Imprint on my Heart [6]

2869 Words
Chapter 5.5. Niall’s POV “Bakit mo naman kasi isasama pa si Yrie? Eh paano 'yung ikukuwento ko sa 'yo?” Mukhang nag-aalala ang mukha niya. “What’s so bothersome?” “Wala naman. Eh kasi, paano ko nga makukwento sa 'yo? Ah, edi hindi ko nalang ikukuwento sa 'yo.” Bigla akong napaisip dun. Oo nga pala, hindi puwede 'yun. Ngayon ko nalang pala ipapakuwento sa kanya. “Then tell me now.” Napatingin naman siya sa akin na parang medyo confused. “Now what?” “Uhh---" “Good or bad?” Mukhang pressured ang hitsura niya. Ano bang problema nito? “Hey dude, do you have a problem?” “W-wala…” “Stop the car.” Hininto naman niya at itinabi. Kakausapin ko 'to nang masinsinan. “Are you a fuckin' gay?” Nanlaki ang mga mata niya. Bakit? Nabuking ko na ba ang sekreto niya? “Well, it looks like---" “Magtigil ka, man. Kung magiging bakla man ako, hindi ko tataluhin tropa ko.” Natatawa tuloy ako sa mukha niya. Sino kasing hindi magtataka kung ganun ang inaasta ng kaibigan mong lalaki diba? Naninigurado lang naman. “Nah, alright. If that’s what you say so.” Ngumiti pa ako nang nakakaloko sa kanya, siya naman napa-face palm nalang. Hinawakan na niya ulit ang manebela at pinaandar na niya ang kotse. “Bakit mo ba kasi pinasama pa si Yrie?” “Is there something wrong?” “Ungas. Hindi naman, mang-iinggit lang kasi kayo. Ka-partner mo kasi siya, siyempre. E paano nalang ako? Sus.” “Do you want us to drop by over Shaina’s pad?” Tiningnan niya lang ako, “Hey, focus on the road.” Ibinalik nalang niya muli ang tingin niya sa daan. Medyo nahalata kong naging seryoso ang mukha niya, 'di ko nga rin ba alam. Masyado ba siyang naging affected sa sinabi ko? “Oy, may tanong ako sayo.” “Oh?” “May gusto ka ba talaga kay Yrie?” Bakit naman niya biglang natanong? “Why?” “Tanong lang. Kasi diba nga namatayan 'yun, kaya nga naging ganyan siya oh.” “What do you mean?” “Simple lang, kasi diba sabi mo na ayaw mo sa mga ganung babae? Na… Medyo may pagka-bad girl.” Tinignan ko siya ng deretso. Iniinsulto ba niya si Yrie? “Watch your words.” Napatingin naman siya sa akin at umismid, “Huy brad! Napakaseryoso naman nito. 'Di ko siya hinuhusgahan ah. Halata lang naman kasi talaga ang pagbabago niya, tanga nalang 'di makakahalata na hindi siya nagbago.” Hindi ko alam pero parang tinamaan ako sa sinabi nito. Pero… hindi naman kasi talaga siya nagbago ah. 'Di ko rin alam kung bakit ang daming nagsasabing nagbabago siya pero ang totoo naman ay hindi. Ano bang problema ng mga tao ngayon kay Yrie? Kasi para sa akin naman talaga, hindi siya nagbago. Siya pa rin naman ang Ynah Marie Sanvictores na nakilala ko dati. 'Yung clumsy na weak na halos mabitawan lahat ng librong hawak niya. 'Yung pinagbigyan ko pa ng panyo ko dati. I wonder… Asan na kaya yung panyong 'yun? Nasa kanya pa kaya? Balik tayo… Tanga lang daw eh. Pero… Wala talaga akong nahalatang pagbabago sa kanya. Baka kasi lagi ko lang talaga siya kasama kaya 'di ko nahalatang may nagbago na pala sa kanya. Nasanay nalang siguro kasi akong ganyan siya. Kasi simula pa lang naman nung nagkakilala kami, pagkakakilala ko na sa kanya, isang weak. 