DAY 3 /- ?
EZEKIEL/KIEL P.O.V
Nang maipasok na si Maxine sa loob ng Emergency Room ( ER ) ay napaupo ako sa waiting area sa harapan lang ng ER. Nakita ko si Marky na patakbong lumapit sa kinaroroonan namin at dinaluhan agad nito ang babaeng kasama kong nagdala kay Maxine dito.
"What Happen to her?" Nag aalalang tanong ni Marky dito sabay punas ng mga luha sa pisngi ng babae at inangat nito ang tingin parang salubungin nito ang tingin nya.
"I-i don't know" Umiiyak nitong sabi saka ito sumubsob sa dibdib ni Marky at doon nagpatuloy ng iyak na agad namang niyakap ito Marky.
Nagtatakang kumalas sa yakap si Marky doon sa babae ng makita nya ako kaya napatayo ako sa kina uupuan ko saka ko sila nilapitan.
"Hey bro" Bati ko dito saka kami nagkamayan na parang magkaibigan.
"What's up! Why are you here?" Tanong nito at akmang sasagot na ako ng maunahan ako ng babaeng katabi nya.
"He's with me, Kasama sya ni Max kanina bago ito mawalan ng malay" Sagot nito na kinagulat ni Marky
"What happen? Anong nangyari sakanya? Bakit sya hinimatay?" Sunod sunod na tanong ni Marky sakin. Bakas ang pag aalala sa nakababatang kapatid.
"We we're just talking with her gay friends, Nung magpaalam itong uuwi na at akmang maglalakad ng bigla ay dumating ang kotse nya" turo ko sa babaeng katabi nya."Buti nahila ko ito sa braso dahil muntik ng itong masagi, nung yumakap sya sakin ay bigla nalang itong hinimatay"
Mahabang kwento ko na kina gulat ni Marky saka ito tumingin sa babaeng katabi nito na nagtatanong kung bakit nya iyon ginawa.
"I-i was in hurry. Tinakot nya akong Papatayin nya ako pag di ko sya pinuntahan at pag di ako nagkwento ng diko naman alam kung ano yung tinutukoy nya. You know your Sister is. At pag sinabi nya ay dapat masunod"
Paliwanag nito na kina hilamos ng mukha ni Marky gamit ang dalawang palad nito.
Napatitig ako sa babaeng katabi nito na parang inaalo si Marky. So ito siguro yung Joyce na tinutukoy nung mga bakla at tinawagan ni Maxine kanina sa cellphone nito.
Ilang minuto pa ay may lumabas na doktor sa ER kaya dali dali namin iyong nilapitan. Hinarap nito si Marky na animo'y parang alam na alam na si Marky ang kaanak ng pasyenteng dinala namin.
"Doc how's my sister?" Alalang tanong ni Marky dito.
"She's stable now Doc.Mendoza, She needs more rest, I think she have a lots of thinking kaya sya nag fainted" Sagot ng doktok dito na nagpahinga ng ayos kay Marky. Para itong nabunutan ng tinik sa narinig mula sa kapwa nya doktor.
"I need to talk to you and Mrs.Mendoza to discuss some matter about her condition. I have to go, so excuse me for a while" Patuloy ng doktok kay Marky saka na ito nagpaalam at umalis na.
Nagdial si Marky sa Phone nito ay sandaling lumayo samin para makipag usap sa tinawagan nito. Nalilitong tumingin ako sa babaeng kasama ko na hanggang ngayon ay umiiyak parin.
"Here" lahad ko ng panyo ko sa harap nya kaya nag angat ito ng tingin sakin bago tinanggap ang panyo.
"Thank you" Anito habang sumisinghot pa.
"I'm Ezekiel, they're new neighbors" Pakilala ko dito kaya napatitig ito sakin bago sumagot
"I'm Joyce, Maxine's Bestfriend Nice meeting you Ezekiel" Anito saka nakipag kamayan sakin.
"May i ask something?" Tanong ko dito na agad naman niyang tinanguan.
"Sure! What is it?" Anito saka pinunasan muli ang mukha nya ng may tumakas nanamang luha doon
"May problema ba si Maxine?" Tanong ko na kinagulat nya saka ito napatingin sakin ngunit agad ding nagbaba ng tingin sa panyong hawak.
"It's confidential, I have no rights to tell about Maxine's conditions. Siguro kina Mama Linda and Marky mo nalang itanong" Sagot nito na nagpakunot ng noo ko pero tinanguan ko nalang.
Madami pa akong gustong itanong ngunit dahil nga sa sinagot nito ay hindi na ako nagbalak pa. Madami na kase akong nakikita na kataka taka sa mga kinikilos nila lalo na ni Maxine ngunit isa man doon ay wala akong magagap na sagot.
Bakit ito umiiyak pag mag isa lang sya? pero natural ang tawa at saya nito pag kaharap na ang ibang tao. Bakit iba ang kulay ng balat nya sa karaniwang tao? Bakit ganito kung maka react ang mga malalapit nya sa buhay dahil lang sa simpleng pagkahimatay nya?
Madaming bakit ang tanong sa isip ko pero ni isa doon ay wala akong maisagot.
Bakit kaba interesado sakanya?
Tanong ng isip ko na ako mismo ay hindi ko din alam. Masaya ako pag nakikita ko sya, Malungkot din ako pag nakikita ko syang malungkot o umiyak. alalang ala ako ngayon dahil sa nangyari sakanya. May kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko pag natititigan ko sya sa Mata.
Ano ito?.....
Ilang minuto din ang lumipas ng may lumapit samin na Nurse. Sinabi nito na nailipat na ng kwarto si Maxine kaya dali dali namin iyong tinungo ni Joyce. Pagpasok namin sa room nito ay mahimbing itong natutulog ngunit sobrang putla ng mukha nito na animoy wala na syang buhay dahil maging mga labi nito ay maputla.
"Besh! Joyjoy is here Wake up hoy!" Maiiyak nanaman na sabi ni Joyce ng lapitan nito ang kaibigan saka nito ginagap ang kamay nitong sana side nya
Binitawan nito ang kamay ni Maxine at bigla itong naghalungkat sa maliit na pouch nito at may inilabas ng kung ano doon. Taka ko itong tinignan ng makitang nilalagyan nya ng kolorete sa mukha si Maxine. Sa pisngi at labi
"She doesn't want to look pale, when she woke's up" Anito na para bang nabasa ang nasa isip ko.
Tahimik lang akong tumango saka ako umupo sa kabilang side ni Maxine at pinag masdan ang mukha nito.
Napakaganda nya kahit na tulog ito, lalo na ng malagyan ng kulay ang mukha at labi nito. Parang ang sarap haplusin at halikan ng mga labi nito dahil para itong nang aakit.
Nagulat ako ng biglang humawak sa kamay ko si Maxine ngunit pikit parin ang mga mata nito. Nanlaki din ang mga mata ni Joyce ng makita nya ito ngunit agad ding ngumiti.
"Akala nya siguro ay kamay ni Marky yan" Anito saka nagpatuloy sa pag aayos kay Maxine.
Randam king pinipisil pisil pa ni Maxine ang kamay kong hawak nya kaya napatingin ako doon. Inayos ko ang pagkakahawak non at pinagsalikop ko. Randam kong bumilis ang t***k ng puso ko at parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko sa simpleng paghawak lang ng mga kamay namin. Napakalamig ng kamay niya kaya ginawa ko ay kiniskis ko ang isa ko pang kamay doon saka ko hinipan ang kamay nya, binibigyan ng init na gumana naman dahil nabawasan ang panlalamig ng kamay nito.
Narinig ko ang mahinang hikbi ni Joyce kaya napatingin ako sakanya. Inaayos lang nito ang buhok ni Maxine pero bakit siya umiiyak.
"You're still pretty besh without this" Kausap nito sa natutulog na kaibigan.
Kunot noo ko syang pinagmasdan dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy nya. Sabay kaming napatingin ni Joyce ng bumukas ang pintuhan at iniluwa non ang Mama ni Maxine na umiiyak na kasunod si Marky na mamula mula na din ang mga mata.
"Baby" Umiiyak na sabi ni Tita Linda saka nito dinaluhan ang anak at doon humagulgol ng iyak.
Akmang aalisin kona ang nakasalikop naming kamay ni Maxine ng bigla itong humigpit sa pagkahawak kaya kunot noong napatingin si Marky sakin saka nito tinignan ang kamay naming magkahawak ni Maxine.
"She doesn't want to remove" ngiwi kong sabi ng makita ang nagtatanong na tingin ni Marky sakin.
"Can i see?" Anito saka ito lumapit sakin.
Tinangka ko nanamang alisin ang mag kahawak naming kamay ni Maxine ngunit ganon lang din ang nangyari, parang mas humigpit pa ang pagkakahawak nya doon na pinagtaka na maging sina Tita Linda at Joyce. Binalingan nila ng tingin si Maxine ngunit pikit parin ang mga mata nito at sigurado kaming wala pang malay ito dahil sa bigat ng paghinga nya.
"Looks weird! But if it is okay with you?" tanong ni Marky sakin na tinanguan ko nalang bilang sagot.
Hinayaan nalang nila na ganon ang sitwasyon namin ni Maxine kahit na madalas ay nakikita ko silang tumitingin sa magkasalikop naming mga kamay. kahit nahihiya ako ay wala naman akong magawa kaya pinagkibit balikat ko nalang iyon.
Matapos ang ilang oras na pagbabantay ay nagising si Maxine ng gabi. Ako lang ang kasama nito dahil, nagpaalam na uuwi muna sina Tita Linda at joyce. Kukuha lang daw ng ilang gamit si Tita habang si Joyce naman ay may flight dahil F.A pala ito, Si Marky naman ay pasilip silip lang dito dahil naka duty pa ito.
Nagulat ito ng makitang ako ang bantay nya. Inilibot nya ang paningin sa kabuohan ng kwarto na sa wari ko ay hindi nya alam kung nasaan sya. Dumapo ang tingin nya sa kamay naming magkahawak kaya agad nyang binitawan iyon at nag iwas ito ng tingin.
"W-where are we?" alangan nitong tanong at di makatingin sakin.
"We're here at the Hospital, you fainted this morning don't you remember?" Sagot ko dito at para itong nag isip sa nangyari.
"Why are you here? Where's my Mom and my Brother" Tanong muli nito.
"Tita go home first to get some things and prefer a foods, Joyce a have a flight and Marky is in he's duty" Sagot ko na kina tango tango nya.
"Ganon ba? Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Alanganin nyang tanong at di parin makatingin sakin
"Walang magbabantay sayo, and besides you doesn't want to remove your hand in mine. Kaya nandito ako" ngising sagot ko kaya napatingin sya sakin. Gulat ang reaksyon nya
"What did you say?" Gulat nitong tanong na tinanguan ko lang bilang pangungumpirma na totoo ang sinasabi ko.
"That's not true! Baka ikaw lang ang humawak sakin" Depensa nito na kina tawa ko.
Ang cute nya kase sa reaksyon nya. Namumula ang pisngi nya at kahit galit na ito ay hindi halata. Maganda parin syang tignan.
"You're so cute in any kind of expression" Ngiting sabi ko na kina nga nga nya at napatitig ito saakin.
Anong nangyare sakanya?
Napatingin ako sa mga labi nya na naka awang at na aattemp ako na sunggaban iyon ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka sapakin nya ako, balita ko kase ay may pagka amazona ito.
"Hey!" Ani ko dito saka sya napakurap at parang natauhan sa sarili.
"Y-you c-can go. I'm fine now and it's already late" Uutal na sabi nito saka ito nag iwas ng tingin.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Tita Linda na may bitbit na bag at isa pang paper bag. Mabilis ko itong dinaluhan at tinulungan sa mga dala nya.
"Gising kana pala anak" Bungad nito kay Maxine saka nya ito niyakap na agad namang tinugunan ng anak.
"Uwi na tayo Ma. Ayaw ko dito" Mahinang sambit ni Maxine sa Ina habang nakayakap.
"Sige. Bukas uuwi na tayo pero ngayon kumain ka muna at magpahinga okay?" Sagot ng ina nito saka kumalas sa pagkakayakap.
Nang bumaling ito sa aking ay nginitian nya ako saka ito lumapit sa mga bibit kanina na inilapag ko sa center table na nandito sa kwarto.
"Dito kana kumain iho bago ka umuwi" Anito na agad kong inilingan.
"Hindi na po. Uuwi nalang po ako gabi na din ho kase" Nahihiyang sagot ko dito.
"O sige kung ganon. Dalhin mo na itong isang ulam, Para sayo talaga yan, kase alam kong hindi ka naman marunong magluto" Anito na kina gulat ko at kinakamot ng ulo dahil sa hiya.
Hindi na ako tumanggi pa at tinanggap ko na iyon. Totoo naman kase ang sinabi nito, malamang pagdating ko sa bahay ay kundi can goods ay instant noodles lang ang kakainin ko dahil yun lang ang alam kong lutuin.
"I have to go. Get well soon Max" Paalam ko dito ng harapin ko sya. Tumango tango naman ito bilang sagot.
"Salamat" Nahihiyang sagot nya kaya nginitian ko nalang sya at nagpaalam na kay Tita Linda.