Jeremy Cole Zueralga Matapos ng mahabang-mahaba na paghihintay. Finally, nasa harap ko ang babaeng pinangarap kong maging akin. Hindi ko akalain na dito mauuwi ang lahat. Buong akala ko, habang buhay kong dadalhin ang bawal na pagmamahal ko sa kanya. But, here we are now in front of the altar ready to tie knot. "Jeremy, sana alagaan mo ang anak ko. Iparamdam mo sa kanya ang buhay na hindi niya mararanasan sa piling namin ng ama niya," sabi ni Tita este nanay Lilibeth matapos kong magmano sa kanya. Oo, nanay na ang tawag ko sa kanya. Simula ng magpropose ako ay pumayag siyang nanay na din ang itawag ko sa kanya. "Nay naman, parang sinabi mo na hindi ako masaya sa piling nyo ni tatay," sabat ni Apple na may luha na nahulog mula sa mga mata niya. "Ano ka ba naman, anak. Binilinan ko la

