Imprint on my Heart [7]

3046 Words
Chapter 6. Yrie’s POV Meanwhile at Padi’s Point… “Anong mga order ninyo?” tanong sa amin ni Steven. Tumingin naman sa akin si Niall. 'Yung, “ikaw?-anong-gusto-mo?” look. Napahawak nalang muna ako sa baba ko at nagisip-isip, inabot naman niya sa akin ang Menu. Medyo fail ako dun ah. Ano kayang masarap dito? “Blue Margarita, isang bottle ng T5 Rhum Light, tapos, inihaw na Pusit at Liempo for pulutan!” Nakatingin lang sila sa akin. May mali ba? “Change that on a heavy meal instead of picas.” “Bakit? 'Yun ang gusto ko, papapalitan mo.” “'Di tayo tatagay dito, Yrie.” Sabi ni Steven. “Eh 'yun nga sabi gusto ko eh. Tatanong tanungin niyo ako diyan kung anong order ko, tapos babawiin niyo lahat ng sinabi kong order?” Sabi ko sabay crossed arms. Tumingin si Steven kay Niall, “One order of sizzling Tofu, ½ chicken barbeque, and double sisig for meals. For drinks, two iced tea and 2 mango shake. That’s it---“ “Teka! Sa inyong order lang na dalawa, ganun? E ako nga 'tong nagyaya sa inyo. Psh. Miss Beautiful sa akin ay…” Humawak si Steven sa chin niya habang nakatingin sa menu. Yung waitress namang ito, halatang kinilig sa pagtawag sa kanya ni Steven ng “Miss Beautiful”. Puta, ang landi! Sampalin ko mukha niya eh. “Crunchy calamares at… Mmm… Muchos Nachos! Mukhang masarap. Tapos manggang hilaw na rin with bagoong. Nakakapangasim. Tapos isang order ng iced Mochaccino. Ayan, okay na.” “Repeat ko lang po 'yung order niyo, ano po?---“ “Kahit 'wag na. Daming patagal.” Sabi ko. Nakakainis eh. Bakit pa kailangan irepeat? Ano, para 'di siya magkamali sa mga nasulat niya? E putapete! Kasalanan na niya yun pag nagkataon! Iuulit pa. Saka responsibilidad na 'yun as a waitress dito na matandaan lahat ng orders namin at WALANG PATAGAL-TAGAL PANG EKSENA. Tinignan lang ako ng masama nung waitress, at syempre, ibinanat ko ang deadly smirk ko sa kanya. Inirapan ko pa siya to the highest level. 'Wag lang siyang dumagdag sa pamba-bad trip sa akin. 'Di na nga natupad 'yung mga hiniling kong orders eh. “What’s with that face, Yrie?” tanong sa akin ni Niall. “Nothing.” “Seems angry, huh.” “Hindi. Wala nga sabi diba?” “So what's with the snobbish look in your beautiful face?” “'Wag ka nga mambola. Kasi naman 'yung inorder ko, hindi niyo man lang sinunod… Nakakainis kaya.” “We're here to eat an early dinner meal, not to be satisfied our tummies with those drinks and picas.” Hindi ko nalang siya pinansin. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napailing nalang si Steven. Magkaibigan talaga ang dalawang 'to. Maya maya rin, dumating na rin ang order namin. At syempre hindi ko ginagalaw ang mga pagkaing nasa mesackahit medyo natakam ako sa amoy ng mga pagkain. “Here, Yrie. Take a bite.” Nilapit sa akin ni Niall ang pagkain na nasa kutsara. “Ayaw.” “Have some. It’s pretty delicious, you’ll see.” Tumingin naman ako sa kanya. Sincere 'yung pagkakasabi na masarap daw ito. Ngumanga ako at kinain ang inaalok niya sa akin. Nomnomnom. Ang sarap! Syet, ang sarap pala. Naglagay na ko sa plato ko at kumain na ng kumain. Takte. Sasarap pala ng mga pagkain dito. Pumupunta lang kasi ako dito para maglasing pero never pa ko talaga umorder ng mga meals dito sa Padi’s. Pero dahil sa nadiskubre ko ngayon, baka balik balikan ko na rin 'to. “Niall, sarap na sarap si Yrie oh.” 'Di ko pinansin si Steven at kumain lang ako nang kumain dito. Feeling ko kailangang kailangan ko talaga nito. Dahil nitong mga nakaraang araw, linggo’t buwan, puro tubig at alak yata ang laman ng tiyan ko. Sana nalang 'di ako magkasakit sa mga pinaggagagawa ko sa sarili ko. Bakit ko pa nga ba ito ginagawa? Ang pagpapahirap sa sarili ko… Ang pambu-bully ko sa iba… Bakit nga ba? Bigla akong napaisip… PARA SAAN PA NGA BA ANG LAHAT NG MGA GINAGAWA KO NGAYON? Napatigil ako sa pagkain. Bakit ganun? Unti-unti na namang nagfa-flashback ang lahat… Simula nung nagkakilala kami ni Zayn, 'yung unang nangyaring matinding away na agad sa aming dalawa, 'yung maraming tumutol, 'yung masasayang memories kasama siya isa na dun ay ang Vigan trip namin, 'yung mga surprises na ginawa niya para sa akin, 'yung mga times na ang simple lang ng pinagtatalunan namin... iyong na-arranged marriage siya kay Irish, 'yung gumawa kami ng mga paraan upang matuklasan kung anong mga nangyayari, humanap ng mga posibleng paraan para masolusyonan ang lahat, 'yung naaksidente siya, nahimatay ako pero nagkaayos na naman ang pamilya namin pati ang Arabit, 'yung marami akong nakilalang barkada, 'yung nabubully lang ako dati, 'yung mga lalaking nage-effort para sa akin. Fuck. Lalo pa nung nakaraang anim na buwan, kung kailan ako nagsimulang maging ganito na kung sinu-sino na ang inaway ko, lung sinu-sino na ang nakalandian ko, kung sinu-sino na rin ang na-bully ko, kung anu-ano na rin pinaggagagawa ko sa sarili ko nun. Sa loob lang 'yun ng anim na buwan, kalahati ng isang taon lang. At ngayon, halos magwawalong buwan na. 'Di ko alam pero nakatulala na pala ako ngayon dito sa kawalan. Bakit ganun? Heto na naman. Dinadalaw na naman ako ng mga masasalimuot kong mga alaala. Nawalan na rin ako ng gana dito sa pagkain. “Yrie, you okay?” Nakatingin na pala sila sa aking dalawa. “Yeah.” Sagot ko habang nakatulala pa rin sa kawalan. “Sure ka?” tanong na ni Steven. Tinignan ko lang siya, “s**t. Nanlalamig ako sa tingin mo Yrie. Niall, pahingi ngang jacket diyan.” “Punta lang akong restroom.” Sabi ko sabay alis. Hindi ko na uli kaya pa 'to. Iiiyak ko na naman 'to, as usual. Niall’s POV Tumayo agad si Yrie at dumeretso sa CR. Tinignan ko pa siya hanggang sa maabot niya ang restroom. Alam ko na, may problema na naman siya at tungkol na naman 'yun sa Zayn na 'yun, ano pa nga bang bago? Lagi naman 'yan ang dahilan niya kaya bigla-bigla nalang siyang magiging ganyan. “Bipolar talaga nun kahit kailan pare ano?” Nag-sigh nalang ako. Sanay na naman ako kung ganyan siya eh. Pero pinipilit ko pa rin namang pabaguhin siya. 'Yung mabago kung ano 'yung mali sa paningin ng iba. “Oh pati ikaw? Namomroblema na rin sa kanya?” “I just can’t avoid having this feeling.” “Alin? Na pag namomroblema siya, namomroblema ka na rin? Pag galit siya sa isang tao, galit ka na rin dun sa tao na 'yun? Pag naiinis siya, naiinis ka na rin? Pag wala siya sa mood, wala ka na rin sa mood? Pare ano ba talagang trip mo?” “I don’t fuckin' know, Steven. I really don’t know why the heck I’m like this.” “Mahal mo na kasi siya…” Napatingin ako deretso sa mata niya at napasmirk naman ang gago. “Titingin ka ba sa akin ng ganyang ka-sincere at kaseryoso kung hindi? Pare naman, anong tingin mo sa akin? Dati na yata kitang kakilala, sa tingin mo 'di ko pa alam mga gawain mo? Lokohin mo na ang iba, 'wag lang ako.” “King'na naman.” Tanging naisambit ko. “WOAH! May alien na naman ba akong kausap? Isa pa nga pare! Dapat kasi nawi-witness ni Yrie 'yung pagta-Tagalog mo eh. Sayang kaya! Dali, isa pa!” “Tss.” Ngayon na lang ba uli ako nag Tagalog? Kung alam niya lang na sa utak ko, punong-puno ng mga Tagalog words dito. “Dali na kasi Niall!” “No.” “Murahin mo pa ako ng Tagalog ayos lang! Dali, pakikinggan ko uli.” Aba’t, gusto ata nitong mumurahin ko siya? “You sure?” “Oo naman! Ngayon nga lang ulit kita maririnig mag Tagalog, edi lubos-lubusin na.” Grabe, tuwang tuwa siya. “Putang ina mo.” “HAHAHAHAHAHAHA! GAGO! ANG CUTE MO MAG TAGALOG! PARA KANG BETLOG! ISA PA NGA!” Puta. Tuwang tuwa talaga, minumura na nga siya. “Imba ka mag Tagalog! Mmm, bakit 'di mo subukang mag Tagalog simula ngayon?” “Are you kiddin' me?” “Hindi ah, nagsa-suggest lang eh. Alam ko namang dumadating din ang mga oras na nauubusan ka ng mga English words diyan sa utak mo.” “No, I don’t want to.” “Bakit? Dagdag pogi points na 'yun para kay Yrie kasi nagta-Tagalog ka na. Bakit hindi ka na lang mag- Tagalog para kay Yrie? Ano… Sa tingin mo?” “I’ll think about it…” Kasalukuyang nakatigil kami sa pagkain. Hinawakan ko ang baba ko. Mukhang maganda ang idea ni Steven, pero teka nga, bakit kaya ang tagal ni Yrie dun sa banyo? “Yrie’s been taking too long. I gotta go find her.” Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Steven, “Gago! CR 'yun ng mga babae, 'wag mong sabihing papasok ka?” “Uuh. That’s what I am abou to---“ “BOBO! BAKA NAMAN PAGKABALIK MO DITO MASAKIT NA ANG BUONG MUKHA MO? Hantayin nalang muna natin siya. Baka maraming pila dun sa CR ng mga babae o kaya nagbabawas 'yun.” “But---“ “Hetong CR sa Padi’s Point na 'to ay may rehas ang bintana. 'Wag kang mag-alala, hindi tayo tatakasan ni Yrie. Walang ibang lalaking makakapasok dun.” Napakamot nalang ako sa ulo ko. Bakit ba may sense ang pinagsasabi ng Steven na 'to. “Balik nga tayo sa topic natin. Iniiwasan mo mga tanong ko sa 'yo eh. Oh ano? Napag-isipan mo na bang mag Tagalog para sa mahal mong Yrie?” Ako na naman hot seat nito. Inirapan ko lang siya, “Isipin mo kasi mga pinagsasabi ko. 'Wag mo nang ideny na may gusto ka talaga kay Yrie. Halata pa nga talagang may gusto ka dun. Anong dapat gawin mo para mapansin ka niya? Magbago ka!” “Do I really need to change my---“ “Exactly! Paano kung maturn on pa siya sa 'yo dahil nagta-Tagalog ka na? You know… girls... kapag nasanay na silang laging nagta-Tagalog, gusto naman nila nage-English. Kapag nasanay naman sila sa mga spokening dollar, gusto naman nila spokening peso.” “I don’t think so. Think of all the times we have been together. You exactly know how my like for her, turned into love. The past eight months, I’ve done everything just to make her happy. We can't deny that she still thinks of him. I want to find her out 'cause definitely, she's crying right now. To be her crying shoulder, my role, it is. To be someone’s band