bc

THREE MONTHS OF LOVE

book_age18+
261
FOLLOW
1K
READ
others
goodgirl
neighbor
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

- Maxine Mendoza is a simple and pretty lady with a good heart. Sa murang edad ay magkakaroon sya ng malubhang sakit at tinaningan na ang kanyang buhay.

-Sa pagdating ni Ezekiel Vendelton sa buhay nya ay magbabago ang nakasanayan nyang buhay at lahat ng mga pangarap nito na gustong gawin at makamit bago sya tuluyang mawala ay ibibigay ng Binata na si Ezekiel.

-Ano ang mangyayari kay Maxine kung tuluyan na itong mahulog sakanya ngunit kalakip nito ang sakit nyang iniinda. Tatanggapin pa ba nya sa buhay nya si Ezekiel o isasantabi nalang ang nararamdaman para hindi na nya ito masaktan ng dahil sa pagkamatay nya.

-Samahan nyo po akong alamin ang kwento ni Maxine Mendoza at Ezekiel Vendelton . XD

// THIS STORY IS WORK OF FLICTIONS ANY NAMES, CHARACTERS AND EVENS HERE IN STORY IS CAME FROM MY IMAGINATION //

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
SIMULA 💚 Araw ngayon ng sabado. Asuswal everyday routine nanaman ang magaganap sa araw na ito. Maliligo, kakain, tatambay sa labas at kung anu ano pang pwedeng gawin pangtanggal inip sa katawan. Ganito na ang araw araw na buhay ko mula ng makagraduate ako sa kolehiyo at may nakakawindang na rebelasyon na nalaman sa pagkatao ko. ~~~• Hi! Ako nga pala si Maxine Mendoza, 25 years old at dakilang tambay ng aming bakuran. HAHAHA I ko-correct ko lang po. Sa bahay lang po ako mula ng malaman naming may Stage-4 cancer ako sa dugo at may taning na ang buhay ko. Ayon kay Doc. Guillermo ay may Anim na buwan nalang ang itatagal ko sa mundo, pero sa nakikita nya saakin ay mukhang hindi na daw ako aabot pa doon. Ang hursh nya diba? "Max! Dito ka dali!" Pasigaw na tawag ni Beka. Beking kaibigan ko at kapitbahay din. Nagtitinda ito sa tapat ng bahay namin kasosyo sina Elaine at Leslie na pawang mga beki din katulad nya pero mababait ang mga ito. Sila lagi ang kasa kasama ko sa araw araw pantanggal ng inip at may makausap. Nakakaaliw silang kasama, Laging tatawa na umaabot sa puntong sasakit na yung tiyan mo dahil sa mga jokes nila, meron din yung may makikita silang isang bagay o tao na kapuna puna ang itsura ay kung ano ano na ang nasasabi na nakakatawa, kumbaga Judgemental in a good way hindi katulad ni Aling Marites at Aling Marieta ( Mga chismosa ?✌️ ) "Ganda dito kana! Naka set na yung trono mo" Gatong din ni Leslie sabay senyas ng upuan na laging pinapagamit saakin. Special ang treatment nila sakin dahil alam nila ang lagay ko. Iwas din ang mga ito na pag usapan ang tungkuol sa sakit ko dahil ayaw nilang nakikitang malungkot ako at damdamin ang mga ilang araw ko nalang na natitira sa buhay ko. "Sige, Maliligo lang ako" Nakangiting pasigaw na sagot ko sa mga ito dahil nasa itaas ako, sa kwarto ko nakadungaw sa bintana. Hindi ko na sila hinintay na sumagot, Sinara ko na agad ang bintana ng kwarto ko saka ako nagmadaling tumungo sa banyo para maligo. Nang matapos ako sa pagligo ay mabilis akong nakapag bihis ngunit natigilan ako sa harap ng vaniety ko ng pagtanggal ko sa tuwalya na nakabalunbon sa ulo ko ay naglaglagan ang ilang hibla ng buhok ko. Bawat hagod ko sa buhok ko ay pulos bugkos ng hibla ng buhok ko ang nakapalibot sa palad ko. Nangilid ang mga luha ko ngunit pinigilan ko agad na maiyak at saka ako humarap sa salamin at ngumiti. "Everything will be Okay Max" Pagpapalakas ko sa sarili kong sabi saka na ako nag ayos. Maglagay ako ng kaunting kulay sa mukha ko para maitago ang pamumutla ng balat ko sa mukha, saka ko nalang hinayahan ang buhok ko na buhaghag. Hindi ko na sinuklay dahil sa takot na baka tuluyan ng maubos iyon at makalbo ng tuluyan. Nang matapos na akong mag ayos ay nakangiting lumabas ako ng kwarto ko at maingat na bumaba ng hagdan. Nasalubong ko pa si Kuya Marky na kakapasok lang ng bahay at nagmamadaling nagtungo sa kusina dahil sa bitbit nyang napakalaking isda. "Wag kang magpapagod sa labas Max!" Dinig ko pang sigaw na sabi ni Kuya Marky kahit na nasa kusina na ito. Hindi na ako nag abalang sagutin pa ito at nagtuloy na sa paglabas ng bahay. Nakita ko si Mama na nagwawalis sa may bakuran namin kaya nginitian ko ito na malugod naman nyang tinugunan. "Tatambay lang ho ako sa labas Ma" Paalam ko dito. "Sige lang anak, Wag magpapagod ah" Nakangiting tugon nito na agad kong tinanguan at masayang nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bakuran namin. Inabutan ko sina Beka, Leslie at Elaine na busy sa mga paninda nila dahil madami dami ang mga bumibili. Hindi ko na sila inabalang tawagan at naupo nalang ako sa upuan na hinanda na nila para sakin. Nagtitinda sila ng Almusal, like Lugaw, palabok, spagetti , sopas at pansit. Sa tanghali naman ay nagtitinda sila ng lutong ulam at sa hapon naman ay meryenda. Sobrang sipag nila at pursigidong maka ipon dahil balak daw nilang magtayo ng salon nila. Inofer-an ko sila noon na pahihiramin ko sila ng pang kapital nila ngunit tinanggihan nila iyon, mas gusto daw kase nilang paghirapan at manggaling mismo sakanila ang itatayo nilang negosyo. "Mga bakla! May Chika ako sainyo" Dinig kong sabi ni Aling Marites habang ipinalilista ang inuutang na almusal para sa mga anak nya. "Naku! Si Aling Marites talaga napaka aga e! Ano nanaman yan aber?" Pagdadarang ni Beka dito na kina tawa namin nila Leslie at Elaine. "Wag na nga lang!" Pikon na sagot ni Aling Marites at inis na nagmartsa paalis matapos kuhanin ang isang supot na naglalaman ng inutang nitong almusal. "Ang chaka ni Aling Marites! May paganern pang alam" Natatawang sabi ni Elaine. "Oo nga!" Sabay na sagot nina Beka at Leslie. "Naku! Sayang yung chismis nya , siguradong Latest yon" Natatawang singit ko sakanila na kina tawa din ng tatlo. "Pak na pak yun sa latest girl! CCTV ba naman ng barangay natin yun e" Humahagalpak sa tawa na sabi ni Beka kaya natawa din kami. "Girls! May Chika ako!" Pagkuwan ay biglang sulpot ni Aling Marieta na kina gulat ko kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa pagkagulat. "Letse! Papatayin mo ba kami sa gulat Aling Marieta!" Singhal ni Elaine dito. Mabilis namam na inabutan ako ng maiinom ni Leslie dahil sa gulat ko. Pinaypayan pako ni Beka na pinagtaka ni Aling Marieta "Anong nangyari sayo Max? Namutla ka kaagad" Takang tanong nito sakin na kinataas ng kilay ng tatlong bakla. "Sinong hindi mamumulta sayo e bigla ka nalang sumusulpot at nanggugulat" Pagtataray ni Beka dito na kina ngiwi ni Aling Marieta. "Ano ba kase yang Letseng Chismis na yan. Kanina pa kayo ni Aling Marites ah" Inis na tanong ni Leslie dito kaya napangisi si Aling Marieta at biglang lumapit saamin para ibulong ang chismis na gusto nyang sabihin "Eto na nga. Balita kasi ay may bagong lilipat dyan sa isang bahay ni Kapitanan. Takenote! Gwapo daw" Nakakalokang kwento nito na kina kislap ng mga mata ng tatlo. "Trueliley ba itey?" Parang naeexcite na tanong ni Beka na agad namang tinanguan ni Aling Marieta. "Kelan daw lilipat?" Interesanteng tanong naman ni Leslie. Nag niningning din ang mga mata at parang na excite. "Dinig daw ni Marites kay Bebang ay bukas daw, Si Bebang kasi yung naglinis dyan sa bahay ni Kapitanan nung makalawa" mahabang lintaya ni Aling Marieta na tinanguan ng tatlong bakla. "Sure kang Gwapo ah?" Pangungumpirma ni Elaine dito na agad tinanguan ni Aling Marieta. "Oo! Galing daw ng Maynila kaya malamang Gwapo yon" Sagot nito na kina excite lalo ng mga bakla. "Pag chaka yan tutusukin ko ng tong yang mga mata mo Aling Marieta at ng wala ka ng makitang Latest na chismis" Banta ni Beka na kina urong ng dila ni Aling Marieta at dali daling umalis sa harapan namin. Natawa kami sa biglaang pag alis ni Aling Marieta dahil sa takot nya kay Beka. Nakakaloka naman kase itong baklang to yun na ngalang ang pinagkakaabalahan ng tao sisirain pa. ( Chismis ) Pagkaalis ni Aling Marieta ay puro bukang bibig nalang ng tatlong bakla ay ang sinabing bagong lilipat sa bahay ni Kapitana. Aakitin daw nila ito kung totoong gwapo, Nag away pa ang mga walang hiya dahil hindi alam kung sino daw ang unang titik at mahuhuli. Nailing nalang ako sa mga kalaswaan na pinagsasabi nila. Sanay naman din ako sa mga bunganga nila lalo na sa mga kalaswaan na usapan. Dinadaan ko nalang sa pagtawa, minsan ay sinasakyan ko nalang sila. Nang makaramdam ako ng pagod kahit nakaupo lang naman ako ay nagpaalam na ako sakanilang papasok na ng bahay. Magtatanghali na din kase at alam kong tatawagin na din ako ni Mama para makakain at uminom ng gamot. Nasa hapag na kami nila Mama at Kuya Marky. Ulam namin yung malaking isda na bitbit ni Kuya kanina ng masalubong ko ito. "Hindi pala ako makakasama sainyo bukas Ma. Pinakiusapan kase ako ni Kapitana na tulungan ko daw yung pamangkin nya na lilipat bukas dyan sa tapat natin" Pagkuwan ay sabi ni Kuya kay Mama kaya nakuha nya ang interes ko. "Meron ngang lilipat dyan?" Tanong ko kaya napabaling sakin ang tingin ni kuya. "Oo. Pamangkin ni Kapitana, Pinarusahan daw ng Ama kaya pinatapon dito at manirahan mag isa para daw matuto sa buhay" Kwento ni kuya na kina tango ko. "Yung anak siguro ng kapatid ni Luisa yon yung nakapangasawa ng Amerikano" Sabad ni Mama na agad namang tinanguan ni Kuya. Hindi na ako sumabad pa sakanila at nakinig nalang, Hindi ko din naman kase maintindihan ang pinag uusapan nila dahil hindi ko kilala ang mga tinutukoy nila. Nang matapos makakain at makainom ng gamot ay nagpaalam na akong aakyat na sa kwarto ko at magpapahinga na sana ngunit natigilan ako sa balak kong pag akyat ng hagdan ng marinig ko ang sinabi ni kuya kay Mama. "Wag mo ng palabasin si Maxine pag dumating na yung pamangkin ni Kapitana. Babaero daw iyon at napakatinik sa babae" Dinig kong sabi nito na kina gulat ko at nuot ng noo. Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Mama at tumuloy na ako sa pag akyat sa itaas para makapag pahinga. Nakakaantok din kase ang mga gamot ko kaya siguradong dadalawin agad ako ng antok. Ano bang pinagsasabi ni kuya.......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook