Jeremy Cole Zueralga Sumunod ako kina Apple sa kwarto kung saan kasama niya ang mga bata. Napailing na lang ako sa kakulitan nila. sobrang nakakaubos ng energy lalo n ang dalawang bata. Ganun pa man ay masaya ako sa kanila. Kahit pagod ako ay kaya nilang alisin yon kahit konting lambing lang nla. Nakita kung nasa pwesto si Apple sa gitna ang dalawang bata. Nagbabasa sila ng bedtime story. Pinagmasdan ko na lang sila dahil sobrang nakininig sila sa kwento ng ina nila. Napatingin naman sa akin si Apple at ngumiti ng matamis. Kaya naman ay ngumiti na rin ako at lumapit sa kanila. Pumupwesto ako sa gilid ni Nicole at inisiniksik ang sarili. Umangat naman si Apple at lumipat sa gilid ni Jeremiah at siya ang pumupwesto sa gilid. Napagitnaan na namin ang mga bata. Nagreklamo na naman ang

