bc

The Villainess Lives Again

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
sweet
bxg
humorous
genius
female lead
realistic earth
childhood crush
enimies to lovers
rejected
school
like
intro-logo
Blurb

(Taglish)

Villainess- Transmigration

Excerpt:

“Starting today, you are no longer my fiancé.”

The field was deathly silent when Rush’s words echoed throughout.

Yerenica looked at the man on the stage. Their eyes clashed with no one yielding to the other. Parang dalawang sandatang nagtagpo at gumawa ng metal spark ang paghaharap ng dalawa.

Tinapat niya ang binatilyo at nginitian, “Sure.”

She gave him a thumbs up.

Good riddance, Yerenica thought.

Sino naman ang gustong maging fiancé ng narcissist na batang ito? Definitely not her.

May gatas ka pa sa labi, boy.

chap-preview
Free preview
Starting Point
 To all readers,  This story is not edited, there are bound to be grammatical errors. Ginawa ko ito to pass time. I wanted to write a story about villainess and transmigration and here I am. Hope you will like it.                                                                 ******** "Ahhh! Ayan na sila! Yenny tingnan mo bilis! Ang gugwapo talaga! Mucho gwapito!" nagtitiling hiyaw ni Naya habang nakatunghay sa malapad na field ng Crestview Academy. Kasalukuyang nag-iistretching ang mga manlalarong sasabak sa relay race. Apat na kuponan ang maglalaban-laban, bawat kuponan ay mayroong apat na miyembro. Napakalawak ng field ng academy pero siksikan ang mga tao. Open kasi sa mga visitors ngayong taon ang three days sports festival ng paaralan. Nakakabinging tilian at hiyawan ang maririnig sa buong sulok ng school. Hindi dahil mga sports enthusiast ang mga manonood kundi mga fans ng mga manlalaro. "Muy guapo, Naya," pagtatama niya sa kaibigan. "Same deterrence lang 'yon friend. Go bebe Rush! Pataubin mo silang lahat!" anito at himiyaw. "Its 'same difference' not 'same deterrence'," saad niya tsaka itiklop ang librong binabasa upang halughugin ang kanyang bag. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niya itong inilagay sa magkabilang tenga. Nakahinga siya nang mamalim, at least hindi na gaanong nakabibingi ang hiyawan dahil sa earplugs. Binalingan siya ng kanyang kaibigan. Mariin siya nitong tinitigan, "You know what. Nag-iba ka talaga buhat nang maaksidente ka. Kung minsan feel ko na parang ibang tao ang kausap ko at hindi ang kaibigan kong supladang maldita na si Yerenica."  Hinawakan siya nito sa braso at sinundot ang kanyang bewang na parang b***l iyon. "Umamin ka, hindi ikaw si Yerenica no?" Tinapik niya ito sa noo, "'Yan na nga ba ang sinasabi ko, kapanonood mo yan ng k-drama at c-drama. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak mo." "Aray naman e, nananakit agad e. Oo na, guilty as charge po." Anito habang sapo-sapo ang noo. "Focus on the game," saad niya dito. Kalmado ang mukha ni Yerenica ngunit umaalingaw-ngaw pa rin sa utak niya ang sinabi ni Naya. Parang ibang tao ang kausap ko. Parang ibang tao ang kausap ko. She right, hindi siya ang tunay na Yerenica na kaibigan nito. Same body but different soul. She's entirely someone else. She's someone who woke up on the hospital bed a week ago after an accident. She didn't know what happened but she had ended up possessing the body of the seventeen year old Yerenica. It was a coincidence na pareho sila ng panaglan ng orihinal na owner ng katawan na ito. She's supposed to be dead. Lung cancer ang sakit niya. Ang huli niyang naaalala ay nahihirapan siyang himinga habang ang mga duktor ay nagkukumahog na tulungan siya. Nakatingin siya sa huli niyang binabasang libro na nakapatong side table, nasa kalagitnaan pa lamang siya noon at ang huling hiling niya sana bago siya mamatay ay matapos niya iyon hanggang sa nagdilim ang kanyang paligid. Sa muling pagdilat niya, laking gulat niya nang malamang siya na si Yerenica Chen. Ang spoiled na anak ng isang multi-millionaire. Sinundot uli siya ni Naya, "Yenny tingnan mo oh, diba kamukhang-kamukha ni Rush si Zhang Yibo? Tapos si Callum naman parang kambal ni Wu Kai. Ay kinikilig talaga ako!" saad nito habang parang kinikiliti ang buong katawan. "Ewan ko dyan sa mga Kai at Yibo mo." "Tsk! Palibhasa wala kang etiquettes sa mga ganitong bagay kaya hindi mo maapreciate si Yibo at si Kai ko." Sabi nito at inirapan siya. "Aesthetics not etiquettes." She deadpanned. Napakamot ito ng ulo, "Ay, ewan! Hindi ka naman ganyan katalino dati pero simula noong nabagok 'yang ulo mo sa pool ay parang magkalevel na kayo ni Einstein. Epekto ba yan ng nainom mong tubig ng pool?" Hindi niya ito pinansin bagkus ay tinignan niya ang nagyayari sa relay race. Nasa kani-kanilang pwesto na ang bawat kuponan. Hinintay na lamang nila ang isang malakas na putok hudyat ng pagkaripas nila ng takbo. Nakaupo sila sa bench ng field. Mabuti na lamang at nakapuwesto agad sila kundi ay isa sila sa mga natayo sa gilid ng field sa ilalim ng tirik na araw. Napatingin siya sa kanyang maputing balat. Buti na lang talaga. Napatitig siya sa dalawang miyembro ng blue team. Two of their member were very stricking. Dalawang matatangkad na binatilyo ang naka-akto sa pagtakbo. They were both handsome in their own ways. Walang itulak-kabigin ang mga manonood sa kanilang dalawa. They had the looks and the physique. And as everyone knows they also had the money to contend with their face value. Nasa kanila na ang lahat ika nga. Rush Montgomery at Callum Agnello, the two powerhouses of Crestview Academy. Sila din ang male lead at second male lead ng librong binabasa niya. Ang librong hindi niya natapos bago siya mamatay. Nang malaman niya ang pangalan ng paaralan at pangalan ng dalawang lalaking ito ay doon na siya naghinala. She's inside a teen fiction novel. A freaking teen fiction novel! At siya, si Yerenica Chen, siya lang naman ang kontrabida sa istoryang ito. Langyang buhay 'to! Bang! Umalingaw-ngaw ang tunog ng starting pistol. Mas lumakas ang tilian ng mga manonood nang mag-umpisa na ang laro. Dahil lahat ay nakatayo na sa sobrang excitement wala silang magawa kundi tumayo na rin para makita ang field. Sa umpisa ay lamang ang green team at yellow team. Maliksi at mabibilis ang dalawang miyembro nila sa unang stretch. And blue team naman ay nangungulelat, kulang sa stamina ang unang miyembro. "Hoy! Bilisan mo! Usad pagong ka, dong! Lamang na ang ibang team, tumakbo ka nang maayos kung hindi pipilayin kita!" sigaw na may pananakot ni Naya. Hinila niya ang buhok nito, "Kumalma ka." "Pero, bes, tingnan mo naman oh, nasa ikalawang stretch na ang ibang kuponan pero tayo nag-uumpisa pa lang sa ikalawang stretch. Nangungulelat ang class natin. Go blue team!" What she said was true but nasa kanilang class pa rin ang dalawang powerhouse ng school. Kampante siya na maipapanalo ng team nila ang larong ito. "Calm down, Rush and Callum are on the third and last stretch." She said with conviction. Tumango it, parang nabuhayan ng loob. "Oo, nga nasa class natin ang dalawang Ace ng school." Other teams had started with the race's third leg, and blue team was the last one to pass the baton. Pagkakuha ni Callum ng baton ay again itong kumaripas ng takbo. Naghiyawan ang mga manonood nang makita kung gaano kabilis ang takbo nito. He was the second one to pass the baton to the last member. Nag-umpisa na ang final leg, si Rush na ang may hawak ng baton. Green team and blue team's last members are on par with one another. Nakikita na nila finish line. "Go, bebe Rush!" The finish line is just few sprints away when the other had a devious thought in mind. Pinalapit nya ang distansya nila ni Rush at saka pasimpleng tinulak ito gamit ang kanyang balikat. Rush smirked, he knew what the opponent's plan even before he made his move. Rush tightened the muscles on his leg and braced for it. When the right moment came he sprinted ahead. Walang Rush na naitulak ang kabilang kampo kaya gumewang ito sa pagtakbo at napatid. Kaya't nakakain ito ng alikabok. "We have a winner!" hiyaw ng refere. Nagsitalunan ang lahat nang marinig ang announcement. Nanalo ang blue team. "Nanalo tayo, Yenny baby!" walang pagsidlan ng kaligayahan si Naya. Pati siya ay nahawaan ng excitement nito at napapalakpak din sa tuwa. It was was like ages ago when she had experience the fun of sports festival. Dalawang taon din siyang nakulong sa apat na sulok ng kanyang hospital room na hindi man lang nasisilayan ang kaganapan sa labas niyon. Maya-maya pa ay itinanghal na ang over-all winner ng sports festival at dahil sa pagkapanalo ng blue team sa relay race ay sila ang itinanghal na over-all champion. Lahat ng mga nakablue shirts nang araw na iyon ay nagsitayo at naghiyawan sa tuwa and pagmamalaki. Bilang sports leader, si Rush ang umakyat sa entablado upang kunin ang kanilang tropeyo. He also made a speech thanking everyone's support. "Yerenica Chen!" nagkaroon ng nakabibinging white noise nang may sumigaw ng kanyang pangalan. Napatigil siya sa pagpalakpak nang titigan siya ng bawat manonood. Bakit kasi isinigaw ni Rush ang kanyang pangalan sa mikropono? "The blue team won. Do you still honor our deal?" sabi nito gamit pa rin ang mikropono. Umaalingaw-ngaw ang tinig nito sa buong sulok ng school. Actually, hindi ko naaalala. Gusto niya sang sabihin ang mga katagang iyon ngunit ang mga matang nakatunghay sa kanya ay napakarami. Napangiwi na lamang siya. Rush thought of her silence as acceptance. "Then from this moment on. You will not have the right to talk to me and don't appear in front of me." Nagsimulang magbulungan ang mga nagmamasid sa paligid. Parang teledrama ang natutunghayan nila sa mga oras na iyon. Ganito ba talaga mag-usap ang mga mayayaman? I-aannounce pa talaga sa harap ng maraming tao? Hindi, pamamahiya na itong ginagawa ni Rush, alam ni Yerenica iyon. "Starting today, you are no longer my fiancé." The field was deathly silent when Rush's words echoed throughout. Yerenica looked at the man on the stage. Their eyes clashed with no one yielding to the other. Parang dalawang sandatang nagtagpo at gumawa ng metal spark ang paghaharap ng dalawa. Tinapat niya ang binatilyo at nginitian, "Sure." She gave him a thumbs up. Good riddance, Yerenica thought. Sino naman ang gustong maging fiancé ng narcissist na batang ito? Definitely not her. May gatas ka pa sa labi, boy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook