Imprint on my Heart [8]

2326 Words
Chapter 7. Justin's POV Nakakatamad naman dito sa bahay. Makalabas nalang kaya muna? Ano palang gagawin ko naman dun? Mukhang busy rin naman ang barkada, may kani-kanya na rin namang date at mundo ang mga 'yun. Ako nalang naman yata ang natitirang single... Si Gabriel pa pala. May karamay pa ako. Kami nalang kaya mag date ni Gabriel? Si Ynah Marie kaya? Kamusta na siya ngayon? Ite-text ko nalang, namimiss ko na rin naman siya kahit 'di rin naman niya yata ako namimiss. To, Ynah Marie: Hi ynahmarie! miss na kta. Hehe. Pramdam ka nmn dyan oh. :( Message sent. Hindi yata ito magrereply. Sabi na nga ba, hindi na naman siya lagi nagre-reply sa akin eh. Puntahan ko nalang kaya siya? Kanino naman kaya ako magpapasama naman? Ako nalang kaya? Makapag-ayos na nga. Tama, pupuntahan ko na nga lang talaga siya. Nung isang araw pa kasi 'yung huli naming kita, tapos mabilisan lang din 'yun, pinauwi na rin naman niya kasi agad ako nun. Lagi naman na niya sa akin ginagawa 'yun, pero ayos lang. Kung naguguluhan kayo sa akin kung sino ba talaga ang gusto ko, kung si Ynah Marie ko ba o si Margarette ko, kahit ako rin hindi ko talaga alam kung sino nga ba talaga sa kanilang dalawa. Nalilito pa rin talaga ako ngayon. Pero parang ramdam kong mas higit pa rin ang nararamdaman ko para kay Ynah Marie ko kaysa kay Margarette. Siguro kasi siya ang una kong nakilala. Balita ko nga, umuwi na muna ng Vigan si Margarette. Kaya ayun, nitong nakaraang buwan wala na rin masyadong nangungulit sa akin. Nakaka-miss din pala pag 'di na nangungulit sa 'yo 'yung taong habol ng habol sa 'yo. *** Andito na ako sa labas ng bahay nila. Medyo kinakabahan nga ako at 'di ko ba alam kung bakit. Siguro kasi talagang namiss ko lang ang Ynah Marie ko. Tinext ko na uli siya. To, Ynah Marie: Ynahmarieeee! Andito ako ngaun sa labas ninyo. Labas ka dyan. Sweet talaga ako kung magtext kay Ynah Marie ko. Siya lang naman 'tong sinusungitan ako eh. Hindi tulad nung dati, makikisakay pa minsan sa akin 'yan. Pero ngayon, ang titipid na talaga ng mga nire-reply niya sa akin. Miss ko na rin ang dating Ynah Marie ko na YRIE na ng karamihan ngayon. *tiw tiw* From, Ynah Marie: Bakit ka andito? Aruy. 'Yun lang pala ang reply niya. Kanina tinext ko siya na miss ko na siya diba, pero 'di man lang siya nag reply. Akala ko busy siya, pero kung 'di ko pa siya itetext ngayon, hindi siya magre-reply. Ayaw niya ba akong makita? Bawal ba ako pumunta dito? Yung text kasi niya parang sinasabing, "BAKIT KA PA PUMUNTA DITO?!" Pero... Sorry nalang siya. Gusto ko siyang makita, e. Gusto kong masilayan ang magandang mukha ng Ynah Marie ko kaya pumunta ako ngayon dito, at walang makakapigil sa akin. Hindi ko nalang siya ni-reply-an. Pinindot ko nalang ang doorbell. Grabe, mukhang wala talaga siyang balak pagbuksan ako. Ilang minutes na rin kasi talaga nakalilipas, 'di pa niya ako pinagbubuksan dito. Pinindot ko uli ang door bell. *Ding dong! Ding dong!* "Oy, pareng Justin! Andiyan ka pala. Kanina ka pa andiyan?" Sumulpot bigla si Patrick sa likod ko. Buti nalang at andito si Patrick sa labas. "Medyo nga, e. Ang ate mo? Andiyan ba? 'Di pa kasi niya ako pinagbubuksan dito." "Ganun ba? Ayun ang 'di ko lang alam. Kauuwi ko lang din kasi, nag basketball lang ako sa kabilang village. Eh, bago ako umalis pinuntahan siya dito nila kuya Niall at may isang kasamang lalaki. Nalimutan ko ang pangalan niya, pero nakapunta na 'yun dati dun sa ospital nung naospital si ate." Niall? Kasama niya ba ang Niall na 'yun ngayon? Andiyan ba talaga siya ngayon sa loob na 'yan? Kaya ba siya nagtanobg kung bakit ako andito kasi di ako welcome dito at may bisita nga siya? Biglang nawala o napawi ang ngiti sa mukha ko. Parang bigla akong nawalan ng gana at 'di ko alam kung bakit. "Justin? Nakikinig ka ba?" 'Di ko napansin, nasusi na pala niya ang gate nila. Napatulala kasi ako. "Huh? Ah, oo. Oo naman..." "May problema ba? Anong nangyari? Bakit parang biglang nanlumo mukha mo? Nanlulumo ka rin ba sa mga pinagkukwento ko sa 'yo? Hay nako. Nakakainis nga eh, ayun nga, lagi nalang busy ang Shasha ko. Sabi niya nga raw kasi, kinakailangan na siya sa kumpanya nila. Ang dami pating pumuporma na sa kanya!" 'Yun pala ang kinukwento niya. Wala kasi talaga ako naintindihan dahil parang ang lalim ng iniisip ko ngayon. "May plano ako, Justin." Napatingin naman ako sa kanya. Plano? Alin? At tungkol saan? "Huh? A-ano naman yun?" "Papangitin ko nalang kaya ang Shasha ko para wala nang lapit ng lapit sa kanya? Anong magandang paraan? Kalbuhin siya? Ano ba? Kasi naman eh! Ang hirap pala talaga magkaroon ng magandang girlfriend." 'Yun lang pala. Akala ko kung ano na. "Okay ka lang talaga? Lika na, kanina ka pa yata talaga nakatayo diyan. Lutang ka sir." "Ay, heto na nga." Pumasok na kami sa loob. Pinipilit ko nalang ngumiti. Kahit na parang hindi pa rin talaga ako maka-get over dun sa sinabi ni Patrick. 'Di 'yung tungkol sa pagpapakalbo niya kay ate Shaina. Kundi dun sa magkasama sila Niall. Para kasing ang sakit eh. Pero okay lang 'yan, Justin. Wala ka naman dibang karapatan para maging ganyan kay Ynah Marie mo, diba? "Ate! Andito si Justin." Sigaw ni Patrick nang makapasok na kami dito sa pinakaloob ng bahay nila. Pumasok na ako sa pinakasala. At nakita ko silang dalawa ni Niall... "Uy, andiyan ka pala Justin." Bati sa akin ni Ynah Marie. Ngayon niya lang ba napansin? Kanina pa ako nagdo-doorbell sa labas eh. Tinext ko na rin naman siya. "Ah... O-oo!" "Ayan, ate. Ang dami mo nang bisita." Singit ni Patrick. "Ah, dito ka Justin..." Lumapit ako sa kanila. Umupo naman ako sa kabilang side ni Ynah Marie. Ang sama pa nga ng tingin sa akin nitong Niall eh. Inano ko siya? Wala naman talagang namamagitan sa kanilang dalawa ni Ynah Marie, diba? Eh bakit ganyan siya kung makaasta? Boyfriend ba siya ni Ynah Marie? Mas okay pa nga yata para sa akin si ZAYNtanas eh. Nakakamiss din pala siya... Okay. "Kamusta ka na Ynah Marie?" Pantanggal ng awkward na namamagitan sa aming tatlo. "Okay lang ako." "Kumakain ka naman ba ng marami? Dapat lagi mong iniingatan ang sarili mo ah. Lalo na ngayon, laganap na ang sakit na dengue." "Tss." Narinig kong bulong ni Niall. Oh bakit na naman ba? 'Wag niyang sabihing kaya siya ganyan ay dahil nao-OP siya sa pinag-uusapan namin ni Ynah Marie ko. "Oo naman." 'Di ko talaga alam kung ano na ang susunod na sasabihin. Feeling ko, ang dami ko pa talagang gustong sabihin sa kanya ngunit papaano? Parang babarahin lang niya ako. "Ano mo siya, Ynah Marie?" Lakas loob kong tanong kay Ynah Marie at itinuro si Niall. Nag smirk naman si Niall. Anong ibig sabihin nun? "Bakit mo naman natanong?" "Curious lang ako." "Nge?---" "Her suitor." Biglang sumingit si Niall. Tumanggap na ng manliligaw si Ynah Marie? Akala ko ba hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya ang mga nangyari? Eh ano 'tong nalaman ko? "S-suitor?" Confused kong tanong. "Niall?---" Naputol na naman ang sinasabi ni Ynah Marie. "Yeah, from now on, I'm her suitor." Hindi na ako nakakibo pa sa sinabi ng lalaking 'yun. Ewan ko, pero parang naduwag ako sa sinabi niya, na liligawan na raw niya si Ynah Marie simula ngayon. Parang biglang nasaktan ang ego ko sa sinabi niya. Hindi ako nababakla. Bigla lang akong nawalan ng pag-asa bigla kay Ynah Marie at 'yun ang 'di ko alam. "Niall..." "Oo, Yrie. I'll be courting you starting today. Dati pa dapat ako gagawa ng move sa 'yo, but I was being fret by a fear. Naduduwag ako pagdating sa 'yo. So maybe, this would be the right time para ligawan kita..." Hindi na ako nakatingin sa kanila. Ang lakas naman ng loob nitong ligawan si Ynah Marie. Ako kaya? Ligawan ko kaya siya? s**t bakit kasi ganun? Feeling ko, naunahan na naman ako. Dati dapat sinabi ko na sa kanya... Na'inspired ba ako sa ginawa ng Niall na 'to? Bakit nakakaramdam ako ngayon ng panghihinayang? Wala naman talaga akong karapatang maramdaman 'to kay Ynah Marie diba? Dahil simula't sa una, ako lang naman itong habol nang habol sa kanya. 'Di ko na nga pinansin si Margarette para sa kanya, kasi sa tingin ko mas gusto ko talaga si Ynah Marie. Pero ngayon, bigla akong nanghinayang. Bakit 'di ko nga ba sinabi kaagad sa kanya na gusto ko siya? Na kaya kong pumalit sa pwesto ng Zayn na 'yun? Kaya kong paligayahin siya sa piling ko at mapapangako kong hindi siya iiyak at masasaktan sa akin? Hindi ako makatingin sa kanila... Napatalikod kasi ako dahil nga dun sa sinabi bigla ng Niall na 'yun kay Ynah Marie, bigla akong nawalan ng pag-asa. Saan niya kaya nakuha ang guts na 'yun para deretsuhin si Ynah Marie ng ganun? Nakakabilib. Eh ikaw Justin? Kailan mo pa kaya mapagtatapat kay Ynah Marie na mahal mo siya? Na gusto mo na siya dati pa? Wala ka na yatang pag-asa pa, Justin... Walang wala na. Ayan oh, naunahan ka na naman eh. "A-alis na ako." Good thing at nakatalikod ako sa kanila. May pumatak na kasing luha sa mata ko. Bakit ba ako umiiyak ngayon? "J-justin..." "Okay lang. Mukhang nakaistorbo lang din naman ako sa inyo, Ynah Marie, Y-yrie pala." Hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Bigla rin akong natauhan sa pagbanggit ng totoong pangalan niya. Nag-flashback sa akin ang mga pangungulit ko sa kanya gamit ang tawag ko sa kanyang YNAH MARIE. Bigla kong na-realize, siya na nga pala si Yrie ngayon. At feeling ko, talagang nagbago na siya. Totoo nga ang kasabihang 'di lahat ng bagay ay permanente dito sa mundo. Pag nasaktan ka pala talaga, talagang magbabago ka. Nagbago ka na Yrie... Sana kaya kong sabihin ang lahat nang 'to sa 'yo ngayon, pero wala talaga akong lakas ng loob sabihin at 'di ko alam kung paano. "Sana pala 'di nalang ako pumunta dito. Niall, kung sakali mang may pag-asa ka dito kay Y-yrie, 'wag mong sasayangin ang oportunidad na 'yun lalo pa't nasaktan na siya dati. Sana 'di na maulit pa 'yun. Sa dami-dami ng mga taong nagmamahal sa kanya... Alam kong isa lang talaga ang pipiliin niy, at swerte mo, kung ikaw ang mapipili niya." Humarap ako sa kanila para lang ngumiti, kahit naiiyak ako. Hayaan na, kahit magmukha akong bading sa itsura nila, wala eh, wasak na wasak na ako. O.A na kung O.A dahil kung makapagsalita ako ngayon ay parang aalis na ako at para namang sila na agad. Alam kong andiyan si Niall sa tabi niya anytime. Dati, nung nawala na si Zayn... Sinubukan ko namang maging sandalan niya. Sinubukan ko namang patahanin siya. Sinubukan ko namanng tulungan siyang mag move-on. Pero tinaboy niya lang ako. Tinataboy niya ako paulit-ulit. Pero wala naman akong magagawa dun kung ayaw niya talaga sa akin. At alam kong hetong si Niall, may pag-asa talaga kay Ynah Ma---Yrie. Siguro, siya lang naman ang hinihintay nito. Bakit si Niall, hinayaan niyang maging andiyan palagi para sa kanya simula pa lang nung una? Bakit ako, hindi niya binigyan kahit isang tiyansa para maging andiyan parati sa kanya. "Lalayo nalang ako, Yrie. Alam kong dati ka pa naiirita sa akin. Pero okay lang 'yun 'no!" Pumeke pa ako ng tawa, "Sanay na akong pinagtatabuyan ng taong mahal ko. Mahal kita, dati pa. Kailangan ko nang ihinto pa itong nararamdaman ko para sa 'yo. Siguro nga, 'di talaga ikaw ang para sa akin. Sorry kung ngayon ko lang 'to nasabi. Akala ko kasi... Pagkawala ni Zayn, may tiyansa na ako sa 'yo. Pero halata namang 'di mo ako binigyan kahit kaunting tiyansa diyan para sa 'yo." Tama, lalayo ako. Gusto kong mapaglayo-layo muna ngayon, dahil ang sakit pala? Nagiging mababaw ako. Mahal ko eh... Nagmamahal ako. Nagpapakatanga ako sa isang taong nagpapakatanga naman yata sa wala na. "Erick, hindi mo kailangan sabihin 'yan." "Ang sarap naman sa feeling nun, Ynah Marie. Tinawag mo uli akong Erick. Grabe, alam mo bang sobrang saya ko na sa ganun? K-kasi, ngayon mo nalang uli akong tinawag na ganun. *huk* Namimiss na kita, seryoso." Para akong tanga. Tumatawa na umiiyak na ngumingiti. "Hindi naman kita masisisi kung nagbago ka na talaga, Yrie." "Niall, please lang. Ingatan mo siya. Dahil 'di lang ako ang makakatapat mo pag sinaktan mo siya. Marami kami!" Sinusubukan kong 'wag maging awkward ang kapaligiran naming tatlo. "Alam kong matagal ka ng iritado sa akin, kaya nga ngayon, titigil na ako eh. Heto rin naman ang gusto mo diba?" "Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yan." Ningitian ko nalang siya. "For the last time... Pwede bang mayakap kita? Kahit isa lang? Isang mahigpit na yakap lang." Tumayo siya, "E-erick... *sobs*" Umiyak na rin siya. Heto na ang pagkakataon, huling pagkakataon para masabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Niyakap ko naman agad siya. Heto 'yung dating gustong gusto kong gawin sa kanya. "Wag kang umiyak. Hahayaan mong paiyakin ka ng isang walang kwentang lalaki?" Bulong ko sa kanya. Yumakap na rin siya pabalik. "'Di talaga ako ang para sayo eh. Sorry ah. Sige na, aalis na ako." Paalis na sana ako sa yakap niya pero... "'Wag! Please... Pati ikaw rin ba, iiwanan mo na rin ako?" "Kailangan na, Yrie. Para 'di ka na rin mahirapan pa. Sorry talaga sa mga nagawa ko. Hindi na talaga kita kukulitin pa... Sige, paalam na. Ngumiti ka lagi ah?" Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti kahit umiiyak. Pinipilit ko pa ring ngumiti para sa kanya. Para malaman niyang okay lang talaga sa akin, kahit hindi naman talaga. Umalis na ako. Kailangan ko talagang lumayo na para 'di na rin ako mahirapan pa. Paalam... Ynah Marie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD