CHAPTER-2

1438 Words
ACCEPTANCE / 🤍🤍🤍 "Anak! Ready kana ba?" Bungad ni Mama ng makapasok ito sa kwarto ko. Naglalagay nalang ako ng kolorete sa mukha ko tapos ay okay na. Araw kase ng check up ko ngayon kaya maaga akong nagising at naligo. "Nasa Baba si Joyce, Sasama daw sa check up mo" Tuloy ni Mama saka nito sinuklay ang nalalagas kong buhok. Si Joyce ay ang matalik kong kaibigan. Kababata ko ito at naging kaklase mula elementary hanggang high school, magkaiba kase kami ng kursong kinuha kaya pagdating ng kolehiyo ay nagkahiwalay kami. F.A ang kusong natapos nito habang ako ay Architecture ngunit hindi na mapakikinabangan dahil nga ilang buwan nalang ang nalalabi ko. "Ma. Mamimiss kita" Pagkuwan ay sabi ko dito na kina tigil ni Mama sa ginagawa nya. Tinignan ko ito sa Salamin at mabilis na nangilid ang mga luha ko ng makita ko itong nakangiti ngunit umaagos ang mga luha nya sa pisngi. Ginagap ko ang kamay nyang nakapatong sa braso ko saka ko ikiniskis ang pisngi ko doon at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. "Shhhh! Don't say that okay. Malalagpasan mo ito" Garalgal ang boses na sabi ni Mama kaya lalong bumuhos ang iyak ko. Niyakap nya ako mula sa likuran saka ako hinalikan sa ulo. "Sana ako nalang" Umiiyak niyang sabi na inilingan kong agad. "No! Mas gusto kong ako nalang Ma. Tanggap kona" Umiiyak kong sabi kaya napahagulgol na siya ng iyak dahil sa sinabi ko. Ramdam kong may yumakap pa saamin kaya dali dali kong tinignan iyon sa salamin at nakita ko si Kuya Marky na umiiyak na din. Ipinatong nya ang cellphone nya sa vaniety ko at nakita ko doon si Papa na naka video call at umiiyak din. Nasa ibang bansa si Papa, doon sya nagtatrabaho para may ipangtustos saamin na nagbunga naman dahil napagtapos nya kaming dalawa ni kuya. "Hi Papa. I miss you" Sumisinghot singhot man ay pinilit kong ngumiti sabi sakanya. "Papa really miss you so much my Princess" Umiiyak din nitong sabi sabay punas ng mga luha nya sa hawak nyang panyo o tissue. "Uuwi ka po bago ako umalis diba?" parang batang sabi ko dito na agad nyang tinangunan. "Yes Baby. Uuwi na si Papa dyan at aalagaan kita. Please stay still okay?" Sagot nito sabay hagulgol na din kaya napa hagulgol na din sa iyak sina Mama at kuya. "I can't promise, but i'll try" Sabi ko dito na tinangu tanguan ni Papa saka ito tumalikod sa camera at doon nagpatuloy sa pag iyak. Tumayo ako saka ko pinunasan ang mga luha ko. Kumuha ako ng Tissue at una kong nilapitan si Mama saka ko pinunasan ang pisngi nito tapos ay sinunod si Kuya. "Tama na yung drama. Andito pa ako." Nakangiting sabi ko sa mga ito saka ko sila niyakap dalawa. Nang makahuma na sa pag iyak ay nag ayos muli ako saka ako nakangiting humarap kina mama at kuya na ngayon ay tumigil na din sa pag iyak. "Tara na po at baka malate pa tayo" Yaya ko kay Mama na agad nyang tinanguan. Hinarap kong muli si Papa na ngayon ay tapos na din sa pag iyak pero sumisinghot singhot padin. "Aalis na po kami Papa. Mag iingat ka po dyan. I love you and i miss you so much" Paalam ko dito sabay kaway ng dalawang kamay. "Okay Baby. Mag iingat din kayo, Update me in your check ups okay. I love you and i miss you too. Take care" Sagot nito sabay flying kiss pa. Nauna na akong bumaba ng kwarto ko, nag usap pa kase sina Mama at Papa. Nadatnan ko si Joyce sa Sala na prenteng naka upo habang busy kakadutdot sa cellphone nito. "Oh! What brings you here?" Pag tataray ko kunwari dito. Ganito kase kami nito pag nagkikita. ayaw daw nyang nakikitang mahina ako kaya mas gusto nyang tinatarayan ko sya. "C'mon! I've been waiting here for 20minutes then you ask me why i'm here? Stupid!" Mas maarte nitong sagot na kina ngiwi ko kaya sabay kaming natawa. Para kaming mga sira ulo. "Kuya! Hindi mo ba babatiin si Joyce?" Buyo ko kay kuya ng makita ko itong pababa ng Hagdan kasunod si Mama. Matagal na kaseng crush ni Joyce si Kuya na hindi naman lingid sa kuya ko. "Hi Baby" Malanding bati ni Joyce kay kuya saka ito patakbong lumapit dito sabay palupot ng dalawang kamay sa braso ni kuya. napangiwi si kuya dahil sa ginawa nito saka nya marahas na inalis ng pagkakapalupot ni Joyce sa braso nya. "Lubayan mo nga ako!" Parang nandidiring sabi ni Kuya na kina tawa ko ng malakas. "don't you miss me?" Nakangusong tanong ni Joyce dito na agad na inilingan ni Kuya. "In your wet dreams!" Singhal ni Kuya dito na lalong nagpatawa sakin. " Ma, Aalis na po ako mag iingat kayo ah" Tuloy ni kuya sa sasabihin ng balingan nya si mama na nasa tabi kona. "Where are you going baby? Aren't you going with us?" Nagmamaktol na tanong ni Joyce dito at agad na sinundan si Kuya ng makita nya itong palabas na ng bahay namin. "I have a lot to do Joyce! So stop your nonsense things" Dinig kong inis na sabi ni Kuya. "Can i go with you?" Pangungulit talaga ni Joyce dito kaya napailing nalang kami ni Mama at lumabas na din ng bahay para makaalis na. Natawa ako ng makita sina Beka , Leslie at Elaine na hinaharangan si Joyce para hindi na nito sundan pa si Kuya. Nanggigigil na sumigaw si Joyce sa tatlong bakla saka ito nagpapapadyak na lumapit samin ni Mama. "Kawawa yung Isa dyan! Di gumagana yung ganda na sya lang nakakaalam" Pang aasar ko dito kaya lalo itong naghumirantado sa inis. "I hate you Maxinetot!" Inis na sabi nito na kinatawa namin ni Mama. Kotse ni Joyce ang ginamit namin, siya na din ang nagdrive para samin baka daw mapagod pa ako kaya nagprisinta na sya. Hindi naman nagtagal ang byahe namin dahil sa bayan lang naman ang Main City Hospital kaya mabilis kaming nakarating doon. "Paano mo pala nalaman na check up ko ngayon?" Tanong ko kay Joyce ng makababa kami ng kotse nito at sabay na naglakad papasok ng Hospital. "Jusko! Tinawagan ako ni Marky kagabi. Sobra pa ang kilig ko dahil for the first time ay tinawagan nya ako, ngayon pala gagawin lang akong driver mo dahil hindi sya sasama" Mahaba at histerikal na sagot nito na kina tawa ko. Grabe kase ito kabaliw kay Kuya. Since grade 6 pa nagsimula nung iligtas kami ni kuya sa mga nambubully noon saamin. Knight and shining armor daw nya ito, kaya mula noon ay hindi na nya tinantanan si Kuya. Mabaliw ako kakatawa noon nung magka girlfriend si Kuya, Inaway away kase ni Joyce hanggang sa makipag break yung babae kaya mula noon hindi na naggirlfriend si kuya o baka hindi lang nya sinasabi sakin dahil alam nyang sasabihin ko kay Joyce. Dumiretso na kami sa clinic ni Mama, si Joyce naman ay naiwan sa labas at doon nalang daw maghihintay. Madaming test nanaman ang ginawa sakin, gaya ng , test sa ihi, dugo at kung anu ako pang test na pwedeng gawin sakin. Isina-suggest nanaman ni Doc.Guillermo ang Cemo kaso ay tumanggi ako. Hindi naman kase 100% sure kung makakasurvive ako sa cancer ko. Lalo lang akong mahihirapan doon at maging mga bulsa ng magulang ko ay mamumublema. Paliwanag ni Doc Guillermo ng mabasa ang mga resulta ng mga test ko ay walang progress, ganon lang din sya sa mga huling check ups ko kaya naiyak nanaman si Mama. "I'm really sorry Mrs.Mendoza" Paghingi ng tawad ni Doc kay mama matapos nitong maipaliwanag ang mga test result ko. Malungkot na tinanguan nalang ni Mama si Doc. Ako naman ay tahimik lang na ngumiti ng tipid saka na tumayo at lumabas ng clinic pasunod kay Mama. Sinalubong kami ng nagtatanong na tingin ni Joyce, Kita kase sa mukha ni Mama na walang magandang balita ang check up ko kaya napabuntong hininga nalang ito saka malugod na yumakap sakin. "It's okay besh" Anito saka nito hinagod hagod ang likod ko. "I know. And i accept it already" Sagot ko dito na kina gulat nya saka ito mabilis n kumalas sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mata ng may awa. "What are you saying!? Hindi ka mamamatay!" Inis na sabi nito saka nag walk out na umiiyak. Binalingan ko si mama na hindi parin natigil sa pag iyak kaya nilapitan ko ito saka ko sya niyakap ng mahigpit na kina hagulgol nya ng iyak kaya nahawa na din ako. I accept it already..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD