CHAPTER-3

1792 Words
DAY 1 ♥️ Alas syete na ng umaga ng magising ako. Umalis si Mama at pumasok naman sa trabaho si Kuya. Napanguso ako ng makitang walang almusal sa mesa kaya kumuha nalang ako ng mangkok at lumabas ng bahay para bumili ng pwedeng agahan kina Beka. Nagtataka kong binilisan ang lakad ng makarinig ng tilian galing sa mga bakla. Sa isip ko ay baka pinagtitripan nanaman sila ng grupo nila Boyong yung siga at lasenggerong kapitbahay din namin. "Anong nangyari?" Hinihingal kong tanong sa mga ito ng marating ko ang pwesto nila. Aligagang dinaluhan naman ako ni Leslie at mabilis na binigyan ako ng inumin ni Elaine. "Kaloka ka! Bakit ka tumakbo!" Alalang tanong ni Beka sakin sabay kuha sa mangkok na hawak ko at inilapag yon sa mesang lagayan ng mga paninda nila. "E narinig ko kase kayong sumisigaw e, kaba pinagtitripan nanaman kayo ni Boyong" Hingal kong sagot dito kaya binigyan agad nila ako ng mauupuan saka pinagpahinga. "Hindi. Bumili kase yung bagong Neighbor natin. Dai! Ang Wafo! Ang yummy!" Paliwanag ni Beka at para itong sinisilihan dahil sa kilig. Shuta! Muntik akong malagutan ng hininga sa pag alalala dahil lang pala sa Gwapo kaya sila nagtititili. Napailing nalang ako sa nangyari saka ako tumayo at tumingin sa mga paninda nila na pwede kong kainin. "Sopas nalang. Penge ako!" Nakanguso kong sabi sabay turo sa isang kaserola na naglalaman ng sopas. "Kalerki! Ang daming datung nanghihingi lang" Naka ngiwing sabi ni Leslie bago nito sinalinan ng sopas ang Mangkok na dala ko. "Bongga yung Mangkok. Pang 1 happy family" puna naman ni Beka sa dala kong mangkok na kina kamot ko ng ulo, sila naman ay natawa. Sinimulan ko ng kumain dito sa pwesto nila, sila naman ay magiliw na nagtitinda habang pinag kukwentuhan parin nila yung bagong lipat sa harapan namin. "Awit! Akin sya! Period!" Si Beka "HOY! Ako una nakakita!" Si Elaine "Ang kakapal ng mga feslak nyo! Ako nauna!" Si Leslie "Ano ba itsura nyang pinag aawayan nyo?" Singit ko sakanila matapos kong higupin ang sabaw ng sopas sa mangkok ko para ubusin na yon. "Wag mo na alamin! Baka Mafall ka" Ani Beka sabay daydreaming. "Baka sya ang mafall sakin" Ngisi kong sabi dito sabay inom ng gamot na baon ko. "Bongga! Putlangers na nagmamaganda pa" Ngiwi ni Leslie na tinawanan naming lahat. "Maganda naman talaga si Max, Inggitera kalang" Pambabara ni Elaine dito na kina tawa namin lalo. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu ano na kinasakit ng tiyan ko kakatawa. Sino ba naman kaseng hindi sasakit ang tiyan sa kakatawa sa kwento nilang nagsabunutan daw sila Beka at Elaine kahapon dahil dun sa bagong lipat sa tapat. Kay Beka daw ito unang nagpatulong ngunit inagaw daw ni Elaine kaya sa huli ay ipinaubaya nalang nung bagong lipat ang lahat ng mga gamit nya sa dalawang bakla para wag na daw sila mag away. "Naisahan kayo don! Mautak sya, hindi napagod" Tawa tawa kong sabi na kina sama ng tingin nilang dalawa sakin kaya lalo kaming natawa ni Leslie. "Kapag ikaw na in-love kay Fafa Kiel kakalbuhin kita!" Singhal ni Beka sakin na lalo kong kinatawa. "In all your wet dreams" Mayabang at sigurado kong sagot sakanila. "Tignan nga naten!" Hamon ni Elaine saka ito tumingin sa likuran ko kaya ko ito sinundan ng tingin. Napa nganga ako ng matingalaan ang isang Artista este napaka gwapong nilalang na ngayon ko lang nakita. Kulay Asul ang mga mata nito na sobrang ganda, Makapal ang mga kilay at napakatangos na ilong. Kissable ang Lips at perfect jawline. "Hi again" Naka ngiti nitong bati samin, o mas tama bang sabihin na SAKIN? "Hello Fafa Kiel" Kinikilig at tiling sagot ng tatlong bakla habang ako ay nakatanga parin na nakatingala sakanya Lumapit si Beka sakin saka nito isinara ang bibig kong umawang habang nakatitig parin kay Kiel daw. "Yung Bangaw Ganda, Baka pumasok" Ngising sabi nito kaya natauhan ako saka ako nagbawi ng tingin at tinalikuran ito. "What can we do for you Baby?" Pang e-english ni Leslie dito na kita tawa ko ng lihim. "I would like to ask where's Marky's house is?" Tanong nito na kina singhap ko ng marinig ang pangalan ng kuya ko. "Woi Max! Si Marky daw! Ikaw na kumausap ubus na English ko" Bulong ni Leslie sakin na kinatawa ko na talaga ng malakas saka ko binalingan si Kiel sabay tayo, ngunit hanggang dibdib lang nya ako umabot kaya na hurt ako doon. ? "If you don't mind, Can i ask too?" kausap ko dito na kinanuot ng noo nya . "Yes! Sure! What is it?" Kunot noo man ay ngiti nitong sabi. "why do you want to know where he's house and what do you want from him?" Tanong ko dito na lalong nagpakunot ng noo nya. nagtataka saakin "i have to ask something to him, Are related to him?" sabi nito na kina tango tango ko. "Yes. I'm he's younger sister and this is our house" Sagot ko dito sabay turo sa bahay namin na kaharap lang ng bahay na tinutuluyan nya. "Woah! Nice! we're neighbors" Nakangiting sabi nito sabay kamot ng batok nito na kina nga nga ko habang yung tatlong bakla ay nagtititili. Pano ba naman sa simpleng ngiti lang nito ay Sobrang gwapo na nya. What more pa kaya diba? "Grabe! Makalaglag panty" Kinikilig na sabi ni Beka na kina pula naman ng mukha ni Kiel. Putcha! Dinaig pa ang babae kung mamula dahil sa hiya. Ako siguro ay maputla parin. Magsasalita pa sana si Kiel ngunit bigla akong tumakbo ng makita ko si Mama na papasok na ng Gate namin. "Ma!" Tawag ko dito saka naglalambing na yumakap dito. "What's her name? She's so Pretty huh" Dinig kong Sabi pa ni Kiel sa mga bakla ngunit diko na sila pinansin at nagpaakay na ako kay Mama ng tuluyan na itong makapasok sa bakuran namin. Nakayakap parin sakanya "Nag agahan kana ba? Di kita napagluto" Tanong ni Mama ng makapasok na kami ng bahay at dumiretso ito ng kusina. "Opo. Nanghingi ako ng sopas kina Beka" Sagot ko dito na kina tawa ni Mama. "Magbayad ka. Kaunti lang ang tinutubo nila doon" Sabi nito na kina nguso ko. "Sige po. kukuha lang ako ng pera sa taas, saka kukunin ko din pala yung mangkok natin naiwan ko" Sagot ko dito ngunit mabilis itong bumunot sa bulsa nya. "Wag kana umakyat, baka hingalin kapa at mapagod, eto nalang sige na" Anito sabay abot ng 100 peso bill na hinugot nya sa bulsa nya Nakangiti ko iyong kinuha saka ako mabilis na lumabas ng bahay at tunguhin ang pwesto ng mga bakla. Dinig ko pang nagtatawanan ang mga ito at nakita kong si Kiel ang kausap nila. Hindi pa pala ito umaalis doon. "Naku! NBSB yon Fafa" Dinig kong sabi ni Elaine na kina ngiti ng malawak ni Kiel. Tss! Babaero nga! "Saka hindi na din yon makikipag boyfriend" Bigla ay malungkot na sabi ni Beka na kina kunot ng noo ng binata. "Why?" Takang tanong nito "Ah wala. hehehe" Si Leslie ang sumagot saka nito siniko si Beka ng makita ako nito sa likod ni Kiel. "Oh Max! Bumalik ka?" Aligagang tanong ni Elaine sakin ng sundan nito ng tingin si Leslie na nakangiwing nakatingin sakin sabay peace sign. "Babayaran ko lang yung Sopas saka yung mangkok ni Mama hinahanap" Sagot ko dito saka ako lumapit sakanila at inabot ang 100 pesos. Susuklian pa sana ako ni Beka pero tinanggihan ko iyon "Keep the change, dami na din akong utang na puro hinge" Kamot ulo kong sabi na kinatawa nilang apat. Oo kasama so Kiel. "Bakit nyo ako pinag uusapan?" Pagtataray kong tanong saka ko hinarapan si Kiel na nakataas ang isang kilay. Nag iwas bigla ito ng tingin saka ito nagpatuloy sa pagtingin ng kung ano sa mga paninda nila Beka. "Nasa Hospital si Kuya Marky, Naka duty, pero mamayang 4pm ay uuwi na iyon, straight kase ang pasok nya" Pagkuwan ay sabi ko kaya napaharap sya sakin. "He's a Doctor?" Manghang tanong nito na agad kong tinanguan "Oo. He's a Surgeon" Tipid na ngiti kong sagot dito na kina tango tango nya. "I see" Tipid din nitong sabi saka ito bumaling sa mga bakla. Parang ilang ito kung makipag titigan sakin, Sabagay ako man din ay ilang sakanya ngunit hindi ko nalang pinapahalata. May kung ano kase akong nararamdaman sa tiyan ko na diko matukoy pag nakikita at kaharap ko sya. Parang may kung anong lumulipad at umiikot sa tiyan ko at feeling ko ay masaya ako pag nakikita ko sya lalo na yung mga asul na mata nyang nakatitig at naniningkit sa ngiti. "May Girlfriend kaba Fafa Kiel?" Pagkuwan ay tanong ni Elaine dito na nagpabalik sa ulirat ko. Nag isip muna ito bago sinagot ang tanong ni Elaine. Sa itsura nya ng pag iisip ay parang madami itong karelasyon ngunit hindi matukoy kung ligal ba ang lahat o puro fling lang. "Hmm i think i don't have?" Patanong pa nitong sagot na kinalaglag ng panga namin ng mga bakla. "Tss! Hindi pa sigurado?" Iiling kong bulong ngunit nadinig pala nito. "The truth is, Wala talaga. I have a lots of girlfriends but i didn't say its a real relationship. You know its like flings" Sagot nito na kina iling ko lalo. Sabi na e.... "Hala! Babaero ang Fafa Kiel" Komento ni Beka ngunit mabilis na tinakpan ang bibig nito nila Leslie at Elaine. Ako naman ay natawa. "What are you laughing at?" Kunot noong tanong ng binata sakin. "Ganon talaga ang tawag sa mga madaming babae pero hindi sigurado kung may relasyon sya doon. BABAERO" Sabi ko dito at pinaka diinan ang huling salitang sinabi ko. "I'm not BABAERO, It's just like they give there're body to me, they're own choice" Depensa nito na kona ngiwi ko. "How desperate they are" Mabilis kong sagot na kina tanga nya. "Have you ever had a boyfriend?" curious na tanong nito sakin. Nakataas pa ang mga kilay "Do you know what is the meaning of NBSB?" Pagtatanong ko din dito sabay halukipkip sa harapan nya habang nakatingala. Ang tangkad e "No!" Maingking sagot nito na halatang wala talagang ideya sa NBSB. "No Boyfriend Since Birth" Sagot ko dito na kina gulat nya, pero agad ding napangiti na para bang may naisip na kung ano. "Really? So you don't have any experience in any connected in one relation?" Maligalig nitong tanong na agad kong tinanguan. "But! that's not mean na wala akong alam sa pakikipag relasyon, I'm not Innocent in any ways about in a relationship." Dependa ko sa sarili na kina tango tango nya at hindi mawala ang ngiti sa labi nito. "Okay as you say so" Anito na kina nuot ng noo ko. Hindi sya naniniwala huh?.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD