Apple Antoinette Maraño Matapos ang tatlong araw na nag stay kami sa beach resort ay umuwi na kami. Sobrang saya ng mga bata at halos ayaw pang umuwi ngunit hindi naman pwede na mag stay lang kami doon. Kailangan naming harapin ang realidad. Hindi habang buhay iiwasan namin si Michelle. Hindi nga namin alam kung manahimik na ito or manggugulo pa. Pagod ang lahat ng makauwi kami. Maliban kasi sa pwedeng maligo ay may iba pang pwedeng pagkakaabalan doon kaya hindi na bored ang mga bata habang nag-stay kami doon. Umupo ako sa sofa at isinandal ang sarili sa likod. Pipikit sana ako ng dumating si Lay na may dalang sobre. "Ate, nakuha ko sa mailbox ng gate. Di ko alam kung para saan to," imporma niya sa akin. Napakunot naman ang noo kong tinanggap ito. Naka-address ito kay Jeremy k

