Apple Antoinette Maraño Days pass, walang Michelle na nanggugulo bagay na nag patahimik sa amin. Nagbakasyon kami sa Negros kung saan nandoon si Nanay. Tuwang-tuwa ang huli dahil nakita at nakasama na naman nya ang apo niya. Idagdag pa ang kabibohan ni Nicole kaya umingay ang bahay nila dito. Si aling Menchie naman ay hindi magkadauga sa pag-aasikaso sa amin. Lalo na at game na game makipagsabayan ni Nicole sa pangungulit nila. “Nicole, baby, come here. Let’s wipes your sweats,” sabi ni Aling Menchie sa kanya. Aliw na aliw talaga siya sa bata. Lalo na at masunurin. Mabilis mapasunod, kabaliktaran ng anak kong kapag tinupak ay di mo talaga mapasunod kahit anong pilit mo. Agad namang pumunta sa harap ni aling Menchie si Nicole at hinayaan ang matanda na punasan ang likod niya. Isa sa

