Patients
CHAPTER 1
CALLUM'S POV
"Doctor, we have an emergency! Car accident victim, male, mid-thirties, multiple fractures, possible internal bleeding!"
Napakurap ako, agad na tumayo mula sa desk ko at mabilis na lumabas ng on-call room. Sa isang prestihiyosong ospital tulad ng Saint Raphael Medical Center, bawat segundo ay buhay ang nakataya.
"Where is he?" tanong ko habang hinuhugot ang stethoscope mula sa leeg ko.
"ER, Room 3!" sagot ni Nurse Bea, halatang tense.
Pagdating ko sa kwarto, nakita ko agad ang pasyente—duguan, halos hindi gumagalaw, habang pinipigilan ng mga nurse ang patuloy na pag-agos ng dugo mula sa kanyang abdomen.
"BP?" tanong ko habang sinusuri ang kondisyon niya.
"90/60, sir! Bumabagsak!" sagot ni Nurse Jeff.
"s**t. Get me two units of O-negative blood, stat! Prepare for intubation."
Agad akong lumapit at sinuri ang sugat sa tiyan ng pasyente. Hindi maganda ang itsura. Malalim, posibleng natamaan ang isang major artery. Tumindig ang adrenaline sa katawan ko.
"Scalpel," utos ko habang hinahanda ang sarili sa isang mabilisang surgical intervention.
Kakarampot lang ang oras namin. If we don’t act fast, this man is going to die.
"Breathe, dammit," bulong ko habang ini-incise ang sugat, hinahanap ang source ng bleeding.
Ang mga mata ko ay matalim na nakatutok sa bawat galaw. Sa isang iglap, biglang bumaba ang heart rate niya.
"He's coding!" sigaw ni Nurse Bea.
"Start CPR, push one epi now!" utos ko, walang kahit anong emosyon sa boses ko. Wala akong oras para kabahan—hindi puwedeng may mamatay sa shift ko.
Pumalag ang katawan ng pasyente nang sinimulan ang chest compressions. Lahat ng tao sa loob ng kwarto ay nagmamadali, bawat segundo, kritikal.
"Come on, fight," bulong ko, kahit alam kong hindi ako maririnig ng pasyente.
BEEEEEP—
Walang signal sa monitor.
"Tangina, wag ngayon," bulong ko, halos wala nang oras para mag-isip.
Nagpalitan kami ng tingin ng team ko. Alam nilang hindi ako sumusuko.
"One more round!" utos ko, halos sigaw na.
Duguan na ang gloves ko, but I didn’t care. Pinasadahan ko ng tingin ang sugat niya, hinigpitan ang pressure.
Then—
BEEP.
Sumikdo ang puso niya muli.
Nagpalakpakan ang team, pero hindi pa tapos ang laban.
"Transfer him to OR now!" utos ko. "I'll take over from here."
Habang tinutulak ang stretcher palabas ng ER, lumingon ako kay Nurse Bea.
"Who's on call sa OR?"
"Dr. Elizalde, sir. Pero may ongoing surgery siya."
Napamura ako sa isip. Wala nang ibang surgeon?
"f**k it. I’ll do it myself."
"B-but, Doc, hindi ba—"
"Hindi ko hahayaan na mamatay siya. Prep the OR now!"
At doon nagsimula ang isa na namang laban sa pagitan ng buhay at kamatayan.
Walang inang mas mahirap sa pagiging doktor—pero hindi ko ito ipagpapalit kahit kailan.
Dinala na namin ang pasyente sa Operating Room 3, at agad akong nag-scrub in. Ramdam ko ang tension sa paligid—kahit ang pinaka-sanay na mga doktor sa ospital ay halatang kinakabahan.
"Vitals?" tanong ko habang sinusuot ang sterile gloves ko.
"BP is dangerously low, 70 over 40," sagot ng anesthesiologist. "Heart rate is unstable, oxygen saturation dropping."
"Damn it," bulong ko. "Camille, ready?"
"Yeah. Pero kung hindi natin makokontrol ang bleeding in the next ten minutes, we’re gonna lose him," sagot niya habang inaayos ang scalpel sa kamay niya.
"Not on my watch," sagot ko.
"Scalpel," utos ko.
Iniabot agad ng scrub nurse ang hinihingi ko. Sa isang mabilis at eksaktong hiwa, binuksan ko ang sugat sa tiyan ng pasyente. Agad akong sinalubong ng matinding pagdurugo.
"Suction! More gauze, now!" sigaw ko.
Mabilis namang kumilos ang assisting nurses. Humigpit ang hawak ko sa forceps habang hinahanap ko ang pinagmulan ng pagdurugo.
"s**t, may laceration sa hepatic artery," sabi ni Camille. "We need to clamp it ASAP!"
"Clamp!"
Sa isang iglap, iniabot ng scrub nurse ang clamp. Mabilis kong kinapit ito sa dumudugong ugat. Sandali lang, pero ramdam ko ang pressure sa dibdib ko habang hinihintay kong bumagal ang pag-agos ng dugo.
"Blood pressure’s still dropping!" sigaw ng anesthesiologist.
"We need to repair the artery now, Callum!" Camille urged.
"Suture, 6-0 prolene!"
Agad kong sinimulan ang pagtahe sa napinsalang ugat. Sa bawat tusok ng karayom, parang bumabagal ang mundo. Alam kong isang maling galaw lang, tapos na ang lahat.
"Suction! Hold it steady, Camille."
"I got it."
Walang sinayang na segundo. Nagtulungan kami ni Camille, bawat galaw planado, bawat hakbang eksakto. Ramdam ko ang patak ng pawis sa noo ko kahit malamig ang paligid.
"BP is stabilizing!" anunsyo ng anesthesiologist.
Sa wakas, unti-unti nang humihinto ang pagdurugo. Huminga ako nang malalim bago tinapos ang huling tahi.
"We got it," bulong ni Camille, pero kita ko sa mata niya na hindi pa tapos ang laban.
Tumingin ako sa monitor—ang beeping sound ay mas steady na. Pero hindi ibig sabihin nito ay safe na ang pasyente.
"Check for any internal bleeding. Hindi tayo titigil hangga’t hindi tayo sigurado," sabi ko.
Camille nodded. "Laparoscope."
Iniabot ng scrub nurse ang hinihinging instrumento. Mabilis naming sinuri ang loob ng abdomen ng pasyente para makita kung may iba pang sugat. Ilang minuto kaming tahimik, nakatutok, hanggang sa tuluyan na naming napatunayang wala nang ibang bleeding source.
"He's stable," sabi ko sa wakas.
Ramdam ko ang bigat na nawala sa balikat ko. Ngunit hindi ko hinayaang makaramdam ng sobrang ginhawa—hindi pa tapos ang trabaho namin.
"Let's close him up," utos ko.
Isa-isang inayos ang layers ng sugat hanggang sa tuluyan na itong maisara. Tumingin ako kay Camille, na tumango bago nagtanggal ng gloves.
"That was one hell of a surgery," sabi niya.
"Every second counted," sagot ko. "Good job, everyone."
Lumingon ako sa OR team. "Monitor his vitals closely for the next 24 hours. I want an update every hour."
"Yes, Doctor."
Huminga ako nang malalim at hinubad ang gloves ko. Sa wakas, tapos na ang isang laban. Pero alam kong hindi pa ito ang huli.
Paglabas ko ng OR, sumalubong agad sa akin ang isang nurse.
"Dr. Wilkins, may bagong emergency sa ER!"
Hindi ko na hinintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Let's move."
At muli, handa akong sumabak sa panibagong laban para sa buhay ng isa pang pasyente.
Pagdating namin sa Emergency Room, sinalubong agad ako ng sigaw, iyak, at nagmamadaling nurses. Chaos. Halos hindi na makagalaw ang mga staff sa dami ng pasyenteng bata na nakahiga sa stretchers at kama.
"Ano’ng meron?" tanong ko agad habang hinuhubad ang surgical cap ko.
"Doctor Wilkins!" Humahangos na lumapit si Dr. Jaime, ang head ng ER. "Diyos ko, hindi namin alam kung anong nangyayari! Biglang dumagsa ang mga bata, lahat may mataas na lagnat, hallucinations, at rashes. Some are having seizures!"
Putangina. Epidemic? Infection? Hindi pwedeng maging late sa ganito.
"Any confirmed diagnosis?" tanong ko habang mabilis na lumapit sa isang batang nangingisay sa isang stretcher.
"We’re still running tests, pero iba-iba ang symptoms. Some have severe dehydration, others may respiratory distress na!"
"s**t," bulong ko. Tumibok nang mabilis ang dibdib ko habang tinitingnan ang paligid. Mga bata. Puro bata.
Sa tuwing bata ang pasyente ko, putangina, parang dinudurog ang puso ko.
"Alright, listen up!" sigaw ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. "Split the cases! Those in respiratory distress—send them to isolation ASAP. Dehydration cases—IV fluids agad. Febrile seizures—secure airway, give anticonvulsants if necessary. Move! We don’t have time!"
"Yes, Doctor!" sabay-sabay na sagot ng mga staff.
Naglakad ako papunta sa isang batang babae na nanginginig, halos wala nang malay. "Anong status?"
"High fever, 40 degrees Celsius. May petechial rashes sa arms and legs," sagot ng nurse.
Tangina, parang dengue. Pero may hallucinations?
"IV line, start with paracetamol suppository, monitor oxygen levels," utos ko. "Kung bumaba pa ‘to, prepare for intubation."
"Copy, Doc!"
Maya-maya, isang nurse ulit ang lumapit, halatang nagmamadali. "Doctor Wilkins, may isang bata sa corner bed—he’s not breathing properly!"
Putangina!
"I’m on it!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa bata. Nanlalamig na ang balat niya, at halos hindi na gumagalaw ang dibdib niya. "He’s going into respiratory failure!"
"Doctor, nag-zero oxygen saturation niya for five seconds kanina!" sigaw ng isang nurse.
Hindi ko na inisip, agad akong kumilos. "Bag-valve mask, NOW!"
Iniabot ng nurse ang ambu bag at agad kong pinump ito sa bibig ng bata. "Come on, kid. Breathe for me."
Walang response.
"s**t, epinephrine! 1 mg, IV push!"
Nanginginig ang kamay ng nurse habang ini-inject ang gamot sa bata. Pinagpatuloy ko ang bagging habang nakatutok ang tingin ko sa monitor. "Come on, come on—"
Biglang tumunog ang beeping ng machine.
"Doctor! He’s responding!"
Huminga ako nang malalim habang pinapanood ang unti-unting pagtaas ng oxygen levels niya. Pero hindi pa tapos ‘to.
"Keep the oxygen support. Secure IV fluids and take a blood sample—gusto ko ng full workup sa batang ‘to, STAT."
"Yes, Doctor!"
Tumayo ako, pinunasan ang pawis sa noo. Putangina, isa lang ‘to sa dose-dosenang bata rito.
Bakit ang daming naapektuhan?
Lumingon ako kay Dr. Jaime. "Kailan pa dumadagsa ang mga kaso?"
"Simula kaninang madaling araw. Wala pang malinaw na pattern, pero karamihan sa kanila galing sa parehong district."
Napakunot ang noo ko. "Same district? Anong lugar?"
"Brgy. San Lorenzo. Majority of them came from that area."
Shit. Kung ganun, posibleng may environmental factor o contamination sa area. Hindi ito ordinaryong outbreak lang.
"Jaime, we need to report this. Kung infectious ‘to, we need containment protocols."
"I know. Pero wala pa tayong clear diagnosis."
"Then let’s work double time."
Naglakad ako papunta sa susunod na pasyente. Hindi ko alam kung gaano kalala ang outbreak na ‘to, pero isang bagay ang sigurado—
Hindi ko hahayaang may mamatay sa mga batang ‘to.