Story By Sakurah
author-avatar

Sakurah

ABOUTquote
Hello I\'m a newbee Writer/Author here but I\'ll do my best on each books I\'ll made to bring you the best, memorable and quality stories to make you satisfied. enjoy! xoxo
bc
CELESTINA SORIANO (RATED SPG)
Updated at Dec 18, 2024, 06:07
Sa mundong puno ng yaman, kapangyarihan, at mga lihim, nagtagpo ang mga landas nina Celestina Soriano, tagapagmana ng Soriano Group of Companies, at Leandro de Silva, isang maimpluwensyang negosyante. Sa isang charity event, nagkasalubong ang kanilang mga puso at nag-umpisa ang isang pag-iibigan na ipinaglaban sa ilalim ng mga bituin. Ngunit sa likod ng kanilang lihim na relasyon, nahaharap sila sa matinding pagsubok—ang utos ng kanilang pamilya na magpakasal sa iba para mapanatili ang kapangyarihan ng kanilang mga angkan.Nang mabuntis si Celestina, napilitan siyang itago ang katotohanan, lalo na sa harap ng mapanlinlang na si Adrian Martinez na nagnanais gawing asawa siya sa pamamagitan ng pananakot. Subalit muling nagtagpo sina Celestina at Leandro upang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan at ang anak na nasa sinapupunan. Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at paninindigan sa gitna ng tradisyon at pamilya—matagpuan kaya nila ang kaligayahan na matagal na nilang hinahangad?
like
bc
LASON MONG KATAS (SSPG) A COLLABORATION STORY
Updated at Jan 22, 2026, 18:58
Sa init ng gabi, walang ibang naririnig kundi ang halinghing at hingal ng dalawang nilalang na nilamon ng libog si Dodong at si Dadang. Ang pinagsaluhan nilang mainit na damdamin ay nauwi sa isang tagpong parang eksena sa pelikula ng kabastusan pawisan, marahas, at walang preno. Hanggang sa dumating ang sandali… ipuputok ni Dodong ang katas sa loob ni Dadang, sabay sabog ng tawa at kilig.Akala nila, tapos na ang laban. Akala nila, laro lang ng laman. Pero hindi nila alam, ang “lason” ni Dodong ay may kakaibang epekto ’yung lasong kaya palang bumuhay ng bata! Ilang linggo lang, si Dadang ay tila naging walking milagro puno ng ngiti pero may kasamang pagsusuka tuwing umaga.At habang si Dodong ay tulala sa bawat “delay,” si Dadang naman ay nagbibilang ng araw at iniisip… paano kung ang lasong katas na iyon ang maging simula ng bagong buhay nila?Paano kung ang lason ng katas ay hindi pala nakakamatay, kundi nakakabuntis?At kung ganon… kaya mo bang lunukin ang lason mong sariling katas at naging anti-bata?
like
bc
Pa-Connect Sa'yong Kiffy-Fi (SSPG)
Updated at Jan 21, 2026, 17:47
Sa mundong sanay sa mabilisang connection, may isang uri ng ugnayang kapag naranasan mo… hindi mo na gugustuhing mag-disconnect.Si Isabella ay ipinanganak sa mundo ng full bars yaman, impluwensya, at kontrol. Sanay siya sa mga koneksyong malinis sa papel pero malamig sa pakiramdam. Hanggang sa dumating si Alessandro isang lalaking walang engrandeng pangalan, pero marunong magpa-signal ng damdaming tumatagos hanggang kaluluwa.Ang Pag-Connect sa Kiffy-Fi ay hindi basta-basta. Ito’y unli walang expiry, walang limit, at lalong hindi basta napuputol. Kapag pumasok ka na sa frequency nito, mararamdaman mo ang bawat kiliti ng emosyon, bawat lag ng pananabik, bawat pasok at labas ng tadhana na mas lalong nagpapainit sa koneksyon.Ngunit paano kung biglang mawalan ng signal? Paano kung ang koneksyong akala mo’y stable ay biglang mag-buffer… at tuluyang mag-offline ang Kiffy-Fi?
like
bc
PAPANG, RIDE ME SSPG
Updated at Jul 25, 2025, 08:40
Isang matapang at palaban na babae si Gellian, na mahilig sa mga extreme adventure. Nang isang araw, napadpad siya sa hacienda ni Papang Eta, isang macho at misteryosong lalaki na hindi basta-basta mapapalapit. Sa kanilang unang pagkikita, nag-alsang apoy ng pagnanasa ang nagdugtong sa kanilang mga puso at katawan.Ngunit hindi naging madali ang kanilang pag-ibig. Dumating si Xenna, ang dating kasintahan ni Papang Eta na puno ng lihim at masamang balak, at ginamit niya si Kaizen, matalik na kaibigan ni Gellian na lihim na umiibig sa kanya, upang sirain ang kanilang mundo.Nagtago si Gellian, dala ang isang lihim na kambal na anak ni Papang Eta hindi alam ng lalaki ang tungkol dito.Limang taon ang lumipas. May pag-asa pa kaya silang muling magtagpo?O tuluyan na bang mawawasak ang lahat dahil sa mga sugat ng nakaraan?
like
bc
POCKY SPG
Updated at May 5, 2025, 08:34
Blurb:Nosgel, mas kilala sa pangalang Pocky, Isang mayaman, mabait, at mapagmahal na nag- iisang anak kung ilarawan ng kanyang mga magulang at ng mga malalapit sa kanya. Nang magtagpo ang landas nila ng isang mayamang binata ay humanga siya dito at ganun din ang binata. Hanggang nagkaroon sila ng relasyon na akala nila ay pang habambuhay na ang kanilang pagmamahalan. Sobrang mahal nila ang isa't-isa ngunit kinailangang umalis ng binata para asikasuhin ang Negosyo ng pamilya sa Paris dahil siya lang ang maaasahan ng kanyang mga magulang. Siya naman ang pagbalik ng kakambal ng binata at nagpanggap na siya si Lenon para agawin ang lahat ng kung ano mang mayroon ito at kasama na dito si Pocky. Inakala naman ng dalaga na ito nga ang kanyang nobyo kaya pumayag siya na magpakasal dito. Paano kung malaman ni Pocky na ang inaakalang nobyo at ang napangasawa niya ay isang huwad at huli na dahil nakatali na siya dito.Lenon ang tunay na nobyo ni Pocky, Paano kung nalaman niya na ikakasal na ang pinakamamahal niyang nobya sa kanyang kakambal na si Leon na matagal na siyang itinuturing na kaagaw sa lahat ng bagay at lalong lalo na sa kanilang mga magulang. Magpaparaya ba siya o ipaglalaban niya ang pag ibig niya kay Pocky. Paano niya masasabi kay Pocky na ang araw ng kanilang honeymoon ng kanyang kakambal ay siya ang katalik nito.
like
bc
UNLI TUROK (SPG)
Updated at Apr 29, 2025, 10:10
"Tama na ‘yan, Nurse Cuecas. I-prep na ang susunod na dosis," mahina pero tiyak kong utos habang nakatuon ang tingin sa pasyenteng nasa operating table."Yes, Doc," sagot ni Shien, mabilis na kumilos.Ipinasa sa akin ang syringe. Isang huling sulyap sa monitor—normal ang vitals. Wala dapat maging problema. Inilapit ko ang karayom sa IV line, walang pag-aalinlangan.Ngunit ilang segundo matapos kong iturok, nagbago ang lahat."Doctor, bakit biglang tumataas ang heart rate ng pasyente?" Napatingin si Shien sa monitor, kita ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mukha.Naningkit ang mga mata ko. "Impossible. Mali ba ang—"Hindi ko natapos ang sasabihin nang maramdaman kong may kung anong init ang gumapang sa katawan ko. Mula sa loob palabas, parang may apoy na bumalot sa akin."Dr. Callum?" Lumapit si Shien, bahagyang itinaas ang kamay, pero hindi niya ako hinawakan.Napalunok ako. Dumaan ang ilang segundo, at lalo lang tumindi ang init sa katawan ko. Parang nag-aapoy ang dugo ko."Shien…" Napasinghap ako, pilit pinipigilan ang hindi maipaliwanag na pakiramdam.Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Doc, anong nangyayari sa’yo?"Humakbang ako paatras, pilit nilalabanan ang kakaibang reaksyon ng katawan ko. Ngunit sa bawat tibok ng puso ko, pakiramdam ko’y lalo akong hinihigop ng kung anong hindi ko kayang kontrolin."Ilabas niyo lahat ng staff. Ngayon na," madiin kong utos, mahina ngunit puno ng tensyon."Pero, Doc—""Now, Nurse Cuecas!"Nag-aalangan man, mabilis siyang sumunod. Isa-isang lumabas ang mga tao sa operating room, at naiwan kaming dalawa."Hinga ka lang nang malalim, Doc. Baka side effect lang ‘yan," aniya, lumapit pa sa akin.Napailing ako. "Shien, may mali.""Hindi ka pwedeng mahilo ngayon—""Shien." Bahagya kong hinigpitan ang hawak sa gilid ng mesa, pilit nilalabanan ang bumabangong init sa loob ko. "Hindi ito basta hilo."Muling napatingin siya sa monitor, at nakita ko ang pagliit ng kanyang mga mata. Alam niyang may mali."Doc, Callum… anong nararamdaman mo?"Hindi ako sumagot. Dahil alam kong kung magpapatuloy ito, hindi lang pasyente ang kailangang sagipin—kundi pati ang sarili ko.
like
bc
DILIM AT DILA (SSPG)
Updated at Feb 19, 2025, 00:19
“Hindi ko na kaya, Viktor!” sigaw ni Klara, ang mga mata niyang puno ng sakit at galit. “Hindi ko na kayang magtiwala pa sa’yo! Ginamit mo lang ako!”“W-what are you talking about, Klara?” Andreas Viktor’s voice trembled, trying to reach her. “Please, just listen to me, I didn’t mean it…”“Listen?!” Tumulo ang mga luha ni Klara, ang puso niya ay naglalakad ng mabigat. “Si Rose na naman, Viktor! Puno na ako! Hindi ko na kaya!”“Hindi ko siya mahal, Klara!” sigaw ni Andreas Viktor, halos mawalan ng lakas. “Wala siyang halaga! Ikaw lang, Klara. Ikaw lang ang mahal ko!”Ngunit bago pa makasagot si Klara, dumating si Amélie Rose, nakangisi. “Alam mo na, Viktor,” sabi niya, puno ng pagnanasa. “Hindi na siya ang nararapat sa’yo. Mas madali na ‘to, trust me.”Si Klara, umiiyak ng tahimik, nagsalita nang may kalungkutan sa mata. “Hindi ko na kaya, Viktor. Wala na. Hindi ko na kayang maging tanga.” At iniwan niya si Andreas Viktor, ang puso niyang basag at ang pag-asa’y nawawala. Si Rose, patagilid na ngisi, nagmamasid sa lahat ng nangyayari.
like
bc
Ang Kokak Ni Kikay
Updated at Jan 13, 2025, 09:27
Sa isang tahimik na bayan ng San Felipe, isang simpleng babae si Kikay Constantino, na nagtutulak ng kariton ng mga palaka mula sa palayan. Hindi niya alam na ang lupang pinagtatrabahuhan niya ay pagmamay-ari ng isang bagong balik-hacienderong si Emmanuel Betoldo, isang mayamang negosyante mula sa New York. Isang hindi inaasahang pagkikita ang nagpasimula ng isang kwento ng pagmamahal, paghihirap, at paglalaban sa mga alituntunin ng lipunan. Si Emmanuel, bagaman may kaakit-akit na buhay, ay nahulog sa pagmamahal kay Kikay—isang babaeng mula sa isang simpleng mundo. Habang ang kanilang relasyon ay naharap sa mga pagsubok, ang pagdating ng fiancée ni Emmanuel at ang mga hadlang mula sa kanyang pamilya ay nagdulot ng kalituhan. Ngunit ang pagmamahal nila ay hindi nasusukat sa estado ng buhay, kundi sa kanilang pagkakaunawaan at tapang na magtagumpay sa kabila ng lahat.
like
bc
ANG PUSSSY NI KHIKI (RATED SPG)
Updated at Jan 11, 2025, 08:20
BLURB:Sa bayan ng San Felipe, isang tahimik na lugar, namumuhay si Khiki Mariano, isang dalagang may malasakit sa mga alaga niyang pusa, lalo na si Pussy, ang kanyang pinakapaborito. Ngunit isang araw, dumating si Lucas Betoldo, isang binatang mula sa mayamang pamilya, at ang kanilang mga landas ay nagtagpo sa isang hindi inaasahang pangyayari na nagbukas ng isang bagong simula para sa kanila. Bagamat nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan, natutunan nilang tanggapin ang isa’t isa at magpatuloy sa isang masayang relasyon.Ngunit isang trahedya ang sumubok sa kanilang pagmamahalan—ang pagbabalik ni Veronica Ortiz, ang ex-girlfriend ni Lucas, na nagdulot ng pagkakabasag sa kanilang relasyon. Nang matuklasan ni Khiki ang pagtataksil, nagdesisyon siyang magtago at magpatuloy sa buhay nang mag-isa. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Lucas sa kanyang buhay ay nagbigay ng pagkakataong muling maghilom ang mga sugat ng nakaraan at magsimula muli, sa ilalim ng bagong pag-ibig at pamilya.
like