Imprint on my Heart [5]

2006 Words
Chapter 5. Jessica’s POV “Sure ka bang hindi ka talaga sasabay sa amin Jess?” tanong sa akin ni Cassandra. “Hindi. M-may gagawin pa kasi ako. Sige na, mauna na kayo, mao-OP lang din naman ako sa inyo ni Daniel. Babye!” Nag-wave na ako sa kanya at sabay naman ng pagyaya niya kay Daniel. “Ah, sige. Bye, Jess!” Sabay nilang paalam. Marami na naman talaga ang inggit sa mag couple na 'to. Magtu-two years na pala kasi ang dalawang 'to. Bago pa pala namin sila makilala, sila na pala talaga at parang madalang lang talaga sila mag-away. Kung magkakaroon man sila ng tampuhan, hindi rin naman nila agad natitiis ang isa’t isa. Nakikipagbati na agad 'yung isa dun sa isa. Kada uwian, parang kaming tatlo nalang lagi ang magkakasabay. Mauuna nga lang lagi madadaanan ang bahay namin. Sa kabilang subdivision lang din naman sila pero pareho rin naman 'yung sinasakyan namin na mag e-LRT 1 kami. Si Justin naman, ayun, andun palagi para kay Yrie. Hindi na rin nagsasasama sa barkada 'yun eh. Infairness pa sa kanya, Ynah Marie pa rin ang tawag niya kay Yrie. Siya na nga 'tong tinataboy 'di pa nadala. Kaya nga naguguluhan kami sa kanya kung sino ba talaga ang gusto niya, Kung si Yrie nga ba o si Margarette. Speaking of Margarette, bumalik muna siya dun sa kanila. Ayaw naman niyang mag-aral dito, si Tito, na siyang tatay nila Zayn at Ate Shaina, nga raw ang sasagot ng pag-aaral niya rito si Maynila. Pinayagan na rin naman siya ng tatay niya dun sa Vigan. Halata nga namin na lagi niya talagang hinahabol si Justin. Si Justin naman, hindi na talaga maintindihan kung magbibigay motibo ba o hindi. Manu'y pumili na lang ng isa eh. Ayoko pa talagang umuwi, hihintayin ko pa kasi si Gabriel. Heto kaya ang lagi kong ginagawa. Kadalasan kasi late na siyang lumalabas. Ewan ko, sa sobrang kasipagan niya siguro. 'Yan ang mga huwarang estudyante! Kada kasi lumalabas siya, andito ako sa sulok… Tinitignan siya ng palihim. Kailan kaya magiging kami? Kailan kaya darating 'yung panahon na ako naman ang hihintayin niya sa labas ng room namin? Posible pa nga ba talagang mangyari 'yun, ohanggang pangarap nalang talaga ako? Buti na nga lang hindi niya ako nakikitag palihim na sumisilay sa kanya. 'Di pa ako nakuntento dun sa pagkakasama namin kasama ang barkada. Iba pa rin naman kasi kapag akong mag-isa lang ang sumisilay. 'Di ko pa mailabas ang kilig ko kapag kasama ko ang barkada. Mang-aasar lang for sure ang mga 'yun! “Oh… Sumisilay ka na naman ba kay Papa Gabriel? Tsk. As always naman yata?" MAHADERA TALAGA ANG BABAENG ITO. MA-X-HA-X-DE-X-RA! “Psh! Pakielam mo ba?" “Jessica naman… Lagi mo nalang ginagawa 'yan. O ano? Napapansin ka ba? Hindi kasi wala naman siyang gusto sa 'yo. Baka pa nga ako pa mas matipuhan niya kaysa sa 'yo.” Sana madapa ang Patrixia na ito. 'Yung tipong magagasgasan nang sobra sobra ang mukha sa pagkakadapa ng babaeng ito. Tapos dederetso siya sa tae ng aso. Basta, 'yung malalang aksidente na halos hindi na siya makagalaw. Nakakabanas kasi ang presensya niya! Lagi na lang niya kasi akong nakikita dito. Nagtatago malapit sa makakapal na damuhan at alam niya ring si Gabriel ang sinisilayan ko. Assuming pa siya masiyado. Sana lang talaga may bumaksak na malaking paa sa kinatatayuan niya para mapisa na siya. “Oh my! Andiyan na si Gabriel.” Kaagad naman niyang inayos ang kwelyo ng suot niya at lumabas siya sa kinatataguan ko. Ano na naman bang pagpapapansin ang gagawin ng haliparot na 'to? No! Lalandiin na naman ba niya ang Gabriel ng buhay ko? Lagi nalang talaga. Kada kasi lumalabas na rin si Gabriel, lalapit siya bigla dito at magpapapansin! Lahat yata ng pagpapapansin ginagawa nalang niya lagi. Tinignan ko siya… Hala, palapit na siya dito. Nag-wave ang kamay niya. 'Wag mong pansinin Gabriel, please. “Hi Gabriel!” Tumingin naman si Gabriel sa kanya at… ngumiti. Palapit na sana ang malanding Patrixia na ito nang biglang… “O-ouch!” What the… FISH! Gustong gusto kong sumabog sa nakita ko! Gusto kong magprotesta sa gitna nilang dalawa at sabihing nag-iinarte lang ang halimaw na ito. Paano ba naman… Halatang-halata namang nagdapa-dapaan lang siya para makuha ang atensyon ni Gabriel. Kasalukuyan kasing inaayos ni Gabriel ang helmet ng motor niya. At itong Patrixia na 'to, hawak niya ang kanang paa niya at hinimas-himas dahil NADAPA NGA RAW SIYA. Halata namang nagdapa-dapaan lang! Agad namang lumapit sa kanya si Gabriel. “Okay ka lang Patrixia?” Tanong nito sa kanya. Ano, Gabriel? Magpapadala ka nga ba talaga sa pagdadrama ng babaeng 'yan? Kung alam mo lang na paraan niya ng pagpapapansin 'yan... “O-okay lang ako, Gabriel…” “Halika, tulungan na kitang tumayo.” Tumango naman itong lechugas na mahaderang haliparot na epal na babaeng ito... habang alalay ni Gabriel. Tumalab nga ang pag-arte ng babaeng ito sa kanya. Inilalayan siya ni Gabriel, hawak ang dalawang kamay sa pagtayo. Ang swerte ni Patrixia… hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero parang gusto kong sumabog sa nakikita ko ngayon. Gusto kong umentrada sa gitna nila at tisurin ko ng bonggang-bongga ang Patrixia na 'yan para maging totoo ang pag-iinarte niya. “Okay ka na ba talaga? Gusto mo hatid na kita pauwi?” aww. Wala nang pag-asa pa 'to. “Hindi… O-okay na ako. Sige, salamat Gabriel ah?” Bakit niya kaya tinanggihan 'yung offer ng mahal kong Gabriel? Nakonsensya na ba siya sa mga pinaggagagawa niya? Naawa na ba siya sa hitsura kong sinasabing, Tang ina kasi, tama na. Ngumiti naman ng mala-anghel na ngiti si Patrixia sa akin. Ginawa niya 'yan para sa akin? Mabait naman pala kahit papaano ang Patrixia na 'to. “A-aray!” At saka naman nagarte-artehan na naman na parang masakit ang paa ni Patrixia. Bakit? ANO NA NAMAN BA ANG MGA PALABAS NIYANG 'YAN. “Tsk. Sabi ko naman sa 'yo ihahatid na kita pauwi eh. 'Wag ka nang umangal pa. I insist. Halika, hatid na kita...” inalalayan siya nito at inabutan pa ng helmet. Puwede nang ipasok sa Artista Academy ang punyaterang babaeng ito. Gustong-gusto ko na talaga sumabog! Bakit ba siya ganyan? Napaka-war freak! Wala naman akong gingawa sa kanya. Ang kapal pa ng mukha niya para ngitian niya ako ng ganun. Akala mo kung sinong mabait, plastik naman pala. Sumakay na siya sa motor ng Gabriel Samson ko. Na pangarap ko pa naman, ako ang unang makakasakay na babae sa motor niya. Wala… Sinira na ng malanding Patrixia na 'to ang pangarap ko! Tinanggalan niya na ako ng pag-asang mabuhay pa... kasama ang Gabriel ko. Kumapit naman siya sa likod ni Gabriel. Sobrang higpit talaga ng pagkakakapit niya. Gusto kong sumugod dun at hilahin bigla ang buhok niya pababa sa motor ng Gabriel ko. Ididikit ko pa ang mukha niya sa tambutso para masira nang tuluyan. Kaso… Ayaw naman yata ni Gabriel ko ang mga ganung babae. Tumingin na si Patrixia sa akin at nag-grin. Kinindatan pa niya ako. Lintek talaga. Umalis na ang motor ni Gabriel… Ano pa nga bang magagawa ko? WALA. Lagi namang ganito. Titingnan nalang ng malayuan si Gabriel habang may mga babaeng nanlalandi sa kanya. Wala naman kasi akong karapatan sa kanya diba? Lumakad nalang ako paalis… Sana nalang maka-move on na ako kay Gabriel. Bakit nga ba kasi tayo nagpapakatanga sa mga taong nagpapakatanga naman sa iba. Ah, for sure si Yrie na naman ang iniisip niya. Nagbago na’t lahat-lahat si YNAH MARIE SANVICTORES, hanggang ngayon hindi pa rin yata nagbabago 'yung feelings ni Gabriel sa kanya. Bigla bigla nalang ako nakaramdam ng malamig na basa sa pisngi ko. Umiiyak na naman pala ako. Ano pa nga bang bago? Ang weak ko naman yata. Bakit ba ako umiiyak? Parang talunan kasi ako. Tanging si Gabriel Samson lang ang lalaking nagpapaiyak sa hyper na tulad mo, Jessica Guttierez. Steven’s POV “Pare, Padi’s tayo?” yaya ko kay Niall habang siya’y busy sa paggamit ng phone. Sino na naman kaya ang katext nito? “Mmmm.” Tanging naisagot niya. “Dali na! Nakakaurat dito.” “Go invite someone else.” Tabang niyang sagot. “Ikaw na rin naman 'yung kasama ko ngayon, iba pa iimbitahin ko? Sino? Sila Lean? David? Clark? Ang lalayo naman ng bahay ng mga 'yun, at isa pa, sila-sila naman lagi magkakasama.” “Kinda jealous?” He smirked. Trip na naman ako nito. “Ang dami mong sinasabi diyan, kung nag-aayos ka na kaya ngayon. Tara na!” Tinapik ko balikat niya pero 'di na naman ako pinansin. “Sino ba 'yang katext mo diyan at hindi ka maistorbo?” “Yrie.” Ah, 'yung babaeng masungit pero maganda. Kaso hindi ko siya tipo, ang sungit niya. “Ah, 'yung babaeng tinamaan ka.” Hindi na naman siya sumagot at tuloy-tuloy pa rin naman siya sa pagtetext. Ano ba naman 'to. “Ang tino mo talaga. Paano ka naman magugustuhan ni Yrie niyan kung ganyan ang ugali mo.” Napahinto siya sa pagtetext at saka tumingin sa akin. Nakuha ko rin ang atensyon ng lapok na 'to. “What do you mean?” “Wala. Ano, sasamahan mo ba ako?” “I said, what do you mean?” Naging interesado yata sa sinabi ko, “Wala nga. Ano? Sasamahan mo ba ako?” “Tell me first what does it mean about what you’ve said a while ago.” Pinapangunahan pa ako. “Samahan mo muna ako at sasabihin ko sa 'yo kung ano 'yung ibig kong sabihin sa sinabi ko sa 'yo.” Binalik ko nga pamba-blackmail ko sa kanya. “Blackmailer.” “Oh ano? 'Di naman kita pinipilit eh.” “Tss. Yeah, yeah.” Tumayo na siya nang ayos at lumabas na ng bahay namin. “Hoy, par!” Habol kong sigaw sa kanya, kaso hindi na siya bumalik. Ay gago, labasin ko nga 'to. “Brad!” “What?” Tumigil lang siya sa paglalakad pero hindi man lang ako nilingon. “Don’t tell me we're about make a Korean drama scene here?” Dagdag pa niya. “Gago! Kotse ko nalang gamitin, pumunta ka nalang uli dito.” “Yeah.” At tumuloy-tuloy na siya sa paglalakad. Sa wakas at makakabalik na ulit sa Padi's. These past few weeks, mostly sa Morato kami madalas. Kaya bago naman sanang vibe. Namiss ko rin naman talagang gumimik kaso this time, sa medyo chill vibe lang. Niall’s POV Loko talaga ang Steven na yun. He got me there. Napauwi tuloy ako ng wala sa oras sa bahay ko. *toot toot* From, Yrie: Ganun nga yun niall. Nako naiistress talaga ako ng sobra sa kanila. Di ko rin alam kung bakit pinagaaksayahan ko pa ng oras yun. To, Yrie: Don’t bother stressing urself wt them. it would be such a waste of time. Don’t let the idiots ruin ur day. :) anw, u wanna come wt us? Padi's wt steven. Tama, isasama ko siya. Syempre naman, ayokong pag-usapan namin 'yung mga nangyari sa kanya through text lang. Mas maganda talaga kapag sa personal. Gusto mo lang siya makasama Niall eh. Well, para-paraan lang naman 'yan. From, Yrie: Osige, alaws lang din naman ako magawa dito sa bahay. Dadaanan nalang namin siya ni Steven. As for now, aayusin ko na ang sarili ko. Tama lang palang pumayag ako na samahan ko si Steven sa Padi’s. Buti nalang din talaga at pumayag naman si Yrie na sumama. Loko kasi 'yun, bigla akong napaisip sa sinabi niya. Na kung paano nga raw ako magugustuhan ni Yrie kung ganito ako? Ano ba ako? Inglisero? Hindi na rin naman nagrereklamo si Yrie sa akin kahit ganito ko siya kausapin eh. May Attitude Problem kaya ako? Wala naman siguro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD