Chapter 4.
Catherine’s POV
Andito ako ngayon sa bahay nila Tristan. Paano ba naman kasi, nilalagnat siya ngayon. At gusto niya ako raw ang mag-alaga ngayon sa kanya. Nung tumawag pa si Paulo sa akin, pinalabas kong si Papa 'yung may sakit. Hindi ko nga rin ba alam kung bakit pangalan ng tatay ko 'yung ginamit ko para sa pagpapalusot ko.
“Telay, bakit mo naman sinabi 'yun?” Tanong sa akin ni Tristan. Telay talaga ang tawag niya sa akin, samantalang Tan naman ang tawag ko sa kanya. Mag-best friends kasi talaga kami nito simula nung pagkabata namin.
“Hay. Hayaan mo na, Tan. Nasabi ko na eh…”
“Lagi nalang siya pumupunta dun sa Don A, diba?”
Napatingin ako sa kanya at binigyan ng, “Oh-ano-ngayon?” look.
“Wala, napansin ko lang naman.” Dagdag pa niya.
“Anong ibig mong sabihin? Sobrang nasasarapan daw kasi siya sa mga pagkain dun sa Don A kaya lagi siyang pumupunta dun.”
Kasalukuyan kong pinapahiran siya ng basang bimpo sa kamay niya. Hindi pa kasi bumababa ang lagnat nito.
Inalis niya rin naman iyon saglit at umupo, “Telay, baka naman may gusto sa 'yo 'yun?”
Napadilat ang aking mata sa mga sinabi niya. Ano na naman bang pinagsasabi nito? Si Paulo? May gusto sa akin? Malabong mangyari, “Patawa ka rin Tan, ano? Isang mayamang customer? Magkakagusto sa akin? Bakit? Sa hitsura kong---“
“Posible 'yun, Telay. Based sa mga kinukuwento mo sa akin tungkol sa kanya. Tungkol sa pagpunta niya dun lagi sa shop na pinagtatrabahuan mo, tungkol sa lagi niyang pangungulit sa 'yo. Posible talaga…”
Binatukan ko nga ng mahina si Tan, “Shunga ka talaga! Oo. Nangungulit nga siya pero ang paulit-ulit niya lang na ginagawa sa akin ay pang-iinis. Saka kung may gusto man sa akin 'yun, aba dapat dati pa lang sinabi na niya agad sa akin. Ilang months na ring nakakalipas at ganun pa rin naman ang patuloy niyang ginagawa tapos sasabihin mong may gusto siya sa akin? Think about it, friend.”
Nakita kong napailing nalang siya. Ano na naman bang ibig sabihin nun?
“Oh ano naman 'yang pag-iiling mo, Tan?"
“Oo na, oo. Sana nga lang talaga…”
“Sana ano?”
“Uh, sana wala nga talaga siyang gusto sa 'yo.”
“Bakit naman?”
“Aba siyempre naman, bestfriend… mo ako. Malamang namang magseselos ako sa kanya pag nalaman kong may boyfriend na ang nag-iisang best friend ko.”
Nag crossed arms siya at umirap. Aba! Itong kumag na namang 'to bumanat na naman ng pagka-childish, pero cute naman siyang tignan eh. Lumapit ako sa kanya at kinurot ang magkabilang pisngi niya.
“Araaay! Telay! Tigilan mo---AAAAAHHHH!---nga 'yan! AAAHHH!” Ang cute talaga nito at ang cute ng pisngi niya. Pero dahil may sakit siya, kailangan ko nang pigilan ang pagkagigil ko sa pisngi niya.
“Hindi naman kasi talaga eh. Kung ganun man ang pakikitungo niya sa akin, pwes hindi ako malisyosang babae. 'Di ko papansinin kung ano talagang ibig sabihin niya sa bawat pagtrato niya sa akin. Kahit wala naman akong napapansing may mali dun.”
“Dapat lang kasi, Telay. Lalaki ako, alam ko 'yung mga ganyang style 'no.”
“Bakla ka kaya.”
“Oo nalang. Kung diyan ka ba sasaya eh.”
Maloko talaga 'tong lalaking ito. Feeling ko tuloy ako yung talo ngayon sa pagtatalo namin. Inalalayan ko nalang uli siya humiga dito. Ako lang din naman kasi ngayon ang kasama niya... Only child siya, sila tita’t tito naman ay may pinuntahan daw. Wala rin naman silang katulong kaya ako nalang ang pumunta dito para alagaan siya.
“Tan, anong gusto mo? Lugaw? Soup? Mami? Lomi? Ano?”
“Ikaw.”
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya, sanay na naman kami sa mga ganyang banat eh. Kahit mukhang tanga mga pinagsasabi namin, havey naman.
“Loko! Dali na kasi, ipagluluto kita. May mga dala akong ingredients para diyan.”
“Eeeh, mamaya nalang kaya? Dito ka nalang muna kaya. Tayo lang naman 'yung andito ngayon sa bahay namin oh. Paano nalang kung bigla akong mag-seizure dito habang andun ka sa kusina, nagluluto. Paano nalang kung bigla akong 'di makahinga---“
“Ang O.A na Tan ah!" Binatukan ko nga siya. "May sinat ka nga lang, seizure at difficulty in breathing na agad ang sasapitin mo!? Kalokohan.”
“Sus, sige na nga. Sabihin mo nalang na ayaw mo lang akong samahan dito.” Tampo-tampuhan niya. Ano na naman bang pakulo nito?
“Anong ayaw ka diyan? Sira! May trabaho pa kasi ako! Baka nakalimutan mong may part time job ako sa Don A?”
”Alam ko naman eh.”
“Alam mo naman pala eh. E, bakit ganyan ka pa?”
“Ano ba ako? E si Tristan pa rin naman ako.”
*PAK!* Binatukan ko nga ulit siya, “Ang corny mo! Umayos ka nga Tantan."
“Maayos naman ah. Kailangan pang mambatok? Sabihin mo nalang kasi na sisilay ka lang dun sa suki niyong customer dun na gusto ata e ikaw lagi 'yung maglilingkod sa kanya.”
Sino naman tinutukoy nito? Si Paulo ba? Si mister sungit? Utut. Asa naman, diba? E lagi ngang mainit dugo nun sa akin tapos magugustuhan ko siya? Malabo naman talaga.
“Hoy loko! Si Sir Paulo ba?”
“Sino pa nga ba. Sige na nga, umalis ka na dito at siguradong inaantay ka na rin nun dun.” Tinalikuran niya ako habang nakahiga pa rin naman at nagtaklob ng kumot. Agh. Maraming arte ang Tantan na ito.
“Ay nako, Tan! Hindi naman pa nga kasi!”
Hindi siya umimik… Kinuyog ko nga. “Uy, Tantan.”
“Ano ba. May sakit 'yung tao eh.”
“E kasi naman Tantan. 'Di naman pa nga kasi talaga. Customer lang namin 'yun 'no.”
Humarap siya sakin, “Customer na may gusto sa 'yo.”
Paano naman nasabi ng ungas na ito? Siya pa talaga nagsabi ng ganun e 'di naman siya 'yung laging nakakasama ni Sir Paulo. Loko talaga.
“Aba’t paano mo naman nasabi, aber?”
“Halata naman kaya. Dalawang beses ko pa lang nakikita 'yun. Kung ano ang behavior niya pag andiyan ka, nako naman Telay. Halatang may gusto sa 'yo.”
“Bakit? Alam mo ba kung ano talaga ang behavior niya kapag wala ako e ngayon mo pa lang naman pala siya nakikita kung paano niya ako tratuhin! Stalker ka ba niya? Tantan stalks Sir Paulo!---Uhmmmp!---Aray naman Tantan! Alisin mo nga 'yang kamay mo! Ang init-init!”
“Ang ingay mo kasi. Hindi naman pa nga, bakit ko naman ii-stalk-in 'yun? Por que 'yun lang 'yung nasasabi ko sa behavior niya, stalker na agad? Wushu, asa naman. Matagal mo na akong best friend Telay at alam mong hindi rin hotdog ang hanap ko.”
"Ungas ka forever!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tawa na ako nang tawa.
“Tumigil ka nga! Pakain ko sa 'yo 'to eh." Napatigil ako sa kakatawa at dumilat nang sobra ang aking mga mata. "...kapag nakaluto ako ng hotdog! Ipakakain ko sa 'yo." Dagdag pa niya.
"Hahaha!" Tinawanan ko na lang siya nang malupit.
"Nahahawa ako diyan sa tawa mo. Kasi naman eh. 'Wag mo kasi akong paghinalaaan.”
“Oo na! Magtigil ka lang.”
“Hoy, hindi ibig sabihin na natawa rin ako diyan sa tawa mo e tapos na tayo. Akala mo ah.” Akala ko nakalimot na! Eh ano bang gusto ng lalaking 'to?
“Oh anong gusto mong iparating? Na may gusto 'yun sa akin? Wasus naman! Lagi ko 'yun nakakasama, ni hindi ko naramdamang gusto ako nun.”
“Ayan, sa 'yo na nanggaling na lagi mo 'yun nakakasama tapos ikaw pa 'tong 'di makaramdam na may gusto na pala sa 'yo? Ang manhid mo naman Telay.”
“Hindi ako manhid ah! Wala lang talaga akong alam sa mga ganyan 'no!”
“Telay, lalaki ako. Alam ko kung ano ang mga ginagawa ng isang lalaki o kung ano ang behavior nila kapag may gusto silang isang babae.”
“Sus! Gusto ba ang tawag kapag lagi akong iniinis? Ginawa akong personal waitress kada andiyan siya para pagtripan ako! 'Yung tipong o-order siya tapos babawiin din naman agad 'yung ino-order niya. Tapos siyempre maba-bad trip ako kapag ganun, tapos tatawanan lang niya ako. Nakakainis lang diba kasi ilang beses niya sa aking ginagawa 'yun na kesyo namali lang pala raw siya ng sabi, na kasi bigla lang daw nagbago isip niya kaya pinapalitan niya agad 'yung order niya. Ganun ba Tantan? Ganun ba?"
“Confirmed." Confirmed niya na wala ngang gusto sa akin si Sir Paulo? Oh buti naman kung ganun!
“'Yun oh! Maniniwala ka rin pala!”
“Hindi mo pa kasi ako pinapatapos. Confirmed… Na may gusto siya sa 'yo.”
“Niloloko mo ba ako, Tantan? Tristan Cedric Lee? Halur?”
“Asus.”
“Ano bang gusto mong gawin ko Tantan para mapaniwala kang wala talaga siyang gusto sa akin?”
“Last question na lang.”
“Ano ba 'yun?”
“May gusto ka ba dun?”
Pinakakakaba ako ng ungas na 'to sa magiging tanong niya eh sisiw lang pala 'yang tanong niya. Pine-pressure ko masyado sarili ko, jusko.
“Wala. Happy?”
Napatingin siya deretso sa mata ko, “Talaga? Sabihin mo nga deretso sa mata ko.”
Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng deretso, “Deretso sa mata ko."
Tiningnan niya ako ng, "what the f**k?" Look.
"Joke lang! Sige, wala akong---*insert message tone here*" napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. "Ay, teka nga! May nagtext.”
Tinignan ko muna 'yung phone ko, at shemai! Manager namin ang nagtext na sa akin! Hala, hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanya. E dapat sa mga kasamahan namin siya nagtanong.
From, Manager:
Where are u, Catherine? Aabsent ka ba ngaun? Y u didnt inform me earlier?
“Oy, aalis na ako Tan. Nag-text sa akin manager namin.”
“Ano bang sabi? Reply-an mo nga muna, binasa mo lang 'yung text eh. Tanga.”
Tinaasan ko nga siya ng kilay at binato ng unan. Maka-tanga 'tong lalaking 'to. “Ungas ka naman!”
To, Manager:
Sir! Otw na po ako. Wait lng po tlaga. Sorry kng ndi po ako nkpagpaalam, ngkasakit po kc ung tatay ko. Sorry po tlaga
“Ayan, okay na. Alis na ako. Balik nalang ulit ako bukas.”
“Hindi ka ba babalik dito mamaya? Akala ko paglulutuan mo pa ako?”
Oo nga pala. “A-ah eh, bukas! Try ko bukas. Rush na ako ngayon. Tagal mo kasi kanina eh ikaw na nga 'to diyang paglulutuan sana kanina, dami pang kaartehan.”
“Ipagluto mo muna ako Telay."
“Nako naman talaga, Tantan! Gusto mo ibili nalang kita diyan sa kalinderya ng lugaw, lomi, mami, soup? Ano bang gusto mo diyan?”
“'Yung luto mo nga, ayoko ng mga luto sa labas. Paano kung hindi pala safe 'yun? Edi ido-double sick mo ako kapag nagkataon.”
“Ano ba, teka... mag-iisip ako. Kasi naman Tantan, tinataranta mo lalo ako. Basta bukas nalang kung ayaw mo. May pagkain ka na rin dun sa mesa, ininit ko na rin 'yun pero walang kasabawan 'yun, okay lang naman siguro? Basta babawi talaga ako bukas. Kailangan ko lang talagang makarating na dun. Anong oras na rin pala oh? Magtu-two PM na rin pala. 'Yun pa naman din ang saktong oras na sinabi ko kay Sir Paulo na makakarating ako.”
“Kaya ka nga pala nagmamadali dahil nga pala dun sa Paulo na 'yun. O'sige na, alis ka na. Okay lang pala ako dito.”
Bumalik na uli siya sa higaan niya. Kanina kasi nakatayo siya nung kausap ko siya. Ayt! Ano na naman bang pang-aasar nito kay Sir Paulo sa akin? Kaya pala! Hindi ko nagawa kanina 'yung pinapagawa niya kasi naudlot!
“Hoy, Tantan. Ang dami na naman nitong kaartehan! Wala akong gusto kay Sir Paulo ah. Sige na, aalis na talaga ako. Ilo-lock ko nalang itong pinto at gate ninyo. Dadalhin ko ba 'tong isang susi?”
“'Wag na. Bye, ingat nalang.”
Mas lalo pa siyang nagtaklob sa kumot. Wala na akong oras para suyuin pa ito. Hayaan na nga, makaalis na. Bengga na naman ako kay Manager, hindi kasi ako nakapagpaalam. Makikita ko na naman pala ang Paulo na 'yun.
Paulo’s POV
“Kuya, nas'an na ba---"
“On the way na.” Tabang kong sagot kay Patrick.
Naiinis na ako. Grabe naman kasi, nasaan na 'yang 2 PM niya bukod sa nasa orasan pa rin? E halos maga-alas tres na.
Wala kang karapatang magalit o magreklamo Paulo, ikaw naman 'tong ginustong hantayin siya diyan.
Pero kasi naman, ang tagal. Sinasadya na niya ba 'to? Ewan ko kung anong mararamdaman ko ngayon.
“O, kuya. Init masiyado ng ulo ah. Chix ba 'yun?” At bumanat pa ng nakakalokong ngiti ang gago.
“Kung chix man 'yun o hindi, it doesn’t matter.”
“Gumaganyan ka na ah! For sure naman ata maganda 'yun? Tamo oh, natalbugan niya naman sa puso mo si Irish.”
“Wala naman kasi akong gusto sabi dun eh.”
“Hahahahahahahahaha. Wew.” Sarkastiko pang pagtawa niya.
“Tigilan mo ko Patrick ah. Nakakawalan na nga ng mood ngayon, sasabay ka pa. Sabit ka na nga lang diyan mang-iinis ka pa.”
“Wala ka nga ba talagang gusto dun, Kuya?”
Tinignan ko siya, at puteks ang loko ng mga ngiti niya.
“Bakit mo ba ako kinukulit diyan sa mga tanong mo? Kung naiinip ka na dito, umalis ka na. Laking epal eh.”
“Ang bakla, Kuya. Ganyan ka ba talaga kapag in love?”
Hindi ko nalang siya pinansin. Bad trip na nga ako dito, sasabay pa 'tong unggoy na 'to sa pamb-bad trip.
“Oh kuya? Mas lalo ka bang naba-bad trip? E, bakit mukha kang guilty?”
“Tigilan mo nga ako.”
“Maba-bad trip ka ba nang sobra kung hindi ka affected? Kuya naman,nakala mo siguro ako maloloko mo pagdating sa mga ganyan mo ah.”
Ano bang gusto ng gago kong kapatid? Bahala nga siya diyan.
“Pst!” Napatingin kami sa likuran namin, “Hehe. Sorry late.” At nag peace sign pa siya. Tinalikuran ko nalang siya at inirapan sabay sip ng shake ko. Nakadalawang malaking shake na ako dito ah. Ewan ko pero parang nangingiti ako pero pinipilit ko pa ring isipin ang matagal niyang pagpapaantay sa amin para mangibabaw ang inis ko sa kanya. Bakit pa kasi siya ngumingiti diyan.
“Oh, hiMiss!” Bati ni Patrick kay Catherine. Nilapitan niya ito at iginabay papunta sa table namin. At putnam! Pinag-usog pa niya ito ng upuan para makaupo ng ayos si Cath. Sinamaan ko nga ng tingin 'to.
Dumila lang siya. Anak ng! Ano 'to? Talo talo kami?! Tuluyan na bang nawala sa katinuan ang lalaking ito? Lalandiin pa yata si Catherine.
“Ah, eh! Teka ah… Kausapin ko lang si Manager. Late kasi ako kaya sobrang sorry talaga. Wait lang talaga, babalik din agad ako!” umalis na siya at pumasok mismo doon sa may counter banda.
Nilapitan ko si Patrick. Gagong 'to, ang landi eh. Sumbong ko siya kay Shaina diyan.
“Hoy, gago. Ang landi mo bro.”
“Anong malandi dun? E, nilapitan ko lang naman? Grabe pala Kuya 'no. Chix pala talaga siya.”
Sinamaan ko na lalo siya ng tingin at naging seryoso na rin ang boses ko. “Patrick…”
“Oh? Bakit? Kuya?” Aba’t nakuha pa niyang tumawa.
“Umayos ka.”
“Maayos naman ako Kuya ah?”
“Baka isumbong kita kay Shaina.”
“Hala! Bakit naman, Kuya? Ano na naman bang ginagawa ko? 'Yan ang hirap sayo eh! Basta basta mo nalang akong sinusumbong sa asawa ko e wala naman kasi akong ginagawang masama dito.”
“Anong wala? Nilalandi mo yata si Cath e!”
Parang biglang tumahimik ang paligid… Nakatingin sila sa akin kasi napatayo na rin ako. At… Napalakas din ata ang boses ko? Kaya… Narinig nila? s**t.
Agaw atensyon na naman ako dito.
Pinaupo naman ako ni Patrick at hinagod-hagod niya ang likod ko. Tumingin naman siya sa ibang mga customers, waiters at waitresses na napatingin sa amin at 'yung mukha niya ay parang sinasabing, “Pagpasensyahan niyo na lang po” look. Sino ba naman kasing hindi iinit ang ulo kapag ganun?
“Nako, Kuya. Confirmed na talaga. May gusto ka talaga sa kanya eh.”
Sasagot na sana ako pero… “Naku! Sorry talaga kung na-late ako ah. Ayaw pa kasi akong paalisin ng tatay ko kanina.”
“Uh? May problema ba? Sorry talaga ah. Galit ba kayo dahil sa akin?”
“'Di.” "Hindi miss. By the way, Patrick Aaron pala. Call me pogi, guwapo, cute o handsome.” Inabot ni Patrick ang kamay niya. Dapat talaga hindi ko na 'to isinama.
“Nice to meet you. Ano ka ni Sir Paulo?---”
“Kapatid ko yan. Umuwi ka na nga Pat.” ako na ang sumagot.
“Bakit mo naman siya pinapauwi?”
“Ang ligalig kasi. Nagsisisi pa akong isinama kita dito ngayon.”
“'Yang mukha mo na naman, Sir! Smile naman diyan! Ang cute niya nga eh.” Paksyet! Mukhang okay pa yata ang aura ni Catherine sa lalaking to.
“Paano ba 'yan, Kuya?” Ngiti ni Patrick sabay hawak sa chin niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nagpipigil na lang ako Patrick… Lagot talaga sa akin 'to mamaya.
“So... Ah, eh. Ano pala mapaglilingkod ko mga kabataan?” Pagi-interrupt ni Catherine sa kakaibang atmospera namin ni Patrick.
“Gusto ko lang naman makilala ang babaeng sinisilayan lagi ng Kuya ko---“ Tinakpan ko ang bibig niya. Putek. Pahamak!
“A-ano bang pinagsasabi mo, Patrick! Ang ibig sabihin niya, aano… Gusto niya... Ggusto niyang matikman ang mga pagkain dito sa café shop na ito. Tama, 'yun 'yon. Pagpasensyahan mo na 'tong ugok na 'to, wala lang siguro tong kain buong araw.”
“Ah? Ganun? Oh ano? Natikman na naman ba niya? Anong say niya?”
“Maganda at may good taste nga si Kuya---”
“Good taste daw… ako, kasi itong kainan na 'to. Tama nga raw na masarap dito. Oo, at maganda! Ang mga facilities at s-services dito. 'Yun kasi.” Pinutol ko ang sinasabi ng batang to.
Pero teka nga, Paulo. Anong ipapahamak ang sinasabi mo diyan? Hindi ka guilty, Pao. 'Wag kang magpapaniwala sa sinasabi ng non-sense mong kapatid. Oo nga naman. Bakit nga ba ako magpapaapekto sa mga sinasabi nito? Hindi nga naman dapat.
“Eh? 'Yun lang naman pala eh. Kayo talaga, ang kulit niyong tignang dalawa. Salamat pala Sir Paulo sa pag-promote mo nitong Don A sa kapatid mo. Maraming salamat talaga!”
“Wala 'yun, 'nu ka ba. Kumain ka na ba?”
“'Di pa nga eh. Nagmamadali rin kasi ako kanina. So… Uh, heto lang ba pinunta niyo dito? Kasi ano, si Manager, nagagalit na sa akin. Bakit daw kasi late ako. Kung hindi lang daw yata sa inyo hindi niya raw ako ie-excuse ngayon.”
Ang tagal ng hinantay namin, ilang minutes lang pala namin siya makakasama. Ano ba naman kasi 'yan. Bad timing naman kasi 'yang tatay niyang may sakit. Mamatay na sana 'yun, joke only!
“Ahh… Ganun ba. O'sige, uuwi na kami. Sige na, pasensya na lang sa istorbo.”
Tinignan naman ako ng “Huy-ano-ka-ba?-seryoso-ka-ba?” look ni Patrick. Tumango nalang ako nang nakakalungkot.
“Hala, Sir Paulo. 'Wag po kayong magagalit sa akin ah? Please po.”
Hala.
Ang cute.
Niya.
Teka... Ano na naman ba 'yang pinagsasabi mo, Paulo? E, kung sa totoo ba eh. Tamo oh, ang cute ng pagpa-pout niya.
“Ano ba, hindi ako galit. Naintindihan ko naman eh. Sige na, dun ka na. Okay lang talaga.” nakangiti kong sabi.
“Bawi nalang po ako Sir Paulo. Pati sa kapatid---“
“'Wag.” “Ah, eh. Ang ibig kong sabihin… Ano, kahit 'wag ka nang bumawi diyan. Kaya na niya ang sarili niya. Pabayaan mo na siya. Sa akin ka lang talaga dapat babawi.”
“Anong sa kanya---UHMPPPP!” Tinakpan ko nga ang bibig ng batang to. Mangpapahamak na naman eh.
“Ang kulit niyo talaga. Pero susubukan ko pa ring bumawi diyan sa kapatid mo. Maraming salamat uli ah. At sobrang sorry talaga sa paghihintay niyo nang matagal sa akin.”
“Okay lang. Sige, alis na kami. Bye.”
“Bye!”
Umalis na kami. Ewan ko pero parang hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ano nga ba kasi ang ibig sabihin nito? Tsaka kanina lang bad trip na bad trip ako sa kanya, pero nung nagpa-cute siya sa akin at nung sinabi niyang babawi siya sa akin, medyo kumalma-kalma na ako.
“Oh tol, ang saya natin diyan ah? Confirmed na nga na gusto mo talaga siya.”
Ako? May gusto na sa waitress ng isang café shop?