CHAPTER 29 Third Person POV Hindi pa man lumilipas ang init ng kanilang huling pag-aaway, muling nasubok ang relasyon nina Shien at Callum. Isang normal na araw sa ospital, pero para kay Callum, bawat galaw ni Shien, bawat tawa niya sa ibang lalaki, bawat simpleng pagkakadikit sa ibang doktor o nurse—parang mga karayom na tumutusok sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang pagseselos. At gaya ng inaasahan, sumabog na naman ang lahat. "Shien, nakita ko na naman kanina," malalim ang boses ni Callum habang kasabay niyang naglalakad si Shien sa hallway matapos ang shift nila. Napahinto si Shien at napatingin sa kanya, halatang inis na. "Ano na naman, Callum?" "‘Yung bagong intern. Si Reyes. Bakit ka ba palaging close sa kanya?" mariing tanong ni Callum. Napairap

