Chapter 3.
Paulo's POV
"Kuya, ano? Tara dota! Kaurat dito sa bahay." Pag-aayaya sa akin ni Patrick.
"Edi puntahan mo si Shaina. Nakakatamad na kayang magdota."
Tinignan niya ako, "Seryoso ka ba diyan?"
"Oo. Mukha ba akong nagbibiro?"
"Diyan sa sinabi mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit mo kasi ako niyaya, imbis na puntahan mo nalang si Shai---"
"Hindi 'yun. 'Yung isa pang sinabi mo."
"Ang alin?"
"'Yung a-ano may dota!"
"Oh ano dun?"
"Talagang nanggaling sa 'yo yan ah? Seryoso ka ba talaga?"
"Na nakakatamad na ang magdota? Oo, seryoso ako dun. Totoo naman, diba?"
"Ayy nako. Parang dati lang kinaaadikan mo 'yang pagdodota ah. 'Yan din ang isa sa mga instrumento mo ng pagmo-move on tapos nila-lang at kinatatamaran mo nalang yan? Ibang klase ka 'tol!"
Wala eh. Naka-move on na rin naman ako kaya hindi na kailangan pa ng ganyan. Totoo namang nakakabored na 'yan. Maski ang LOL, SF at Counterstrike. Saka may mga pinagkakaabalahan na rin ako sa buhay ko, nagtatrabaho na ako diba? Bakit pa ako maglalaro ng ganun e pambata nalang naman 'yun.
"Matanda na ako tol. 'Di ko na kailangan pagaksayahan ang oras ko sa mga ganyan. Larong pambata na lang 'yan eh."
Napalaki naman bigla ang mga mata ni Patrick, "Forgive him Lord... For he don't know what he's saying." para siyang nananalangin.
Binatukan ko nga, "Kumag. Lesson learned lang. Totoo naman kasi. Hindi ka pa makapaniwala diyan ah."
"Nagugulat lang ako... Tuluyan mo na bang tinatalikuran ang Dota?"
Napangiti ako sa kawalan, "Madaling talikuran ang nakasanayan kapag may pinagkakabalahan." Tinapik ko ang balikat niya at umalis na. Hashtag, hugot101.
Aalis din naman talaga ako ngayon. Nakakatamad dito sa bahay. Makapunta nalang sa Don Antonio Café. Iinisin ko lang si waitress Cath dun, for sure mababanas na naman siya sa presensya ko. Araw araw kasi lagi na ako pumupunta dun, tumatambay pa nga ako dun eh. Tunay namang masasarap ang mga pagkain dun. Minsan lang nagpaparinig ako na hindi masarap kapag andun si Cath. Nakakatuwa kasi siyang maasar.
Palabas na sana ako ng bahay nang biglang...
"Hoy, kuya! Sandali lang!" Napalingon ako sa likod. Hinabol pa ako ng batang 'to eh.
"Oh bakit?"
"Saan ka na naman ba pupunta? Iiwanan mo na naman akong mag-isa dito?"
Lumingon ako sa kaliwa't kanan ng likuran niya, "'Di ka sumama sa California tapos magrereklamo ka diyang wala kang kasama? Si Ynah, alam mo naman 'yun... Kung saan-saan nagpupupunta 'yun. O baka nga may pagmo-model-an na naman 'yun. Tsk, ewan ba."
"Hay nako. Ayoko namang sumama kila Mama 'no. Anong akala mo sa akin? Iiwanan dito ang Shasha ko? Over my mouth wattering body."
Nagbigay nalang ako ng ekspresyon na parang sinasabing, "Nge" sa kanya. Nagpapakapal na naman ang mukha nito eh, "Manahimik ka. Sige na, aalis na ako."
"Ano ba yan, Kuya! 'Di ka na nga nakipaglaro ng Dota sa akin, iiwan mo pa ako dito."
"Edi makipagdate ka nga kay Shaina. Dami nitong inaarte."
"Busy naman 'yun eh. May pinapagawa yata sa kanya si Dad."
"Huh? Ano naman siguro papagawain sa kanya ni Papa? Pwede namang sa atin nalang---"
"Tanga! Si Tito Josh. "
"Wow ah. Dad talaga. Aba, hindi ko na problema 'yan."
"Sus naman kuya oh."
"Oo na sige na, aalis na ako."
"Teka nga, saan ka ba kasi pupunta? Bakit parang nagmamadali ka? Makikipag-date ka ba sa waitress na 'yun?"
"'Wag mo siyang minamaliit, hindi lang basta waitress 'yun. Marangal ang trabaho niya."
"Pft! O talaga? M.U ba kayo nun? Dating? Nililigawan mo? Anong stage niyo na pala?"
"Wala... None of the above. Puwede ba Pat, paalisin mo na ako. Hina-hot seat mo pa akong kumag ka."
"Tss. Sama na lang ako, Kuya."
"Magtigil ka. Gulo mo kasama. Aalis na ako, sige..."
Iniwan ko na siya. Ang kulit ng batang ito eh.
"Hoy, kuya! Saglit!"
Tinuloy-tuloy ko nalang ang paglalakad ko palabas. Bahala siya diyan, basta pupunta ako ngayon sa DA.
Ini-start ko na ang motor ko... Tinatamad akong mag-commute, pera ko lang itong pangkain dun.
"...Kuya! Sabi nang teka eh! *pant*" Paanong nakahabol nang mabilisan ang lalaking 'to? "...Sama ako! Nagpalit lang ako ng pantaas. Dali na, isama mo na ako."
"Kakain lang ako, 'wag ka nang sumama."
"Sama ako sa pagkain mo!"
"Para ka talagang buntot, Patrick. O heto, sinkwenta pesos, ipang-Dota mo nalang." Inabutan ko siya ng sinkwenta pesos.
Tinignan niya lang ang sinkwenta pesos na hawak ko, "Aba Kuya ah. Parang dati lang kasama kita sa pambuburaot para lang sa Dota tapos ngayon ako nalang ginaganyan mo ah. Nakakawalang gana kayang tanggapin."
"Kung ayaw mo, 'wag ka nang manggulo. Paalisin mo na ako."
"E sama nga ako Kuya eh. May dala naman akong pera dito, magmemeryenda na rin ako."
Nakupo, nakahanap na ng rason. Sige lang Pao, isip pa ng maipapalusot.
"'Wag mong sabihing sasakay ka rin sa motor ko? Mafa-flat gulong nito."
"Hoy kuya, 'wag ka ngang O.A. diyan! Daig ko pa ba si Dabyana para sumakay diyan sa motor mo?"
"Eh... Ayoko. Alis na, shoo!"
Binatukan ako ni Patrick, "Kuya naman eh! 'Wag namang ganyanan... Dali na! Gusto ko lang din makita 'yang Catherine mo."
"Tanga, nakita mo na 'to dati pa. Ano? Sisilay ka uli sa kanya? 'Oy ah. Isumbong kita kay Shaina diyan, at saka hindi kayo talo nito. Mas matanda 'yun sa 'yo kaya sa tingin mo ba papatulan ka n'on?---"
"ABA NAMAN KUYA. IYO NA 'YANG WAITRESS MO! SASAMA LANG KASI TAPOS BIGLANG NAPUNTA SA SILAY SILAY NA 'YAN? ASA NAMAN. LOYAL 'TO KAY SHAINA KO 'NO!"
Natawa nalang ako sa kanya. Ang kulit masiyado, no choice... "O'na. Para namang hindi 'to mabiro. O lika na, baka umiyak ka pa diyan. O..." Abot ng helmet sa kanya.
Patrick's POV
Hindi nalang ako nag-react pa at baka bigla akong iwan sa gitna ng Edsa nitong kuya Pao na 'to. Siguro in love lang talaga 'to at pati Dota ay tinalikuran na para sa waitress na 'yun.
Hindi ko naman talaga alam kung sila na nung waitress na 'yun o pinopormahan niya lang eh, hehe. May maiasar lang. Pero nakakapanibago rin 'tong kapatid ko eh, dati lang masasabi kong matino naman siya. Pero mukhang mas matino na siya ngayon. Nakakainis lang, wala na akong kalaro sa dota.
Araw-araw umaalis si Kuya kahit wala siyang pasok. At napag-alaman naman naming dun nga siya pumupunta sa café shop na 'yun kung saan nagtatrabaho ang waitress na pinupuntahan niya. Hm, ano kayang meron sa babaeng 'yun at mukhang natalbugan si Irish? Maganda rin kaya siguro 'yun? Medyo nalimutan ko na kasi ang hitsura niya.
Si Ate naman, hindi na namin nakakausap nang matino. Kung saan saan na lang lagi siya pumupunta, hindi pa niya sinasabi samin kung saan siya pumupunta. One time nga, pinasundan namin 'yun nung tanghaling tapat. Napag-alaman naming pumunta siya sa pinakamalapit na Padi's point. Minsan naman kung saan-saang condo at bar pumupunta 'yun para lang makiparty-party kasama ang mga kaklase niya. Grabe nga eh, nagsimula siyang maging ganyan after three months nung pagkawala ni Kuya Zayn, tatlong buwan na rin niyang ginagawa 'yan. Isasama sana nila Mama 'yan sa California e kaso 'yun pa 'yung mga panahon na hindi pa siya ganun nakaka-move on sa mga nangyari. 'Yung palaging tuliro, laging nagmumukmok at laging umiiyak sa isang tabi habang hawak ang picture ni Kuya Zayn, ganun ba... Mas hindi siya makausap nang maayos dati kaysa ngayon. Kapag kinakausap mo 'yan dati titingnan ka lang niyan sabay iiyak at magkukwento na naman tungkol kay kuya Zayn. Ngayon naman kapag kakausapin mo siya karaniwang ekspresyon na niya, "Dafuq yah want?" Lagi na siyang nagmumura ngayon hindi tulad nung dati. Simpleng TANGA lang, parang sobra na siyang nagsisisi sa nasabi niya.
Magkausap pa kami niyan last last week...
**FLASHBACK**
"Ate, bakit naging ganyan ka na?" Tinaasan niya lang ako ng kilay, "...Ayan, ganyan ka na."
"Anong mali sa akin?"
"'Di ka na makausap nang matino." Nakatingin pa rin siya sa 'kin hanggang ngayon, "...Ingles ka na rin nang Ingles."
"...Isang tanong isang sagot ka na rin."
"...Halatang hindi ka na interesado sa mga bagay-bagay."
"...At higit sa lahat, mura ka na nang mura."
"So?" Ang tanging nasagot niya, "Sawa na akong magmahal." Napakurap ako nang ilang beses sa sinabi niya. Dinugtungan pala niya ng hugot 'yung sinabi ko.
"Hindi ba parang nakakapanibago para sa amin 'yun?"
"Kayo lang naman ang naninibago. Ano naman?"
"Hay nako Ate, ang taray mo na."
"'De ah."
"Paano naman sasaya si kuya Zayn niyan kung magiging ganyan ka sa amin?"
"Fuck." She hissed. Hala, lagot na. Nabanggit ko nga pala ang pangalan ni Kuya Zayn. Lagot na.
"...How come at napunta na naman si Zayn sa usapin na 'to?"
"...Hell you care kung ganito ako? Sabi niyo, mag-move on ako. Well, I'm in progress. Ano pang gusto mo? Niyo? Sinusubukan ko na... Ginagawa ko na! Tapos 'yan na naman kayo sa pagpapamukha sa 'kin sa kanya?"
"Hindi naman sa ganun---"
"Just fuckin' shut up, Aaron! Ang hirap sa inyo hindi malaman kung ano talagang gusto niyo. Puwede ba! Wala na nga ako sa mood kanina pa mas lalo mo pang pinalala ang pagkawala ko sa mood!"
"Lagi ka na rin namang wala sa mood eh."
"Bullshit! Paano naman ako magkakaron ng napaka-productive na araw kung 'yang mga paghihitsura ninyo ang laging sumasalubong sa akin? Nakakaumay kayo, promise! Lubayan niyo nga ako, mga putres." Sabay alis niya.
Grabe diba. Ayaw na ayaw na rin niyang tinatawag siyang Ynah... Yrie na raw dapat. Yrie raw dapat ang itawag sa kanya. 'Yun na siya eh. Kung magmo-move on daw, lahat daw talaga mababago. Ate, kung alam mo lang na para sa 'yo rin 'yan...
**END OF FLASHBACK**
Kaya kahit kaming mga kapatid niya, nagkakaroon na rin ng alanganin kung kakausapin ba namin siya. Dahil ganyan na rin naman 'yung pagtrato niya sa amin. Ano pang sense kung magpapaka-nice pa kami diba? Parang hindi na nga talaga siya namin kilala eh. Sana lang talaga bumalik na siya sa dati... Siguro nga hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Kuya Zayn.
Sa kaka-day dreaming ko, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa DA. Medyo malayo-layo rin pala 'to, tinatiyagang puntahan lagi ni Kuya 'to para lang makasilay.
"Baba na." Inabot ko na rin kay Kuya ang helmet at inayos na ang sarili. Inayos na rin niya ang motor at naglakad na papasok.
"Ganda pala dito..."
"*Ehem* Ignorante alert."
Sinamaan ko nga ng tingin si Kuya. Yabang nito, eh kung ngayon nalang uli ba ako nakapunta dito eh. Ilang buwan na rin 'yung huli kong balik dito at saka marami ring inayos dito sa loob.
"Seats for two please."
Kaagad naman kaming umupo na. Aba't magaganda pala ang mga nagse-serve dito.
"Wala po ngayon si Catherine, Sir Paulo." Sabi nung isang waitress. Teka! May relasyon nga ba talaga 'yung Catherine na waitress na 'yun kay Kuya? So tama nga ang hinala kong 'yun lang ang habol dito ni Kuya ay 'yung waitress na 'yun. Sabi na eh!
Nakita ko namang biglang nanlumo ang mukha ni Kuya, "Nasaan siya? 'Di siya pumasok? Anong meron? Baka naman humabol pa siya maya-maya lang?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya. Aba, daig pa nito si Failon ah.
"'Di ko lang po alam kung bakit. Pinasabi niya lang sa amin na hindi siya makakapasok, personal reason na raw kasi eh."
"Ganun ba? Hay. Tawagan ko nalang siya. Sige, salamat Judy."
Tumango nalang yung babae at umalis na. Kilala na niya rin pala 'to oh? At kilala siya nito. Isa lang ang ibig sabihin niyan... Kilala nila ang isa't isa!
"Hello? ...Bakit? ...Hm, oo. ...Mga anong oras ba? ...Ah, tsk. ...Oo. ...Tsk. Ganun ba? Sige, sige. Hantayin nalang kita. ...'Di! Okay lang kaya. Bilisan mo nalang diyan. ...Oo, oo. ...Sige babye." Binaba rin naman kaagad ni Kuya ang tawag sa phone niya. Mukhang 'yung waitress na 'yun ang kausap niya.
"Oh. Ano raw, Kuya?"
"May pinuntahan pa raw kasi siyang importante pero makakahabol pa naman pala siya. Umuwi ka na."
Pinauuwi na naman ako nito. "Oh. Bakit na naman?"
"Mamaya pa siya eh, matagal-tagal pa siguro yun kaya mauna ka na. Maiinip ka lang din dito."
"Ang babaw naman! Eh, ayoko nga. Edi kakain nalang muna ako dito. Ang puwede lang bang gawin dito ay antayin ang Catherine mo? Baka nakalimutan mong kainan din 'to?"
Napakamot ng ulo si Kuya, "Sige na, sige. Um-order ka na dun. Ang order ko kahit anong burger basta may tinapay at patty. Vanilla shake din, carbonara na rin pala. Heto..." inabutan niya ako ng limagdaan. Sukli ko diyan ah, baka bulsahin mo at ipang-dota mo lang."
No choice, kinuha ko nalang. Sabihin na naman niyang ako na nga lang 'tong sumama sa kanya, ako na rin dapat 'tong um-order. Nakakabwusit talaga si Kuya ngayon.
Pumunta na ako sa counter para um-order...
Paulo's POV
"Hello?"
"Oh? Paulo? Bakit ka tumawag? Andiyan ka ba ngayon sa Don A? Wala ako diyan eh."
"Bakit?"
"Basta! Andiyan ka nga ngayon?"
"Hm, oo."
"Sabi na nga ba eh! Maya-maya pa ako makakapunta diyan eh."
"Mga anong oras ba?"
"Mga 2 PM pa siguro?" Tumingin ako sa wrist watch ko. Syet naman, 11:06 AM pa lang?
"Ah, tsk."
"Hahantayin mo ba ako diyan?"
"Oo."
"Hala, edi hanggang mamaya ka pa diyan? Kasi si Papa e hindi muna ako pinapasok. May sakit din kasi siya, ako nalang muna ang mag-aalaga sa kanya."
"Tsk. Ganun ba? Sige, sige. Hantayin nalang kita."
"Gusto mo bang pumunta na ako ngayon diyan?"
"'Di! Okay lang kaya. Bilisan mo nalang diyan."
"Sure?"
"Oo, oo."
"Okay! Sige na, babye!"
"Sige, babye."
Siya na rin ang nagpatay ng tawag. Parang ang tagal naman ng 2 PM niya. Pero sana nga makarating agad siya dito. Masarap kasi siyang kasama kasi lagi ko siyang pinagti-trip-an. Unti-unti na nga rin akong nafa-fall pero hindi naman ako sigurado kung sasaluhin niya nga ako, diba? Lalo pa't nalalaman kong may boy best friend siya. Oh, hindi ko nga alam kung anong panama ko dun eh. Alam niyo namang sikat na sikat ngayon na halos nagkakatuluyan at nafa-fall sa isa't isa ang magbe-best friends na babae't lalaki diba.
Kaibigan lang naman ata turing niya sa akin eh? Mukhang ako lang naman yata ang nakakaramdam ng ganto. Kaya natotorpe ako pagdating sa kanya. Nahihiya pa... Baka nga nahahalata na rin niyang may gusto ako sa kanya eh, ay ewan.
"Oh. Ano raw, Kuya?"
"May pinuntahan pa raw kasi siyang importante pero makakahabol pa naman pala siya. Umuwi ka na."
Pinauuwi na naman ako nito. "Oh. Bakit na naman?"
"Mamaya pa siya eh, matagal-tagal pa siguro yun kaya mauna ka na. Maiinip ka lang din dito."
"Ang babaw naman! Eh, ayoko nga. Edi kakain nalang muna ako dito. Ang puwede lang bang gawin dito ay antayin ang Catherine mo? Baka nakalimutan mong kainan din 'to?"
Napakamot nalang ako ng ulo. Kasi naman, bakit ba sumama pa 'tong batang to, "Sige na, sige. Um-order ka na dun. Ang order ko kahit anong burger basta may tinapay at patty. Vanilla shake din, carbonara na rin pala. Heto..." inabutan niya ako ng limagdaan. Sukli ko diyan ah, baka bulsahin mo at ipang-dota mo lang."
Pumunta na sa counter si Patrick para um-order. Ang tagal pa yata ng hahantayin namin, ilang oras pa... Ang tagal pa naman ng oras kapag inaabangan mo at kapag may inaantay ka. Sana nalang malibang-libang kami dito.
Nakabalik na rin si Patrick dito at ilang minutes lang dumating na rin ang order namin. Kumain nalang muna kami. Nakakagutom din kasi lalo na nung nakita ko na 'yung mga pagkain, parang sobrang sasarap nila.
Si Patrick naman dahil first time pa lang ata dito kakain ay mahahalata mo sa kanyang medyo naiignorante. 'Yung mukha niya, sarap na sarap talaga sa mga kinakain niya eh. Kanina ko pa kasi bina-bad trip 'yan kaya asar na asar na sa akin.
**
*BUUURPPP!*
"Ignorante ka talaga kahit kailan Patrick."
"Anong kinaignorantehan ko dun? E dumighay lang naman."
"Gusto ko lang, bakit ba."
"Psh. O ano? Matagal pa ba 'yang Catherine mo?"
"Kita mong mamayang 2 PM pa oh. 1 PM pa lang kaya. Tagal-tagal pa ng hihintayin."
"Tagal lang, baka abutin na tayo ng gabi kung dalawang tagal."
"Daming alam."
"Pero Kuya, nililigawan mo ba 'yung babae?"
Bigla rin akong napaisip... Oo nga pala, hindi ko pa pala ginagawan ng move 'tong babae. Pero kasi hindi pa yata ako handa. Ewan eh. Baka nga trip ko lang siya? Kasi natutuwa ako sa kanya pag lagi ko siyang pinagti-trip-an.
"'D-di ah."
"Sus naman! Eh ano 'yung mga ibig sabihin ng araw-araw mong pagpunta dito?"
Napataas ako ng kilay. Ano nga ba? Bakit nga ba? E sa trip ko nga lang kasi talaga siya? Saka, lagi nga mainit ang ulo nun sa 'kin eh. Paano namang magkakagusto rin sa 'kin 'yun?
"M-masarap kasi... Ang mga pagkain dito... kaya ganun."
"Uy! Kinakabahan siya. Ay nako, Kuya. Natotorpe ka siguro 'no? Halata na naman sa 'yo na may gusto ka sa kanya pero hindi naman niya yata nahahalata? Ano ba 'yan... Torpe ka, manhid siya."
Ano ba 'yan... Torpe ka, manhid siya. Ano ba 'yan... Torpe ka, manhid siya. Ano ba 'yan... Torpe ka, manhid siya.
Ako? Torpe? At siya? Manhid? Ano na naman bang kalokohan ang pinagsasabi nito? Honestly speaking? Ilang beses ito nag-flashback sa utak ko, hindi ko rin ba alam kung bakit.
"Kalokohan."
"Anong kalokohan ka diyan, Kuya? Totoo naman ah! Ano 'yun, magkaibigan lang talaga kayo? E napapadalas na nga 'yang pagpunta mo dito tapos minsan pa, pagkauwi at pagkauwi mo hindi ka na nakakapagpahinga pa kasi pumupunta ka dito! Sabi ko sa 'yo eh, alam na alam ko ang mga pinaggagagawa mo."
"Stalker."
"Tss. Gumawa ka na ng move at baka maunahan ka. Ma-Taeyang ka pa kapag nagkataon."
"Anong ma-Taeyang ako pag nagkataon? Ano 'yun?"
"Ma-wedding dress ang peg."
Tumayo siya at umalis. Oh? Ano namang drama nito ngayon? Ano 'to? Siya naman 'yung magda-drama ngayon dito, ganun? At sino naman ba 'yung si Taeyang na tinutukoy niya? At anong konek nun sa wedding dress? Hay nako. Pero parang may naalala ako dun ah... Gan'on din naman yata ang nangyari sa akin nung makita kong nakasuot ng wedding gown si Irish nung araw na ikakasal dapat siya kay Zayn.
Ang gulo din kasi eh. Ayan, uuwi na yata 'tong si Patrick. Buti kung gan'on. Paepal lang kasi siya eh. Nagbibigay nga ng mga advices wala namang mga kuwenta. Saka nakakainis din eh, nagmumukha akong tanga kapag si Patrick ay nagbibigay ng advice sa akin, kaya dapat na ring umalis siya ngayon diyan...
"Hoy kuya, babalik pa ako. Papatunaw lang ng kinain."
Magyoyosi lang pala ang loko.