Jeremy Cole Zueralga One year later… "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday tooo youuuu,” pagkanta ng lahat ng dumalo sa first birthday ng anak kong si Apollo Louise. “Yeheey! Blow the candle, mommy and daddy for baby Louise!” sigaw ni Geline na siyang emcee namin ngayon. Buhat ko ang anak ko habang napagitnaan namin ito ni Apple. Sa magkabilang gilid naman ay sina Nicole at Jeremiah. Sabay naming hinipang apat ang candle cake ng anak kong si Apollo Louise. Unang kaarawan ng anak ko. Konti lang ang mga imbitahan namin. Tanging mga malapit lang na kaibigan at pamilya ang nandito. At dito lang sa mansion ginanap ang kaarawan niya. Ayaw rin naman ni Apple na gumastos pa kami ng venue kung pwede naman daw dito. Makatipid pa kami

