I would appreciate if you consider following and voting this writer. Happy reading.

1761 Words
Tuwing gabi ay pumupunta ako ng plaza para makita yung babaeng nakausap ko. Apat na gabi na akong minamalas. Subalit ngayong gabi ay nadatnan ko na siya sa dating pwesto. "May customer na ba?" bungad kong tanong at napatingin siya. "Nakapag-isip ka na ba?" Balik niyang tanong sa akin. Tumango ako bilang tugon. "Turuan mo na ako" Binasa niya ang kaniyang labi dahilan para mawala ang ibang kulay ng nilagay nitong lipstick. "Hindi uso sa trabahong ito ang training. Magsarili kang kayod. Walang agency dito." "hm, freelancer?" singit ko, tumango naman siya. "paano ang kalakaran?" nag isip siya ng kaunti at nagsalita. "hintay-hintay lang ng customer. Minsan referal. Minsan kapag malas dito sa plaza, magbabar hopping. Wag na wag kang magpaparecruit sa mga Strip Clubs. Lugi ka" "Kaya ko yan!" Wala sa loob na sagot ko. "Dahil hindi mo pa nagagawa ang bagay na ito. Sumama ka muna sa akin. Tagging, ganun." "sige, maraming salamat" Inilahad ko ang palad ko upang makipagkamay. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at tumalikod. Ibinulsa ko na lamang sa suot kong jacket at dali-daling sumunod sa kaniya "Hindi tayo magkaibigan" Paglilinaw ng babae sa hindi niya pagtanggap ng palad ko. "Walang problema, pero gusto ko malaman pangalan mo" Tinapon niya kung saan ang nginunguya niyang chewing gum at nagtawag ng isang tricycle. Pagpasok namin sa loob ay kagad namang umandar ito. Binigyan ako ng babae ng tatlong chewing gum at isang nakafoil na hindi ko pa alam kung ano ang laman. "Pangalan ko? Ruby. Yang chewing gum kainin mo para di ako mapahiya sa customer ko sa pagrefer sa'yo. Yang isa, kung hindi ka pa nakakakita ay condom-" "Oo, alam ko ito. For protection purposes" "Mabuti naman. Kung gusto mong tuloy-tuloy ang kita wag na wag mo kakalimutan yan. Hindi yan libre. Bayaran mo ako kapag may kita ka na" "Okay" Binulsa ko ang condom at isinubo ang chewing gum. Wala namang masama sa ginagawa ko. Wala naman akong plano mag asawa kaya virginity is not a big deal for me. In fact, hindi nga dapat ginagawang big deal ang virginity. Handa na ako. It's now or never. F**K ALL THOSE JUDGMENTS at mga feeling know-it-all. Honestly, kinakabahan ako pero buo na ang desisyon ko at wala nang atrasan ito. This will be just an experience at the end of the day. Bilang consuelo de amor naman, at least hindi ako mamamatay ng virgin. *****/*/***** Pagbaba namin sa tapat ng isang bar, napansin kong marami pa itong katabi na mga bar. Medyo may kalakihan at sopistikado nga lang itong nasa harapan namin ngayon. Mistulang restaurant kung hindi lang dahil sa malilikot na ilaw nito sa loob. Mga bar pala ang ito. Lagi ako nagpupunta sa lugar na ito para huminga sa ingay ng siyudad. Dalampasigan na kasi ang kaharap nito. tatawid lang ng kalsada. "Sa susunod na sasabak ka sa trabahong ito pwede bang ibagay mo ang suot mo?" "Oo, pasensya na. malamig eh" Iniksik ko ang mga kamay ko sa loob ng pantalon na suot ko at napailing. May point nga naman siya. Pagpasok namin sa loob, naupo kami sa isang nakapaikot na sofa sa isang babasaging lamesa. Nasa pinakasulok na ito ng bar kaya nagkaroon ako ng pagkakataong maigala ang mata sa kabuuan ng bar. "May gusto ka bang inumin?" Hindi ako nagsalita dahil wala akong ibang alam na inumin liban sa Matador, Tanduay at iba pang sa grocery lamang na binibiling cerbeza. Naghihintay pa rin ng sagot ko si Ruby. "Wala akong alam inumin sa mga ganitong bar" "Sige, ako na bahala." Matapos niyang makaorder ay natipa siya sa kaniyang phone. Ganoon lamang siya sa loob ng ilang minuto. Hindi ko rin napansin ang oras dahil naaliw ako magmasid. Maingay sa ikalawang palapag dahil nandoon ata ang dance floor. Meron din dito sa baba pero wala pa gaanong tao. "alas diyes pa dating ng customer ko, may kasama raw siyang kaibigan. Galingan mo" Sabay tingin niya sa suot ko. Inirapan niya lamang ako. "Bakit ba naman kasi ganyan suot mo" "Malamig nga" matipid kong sagot. Sumimsim ako sa inuming inalapag sa aming table. Napakimi ako nang malasahan ko ang matapang sa alcohol at olive na nasa loob nito. "Nandiyan na sila" Biglang kumislot ang napakatinding kaba sa dibdib ko. ganito rin kaya ang naramdaman ni Ruby noong first time niya rin gawin ang bagay na ito? "Dito ka sa tabi ko, Diyan sila uupo" Agad-agad naman akong lumipat sa tabi niya at inisang lagok ang inumin ko. "Gusto mo pa? pampalakas loob?" Tumango ako. Nahihiya dahil napansin niya siguro ang kaba ko. Dumating ang waiter at naglapag ng dalawang baso. Nilagok kong muli ito. Nakaramdam ako ng init at hindi ako makahinga ng maayos sa kaba kaya hinubad ko ang suot na jacket. Handa naman ako. Isang hapit na hapit na t-shirt ang suot ko na mayroong mababang neckline. Sumingaw ang kaunting cleavage sa dibdib kong hindi naman kalakihan. "Akala ko wala ka na balak hubarin yan" Hindi na ako sumagot dahil lumakas na ang tugtog ng musika sa sa baba. may inihatid na dalawang bucket ng beer sa aming lamesa kasabay ng dalawang plato ng pulutan. kinuha ko ang isang beer sa bucket at nilagok din. "Hinay-hinay lang. mahaba pa ang gabi" paalala ni ruby. Hindi ko na napansin kung ilang grupo na ang lumabas at pumasok sa bar, pero ang dance floor sa baba ay puno na ng tao. May dalawang lalaki ang umupo sa kabilang parte ng sofa. Nakipagkwentuhan sila ng kaunti kay Ruby. Makalipas ang ilang minuto ay may dumating muli na isang lalaki na umupo sa tabi ni Ruby kaya umusog ako ng kaunti papunta sa gitna ng sofa. Napatingin sa akin ang isa sa dalawang lalaking unang dumating. Walang reaksyon. Tiningnan ko siya pabalik at tinaasan ng kilay at inirapan. Binaling ko ang tingin ko kay Ruby at tumikhim dahil busy na ito makipaglampungan sa bagong dating. "Ito pala si---" Hindi niya alam pangalan ko. "Joana" tuloy ko. "Sino ba dyan sa mga kaibigan mo ang naghahanap?" "Si Carlo" Sabay turo niya sa lalaking titig na titig sa akin. "Nandyan na pala ulam mo" singit noong isang lalaking katabi niya na may kandong na rin na babae. Bigla ako nakaramdam ng hiya sa ginawa kong pag-irap sa kaniya at binigyan siya ng awkward na ngiti. Napansin naman ni Ruby na wala akong ginagawa kaya sinenyasan niya ako "lapitan mo" Lumapit naman ako sa Carlo. napakamot ng noo at tumikhim. "A-ano po bang gusto ninyong gawin Sir?" halos pabulong kong tanong sa kahihiyan. Nag-smirk lamang ito at inisang lagok ang beer na hawak. "Hindi kita marinig, miss" "Sabi ko, ano pong gusto ninyong gawin Sir?" Napatingin siya sa akin ng nakakaloko at binigyan ako ng isang bote ng beer. "Ano bang kaya mong gawin, miss?" "depende" sagot ko kahit na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ininom ako ang binigay niyang beer. bumibigat na ang tiyan ko sa dami na ng nainom ko. "Magkano ka ba?" Napatingin ako sa kaniya dahil tanong niya at nakaramdam ako ng panliliit. gusto kong maiyak. Napasmirk nalang din ako at sumagot para itago ang nagbabadyang luha. "Basta ang alam ko, I do not give my service for free" Inilapit niya ang labi niyang medyo basa dahil sa beer sa aking tenga. "Name your exact amount for one night ng katulad mo. I do not have patience for this. Just tell me and we're done." "I do not put price sa sarili ko. Siguro bayaran mo nalang ako kapag naexperience mo na service ko" inilapit niyang muli ang bibig niya sa tenga ko "pokpok ka ba talaga?" bumaba ang bibig niya sa likod ng tenga ko dahilan para manindig ang balahibo ko sa buong katawan. "Hindi ba obvious ang existence ko dito?" tanong ko para ibaling sa iba ang nakakakiliting sensasyon na nararamdaman ko. Isinanday niya ang kaliwa niyang braso sa likod ng sandayan ng sofa. umabot ang kaniyang kamay sa kabila ng aking braso. Nagmumukha siya nakaakbay sa akin. Lumapit siya ng kaunti sa akin at bumulong sa ilalim ng tenga ko "Then why asking me what we should do? Diba ikaw ang pokpok dito? Do your job" "Narinig mo na ba Sir ang 'customer knows best'?" "Hm..." singhap niya sa tenga ko "classic, but I will not buy that" dahil sa awkward kong posisyon, nahulong ang strap ng bra ko sa kaliwang braso ko. Napansin ito ng customer ni Ruby at napatitig sa akin. Umayos naman ako ng upo at inayos ang strap ng bra ko dahilan para dumistansya sa akin ang Carlo. "Carlo, do you want to swap?" "swap your ass, dude" Sabay tingin sa akin ni Carlo at kay Ruby. "I think she's bored with you" dagdag ni Carlo. "No, James you are bored. She's mine now" tumawa ng malakas ang James at may ibinulong kay Ruby. Lumapit si Ruby sa akin. "Pumili ka daw sa kanilang dalawa. Trip ka rin ata ng customer ko." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "First time mo ito. magpapaubaya ako" "No" singit ni Carlo na naririnig ata ang usapan namin ni Ruby. "Dude, Come on?!" Biglang sambit ni James. "We'll leave right after I finish this bottle. Sorry dude, but I do not share what's mine already" ibinalik ni Carlo ang pagkakaakbay niya sa akin at bumulong muli. "Don't you dare to escape from me just because my friend likes to bring and f**k you in his pad. You'll pay big time" inilagay niya ang isa niyang kamay sa ibabaw ng hita ko. mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. kaya kinabahan ako. "pakidagdag din sa list mo ang 'first come, first serve', just in case na maencounter mo ulit ang ganitong sitwasyon" inalis niya ang kaniyang kamay sa hita ko at inisang lagok ang beer. "Let's go" tumayo na siya. Sumunod naman ako. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang parking lot na medyo may kadiliman. huminto siya sa tapat ng isang itim na chevrolet. hinila niya ako at biglang sinandal sa kotse. naiipit ako sa pagitan ng kotse at ng kaniyang matipunong katawan. Bumalik ulit yung kaba ko kanina ko pa ikinukubli sa alcohol na ininom. "Siguraduhin mong sulit ang ibabayad ko sa'yo" binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulak ako papasok. Masakit din ang ginawa niya kaya napakimi ako. Hindi ko kayang magsalita sa takot at kaba. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng gawin niya sa akin liban sa naiisip ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD