Apple Antoinette Maraño-Zueralga 2 months later Sobrang sakit ng tiyan ko habang ini-ere ko ang anak ko na nasa sinapupunan ko. Nasa delivery room ako ngayon kasama si Jeremy na siyang nakahawak sa kamay ko. Halos mawalan ako ng hininga dahil ang tagal lumabas ng anak ko. "Come on, babe. Kaya mo yan. Push lang," sabi ni Jeremy na nasa gilid ko. Tulad ko ay pinagpawisan din siya. Kita ko ang mga malalaking botil ng pawis mula sa noo niya. Sa tuwing mapangiwi ako ay napangiwi din siya. Kung di lang masakit ang pakiramdam ko ay aasarin ko talaga siya. Napangiwi ako ng muli ng humilab na naman ang tiyan ko. "Push, mommy. Nakikita ko ang ulo ni baby," sabi ni doctor Hermosa sa akin. Tumango lang ako habang hinihingal. "Alright, mommy, push!" "Ahhhhhhhh!" Umere ako ng malakas. Wa

