DAY 4-/?
MAXINE P.O.V
Kinabukasan ay maaga kaming umuwi. Ayaw pa sana akong pauwiin ni Doc Guillermo ngunit pinilit kong sa bahay nalang magpahinga kaya wala na itong nagawa at ibinilin nalang ang dapat kong gawin na ilang ulit na nyang sinabi.
Pagbaba ko ng kotse ni Kuya ay gulat akong makita sina Beka, Leslie, Elaine, Joyce at Kiel na naghahanda ng isang mesa na parang pang boodle fight iyon.
"WELCOME BACK MAXINE" Sabay sabay nilang sigaw maliban kay Kiel na nakangiti lang sa isang tabi.
"Ang O-OA nyo! Kahapon lang ako nawala" natatawang sabi ko sa mga ito na kinatawa nila kuya at Mama na nasa likod ko pala.
"Pagbigyan mo na kami Girl! Libre naman ni Ateng" Ani Elaine saka ngumuso kay Joyce na inirapan lang ang mga bakla.
"Sabi nila share share! Pagdating namin sa Palengke e kami lang ni Ezekiel ang naglabas. Mga Baklang buraot!" Galit kunwari sabi ni Joyce na kina tawa naming lahat.
"Oh tara na! Let's get ready to rumble!" Sigaw ni Beka saka na kami Inaya sa harapan ng mesa.
Napatabi ako kay Kiel kaya nginitian ko ito saka ko sinabi ang salitang SALAMAT ng walang boses na lumalabas at sinagot naman nya ng tango sa napaka gwapong ngiti kaya bago pa ako mapa tanga ay nag iwas na ako ng tingin.
Masaya kaming nagsalo salo, idagdag pa ang mga bakla na todo kung magpatawa tapos isama mo pa si Joyce na mukhang sosyalera pero bibig palingkera. Napaka ingay!
"Alam nyo ba nung first year high school kami ay may nanligaw kay Max, kaso ay Babaero kaya ayun sinuntok ni Max, dugo ang ilong" Kwento ni Joyce ng kabataan namin na tinawanan ng lahat.
"Atleas hindi naghahabol sa lalake" Depensa naman ni Kuya para sakin at pinariringgan si Joyce na kinanguso naman ng kaibigan ko.
"Baby! Kahit naghahabol ako ng Lalake ay nag iisa lang yon dahil alam kong sya na ang future husband ko" Paliwanag naman ni Joyce dito na kina ngiwi nalang ni kuya.
"Ah so kaya inaway away mo yung naging first girlfriend ni kuya?" Natatawang tanong ko na kina haba lalo ng nguso nito kaya natawa kaming lahat ulit.
"Yeah! I remember that. It was Malou, Nakipag break sya sakin dahil sinabi daw nya na nabuntis ko sya. Unbelievable!" Sabi ni Kuya sabay turo kay Joyce na ngayon ay halos lumubog na sa kinatatayuan na nagpahagalpak ng tawa naming lahat.
"Kaloka! Ganon ka kadesperada Ateng?" Buyo ni Leslie na inirapan lang ni Joyce
"That was before! I've change a lot now! And i have boyfriend already!" Pagtatanggol ni Joyce sa sarili saka kumain na ulit.
Ramdam kong natigilan si kuya dahil sa sinabi ni Joyce. Paminsan minsan ay nakikita ko itong tiim bagang na nakatingin kay Joyce ngunit agad ding binabawi pag nahuhuli sya nitong nakatitig sakanya. Tingin ko ay may gusto na si Kuya kay Joyce dahil sa lungkot na bumalot sa mga mata nito ng marinig na may nobyo na ang kaibigan ko.
"You Like her Am i right?" Pagkuwan ay tanong ko kay Kuya ng lapitan ko ito na nasa isang bench dito sa bakuran namin ng natapos kaming kumain lahat. Nagkanya kanya na kase ng mundo ang mga kasama namin pagkatapos naming mailigpit ang pinagkainan.
"Anong pinagsasabi mo dyan?" Patay malisyang sabi nito sabay tapon sa sigarilyong hawak nya dahil ayaw nyang nakakalanghap ako non.
"Tss! Hindi ka makakapag secret sakin Kuya! I know you from head to toe!" Ngising sabi ko dito saka ko tiningnan si Joyce na busy maki pagkwentuhan sa mga bakla kasama si Kiel
"Gusto ko na sya noon pa, Naiinis lang ako sakanya dahil napaka desperate nyang tignan at ayaw ko sa babaeng ganon. Alam mo yun" Sagot nito na kina gulat ko kaya napatitig ako sakanya.
"Totoo?" Di makapaniwalang tanong ko na tinanguan nyang agad.
"Actually, Sinabi ko na sakanya iyon nung nakaraan. Umamin na ako sakanya, kase this past few weeks, even months na hindi sya nagpapakita sakin or sayo ay lagi ko syang naiisip at hinahanap. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pakiramdam na yon, but i found my self loving her secretly" Malungkot na kwento nito na kina tanga ko.
Gulat ako sa mga naririnig na pag amin ni kuya Randam kong nag sisisi ito dahil ngayon lang nya napagtanto na gusto din nya ang kaibigan ko kung kelan wala na ito sakanya. Sabagay laging nasa huli ang pagsisisi kaya wala akong magagawa sa bagay na iyon.
"One day i see her with other guy while they're holding hands. May kirot akong naramdaman lalo na ng makita kong masaya si Joyce sa lalaking yon. Na alam kong hindi ako ang dahilan non. Nasanay kase akong nangungulit sya at ginugulo ako kahit na naiinis ako sakanya. Gustong gusto kong nakikita ang mukha nya pag ngumunguso sya at naglalambing sakin. Pero lahat ng yon wala na ngayon"
Madamdaming kwento ni kuya at dinig ko itong humihikbi na at may luha na sa mata. Niyakap ko ito para i comfort. Hindi ko man alam ang pakiramdam ng umibig na nasaktan ay dama ko ang sakit ng kanyang raramdaman.
"Ayusin mo sarili mo. Parating si Joyce dito" Bulong ko kay kuya ng makita si Joyce na kunot noo habang papalapit saamin.
Mabilis naman na kumalas si kuya sa pagyakap sakin at inayos ang mukha nito saka sinalubong ang tingin ni Joyce ngunit agad ding nagbawi ng tingin si Kuya ng pinaka titigan sya ni Joyce. Inaalam kung napano ito.
"Umiiyak kaba?" Tanong nito kay kuya na agad nitong inilingan
"Hindi no! Bat ako iiyak?" Depensa ni kuya na kina nuot ng noo nito.
"Umiyak ka e! Problema mo?" Pangungulit ni Joyce dito saka nilapitan si Kuya at hinawakan sa pisngi para iharap ito sakanya.
"Hindi nga!" Inis na ng sagot ni kuya at pilit inaalis ang kamay ni Joyce ngunit makulit talaga ito.
"Doon na muna ako ah" Paalam ko sa mga ito na hindi man lang ako pinansin kaya iiling akong iniwan sila at tinungo ang kinaroroonan kanina nung mga bakla kaso ay wala na ang mga ito at tanging si Kiel nalang ang nandoon na busy sa Cellphone nito.
Tumabi ako ng upo sakanya at gulat itong napatitig saakin.
"Hi" Nakangiting bati ko na kinabigla nya nung una ngunit mabilis ding naka bawi.
"H-hello" Mautal utal nyang balik bati saka nag iwas ng tingin sakin at ibinalik sa hawak na cellphone ang tingin nya.
"Thank you" Sabi ko sa kawalan kaya binalik nya ang tinging sakin. Nag tataka.
"For what?" Tanong nito na titig parin sakin.
"For yesterday and for this day" Tipid na ngiting sagot ko na tinanguan nya saka ito sumandal sa kinauupuan namin at tumingala sa langit.
"Wala yon. Besides, kahit sino ay gagawin yon" Sabi nito habang nakatingala parin sa langit.
"No! Not everyone. Ikaw lang ang nagbantay sakin kahapon, remember?" Sagot ko dito kaya ibinalik nanaman nya ang tingin sakin ngunit ako naman ang nakatingala sa langit.
"Because you doesn't want me to leave you" nakangiting biro nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo" Patay malisya kong sabi pero ang totoo ay alam ko na, Naikwento na ni kuya at mama kagabi saakin ang ginawa ko na kinahiya ko, pero hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.
"It's okay. Actually i enjoy it" Ngising sabi nito kaya sinamaan ko nanaman ito ng tingin na kina tawa nya ng bahagya.
Ilang sandali ang manayani saamin bago nito basagin ang katahimikan. Seryoso itong tumingin sakin kaya medyo na ilang ako. Nararamdaman ko nanaman kase ang pag iba ng bilis ng puso ko, Iba yon sa bilis pag kinakabahan ako o may nararamdaman akong sakit sa katawan ko. Parang may karera na hinahabol ang bawat t***k nito na hindi ko maipaliwanag kung bakit. at bago ito sakin.
"Maxine" Tawag nito sa pangalan ko, kaya kahit nag aalangan ay tinitigan ko sya sa mata.
"Hmm?" Paungol na sagot ko dito.
"I like you" Anito na kina gulat ko at ilang sandali na natigilan.
Para akong tinakasan ng bait sa sinabi nito. I like you too... Gustong isagot na puso ko pero kinokontra ng isip ko. Hindi na naman bago sakin ang ganitong eksena, madami na din ang umamin sakin na gusto nila ako ngunit hindi ganito ang naging reaksyon ko noon. Noon ay kaswal lang at natatawanan ko pa ngayon ay talagang napatanga ako at walang makapang maisasagot sa sinabi nito.
"I know it's so fast. But i know what i feel for you" Patuloy na anito ng hindi ako nakapag salita dahil sa biglaang pag amin nya.
Kinuha nya ang isang kamay ko at itinapat nya iyon sa dibdib nya kung saan ang parte ng puso nya. Ramdam ko ang bilis ng t***k na gaya ng akin kaya napatingin ako ng deretso sakanya saka ko din hinawakan ang dibdib ko sa tapat din ng puso ko at pinakirandaman din iyon gaya ng sakanya.
Nakita ko syang ngumiti ng malapad dahil sa ginawa ko saka nya ginagap ang kamay kong nasa dibdib nya at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Pareho ba?" Tanong nito na agad kong tinanguan ng diko namamalayan kaya lalo itong napangiti ng pagka gwapo gwapo.
"does that mean... i like you too?" Inosente kong tanong na kina tawa nya ng bahagya bago ito tumango ng sunod sunod.
"You're so cute,so Innocent like an Angel" Malambing na sabi nito saka nya hinaplos ang pisngi ko.
"I-i d-don't know what to say" utal at ilang kong sagot.
Totoong wala akong alam na sabihin sa pag amin nya. Ngayon ko lang ito na experience ang ganitong pakiramdam kaya di ko talaga alam kung anong sasabihin ko. May hinala na akong crush ko sya dahil napakagwapo nito at lagi akong ilang pag nakikita ko ito at napapatanga ako pag nakikita syang nakangiti. Nababaliw na ata ako na maging sa panaginip ko ay nadoon sya mula nung una ko palang syang makita
Ano ba ito?......
Mabilis kong binawi ang kamay ko at inalis ang kamay nyang humahaplos sa pisngi ko ng makita ko sila Joyce at Kuya na paparating sa kinaroroonan namin. Natawa pa si Kiel sa inasta ko dahil ayaw kong ipakita o ipahalata kina Kuya ang nangyari samin ni Kiel ngayon ngayon lang. Sinamaan ko ito ng tingin at sinenyasan na Manahimik. Tinawana nya ako nung una pero sa huli ang sinabi nyang okay sa walang tunog.
"Ezekiel! Do you want to drink?" Tanong ni Joyce dito ng makalapit na ito saamin at naupo sa harapan ng kinauupuan namin ni Kiel.
"Sure! How about you Marky?" Agarang tanggap ni Kiel sa alok nito saka nya binalingan ng tingin si Kuya
"Okay lang. Wala naman akong duty hanggang bukas" Sagot ni Kuya na kina tuwa ni Joyce.
"Wait for me. Bibili lang ako ng iinumin namin" Masayang sabi ni Joyce.
Akmang tatayo na sana para samahan ito ngunit mabilis na tumayo si kuya para ito na ang sumama dito.
"Hayaan mo na sila. Mukhang may something naman sakanila e" Pigil ni Kiel sakin saka nito ginagap ulit ang kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon.
Namula ang maputla kong mukha dahil sa ginawa nito ngunit hindi ako tumutol, bagkus ay nagustuhan ko pa ito ngunit aligagang tumingin sa paligid, baka may makakita saamin. Nahihiya ako dahil first time ko to.
I Like you...
I Like you...
I Like you...
Kyaaaaahhhhh!........