'Yung mga nababalitaan ko kay Yrie na nang-aaway na siya, oo, masasabi kong nagbago siya. Pero kasi ngayon, napagtatanggol na niya 'yung sarili niya sa mga akusa sa kanya sa paligid. 'Di tulad nung dati. “…Pre? Diyan ka pa? Yooohooo!” Tinaas, baba niya 'yung kamay niya malapit sa mata ko. s**t, hibang na naman pala ako. “What did you say? Again?” “Tss. High s**t nigga. Wala. Pero seryoso ka talaga sa nararamdaman mo sa kanya?” “Yes.” “Pero halos six months na… Ganyan pa rin kayo. One sided, amp.” “Shut up… Shaina.” Hot seat niya ako eh. Siya naman ngayon i-hot seat. “Shaina ka diyan.” “Seriously bro? Cupid did hit you on the right part of your chest.” “Hoy, para namang ganun ako kabobo sa pinili ko.” “Actually… You are.” “Naknampucha. Kaibigan mo ako, sumang-ayon ka naman na may pagkabobo ako sa napili ko? E, matalino naman 'yung si Shaina---“ “Dumb s**t. There’s so many girls out there whose really head over heels on you, but instead of dating one of them, you still chose Shaina. Hehe, love you.” Tatawa-tawa kong sinabi. “Okay na sana eh. Makadamdaming background music na ang bagay, isisingit mo naman ang line ni Donyang Ina? Takteng 'to, nanunuod ka pala ng Show time.” Napahinto ako sa pagtawa. Donyang Ina? Show time? Tumingin ako kay Steven, tumatawa pa siya habang nagmamaneho. Teka, seryoso ba 'to? Si Donyang Ina? Sa Show time? “Hahahahahaha! f**k, stop Steven.” “Huh? Anong problema?” matawa-tawa pa rin siya hanggang ngayon. “I think I’m gonna s**t a brix.” “Bakit?” “Are you really familiar with Donyang Ina?” “SUS! Tingin mo sa akin? Tanga? Magegets ko ba 'yang sinabi mo kung hindi? Siya nga 'yung nambabara sa anak niya tapos magsasabi ng, ‘Paki-explain! Labyu’ sa huli ng sinasabi niya. O ano? Akala mo naman sa akin!” “You’re absolutely right 'bout that. Do you actually know what show it is?” “Showtime! Tss. Tingin mo sa akin, bobo?---“ “d**k head, nigga!” “Ay puta.” Humaripas ako ng tawa. Loko kasi. Lakas pa ng confidence sabihing sa Showtime daw 'yun. Tapos 'yung reaksyon pa niya, pamatay! “In courtesy of Bubble Gang Show. Bobo.” Bigla niyang inihinto 'yung sasakyan. Ano na namang problema nito? E, nasa gitna pa kami ng hi-way. “BOBO? Ako?” “Fuckin' noob.” “Tsk! Seryoso ka? Bakit mo ako sinabihan ng bobo?---“ “Okay. Stupido, ass hole---“ “TANGA! Alam ko 'yun. E, nagtagalog ka eh! Problema mo? Galit ka sa akin pre?” Binigyan ko lang siya ng “Da-heck!” look. At saka ko lang naalala... Sinabihan ko nga pala siyang bobo. E sa natawa ako nang sobra sa kanya eh. “Big deal?” “'D-de! Gulat lang… ako.” “Psh. Move, nigga.” Inirapan nalang niya ako at saka pinaandar uli ang sasakyan. Nag-cause ba naman ng traffic eh. “P're, tinamaan ka na ba talaga dun kay Ynah?” Out of no-where na tanung ULI ni Steven. Bakit naman bigla-bigla na naman niya uling tinanong 'to. “Why do you keep on asking that? Of course. I’m hella serious with her.” “Wala naman. Hanggang ngayon nagtataka pa rin naman ako. Ganun ka nalang talaga tinamaan sa kanya ah.” “Well, she has an irresistible personality compared with other girls out there.” Nakita kong napatango nalang siya at finocus uli ang tingin niya sa pagdadrive, “Are you really in love with Yrie’s soon to be sister-in-law?” “Mmm. Medyo naconfused ako, teka.” Humawak siya sa chin niya, “Crush lang siguro? Taken na kasi yun diba. At masaklap pa, 'yung kapatid pa nung babaeng gusto mo. One sided lang naman yata 'to. 'Di naman ata ako ganun kaseryoso tulad nung sa 'yo.” Psh. Talagang kinumpara pa niya 'yung feelings ko kay Yrie sa feelings niya kay Shaina. ** “Kayo pala! Grabe. Gulat naman ako sa bigla niyong pagpunta dito. 'Li'kayo, pasok.” Bungad bati sa amin ni Yrie. Kahit kailan talaga ang bait at ang ganda pa niya. “Laway mo tutulo.” Sabi ni Steven sabay tapik ng kamay niya sa balikat ko. Dumeretso na kami sa loob. Inunahan pa ako ng Steven na 'to, kapal eh. “Tita, Tito, may mga bisita po ako!” Sigaw ni Yrie dun sa taas. Ang kulit talaga niyang tignan. “Oh sino? Sige, papasukin mo at paghandaan mo!” Sigaw pabalik ng Tita niya. Ang kulit naman nilang tignan. Siguro ang saya-saya talaga nila ng pamilya nila. “Oh Ynah---“ Naputol na sinasabi nung Tito niya. Tito George if I’m not mistaken. “Yrie, Tito. Yrie. Ilang beses ko po bang ipapaalala sa inyo na 'yun na nga po ang pangalan ko.” Tinignan ko siya. Hindi ko maipinta 'yung mukha niya. Naba-bad trip ba siya? O okay lang sa kanya? Ayaw na ayaw na niya talagang tinatawag siyang Ynah. “Sorry 'nak. Yrie pala.” “Okay lang Tito! Sila Niall at Steven po. In case na nalimutan niyo na po sila.” “Oh, kayo pala. 'Di niyo na uli kasama 'yung iba niyo pang kasama dati?” Tanong sa amin. “Ah, 'di na po eh. Kaming dalawa lang po kasi talaga madalas 'yung magkasama. Sa school po, madalas naming kasama 'yung iba pa naming kaibigan.” Ang daldal ni Steven. “Ah, ganun ba. O'sige, Yrie, paghandaan mo sila.” “'Eto na nga po!” Sigaw ni Yrie mula sa kusina. Ang tinutukoy nung tito ni Yrie ay 'yung sila Davin. Twice pa lang kasi talagang nakakapunta ang mga 'yon dito sa bahay nila Yrie. Eh madalas, ako lang talaga andito. Minsan ko lang din isama si Steven dito, kapag na-trip-an. “Kamusta na pala kayo? Ikaw 'yung Niall diba?” Sabay turo sa akin. Naks, kilala na ako. Pasado na. “Yes, yes I am.” “Phineas? Ferb? Ikaw ba yan?” Bulong sa akin ni Steven. Problema niya sa sinabi ko? “Oooh. 'Yung Inglisero. May lahi ka ba?” “Half American, sir.” “Tanga, mag-Tagalog ka. Mabago pa interpretasyon sa 'yo niyan. Pft!” Bulong na naman ng ungas na to. “Ooh. I see, hehe. Pati ako 'nak, nahahawa na sa kaka-Ingles. Nagta-Tagalog ka ba?” Muntik na akong matawa sa tanung ng Tito ni Yrie. “Y-yes… O-opo. But, a little. I often use it.” “Nakaka-nose bleed ka 'nak. Ibang iba talaga kayo ni zayn.” Napatingin naman ako bigla sa kanya. Zayn? 'Yun 'yung namatay diba? 'Yung nagpaiyak kay Yrie. Bakit naman niya ako kinukumpara dun? Ibang iba naman talaga kaming dalawa eh, hindi naman ako gagong tulad niya. “A-ah, eh… Talaga pong magkaiba sila ng kaibigan ko. He he.” Singit ni Steven. Thanks bro! “O'sige na, andiyan na si Yn---Yrie pala. Iwan ko na kayo sa kanya.” Tumango nalang kami at umalis na ang Tito ni Yrie. Sakto namang papunta na dito si Yrie dala ang isang tray na may laman na puro sandwich at juice. Kinuha ko na agad ang sandwich, pero siyempre, pinagmasdan ko muna 'yun, “What’s the dressing of this… Is this really a sandwich? O-or…?---“ “Are you going to eat it? Or you’ll just keep on complaining what kind of stuff is that?” Hala. Nag-English na rin siya. Lakas talaga ng impluwensya mo, Niall. Pero seryoso, kapag nage-English na siya, seryoso na 'yan o nawalan na sa mood. Ang ganda pa nga niya lalong tignan pagnagi-English siya. Tuloy-tuloy pa, wala pang maling grammar. Gusto ko sana siyang i-compliment kaso seryoso nga diba. Seryoso na. P'ano ba naman, yung sandwich na inihanda niya sa amin e parang lasog-lasog na. Parang ipinasok sa Lucky Me machine sa sobrang tindi ng kalbaryong nangyari sa sandwich na ito. Tumingin ako kay Steven at nakatingin lang din siya sa sandwich na 'yun. Pero… Hinawakan niya at saka dahan-dahan itinaas. Potek, anong gagawin na namang eksena nito? “Tuna sandwich: No mercy, let’s give sympathy." “Pffft!" “f**k? Ano bang nakakatawa sa sinabi niya, Niall? Alam mo Steven, ISA KANG LALAKING UBOD AT SAKSAKAN NG KAKORNIHAN! Kung 'di mo naappreciate ang Tua sandwich na 'yan, 'wag mo nang kainin kaysa nilalait lait mo pa. May pagkakapal ka rin ng mukha 'no? Nakaka-bullshit.” Bigla kaming napatahimik sa sinabi ni Yrie. Ako naman, medyo nagpipigil pa sa tawa. Putapete kasi 'tong si Steven eh! Namamahamak. Binigyan ba naman ng title, magkarhyme pa. Kung nakita niyo lang talaga mukha niya, matatawa rin kayo eh. Inayos naman agad namin ang aming sarili. Grabe, nakakatakot na talaga 'tong si Yrie paggalit na. Pero ayos lang, as long as diyan siya okay, okay na rin naman ako. “Sabihin niyo nalang kung kakainin niyo o hindi, kundi itatapon ko na lang ito.” Walang kumikibo saming tatlo. At si Yrie, nakatingin pa rin samin. Nakakatakot talaga ang tingin niya, “'La eh! Ayaw niyo yata talaga. 'De sige, amin na'yan at itatapon---“ “N-no! We WILL eat this. It looks yummy and delicious. Steven! Why don’t you do the first bite? Then afterwards, I’ll take the second bite too.” Medyo umiiling siya na ang sama ng tingin sa sandwich na 'yun. Kung nanunumpa lang ang tingin, baka naging tae na ang hawak niyang sandwich. Ibang klase naman kasi talaga 'tong kumag na 'to. “Niall naman…” Pagrereklamo ni Steven sa mababang tono ng boses. Nako, 'wag lang siya magreklamo ngayon. 'Wag muna ngayon. “Yes, bruh?” nagpeke ako ng ngiti. Makuha lang sana siya sa tingin. “Hay. Oo, heto na nga.” Hinawakan na niya ang tinapay at tinitigan niya muna ito. Ano 'to? Makikipagtitigan pa siya? Tumingin naman ako kay Yrie, nakatingin lang siya kay Steven at halatang hinihintay nito ang unang pagkagat niya rito. Get rid of that, Steven! *bites sandwich* *nomnomnom* *COUGHS* “*cough!* *cough!* s**t! Anong palaman---“ Pinutol ko nalang ang sinasabi ni Steven. Alam ko Steven, alam ko. Alam kong 'di mo nakakayanan ang lasa ng tinapay na 'yan kaya naman tinakpan ko na 'yung bibig niya using my hand at pinalalamon ko pa sa kanya. 'Wag ka mag-alala, matitikman ko din naman 'yan eh. “Is it good?!” Excited na tanong ni Yrie. Sinamaan ko ng tingin si Steven. Magpakaplastik naman siya kahit ngayon lang, “O-oo? E-este… Oo naman! S-sarap naman ng tuna with mustard, peanut butter and kechup sandwich mo Yrie. He he. *coughs*” SHIT. Tuna with mustard, peanut butter and ketchup? “P'ano mo nalaman 'yung palaman?” “Halata naman sa lasa, ang pangit nga, putang---“ “Obviously at the sandwich’s appearance. Steven has a good taste buds, huh.” Sinamaan ko uli ng tingin si Steven. Muntik na. Muntik na talaga. “Niall, turn mo na.” Pagpapa-cute ni Yrie. What more can I say? Sobra na siyang cute kaya 'di ko na talaga siya matatanggihan. Hinawakan ko na 'yung sandwich at kinagatan ko na agad. Kahit… Kahit na… Never mind. *nguya-nguya* *coughs* *nguya pa rin* Nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Nakatingin siya kung paano ko kinakain ang sandwich na parang kaning baboy. 'Di bale na, hindi naman niya nababasa 'yung nasa isip--- “Yung mukha mo Niall. Halatang sinasabing 'di masarap. Psh.” “H-ha? No ich not. *nomnom* Ith really teychs good.” Sabay kagat uli sa tinapay. Nakita ko namang ngumiti siya. Sana lagi kong nakikita 'yung ganyan niyang ngiti, 'yang maaliwalas niyang mukha. Kinakain ko nalang 'yun nang kinain kahit nabusog na yata ako sa kakainom ng juice para maitulak nang maigi. Ubusin mo 'yan Niall, ginusto mo 'yan eh. Isipin mong para kay Yrie 'yan. MASARAP ANG TUNA SANDWICH NA ITO. TAMA, NAPAKASARAP TALAGA. KAYA MONG UBUSIN 'YAN, NIALL. KAYANG KAYA MO. ... HOOOO. AT LAST! NAUBOS KO NA RIN. *buurpp!* “Pre, tindi ng amoy---“ “Shut up.” “Grabe. Ang galing mo talaga Niall at naubos mo ang inihanda kong tuna sandwich! Ang galing!”Pumapalakpak pa siya habang tumatalon sa galak. Ang saya at ang cute niyang tignan talaga. “Buti nalang at nakain mo ang sinadya kong TUNA SANDWICH WITH MUSTARD, PEANUT BUTTER AND KETCHUP.” Bigla akong napatigil sa pagtitinga, at saka tumingin sa kanya habang ang lapad ng ngiti niya. Kaming dalawa ni Steven, nakatingin sa kanya. Anong ibig sabihin niyang… Sinadya niya? “Ang totoo kasi niyan… Sinadya ko talagang paghalu-haluin yan kahit na alam kong pangit ang lasa. 'Wag kayong magagalit sa akin, wala lang talaga akong magawa.” naka-pout niyang sabi. “PUTANG I---“ Siniko ko kaagad si Steven. Sabi na nga ba at aangal na naman 'to. Pero, sinadya niya 'yun? Para pasakitin ang mga tummies namin? Yaan na, si Yrie naman ang may gawa at 'di naman kung sinu-sino lang kaya ayos lang. Kaya ko pang kainin lahat ng gagawin niya sa aking ganung tuna sandwich kung kinakailangan para lang sumaya pa siya. “It’s okay, Yrie.” Kaagad naman siyang lumapit sakin at hinagkan ako nang sobrang higpit. Heto 'yun eh, heto 'yung hiihintay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD