sa ‘kin ni Renz ng drumstick. Wow, okay to! Pero asan ang fries? Ginawang sundae raw ba. Kinuha ko iyon, “Thank you, Baboy.” Biglang ngumiti si Renz, “Nasa mood na uli ang istick ko oh! Sorry kanina ah. Nag-alala lang naman ako sa ‘yo eh. Pero kahit ganyan ka istick ko, mahal na mahal kita.” Pinisil ko nalang ang cheeks niya. Kahit kailan talaga ang baboy na ‘to. Binuksan ko nalang ang drumstick ko. Siguro nga sadyang nalilito lang ako sa mga bagay-bagay ngayon. Pero… Seryoso ako dun sa sinabi kong mahal ko pa si James. At mas lalong namuo ang galit ko kay Faye dahil siya lang ang nakakaganyan kay James. Balitang-balita ang kasikatan ng couple na yun sa campus namin na ‘yung babae raw tipong Amazona type tapos si lalaki naman daw ay Mysterious type. Duh, ang corny naman nila. Hindi ba nila naisip dati ang couple namin? Na hyper plus masungit equals perfect? If I could only turn back time. May space naman si Renz dito sa puso ko eh. Medyo malawak pa nga lang ang sakop ni James. ‘Di ko rin ba alam kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko dati dito kay Renz pati ang paghiwalay ko kay James. **FLASHBACK** Kasama ko ngayon si James dito sa bleechers ng gym. Kailangan ko na siya tapatin ngayon. Gusto ko nang hiwalayan na siya. Wala na rin naman eh, lagi nalang siyang ganyan. Anong mapapala ko pa kung ganyan siya ng ganyan? Walang improvement. Always nganga. Bumababa ang hyper level ko pag lagi ko siyang kasama. Malamang, lagi akong nahahawa sa mood niya kahit hindi naman dapat. Ako ‘to, si Clarisse Reyes. Babaeng hyper at laging nasa mood. Pero anyare na? Tanging si James lang ang dahilan kung bakit nagiging masungit na rin ako. “James, ayoko na.” ‘Di siya nagsalita kaya ako na ang nauna magsalita. Nakatingin pa rin siya ng deretso dun sa court. May training kasi sila ngayon, in-excuse ko lang siya saglit para makipaghiwalay na. “Wala nang sparks. Lagi nalang gan’to.” But still, ganun pa rin siya. “Ano pa nga bang bago? Lagi kang ganyan, wala nang improvement. Sistemang nganga cycle tayo.” “Sistema na, cycle pa.” ABA’Y BULLSHIT! NAMBARA PA! ITO? ITO BA TALAGA ANG LALAKING PARA SA ‘KIN? TANG INANG ‘YAN. “ANG AYOS MO TALAGANG KAUSAP ‘NO? ALAM MO 'DI NA KITA MAINTINDIHAN PA EH! ALAM MO RIN BA KUNG BAKIT NANGYAYARI SA ‘TIN NGAYON? BECAUSE OF YOU! OO! SA ‘YO KO BINUBUNTON ANG SISI! KUNG ‘DI NAMAN TALAGA DAHIL SA ‘YO AT KUNG ‘DI KA GANYAN ‘DI MANGYAYARI SA ‘TIN ‘TO EH! DAHIL SA ‘YO RIN KAYA AKO NAGBAGO! NAKAKASAWA NA ‘YANG UGALI MO! NAKAKASAWA KA NANG KASAMA! LAGI KANG TAHIMIK! MISTERYOSO PALAGI! ‘DI MARUNONG MAG-OPEN SA ‘KIN NATURINGANG GIRLFRIEND MO AKO. ‘YAN BA TALAGA ANG RESPONSIBILIDAD MO SA ‘KIN? ‘YAN BA?” Halos mapatayo na ako dito sa sobrang galit. Hindi pa rin niya ako tinitignan. Wala, ganun pa rin siya, nakaupo lang. “'Di ka magsasawa sa ‘kin, sabi mo.” TANG INA DIBA? ANG DAMI-DAMI KONG PINAGSASABI ‘YAN LANG ANG TANGING NAISAGOT NIYA? “Ang gago mo talaga kahit kailan! SA DAMI-DAMI NG PINAGSASABI KO SA ‘YO, MAS MAIKLI PA SA BANGS NI DORA ANG SAGOT MO! WALA PANG KAAURA-AURA AT KADATING DATING! GRABE NAMAN! MAHIYA KA NAMAN SA MGA SINASABI KO! AKO ‘TONG TODO EFFORT NAGSASABI AT NAGEEXPRESS KUNG ANO TALAGANG GUSTO KONG SABIHIN SA ‘YO, TAPOS GANYAN KA LANG?! BULLSHIT!” “Gan’to eh.” “EH PUTANG INA MO PALA EHA! PAKYU 100 TIMES, AMES! ANG MANHID MANHID MO KAHIT KAILAN! *huk* NASASAKTAN NA AKO NG SOBRA PERO GANYAN KA PA RIN? LANGYA. ‘DI MO AKO INA-APPRECIATE. ‘DI MO INA-APPRECIATE ANG EFFORTS KO PARA SA ‘YO! ANG DAMI NG MGA PINAGSASABI KO WALA LANG SA ‘YO! SANA PALA NUNG UNA PA LANG, NADALA NA AKO! ALAM KO NANG AABOT TAYO SA GAN’TO! *sobs*” “Sumbat.” Halos umusok ang tainga ko sa sagot niya, “TANG INA JAMES. AYOKO NA! MAGHIWALAY NALANG TALAGA TAYO. IYO NA ‘YANG PAGKANDATIPID-TIPID MONG REPLY! GAGO KA KAHIT KAILAN! WALANG WALA TALAGANG MAKAKAINTINDI SA ‘YO!” “Si Faye.” AH! SO SINASABI NIYANG SI FAYE ANG NAKAKAINTINDI SA KANYA? SO WHAT! “EDI MAGSAMA PA KAYO NG MALANDING BABAENG ‘YUN! TUTAL PAREHO NAMAN KAYONG MALANDI! BAGAY KAYO, SWEAR! CONGRATS AT NAIINTINDIHAN KA NIYA AH? YOU SHOULD THANK HER ALSO! KASI MAY GANUNG MALANDING BABAE PA ANG IINTINDI SA ‘YO!” “Sino kaya mas malandi sa'nyong dalawa.” *PAAAAK!* Walang anu-ano'y, sinampal ko siya. Ang kapal ng mukha niyang ikumpara ako sa babaeng ‘yun. Alam kong balak niyang iparating dun na mas malandi ako. Leche! Bagay talaga silang dalawa. Mamatay na sana sila! Puta. “TANG INA MO! NAGSISISI AKONG SINAGOT PA KITA!” At umalis na ako. Tumakbo na ako papalayo sa kanya. At grabe hindi man lang niya talaga ako hinabol? Fudge. Ganyan ba talaga siya sa ‘kin? Hahayaan niya nalang talaga kaming maghiwalay? Sabi na eh. Matagal pa lang gusto na niya akong hiwalayan. Hinahantay niya lang na ako ang magyaya. Leche siya! Nakakuha pa tuloy kami ng atensyon ng ibang tao. Pa’no ba naman kulang nalang kanina ay kumuha sila ng 3D glasses at tig-iisang bucket size ng popcorn. Bwusit sila! Pumunta nalang ako kay Renz. Si Renz lang ang tanging kakampi ko ngayon, at iintindi sa ‘kin. Siya lang talaga. Sana… Siya nalang para sa ‘kin. **END OF FLASHBACK** Oo, alam kong naging mean ako ng mga oras at panahon na ‘yan. Pero sobra ko naman talagang pinagsisisihan ‘yung mga pinagsasabi ko sa kanya nun eh. It’s not my intention to offend him nor made a scandal. Worthless scandal. ‘Di ko talaga gusto ang mga nangyari. For sure wala lang ako sa sarili nung mga oras na ‘yun. Tapos… sobra pa akong naiinis talaga kay Faye. Kailangan ba sa ‘kin lang ibunton lahat ng sisi? Si James din naman dapat sisihin diba. ‘Di naman ako magkakaganito kung hindi siya ganun eh. Si Faye din, dapat sisihin. Bakit kasi si James pa pinatulan niya? Yes, alam kong may kasalanan ako dito dahil nahulog ako kay Renz at siyang sumalo rin naman sa ‘kin. Kung magmo-move on siya, hahanap siya ng kapalit, bakit ‘yung ex pa ng bagong nilalandi ngayon ng ex niya? Bakit ganun diba? Si Renz naman din kasi, na-in love na ako sa kanya. Wala na tayong magagawa dun. “…Kanina pa ako usap ng usap dito. Ang lalim naman ata ng iniisip mo, Istick.” Ay, nandito pa nga pala si Renz. At kanina pa nga yata siya usap ng usap diyan? Hm. “Ay, sorry naman.” “Sila Faye pa ba ang iniisip mo? Hayaan mo na sila. Mukhang masaya na rin naman sila sa buhay nila ngayon. Wala na tayong pakielam pa sa kanila. ‘Wag mo masyadong istress ang sarili---“ “'Di ganun kadali ‘yun.” “Tayo na ‘yung lumayo sa kanila diba? Tayo ‘yung gumawa ng paraan para tayong dalawa ang magsama. Hayaan na natin sila Istick---“ “'DI NGA SABI GANUN KADALI ‘YON EH!” Napatigil siya. Nabatid na niya atang wala na naman ako sa mood. “Ano pala dapat?” “Ewan ko.” “Dapat alam mo?” “'Di ko alam, wala kang magagawa dun.” “May magagawa---“ “I SAID I DON’T FUCKIN KNOW!” Saglit siyang napatahamik, dead air. “Bakit ka ba ganyan?” “Ano ba ako?!” “Iba ka na.” Shit. Ako pa daw ‘tong nag-iba? Diba dapat pag ‘yung mga ganyang tanong babanat siya sa ‘kin? O kaya naman babarahin niya ako. Pero bakit ganyan? Parang ang lamig niya yata? “Ano na pala ako?” “Hindi na ikaw ‘yung dating Clarisse Reyes. ‘Di na ikaw ‘yung Istick ko.” I sighed, “Ano na naman bang kadramahan ‘yan Renz?” “'Di ako nagdadrama, seryoso. Ibang iba ka na.” Napatingin na ako sa kanya… Nakatingin din naman kasi siya sa ‘kin. Deretso ang tingin, “'Di na ikaw ‘yung dating Clarisse na sobrang hyper. Mas malamig ka pa sa frozen ice. Ang moody mo na. Napapadalas na pagiging bipolar mo.” Seryoso ba siya? ‘Di ko siya maintindihan. “'Di kita maintindihan, Renz.” “Tamo, pati ‘yung mga pinagsasabi ko ngayon hindi mo na rin maintindihan.” “Mahal mo ba talaga ako?” dagdag pa niya. Ano bang klaseng tanong ‘yan? “O-oo naman. Alam mo naman ‘yan eh.” “Bakit ‘di mo pa ako sagutin?” Nagmamadali ba siya? Napunta na naman sa ganitong usapin. “Kasi hindi pa ako nakakam-move on! Renz naman! Alam mo naman siguro kung bakit diba?” “Sa loob ng magpipitong buwan? 'Di ka pa moved on? Kailan matatapos ‘yang moving on mo?” Wait! Ano naman balak niyang parating ngayon? Sa katunayan nao-offend na ako ah. “K-kung kailan w-wala na ‘yung sakit… ‘Yung pain! Na nararamdaman ko everytime na makikita ko siya.” “Parang ang tagal naman.” “Tss. ‘Di ko naman kasi sinabing maghintay ka sa ‘kin Renz. E ano kung matagal? Wala ka nang magagawa pa dun! Kung gusto mo kong sukuan, then go! Leave me!” “'Di naman kasi sa ganun, Clarisse. Hay.” “E ano lang pala? Psh.” “Nagtataka lang ako kung bakit naging ganyan ka sa ‘kin. Naging cold ka, masungit at bipolar. Nung dati okay naman pakikitungo mo sa ‘kin ah. Lalo pa nung may namamagitan pa sa inyo ni James nung panahon na ‘yun? Ang sweet pa nga natin nun. Pero bakit kasi ngayon iba na? Iba na dating mo sa ‘kin?” Ako pa rin naman ‘to ah, ang Clarisse Reyes na nakilala niyo. Ano pang inaarte niya? Tsk. “Ano bang gusto mong mangyari?” “Makapag-move on.” Deretso kong sabi. “Tinutulungan naman kita diyan ah. Pero bakit parang wala namang improvement?” ANONG IMPROVEMENT NAMAN PINAGSASABI NIYA NGAYON? “Ha? Ewan ko.” “Haaay.” “Ang gulo mo Renz!” “Ikaw ang magulo, Clarisse---“ “AT AKO PA NGAYON ANG MAGULO? HA? SABIHIN MO NGA KUNG P'ANO AKO NAGING MAGULO?” “'Di ko rin alam. Alam mo dapat sa sarili mo ‘yan.” “Aba naman Renz! Tignan mo nga, ikaw mas magulo sa ating dalawa." “Haaay.” “Sigh naman ng sigh ‘to. Tss!” ‘Di siya umimik. Ano? Anong bagong drama niya? Nakaka-bad trip na ah. Tumayo siya at nagpagpag ng pwet niya. “Alis na ako.” “Saan ka pupunta? Iiwan mo lang ako dito, ganun?” Still nakatalikod pa rin siya sa ‘kin. “Lumapit ka nalang sa ‘kin kung sakaling alam mo na ang sagot at nakapili ka na ng pinaka final na desisyon mo.” At umalis na siya. Anong ibig sabihin niya? Iniwanan nga ako?! Sino kaya mas magulo saming dalawa? Sino kaya mas malabo sa ‘ming dalawa? Siya ang mahirap intindihin! Hindi ako! Tss. Renz’s POV Tang inang buhay ‘to oh. Ang gulo! Gumulo na talaga. Umalis na ako. Iniwanan ko na siya. Sinadya ko ‘yun para sakaling mapag-isipan niya kung ano talaga ang dapat niyang gawin. Siguro nga talagang naguguluhan siya sa mga nangyayari ngayon. Pero nandito naman ako lagi para sa kanya ah. Pinapadali ko lang mga bagay sa kanya pero siya lang din ang nagpapahirap at nagpapagulo pa lalo. Mahal pa ba niya talaga si James? Ako kasi sigurado na naman ako sa nararamdaman ko, na mas mahal ko nga siya kaysa kay Fe. ‘Di naman ako hahanap ng iba kung wala ng mas hihigit pa sa kanya diba? ‘Di ko naman mamahalin ng gan’to si Clarisse kung wala nang mas humigit pa talaga kay Faye. Saka ko lang napagtanto na ‘di lang pala siya ang babae dito sa mundo. Kaya ko nga natagpuan ‘tong Istick ko eh… Siguro nga talaga hindi yata kami ang para sa isa’t isa. Pero namimiss ko na rin siya. Kaya ko namang kontrolin ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Kung mamahalin din sana ako ni Clarisse gaya ng pagmamahal ko sa kanya hindi ako magkakagan’to. ‘Di ako makakaramdam ng labis na pagkalubay sa sarili. Balon. Saan kaya ako puwedeng pumunta ngayon? Ayoko na naman din kasing bumuntot ng bumuntot kay Clarisse. Nasasabihan na nga ako ng iba na parang akong sunud-sunuran sa kanya. Eh sa kung wala akong magagawa, mahal ko si Clarisse. At hindi ibig sabihin na babaero ako dati ay bumalik ako sa ganun. Nakahanap lang talaga siguro ako ng mas better pa kaysa kay Faye. Makauwi nalang. Oo, tama. Kanino pa ba ako pwedeng pumunta? Sa barkada? Wala na rin naman, hindi na ako close sa kanila. Tanging si Zayn lang naman ang barkadang lalaking ka-close ko eh, pero wala na siya... Wala na si pre. Kahit ako ‘di makapaniwala… Na wala na ‘yung best friend ko. ‘Yung kababata ko. Parang ang bilis naman kasi diba? Ang bilis ng mga pangyayari. Na wala na siya. Mapapatay ko talaga ‘yung naka hit and run sa kanya. “S’an ka pupunta?” Tanong ng guard. “Baka papasok uli ako sa school na ‘to kaya palabas ako, ano po?” Napakamot nalang siya ng ulo. Pasalamat siya nasa mood pa kong barahin siya. “Eh magcu-cutting po kayo, kasalukuyang closed gates ngayon dahil may seminar sa gym at required lahat ng college students na um-attend d'on.” “Basta. Sulat mo nalang pangalan ko diyan, emergency lang.” Sinulat niya nga sa records niya ang pangalan ko, uto-uto naman. “I.D mo...” “Isu-surrender pa ba?” “Hindi. Baka titignan ko lang yung mukha niyo, ano po?” Aba! Nambara si kuya guard, “Ang corny. Oh heto na, alam ko namang guwapo ako kaya kahit kayo may pagnanasa na rin sa ‘kin.” Inirapan niya nalang ako. See? Umalis na ako. Makapag-isa nalang muna. Naglakad-lakad nalang muna ako dito. Saan ba puwedeng pumunta? “Hi baby boy. You alone?” Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Sabi na nga ba… “Alone together. Ano na naman bang kailangan mo Sam?” naalala ko lang yung kanta ng Fall Out Boy ba 'yun. “Wala naman. Hihi. Nakita lang kitang mag isa dito so I approached you. Ano bang masama?” “Wala.” “Cute as ever, hunnie. So kamusta ka na?” “Lagi namang okay, malamang.” “Eh yung… Amo mo? Kamusta na? ‘Di mo ata siya kasama ngayon ah.” Amo talaga ang tawag niya kay Clarisse Istick ko. Siguro nahalata niya ring sunud-sunuran ako dun, pero wala naman akong pakielam. “Paki mo ba?” Umupo ako dun sa bench at tumabi na rin siya sa ‘kin. Wala na rin naman siguro magseselos o magagalit, “Mahal ka ba talaga nun, Renz?” Napatingin ako deretso sa kanya. Nag-iba kasi bigla yung boses niya. ‘Yung tipong biglang naging seryoso. “Oo. Bakit?” “’Yun pala yung pinagpalit mo kay Faye. Pfft.” “Oh ano?” “Alam mo kasi, medyo na-challenge na ako sa Faye na ‘yan. Kasi siya lang talaga ang naging babae mo na nilabanan ang first love mo? Chickboy ka, alam ng karamihan ‘yan. Nung ‘di mo pa nakikilala ‘yang Faye ni isa walang nagtangkang sugurin ako. Siyempre that time lagi naman kitang nilalandi. Ibibigay ko na dapat talaga ikaw kay Faye. Okay na… Pero, I was shocked! Na may bago ka nang ka-fling? And… It’s like, sunud-sunuran ka lang sa kanya?” “Ano balak mong iparating?” She chuckled, “Simple lang… ‘Di muna uli kita isusuko? Since wala na rin naman si Faye and… Wala na rin naman siguro siyang pakielam sa ‘tin kung nilalandi kita, right?” Napatingin ako sa kanya. At siya naman, nakangiti lang talaga, “Alam mo naman baby Renz… ‘Di ako basta basta sumusuko. ‘Di ko basta-basta gini-give up ang mga bagay lalo pa’t walang ka-challenge-challenge? Na-uh. Lalo na’t ngayon? Wala naman atang pakielam sa ‘yo ang Clarisse na ‘yan. So why wasting your time to her?” “Mahal ko ‘yun, ‘wag ka ngang ganyan.” “Tss. Poor Renz baby. Mahal ka nga rin ba talaga niya?” “Oo. Mahal na mahal namin ang isa’t isa---“ “Psh! ‘Di ka naman nakakasiguro na mahal ka nun eh! Tamo nga, dinaig mo pa si bantay kung maging sunud-sunuran dun!” Tumayo ako. Nakakainis na ‘yang mga pinagsasabi niya. “Wala akong pakielam kung ano pa mang sasabihin mo. Alis na ako…” Paalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko, “Aagawin kita sa kanya…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD