MAXINE P.O.V ❤️
Isang linggo na ang lumipas simula ng makalabas ako ng hospital at maamin kay Ezekiel na may sakit ako at may taning na ang buhay ko.
Isang linggo ko na din itong hindi nakikita at ayon sa ibinalita ni Kapitana na Tita nya ay umuwi na daw ito sa maynila nung araw din na isinugod ako sa hospital.
Sobrang sakit sa dibdib na hanggang doon lang ang kaya nyang gawin para sakin. Hindi ko lubos maisip na iniwan na nya ako dahil sa lang sakit ko.
Akala ko ba mahal mo ako?
Akala ko ba mapagkakatiwalaan kita?
Akala ko ba iintindiin mo ako?
Akala lang ba ang lahat?
Iilan lang yan sa mga tanong na laging sumasagi sa isip ko sa tuwing maaalala ang mga masasayang alala na magkasama kami kahit sa loob lang ng maikling panahon na naging kami.
"Anak hindi kana ba talaga lalabas dito?" Nag aalalang tanong ni Mama sakin.
Simula kase nung umuwi kami galing ng hospital ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Kung lalabas man ay sa may teresa lang at nagbabakasakali na matanaw mula doon si Ezekiel sa katapat na bahay namin.
"Wala po akong gana Ma" Matamlay kong sagot na kina buntong hininga nalang nya saka na ako iniwan sa kwarto ko.
Totoong wala na akong gana at pinanghihinaan na ako ng loob na aabot pa ako sa taning ng buhay ko dahil dalawang araw ko na din iniinda ang sakit ko, may ilang beses na akong umubo na may kasamang dugo. Tuluyan na ding nalagas ang buhok ko kaya tanging bonet nalang ang tumatabing doon.
Ayokong kaawaan ako ng ibang tao na makakakita sakin kaya mas pinili ko nalang na magkulong sa kwarto ko.
Si Papa ay laging tumatawag sakin kahit na napaka busy nito sa trabaho ngunit lalo lang akong nahihirapan dahil sa tuwing kausap ko ito ay pulos iyak lang ang ginagawa nito na labis na nagpapasikip ng damdamin ko dahil ayaw kong makita na nasasaktan sila ng dahil sakin.
Inabot ko ang gitara ko na tangin sandigan ko simula ng magkasakit ako. Ito nalang ang tanging bagay na nananatili sa tabi ko at nakikinig sa mga hinaing ko saka lumabas ng kwarto at nagtungo sa teresa kung saan lagi akong naka upo.
? Pangarap kong..makarating sa buwan at lumipad hanggang doon sa kalawakan ?
? Nais kong humabol sa pag ikot ng mundo... Sumabay sa awit ko ?
Malumanay kong kanta sa isa sa mga kanta ni Yeng Constantino. Naiyak ako ng marialize ang pinupunto ng liriko ng kanta.
Madami akong naging pangarap sa buhay, gaya ng magkaroon ng bahay na ako mismo ang umikit at nag disenyo. Sasakyan na gustong gusto ko maging sa kulay at ayos. Makalibot sa iba't ibang lugar at gawin ang mga bagay na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko.
Gusto ko ding magkaroon ng asawa at magkaroon ng anak na magpapaingay ng bahay na pangarap ko, yung nagtatakbuhan sa may loob ng bahay gaya ng ginagawa namin noon ni Kuya nung kami pa ang mga bata. Makita silang makapag aral at makamit din nila ang mga pangarap nila na minsan nangyari sa buhay ko.
Pero ng maalala na lahat ng iyon ay hindi ko na magagawa dahil nasa tatlong buwan nalang ang itatagal ko sa mundo o baka nga hindi na umabot ay nagpapasikip lalo ng dibdib ko.
? Sasakay ako sa aking parangap basta ang kasama ko'y ikaw may liwanag ?
Paano ko pa nga ba masasakyan ang pangarap ko kung wala kana at iniwan na ako ng dahil lang sa nalaman mo?
Hanggang doon lang ba talaga ang halaga ko sayo? Porke hindi ako ang taong makakasama mo sa panghabang buhay ay maglalaho ka nalang ng parang bula?
? Sasakay ako sa aking pangarap basta't ang laman ng puso ko'y ikaw may liwanag ?
Napapikit ako ng mariin at dinama ang malamig na simoy ng hangin dito sa may teresa. Mag gagabi na ngunit minabuti kong dito muna hanggang mamaya.
Lagi akong dinadalaw nila Beka, Elaine at Leslie at dinadalhan ng mga paborito kong mga pagkain at kakanin na labis kong kina tuwa.
Dito na din naglalagi si Joyce simula ng malan nitong buntis siya at si Kuya ang Ama na labis din naming ikinatuwa dahil kung may aalis dito sa bahay ay may darating din na magiging kapalit ng aalis.
"Hindi ka pa ba papasok sa loob? Mahamog na dito" Pagkuwan ay sabi ni Joyce na nasa pinto ng teresa at may dalang sweater na alam kong para sakin.
Tinapik ko ang upuan na bakante sa tabi ko para umupo sya doon at tabihan ako na agad naman nyang ginawa kaya idinantay ko ang ulo ko sa balikat nya na kina hilig din ng ulo nya sa ulo ko.
"Naaalala mo ba nung mga panahon na lagi tayo tumatakas kay kuya para makapag tyangge sa may plaza?" Mahabang tanong ko dito saka sinariwa ang mga panahon na yon na wala pang kahit anong sakit na nagpipgil sakin para gawin ang lahat ng mga bagay na gusto naming gawin noon.
"Oo naman! Yung bang lahat ng nagtitinda ay binaratan mo kakatawad sa gusto mong mabili sa paninda nila?" Natatawang sagot nito na kina tawa ko din ng bahagya.
"Oo kase ikaw puro kalang bili at hindi na nanghihinayang sa makukuhang tawad dahil madami kang pera" Natatawang sabi ko na kina irap nya kaya lalo akong natawa.
"Tss! Oh e ano bang gusto mong sabihin?" Masungit nitong tanong kaya inalis ko ang ulo ko sa balikat nya saka sya tinitigan sa mata
"Gusto ko ulit tumakas kahit isang araw lang para magawa ko ulit lahat ng mga bagay na ginagawa natin noon" Sagot ko dito na mabilis nyang inilingan.
"Hindi na pwede iyon ngayon Max. Alam mo naman ang lagay mo diba?" Maiiyak na nitong sabi na kina nguso ko.
"Mahal mo ako diba?" Tanong ko dito na nagpabagsak na ng tuluyan sa mga luha nya.
"Mahal na mahal kita Max. Pero hindi ko ilalagay ang buhay mo sa alam kong lalong magpapalala sa lagay mo" Umiiyak na nitong sagot
Nilapitan ko ito saka ko pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga mata nya saka siya inalo para tumahan dahil ano mang oras ay bubuhos ulit ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Tumigil ka nga sa pag iyak! Ang pangit mo! Baka pumangit din ang pamangkin ko" Pang aasar at biro ko dito na kina nguso nya kaya sabay kaming natawa.
"Alagaan mo si Baby ah?" Muli ay sabi ko saka ko hinaplos ang maliit pa nitong tyan kaya umiyak nanaman siya ng mas malakas ngayon.
"Ano kaba! Ikaw ang mag aalaga sa baby namin ng Kuya mo dahil pareho kaming magtatrabaho ni Marky" Pagsuway nito sakin saka kunwaring nagagalit at iniirapan ako kaya natawa muli ako.
"Alam mo bang gustong gusto kong gawin iyon pero alam nating pareho na malabo ng mangyari yon dahil mauuna akong aalis kesa sa pagdating nya" Mapait kong sabi at di na napigilan ang mga luhang nag uunahan tumulo sa pisngi ko.
Hinila nya ako at niyakap ng mahigpit saka kami sabay na umiyak dahil sa sinabi ko.
"Pwede bang Favor?" Tanong ko sakanya sa pagitan ng pag iyak namin.
"Ano yon? Kahit ano basta kaya ko" Nag ngagagawa nyang tanong.
"Kapag nakita mo siya... Paki sabi mahal na mahal ko siya kahit ganon ang ginawa nya sakin ah?" Sabi ko dito na kina kalas nya sa yakap.
"That Jerk? How dare him! Dapat sa duwag na yon ay maunang mamatay!" Galit nitong sabi dahil alam nito ang ginawang pag iwan sakin ni Ezekiel.
"Intindihin nalang natin" Mapait na ngiti kong sabi na agad nyang inilingan.
"Kapag nakita ko siya. Pagsusuntukin ko siya at ipapamukha sakanya kung gano siya ka gago" Galit parin nitong sabi na kulang nalang ay umusok ang ilong at bumuga ng apoy sa bibig kaya natawa ako.
"Do what ever you want but do my favor please" Tipid na ngiti kong sabi na kina buga nya ng hangin bago ako tinanguan.
Matapos ang iyakan at kwentuhan namin ay inalalayan na nya akong makapasok sa kwarto ko at sinigurong iinumin ko ang mga gamot ko na ilang araw ko ng hindi iniinom dahil wala na din namang saysay ang mga iyon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay sa ibaba. Sa kuryosong dumantay sa mukha ko ay bumaba ako para alamin kung anong pinagkakaguluhan nila sa baba.
Mula sa gitna ng hagdan pagbaba ko ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang Lalake na lumabas mula sa may kusina namin. Malapad na ngiti ang ginawad nya sakin ng makita ako kaya dali dali akong bumaba at mabilis na yumakap sakanya.
"Papa!" Masayang sabi ko saka ko hinigpitan ang yakap sakanya dahil sa pagkasabik at pangungulila sakanya ng ilang taon na nawalay siya samin.
Aminado akong Papa's girl dahil mula pa noon ay si Papa ang taga pagtanggol ko kila Mama at Kuya pag may kalokohan kaming ginawa ni Joyce noong mga bata pa kami. Kahit nasa ibang bansa na ito ay hindi parin nya ako pinabayaan at ini-spoiled sa lahat ng bagay na kaya nyang ibigay sakin kahit hindi ko hinihingi.
"I miss you my princess" Bulong nito saka ako kinarga kahit na alam kong mabigat na ako para sakanya.
Gaya ng pagkarga nya sakin noon kahit na dalagita na ako ay ganon padin ngayon. Ipinalupot ko ang mga binti ko sa bewang nito para hindi ako mahulog at kinalawit ang mga braso sa leeg nya kaya napagmasdan nya ng maayos ang mukha ko.
Kita ang sakit, pag aalala at lungkot sa mga mata nya ng pasadaan nya ng tingin ang kabuohan ng mukha ko pero ginawaran ko parin sya ng ngiti para ipakita sakanya na maayos lang ako.
"I miss you Papa" Namumula ang mga matang sabi ko sakanya saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Mas na miss ka ni Papa" Napyok nyang sagot saka na nag unahan na lumabas ang mga luha sa mata mya kaya naiyak na din ako.
"I'm so Happy that you do your promise to me Papa" Umiiyak kong sabi na agad nyang tinanguan.
"Syempre naman! Ikaw pa ba? Hinding hindi kita matitiis alam mo yan" Umiiyak din nitong sabi saka ako niyakap at sa balikat ko nagpatuloy ng iyak.
Kita ko sina Mama, Kuya Marky at Joyce sa may pintuan ng Kusina at umiiyak na din dahil sa tagpo namin ni Papa.
Ngayon masasabi ko ng pwede na akong umalis dahil buo na ang pamilya ko. Mawala man ako ay may papalit naman sakin na munting anghel at alam kong hindi siya mapapabayahan dahil mabait, maalaga at mapagmahal ang pamilyang mag aaruga sakanya
Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako bumaba sa pagkakakarga ni Papa at Hinarap silang Lahat na may ngiti sa labi.
"I'm really happy now and i Love you all"
Masayang sabi ko kasabay ng pag tango nila ay ang pag labo ng paningin ko hanggang sa maging madilim na yon at tuluyan akong mawalan ng malay.