CHAPTER-4

2217 Words
DAY 2-/ ??? EZEKIEL/KIEL P.O.V I woke up earlier when i heard a music came from guitar. When i look at the clock in my bed side table, shock was wearing in my face. 5 am? "Ang aga namang mambulabog non!" Inis kong kausap sa sarili ko at tinungo ang bintana para hanapin kung saan at sino ang tumutugtog. Nagulat ako ng makita si Maxine na may hawak na guitara at nakaupo ito sa may teresa nila kaharap lang ng bahay na tinutuluyan ko. Balot na balot ito mula ulo na may suot na bonet na puti, nakasuot ng baby pink na sweater, naka panjama ito at may suot na medyas habang naka indian seat sa couch na nasa terea nila. Napangiti ako ng mapagmasdan ko ang mukha nya. Kumakanta ito pero hindi ko naririnig ang boses nya, tanging pagbuka lang ng maninipis at mapulang mga labi nya ang nagpapatunay na kumakanta ito, pero pamilyar ang tunog na tinutugtog nito. Napaka amo ng mukha nya, simple lang kung ikukumpara sa mga babaeng nakilala at mga naging girlfriends ko. Unang kita ko palang sakanya nung isang araw ay nakuha na nya ang atensyon ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi gaya nya ang tipo ko. Biglang dumating ang Mama nito, may nilapag itong isang baso na may laman na gatas tapos ay may inabot itong hindi ko matukoy na bagay na mabilis na isinubo ni Maxine saka ito uminom doon sa gatas na dala ng Ina. Napakunot ang Noo ko ng mapansin ang Mama nya na nagpunas ng luha sa pisngi bago nito iwan si Maxine na bumalik na sa pagtugtog. "What was that tears?" Curious na tanong ko sa sarili ko saka ko ulit binalik ang paningin ko kay Maxine na tumutugtog na ulit ngunit katakataka ang pag galaw ng mga balikat nya habang nagpapatuloy sa pagtugtog at pagkanta. "Is she crying too?" Nagtataka ko na talagang tanong sa sarili ko at nakumpirma ko nga ng makita itong magpunas ng luha mula sa manggas ng sweater nitong suot. "Why they're crying?" Tanong ko ulit sa sarili ko at nagpatuloy na pagmasdan ang ngayon ay humahagulgol na sa iyak na si Maxine pero patuloy parin sa pagkalabit ng gitara. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko syang umiiyak. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung bakit feeling ko ay nasasaktan ako dahil lang sa nakikita ko syang umiiyak. Am i crazy? Why i feel this something new to me? Hindi ko naman kilala si Maxine. Ni wala akong alam sakanya maliban lang sa pangalan nya at yung mga naikwento nung tatlong bakla na kaibigan nito. This is all new to me. Dahil sa kirot na naramdaman ko sa simpleng pagtitig kay Maxine ay minabuti ko nalang na wag na itong tignan at bumalik sa kama para matulog muli na agad ko namang nagawa. Napabalikwas ako ng bangon ng makita kong 10 am na at nakatulog pala ulit ako ng tatlong oras. Bago ako tumuloy sa banyo ay sumilip muna ko sa bintana, nagbabakasakaling nandon pa si Maxine sa teresa nila ngunit wala na ito doon, pero nahagip ng mata ko ang nakangiti nyang mukha kasama nung tatlong bakla sa tapat lang ng bahay sa pwesto ng tindahan ng mga ito. Masaya itong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya, kabaliktaran ng eksenang nakita ko kanina sa may teresa nila. Kung pagmamasdan mo ito ay parang walang problema at napaka sayahing tao, ngunit alam kong may mabigat itong problema na tinatago sa mga natural na ngiti nya kaharap ang mga kaibigan. Tumalikod na ako bago pa ako tuluyang mapatitig ng matagal kay Maxine. Tinungo ko agad ang banyo para makaligo, nakaramdam na din kase ako ng gutom at tanging pagbili lang sa mga ibinebenta nung tatlong bakla ang maari kong kainin dahil wala akong alam sa pagluluto. Ni hindi ko marunong maglinis, maglaba o kahit ano pang konektado sa gawaing bahay. Sanay akong may katulong na gagawa ng lahat ng iyon para sakin ngunit dahil ako nga lang mag isa sa bahay ngayon ay kailangan kong matuto para makasurvive sa parusang ibinigay ni Dad sakin. Nalaman kase nito lahat ng mga kalokohan ko, mula sa pagiging babaero/playboy ko hanggang sa pagwawaldas ko ng pera gabi gabi sa bar at napabayaan ang sariling kumpanya ko na Phil Constructure Inc. Nakapagpundar ako ng maliit na kumpanya gamit ang ipon ko at ngayon ay matunog na ang pangalan nito sa lahat ng construction industry. Nakapagtapos ako ng Engineering na may mataas na degree kaya lahat ng kilala at mamayan na tao sa bansa ay gusto saakin ipaubaya ang kanilang magiging bahay o mga buildings na ipapatayo nila. Kilala ako as a Young and popular Bachelor of town dahil sa angking galing at talino ko, kaya nga lang madaming kalokohan kaya heto ako ngayon. Ipinatapon ng Sariling mga magulang sa probinsyang kinalakihan ng aking Ina. Sa poder ng Kapatid nito na si Auntie Luisa na barangay Chairwoman dito sa Baryo nila. Matapos maligo at makapag bihis ay dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay, nagbabakasakali na maabutan ko pa si Maxine sa pwesto ng mga bakla para makipag kaibigan. Gusto ko din kase ng may kaibigan para may mapaglibangan dito. Buryong buryo nako sa loob ng bahay, Puro nood ng TV, Cellphone at tulog nalang ang inatupag ko pag walang paper works na irereview para mga bagong projects sa company ko. Masayang kakwentuhan yung tatlong bakla pero nakakarindi kase panay ang tili nila kahit wala naman akong ginagawa. Si Marky naman ay may trabaho sa Hospital kaya diko ito laging nakikita, Nakilala ko ito nung unang araw na dumating ako dito, Pinakiusapan daw kase sya ni Auntie Luisa na tulungan at i guide ako sa bago kong tirahan na malugod naman nitong sinunod. Magaan ang loob ko kay Marky dahil siguro sa magkaedad kami at halos may pagkakatulad sa kilos kaya masasabi kong pwede syang maging kaibigan. "Magandang Umaga Fafa Kiel" Bati nung isang Bakla sakin na sa tingin ko ay si Beka, ng makalapit ako sa pwesto nila. "Good morning everyone" Tipid na ngiti kong bati din sakanilang lahat, saka sinulyapan ng tingin si Maxine na titig na titig din sakin na mamula mula pa ang mga pisngi kaya napangiti ako sakanya kaso ay biglang binawi nito ang tingin at ibinaling sa tatlong bakla na may panunukso ng tingin saming dalawa ng dalaga. "Uy Girl! Nagba-blush ka!" Buyo ng isang bakla na sa tingin ko ay si Elaine. "Ahh? H-hindi ah? May blush on talaga ako" Utal na depensa ni Maxine na lalong nagpangiti sakin. Para akong bakla na kinilig sa simpleng pamumula at pagka utal nito. "Chaka! Maputla ka kanina no!" Palahaw naman ni Beka na kinatawa ng dalawa pang bakla habang si Maxine ay nagpipigil ng inis ngunit lalong namumula ang mukha nito sa hiya. "Lalayasan ko kayo sige!" Banta kunwari ng Dalaga sa mga ito na kina ngiwi ng tatlong bakla tapos ay dali dali nila itong inalo at inamo. "Kuh! Di mabiro ang Baby Ganda" Panunuyo ni Leslie dito saka nito binigyan ng isang bagay na nakalagay sa isang supot na kulay dilaw. Pagkain ata "Suhol?" Ngising tanong ni Maxine dito saka nito binuksan ang supot na dilaw na inabot ni Leslie sakanya saka nya ito sinubo sa bibig. Pagkain nga "Fafa Kiel! Matunaw iyan" Bulong ni Elaine sakin na diko napansin na nasa tabi ko na pala kaya napa kamot ako sa batok saka ko nilapitan ang mga paninda ng mga ito na kunwari ay magtitingin. "Dito ka kakain Fafa?" Pagkuwan ay tanong ni Beka sakin ng makita nya akong nagtitingin sa paninda nya. Agad ko itong tinanguan kaya nilapitan na nya ako saka na ito naghanda ng pinggan na gagamitin ko at mga kubyertos. Dahil malapit na ang tanghalian ay naisipan ko ng kumain ng kanin at yung adobong manok na napili ko. Masarap naman ang luto nila, mukha namang safe at malinis kaya no worries akong kumain sa paninda nila. Actually hindi naman ako maselan kahit na may kaya ako sa buhay, kahit ano nga ay kakainin ko lalo na kung bago sa paningin at panlasa ko. Mahilig ako sa foodtrip lalo na noong collage life with friends and close classmates. "Girl! Nakita ko kagabi si Joyce at Fafa Marky magkasama" Pagkuwan ay dinig kong sabi ni Elaine kay Maxine ng makaupo ako sa tabi nito ng ilapag na ni Beka ang order ko. Isa lang kase ang mesa nila para sa mga mag da-dine in kaya no choice kundi ang tumabi kay Maxine kahit na naiilang ako. "Saan mo sila nakita?" Gulat na tanong ni Maxine dito, ngunit halata ang pagkabalisa habang pasimpleng tumitingin sa gawi ko. Di ata komportable na katabi ako. "Sa Bayan, Namalengke kami ni Inang kagabi tapos nakita ko si Fafa Marky na inalalayang sumakay si Ateng Joyce sa kotse nito" Kwento ni Elaine na kina ngisi naman bigla ni Maxine saka nito mabilis na inilabas ang cellphone nya galing sa suot na jacket na ngayon ko lang napansin. Ang init init e balot na balot parin ito. at lalong pinagtaka ko dahil maging ang mga bakla ay sanay na sa ganitong pananamit ng Dalaga. Winaksi ko nalang ang pag iisip ko ng kung anu ano at inilagay ko nalang sa isip ko na baka ganon lang talaga ang fashion style nya. Baduy man tignan ngunit di yon halata dahil sa maganda at maamo nyang mukha. "I think you have a lot to tell to me huh! No! I'll wait for you here. I'll kill you if you don't come!" Dinig ko sabi ni Maxine sa kausap nito sa cellphone na kina lunok ko bigla sa laman ng bibig ko kahit na diko pa ito nangunguya. Maldita, mataray at ma awtoridad ang tono nito na ngayon ko lang nadinig dahil nasanay na akong mala anghel ang boses nito sa hinhin. "Kaloka! For sure nanginginig na yang si Ateng at natatapilok sa mataas nyang hills makapunta lang agad dito" Natatawang komento ni Beka ng ibaba na ni Maxine ang tawag sa kausap nito saka nito tinago ang cellphone sa kung saan nya kinuha ito. "Dapat lang syang manginig!" Ngising sagot naman ni Maxine na kina bilib ko sakanya at mangha. Lahat ng expressions ng mukha nya ay nakita ko na but i find it cute. Para akong timang na ngingit ngiti habang pinagpapatuloy ko lang ang pagkain ko. "Fafa Kiel ilang taon kana?" Pagkuwan ay tanong ni Leslie sakin kaya napaangat ako ng tingin sakanya na lahat pala sila ay naka tingin sakin kasama si Maxine na naghihintay sa isasagot ko. "Turning 29" Tipid kong sagot kasama ang tipid na ngiti. "Ka edad mo si Kuya" Tatango tangong sabi ni Maxine na agad ko ding tinanguan. "Yeah. Sabi nga nya nung first day we met" Sabi ko na kina tango nilang lahat "Anong natapos mo?" Pagkuwan at tanong naman ni Beka. Interesado talaga sakin. "I'm a Engineer" Tipid ko ulit na sagot ngunit taka ko silang tinignan ng makitang ngingisi ngisi habang nakatitig sila kay Maxine. Para silang nanunukso sa tingin nila. "Ano yang tingin na yan!?" Singhal ni Maxine sa mga ito pero lalo lang silang napa ngisi dahil iwas at namumula nanaman ang mukha ni Maxine. "Sabi ko sainyo naaamoy kong bagay sila e" Dinig kong bulong na sabi ni Leslie sa dalawang bakla na akala moy hindi namin naririnig ni Maxine ang pinagbubulungan nila. "Paanong naging bagay ang Engineer at Architect aber?" Palahaw ni Maxine sa mga ito na kina tili ng mga bakla. "So you're an Architect?" Nakangiti kong tanong pagkatapos ko uminom ng tubig saka ako humalukipkip pasandal sa kina uupuan ko. "Oo Fafa Kiel, Architect si Max, kaka graduate lang last year, Interesting diba?" Ngingiti ngiting sagot ni Elaine sakin na kina ngisi ko. Interesting nga "O-oo! E ano ngayon?" Palahaw ni Maxine sakin ngunit hindi ito makatingin ng deretso sakin at namumula na ng husto ang mukha nito sa hiya. "Ganda mo talaga Girl pag lumalabas ang tunay mong kulay" Tumitiling sabi ni Leslie saka nito tinusok tusok ang pisngi ni Maxine gamit ang hintuturo nito na agad tinampal bilang pag suway. "Ewan ko sainyo! Uuwi nako!" Anito sa napipikon ngunit nahihiya paring tono at tumayo na at magmamartya na sana paalis ng hilahin ko ito sa braso dahil may biglang kotse na tumigil sa harapan nito. Muntik na syang masagi nito buti nalang ay nahila ko ito, ngunit gulat ako ng bigla itong yumakap sakin ngunit bigla ding kumalas dahil nawalan ito ng malay. "Kyaah! Max!" Sigaw ng mga bakla saka nila agad nilapitan si Maxine para daluhan at akmang bubuhatin na nila ito ng unahan kona sila "What happen?" Nag aalalang sabi ng Magandang babae na bumaba mula doon sa kotseng muntik ng makasagi kay Maxine. "Ateng! hinimatay si Max" Mangiyak ngiyak na sagot ni Beka doon sa babae na kina gulat nito. Nanginginig na nagdial ito sa phone nya saka inis na naghihintay na may sumagot doon. "Marky si Max!" Umiiyak na sabi nung babae sa kausap nito sa phone." Okay okay we will be there" Dinig ko pang patuloy nito saka nito binaba ang tawag at dali daling binuksan ang pinto ng back seat ng kotse nya saka nya ako sinenyasan na ipasok doon si Maxine na agad ko namang ginawa. TO BE CONTINUE.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD