Apple Antoinette Maraño-Zueralga Pagdating sa reception ay nagkasayahan ang lahat. Maraming tao dahil lahat ng tauhan sa hacienda ay umbitado pa rin at ilan mga kilalang tao ng probinsyang ito. Mapa kalog nakuha naming emcee lahat ng kalokohan ay alam nito. Kung may hindi masaya sa nangyari, feeling ko ay si Geline ito. Ikaw ba naman ang pagkaisahan ng lahat. "Higher!" sigaw ng emce na sinang-ayunan ng lahat. "Higher! Higher! Higher!" Pagcha-chant ng lahat pero mas nangingibabaw ang boses ni Yanna. Tawang-tawa naman ako sa nangyari. Maluko din ang kaibigan kong ito. Kanina, hinubad ni Jeremy ang stocking ko at pinapasalo sa mga single na kalalakihan. At ang nakasalo ay walang iba kundi si Miguel na siyang best man ni Jeremy sa kasal namin. At dahil isang mapang-asar na lalaki ito