aid. I'm pertaining to what Lean asked me months ago, if it’s okay with me to be someone’s band aid... and yes, I'm already into deep s**t with her, and the feeling of getting out is what makes me more harder to endure.” Ito na ata ang pinakamahaba kong nasabi. Iba pala talaga pag may experience ka, masasabi mong ikaw 'yung dapat mas paniwalaan. “Hingi lang akong tissue.” Tumayo siya at pumunta dun sa may counter. Humingi nga ng tissue? Bumalik na rin siya at kunwa-kunwari niyang idinampi ang tissue sa baba ng ilong niya. “Iba ka pare, edi ikaw na! Alam na alam mo na pala eh.” “Just sharing experience.” “Pero eto lang masasabi ko pare ah. Sa lahat-lahat ng mga sinabi mo… MAG TAGALOG KA NA NGA KASI! Wala namang mawawala kung 'di mo susubukan diba?” “I’m just using it whenever I’m serious and mad.” Napadilat naman ang mga mata nya, “s**t! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'yan?” “And why not?” “Edi seryoso 'yung minura mo sa akin?” 'Yun lang pala. Nataatawa nalang ako sa hitsura niya ngayon. 'Di naman kasi seryoso 'yun. Natatawa-tawa pa nga ko habang minumura ko siya nang pa-Tagalog kanina eh. “I forgot to mention, also, whenever I’m almost died laughing.” “s**t ka. Kinabahan ako dun.Pero ano? Try mo na kasi.” “And when will I start?” “Today!” “I’m not prepared. Can I at least start next week?” “Isang linggo ba talaga kailangang quota ng date mo sa paghahanda para lang diyan sa pagta-Tagalog mo? Ha?” Napakamot nalang ako sa ulo. Para naman kasing ang hirap niyan eh.bPero ano kaya? Subukan ko? Paano? Parang nahihiya tuloy ako. “'Yan na.” Napangiti naman ng sobrang lapad si Steven. Ano na naman ba ang nasa kasalukuyang iniisip nito? “Tukneneng ka, pare! Ang KYOT mong tignan.” “You're making fun with me. I’ll just f*****g stop this stupid---“ “Biro lang pare!” “Gay shit.” “Ulul. Pero pare 'wag ka na kasi magmura diyan. Ipagpatuloy mo nalang 'yung ganyan ah..." napalunok na lang ako, "Teka, andiyan na pala si Yrie! 'Yung mga sinabi ko sa 'yo a.” Napatingin kami sa direksyon niya. At 'yung mukha niya parang hinahanap na kami. Sumenyas nalang kami na dito. Ang hitsura niya, ano pa nga ba, halatang galing sa bagong iyak. Nagkunwa-kunwarian nalang kaming kumakain. Si Steven naman medyo natatawa-tawa pa, kinakabahan tuloy ako. Yrie’s POV Nakita ko na rin sila. Buti nalang at mabilis akong nakita nila. Oo, sila nga yata nakakita sa akin. Sumenyas lang si Niall. At, wow ah. Mukhang sarap na sarap pa rin sila sa pagkain nila. Hindi naman masyado bawas yung mga kinakain nila? Ginawa ng mga 'to? Hindi man lang ako sinundan ni Niall. 'Yung mga ganung pangyayari, alam kong alam na niya na iiyak na naman ako. Tanga ka talaga Yrie, siyempre naman, NASA BABAENG BANYO KA. Feeling ko tuloy sobrang spoiled na ako pagdating kay Niall. “Kain na.” Paupo na sana ako nung bigla niya 'yang sinabi. I was mesmerized. Totoo ba ito? Totoo ba ang narinig ko? Nag Tagalog ba talaga FOR REAL si Niall? Kadalasan kasi puro sa panaginip ko lang siya nagta-Tagalog. Kaya nga minsan ayako na gumising kasi ayun na eh! NAGTA-TAGALOG ANG INGLESERONG SI NIALL ANDREI SORALLO. “Tell me this ain't a dream.” “This ain't a dream.” Para namang binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa buong katawan ko at parang nagising nga sa katotohanang… I ain't dreaming. Nag Ingles na naman siya? Okay na sana eh. Okay na talaga! Kikiligin at matutuwa na ako ng bonggang-bongga. Umupo nalang ako at binalewala siya, sila. Parang never mind nalang siguro 'yung narinig kong pag Tagalog niya. Siguro nga hindi niya talaga kayang hindi mag Tagalog. Malapit na malapit na eh. Bakit kasi ginawa pa kung hindi naman pala kayang ituloy-tuloy nalang ng ganun? Magiging okay na sana talaga 'yung mood--- “Bakit ganyan mukha m-mo?” “Five words... five precious words. ” Para na naman akong tangang hangang hanga sa sinabi niya. Kung napi-picture out niyo lang ang mukha ko, matatawa kayo panigurado. BAKIT KASI GANUN? BAKIT SIYA NAG TAGALOG? HINDI NGA AKO NANANAGINIP DIBA? NAKAPAGSABI SIYA NG LIMANG NA SALITA. OMG. “Why?” OKAY. Balik na naman siya sa pagi-Ingles niya? Conyo ba 'to o ano? Ayan, balik poker face na naman ako. Nakakainis kasi! Masama pala talagang binibitin. Napatingin naman ako kay Steven na nagpipigil ng tawa. Pinagti-trip-an ba ako ng dalawang 'to? “Steven!” *coughs* *cough* Nabulunan si Steven nang tawagin ko siya. Nagulat ata siya. Aba! Tatawa-tawa siya diyan tapos magugulat nalang siya bigla pag tinawag siya? Ako nga yata talaga aya pinagti-trip-an nito. “Tapos uubo-ubo ka diyan? Hoy, kayong dalawa! Pinlano niyo bang pagtripan ako ngayon? Alam niyo nakakainis na ah. Ikaw! Niall!” Turo ko sa kanya. Napahinto pa siya sa pagkain niya at ngumunguya pa na parang inosente. “M-me?” Turo niya sa sarili niya. “Nakakainis ka na ah! Magta-Tagalog ka ba talaga o magi-Ingles ka? Nambibitin ka! Conyo ka ba talaga o ano? At lalo na ikaw!” Turo ko kay Steven. *cough* *cough* Ayan, naubo na naman siya. Uminom muna siya ng tubig. “A-ako? Bakit naman?” “Bakit ka tumatawa diyan? Akala mo kung sinong inosente 'to. May nakakatawa ba? Pinagtatawanan mo ba ang hitsura ko?” “Hindi, ah. Hindi naman kasi talaga Y-yrie eh.” “Eh ano lang? Hay nako! Nakakainis na ah.” “Tama na nga 'yan.” Napatingin kaming dalawa sa kanya. Bakit ganun? Bakit namumula yata ako ngayong nagta-Tagalog lang naman siya? Ano bang problema pati nito at ganyan nalang bigla siya kung magsalita? “Kumain ka na, Yrie.” “O-okay.” Four letters, 1 word. Iyan lang ang tanging naisambit ko. Para bang nawala ako sa katinuan. Sumunod naman ako sa kanya na para bang aso. I can't believe I actually hypnotized by him. “You alri---*ehem* okay ka lang ba… Yrie?” “Huh? A-ako? O-oo! Oo naman.” Ang gulo ko rin eno. Nakangiti ako habang utal-utal kong sinasabi ang mga katagang 'yan. Nakakapanibago lang talaga. Nagta-Tagalog na siya. Ewan ko, pero parang he enlightened up my world and putted a light on it. “Ang cute mo.” Pambobola ni Niall. “Tara, kain ka na rin diyan.” Kumain na ako. 'Yung tipong bangrami ba. Para kasing nagutom talaga ako ng sobra dun. Lahit nakakapanibago si Niall, parang ang saya pa rin kasi nag Tagalog siya. Feeling ko tuloy bumabawi ako ng kain ko ngayon. Ewan ba, saka ko lang naappreciate uli ang sarap ng pagkain. Kahit na umiyak ako kanina dun sa banyo, feeling ko nawala na dahil sa nangyayari ngayon. Ngayon nalang uli ako ngumiti ng ganito ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD