bc

POCKY SPG

book_age18+
367
FOLLOW
3.8K
READ
forbidden
love-triangle
family
HE
second chance
kickass heroine
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
bxg
campus
office/work place
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Blurb:Nosgel, mas kilala sa pangalang Pocky, Isang mayaman, mabait, at mapagmahal na nag- iisang anak kung ilarawan ng kanyang mga magulang at ng mga malalapit sa kanya. Nang magtagpo ang landas nila ng isang mayamang binata ay humanga siya dito at ganun din ang binata. Hanggang nagkaroon sila ng relasyon na akala nila ay pang habambuhay na ang kanilang pagmamahalan. Sobrang mahal nila ang isa't-isa ngunit kinailangang umalis ng binata para asikasuhin ang Negosyo ng pamilya sa Paris dahil siya lang ang maaasahan ng kanyang mga magulang. Siya naman ang pagbalik ng kakambal ng binata at nagpanggap na siya si Lenon para agawin ang lahat ng kung ano mang mayroon ito at kasama na dito si Pocky. Inakala naman ng dalaga na ito nga ang kanyang nobyo kaya pumayag siya na magpakasal dito. Paano kung malaman ni Pocky na ang inaakalang nobyo at ang napangasawa niya ay isang huwad at huli na dahil nakatali na siya dito.Lenon ang tunay na nobyo ni Pocky, Paano kung nalaman niya na ikakasal na ang pinakamamahal niyang nobya sa kanyang kakambal na si Leon na matagal na siyang itinuturing na kaagaw sa lahat ng bagay at lalong lalo na sa kanilang mga magulang. Magpaparaya ba siya o ipaglalaban niya ang pag ibig niya kay Pocky. Paano niya masasabi kay Pocky na ang araw ng kanilang honeymoon ng kanyang kakambal ay siya ang katalik nito.

chap-preview
Free preview
18TH BIRTHDAY CELEBRATION
CHAPTER 1 3rd Person Pov Sa mansyon ng mga Sobrefenia ay halos hindi magkanda ugaga sa pagkilos ang lahat. Samantalang si Pocky ay walang pakialam basta makakain lang siya ng favorite niyang chocolate na pocky. Ngayong araw ay Selebrasyon ng kaarawan ng kanyang pagkadalaga. Pero tulad ng dati ay wala siyang pakialam sa lahat basta makakain lang siya ng kanyang paboritong chocolate sticks ay masaya na ito. “Pocky, bakit hanggang ngayon ay nandiyan ka pa? kanina pa naghihintay ang mag aayos sa’yo! Ikaw talagang bata ka, wala ng pagbabago. dalaga ka na anak, you're not baby anymore Pocky.” wika ni Donya Susan. “Wait lang po Mommy, hindi pa ako tapos dito eh. Ang dami pa oh, gusto kong ubusin ‘to lahat kasi mamaya ay hindi na ako makakakain dahil parating na si Daddy, please Mommy. I love you po.” sagot ni Pocky na puno ng choco sticks ang kanyang bibig. “Okay, bilisan mo na kasi wala na tayong oras. Sige ka, I'll call your Daddy, gusto mo ba?” pananakot ng kanyang Mommy. “Mommy naman eh, saglit lang po ito Please,” pagmamakaawa pa ni Pocky sa Ina. takot kasi ito sa kanyang Daddy. simula pagkabata nito ay Mommy's Girl talaga siya at hindi katulad sa karaniwang mga batang babae na sa Ama naglalambing. Dali- dali na niyang kinain ang mga natitira pa niyang pocky. “kay sarap naman kasi ng Pocky lalo na itong favorite ko na may mga mani” wika niya na may pagmamadali. “Pocky!” ang sigaw ng kanyang Ina kaya tumayo na ito dahil kapag sumigaw na ang kanyang Mommy ay alam na niyang galit na ito. “Opo, Mommy. Heto na po!” Sagot nito kaya tumakbo siya papasok sa kanyang kwarto. “Yaya maliligo na po ako!” “Okay, Baby girl. bilisan mo kasi galit na ang Mommy mo.” Wika ni Yaya Beth. Simula bata ito ay siya na ang nag- aalaga sa kanya dahil busy ang Mommy at Daddy nito lalo na lagi silang nag-a out of town dahil sa Business thing nila kaya si Yaya Beth ang palaging kasa- kasama nito. Pagkatapos maligo ni Pocky ay nag suot na ito ng kanyang bathrobe. “Yaya Beth! papasukin niyo na po ang mga mag aayos sa akin.” Sigaw ni Pocky. Kaya dali daling pumasok si Yaya Beth at ang mga mag- aayos sa kanya. Kinuha lang naman nila na mag- aayos sa kanya ay ang isang sikat na Richy Reyes. Kailangang maayos at maganda siya sa gabing ito dahil ang mga bisita lang naman ng kanyang mga magulang ay ang mga kilalang mga Business Tycoons sa loob at labas ng bansa. Dahil kilala ang pamilyang Sobrefenia hindi lang sa loob ng bansa kundi pati narin sa labas ng bansa ay tanyag ang mga ito. Number 1 na pinakamayaman, maimpluwensyang pamilya, at magaling sa larangan ng Business. Ang kanyang Ama na si Don Rafael Sobrefenia ay isang iginagalang na tao at ang nagmamay ari ng "SOBREFENIA CORPORATION." “Baby, narito na ang mga mag- aayos sa'yo” sabi ni Yaya Beth. “Yaya, pwede ba akong kumain ulit ng pocky, please.” Pagmamakaawa ni Pocky. “Naku bata ka! papagalitan tayo ng Mommy mo, sige ka! nakadami ka na kanina diba?” pagmamaktol ni Yaya Beth. “Gusto ko pa kumain Yaya Beth” naluluhang pakiusap ni Pocky. “Naku magtiis ka muna anak, mamaya kukuha ako kapag busy ang Mommy mo, jusko pati ako madadamay pa, baka mapadala ako sa probinsya, ewan ko sa’yong bata ka.” “Sige po! pero promise mo 'yan Yaya Beth ah, dalhan niyo ako mamaya.” Masayang sambit ni Pocky. Naisahan nanaman si Yaya Beth ng kanyang alaga. “Hello po, ano po ang pocky maliban sa pangalan ni madame? iba kasi ang alam kong pocky eh,”wika ni Richy Reyes. “Alam nyo po masarap talaga ang Pocky lalo na yung may mani. Magugustuhan nyo po talaga kapag natikman ninyo.” Sagot ni Pocky na nagniningning pa ang kanyang mga mata. “Naku ayaw ko ng pocky!, mas gusto ko ang hotdog na hilaw kaysa d'yan sa sinasabi mong pocky! yuck! Kadiri naman.” sambit ng tanyag na make up artist na mangisay- ngisay pa at maasim- asim pa ang kanyang hitsura. “Hala ano pong ibig n'yong sabihin? pagkain po ang pocky na may stick cracker at chocolate, hindi po ito ulam, matamis ang pocky.” Nagtatakang sagot ni Pocky. “Huh, ano ba 'yan? hay naku wag na natin ‘yang pag usapan ang pocky na ‘yan. Halika na para umpisahan na natin ang pag aayos mo Madame ganda.” wika niya. “Okay” kaya naglagay ito ng kanyang ear buds sa tainga at nag play ito ng kanta subalit hindi naman malakas, Tama lang para kapag nagsalita sila ay dinig pa din niya. “Alam mo ba, hindi mo kailangan ang make up kasi maganda ka na, kamukha mo si Angelu De Leon.” sambit ni Richy Reyes. “Salamat po.” maikli nitong sagot na may ngiti. Natapos ang pag- aayos sa kanya kaya dali- dali na itong tumayo. “Yaya Beth, ‘yong damit ko po please.” “Ito na Baby, Halika ka dito tulungan na kita.” sagot niya. Ang ganda nito, Kaya manghang- mangha ito habang pinagmamasdan ang sarili sa isang full body mirror sa kanyang kwarto. “Ganda mo Baby, dalaga ka na ngayon Pocky, ingatan mo palagi ang sarili mo, hindi ka na bata.” puri at paalala ng kanyang Yaya Beth. “Yes, Yaya Beth, pangako ko po. Ayaw ko nga po ng party na ito, sila Mommy at Daddy lang naman ang may gusto. Mahirap po pala ang tagapagmana, bakit po kasi ako lang mag isa.” nakasimangot nitong reklamo. “Nahihirapan ang Mommy at Daddy mo na sundan ka. Kahit gustuhin man nila, kung hindi naman ipinagkaloob ng taas wala din Baby.” wika ng kanyang Yaya. “Kaya nga po Ya, sinabi na din ni Mommy sa akin ‘yan.” Sabay buntong hininga ni Pocky. Lumabas na sila, sakto namang papunta na sa kanyang kwarto ang mga magulang nito. “Wow, ang ganda naman ng baby namin dalagang dalaga ka na talaga Nosgel.” Ang sabay na wika nila. “Wag na po tayong mag- iyakan pa Mommy, Daddy, masisira po ang make up natin. I love you po, salamat sa lahat.” Nakangiting wika nito sa kanila kaya nagyakapan silang tatlo. “Daddy, pwede ba kumain ako ng pocky, please.” Dagdag pa nito kaya nagtawanan sila. “Later Baby, nagpagawa kami ng cake na ang flavor ay pocky at nandoon lahat ng mga flavors nito.” Nakangiting sagot ng kanyang Ama kaya tuwang- tuwa si Pocky sa kanyang narinig. “Really Daddy? salamat po.” “Excuse me po mga Ma'am and Sir, mag uumpisa na po ang program. Doon na po kayo mag pwesto sa may stairs. At kayo ang unang maglalakad pababa, sunod na po ang Celebrant.” Magalang na sambit ng event Coordinator. “Ok lets go!” Sambit ng kanilang Padre de Pamilya. “Ito na, wag kang matakot self. Tulad ng sabi nila hindi ka na bata Pocky.” Bulong nito sa kanyang sarili. Naglalakad ito ng dahan dahan pababa ng hagdan habang nakatingin sa mga dumalo sa kanyang kaarawan. Halos ang lahat ay napapa titig sa kanyang angkin na kagandahan, bagamat medyo bilugan ng konti ang kanyang katawan ay hindi hadlang ito dahil sa matangkad siya at maputi kaya litaw na litaw ang angkin nitong alindog. Kaya makikita sa mga mata ng mga dumalo ang paghanga sa kanya. Sanay naman ito sa mga ganitong party. simula't sapul naman ay ganito. Kunwari masaya sila sa’yo, pero ang goal nila ay maka- lapit sa kanilang pamilya para sa pansariling mga layunin. Ang iba nama'y naghahanap ng ikasisira ng pamilya nito ngunit hindi tanga ang Don kaya't agad na natutuklasan nito kung sino mang mga ahas sa kanyang paligid at nasasakupan. “Please give her a round of applause! Our Birthday Celebrant! Miss Nosgel Sobrefenia!.” Masiglang wika ng Emcee na kabilang sa mga na shock. Doon din lamang natauhan ang mga bisita sa loob ng mansion at sabay sabay silang nagpalakpakan. “Wow! ngayong nakita na natin ang napaka gandang Heiress ng Sobrefenia Corporation ay maririnig natin ang kanyang speech.” Sabi pa ng Emcee nang makababa na sa mahabang hagdan si Pocky. “This is it pansit self, kaya mo ‘yan.” Bulong at pagpapalakas loob nito sa kanyang sarili. Nagsalita ito sa kanyang dala- dalang microphone. Mahirap ng maki gamit baka may pulburang itinaktak dito ang kung sino mang mangangahas na gumawa ng hindi maganda sa kanila. Kaya pumunta ito sa gitna ng stage para mag bigay ng konting mensahe at pagpapasalamat. Ito pa naman ang ayaw niya sa lahat, iyong magsasalita siya sa harap ng maraming tao. Okay lang sana kung nakatingin lang sila pero iyong magsasalita siya ay hindi niya talaga gusto. “Hello everyone, Thank you so much and I Really Appreciate that you'll come tonight for my very special day And I hope that you'll enjoy for the rest of the night." "For my loving Parents, I just want to say thank you and i love you both. Lubos po akong nagpapa salamat sa inyo. Hindi sapat ang mga salita upang maipahayag ang kabuuang pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay ninyo para sa akin. Mula sa aking pagkapanganak hanggang sa kasalukuyan. Lagi ninyong ipinaramdam sa akin ang inyong pagmamahal at suporta. Mommy, kayo ang aking gabay sa mga unang hakbang ko sa mundo. Sa iyong pagsasakripisyo at pag-aalaga, natutuhan ko ang kahalagahan ng pagiging matatag at mabuting tao. Daddy, sa iyong pagiging malakas, matalino at mabuting halimbawa, na-inspire mo akong maging determinado at masipag sa lahat ng ginagawa ko. Mahal ko kayong tunay at nagpapasalamat ako sa Diyos na kayo ang aking mga magulang I love you Mommy & Daddy. Mangiyak- ngiyak nitong talata subalit hindi na siya pwedeng lumampas pa doon at magpakita ng kahinaan sa lahat ng naroon sa party dahil ito ang magiging butas ng iba sa kanila. ‘Yon lang po salamat sa inyong lahat at sa mga taong lagi nandyan palagi para sa amin especially ang mga katuwang namin sa bahay at marami pang iba maraming salamat po.” Pagtatapos ni Pocky. “Wow, masyado touch ang speech ng ating Celebrant, umiyak na ba ang lahat? You may take your seat our Gorgeous Celebrant.” Sabi ng Emcee. Pagkatapos ay isinunod na ang speech ng pamilya at mga kaibigan. Habang nag speech ang bawat isa ay lumapit si Yaya kay Pocky para ibigay dito ang dala niyang pocky. “pocky Baby, ito na ang kailangan mo.” bulong ng kanyang Yaya Beth. “Salamat po Ya, the best ka talaga.” Nakangiting sabi ni Pocky tsaka umalis ng mabilis ang kanyang Yaya. Nang tinawag na siya ulit ng Emcee ay pinapunta na ito sa may table ng kanyang 6 tier na Birthday cake na may kulay red pink at peach na mga edible flowers. Sa loob nito ay mga iba't- ibang flavors ng kanyang paboritong pocky. Nagsimula na silang kumanta ng Birthday song at ang live lang naman na kumakanta nito ay ang singer na si Aiya Segerra, pagkatapos ng awitin. Nag umpisa na ito na nag cut ng kanyang Birthday cake. Isinayaw din siya ng kanyang Daddy at siya lang ang first and last dance nito dahil ayaw niyang magpasayaw sa iba lalo't hindi naman niya kilala ng personal ang mga ito. “Dalaga na ang Pocky namin. Mahal na mahal ka namin anak at kahit dalaga ka na ay ikaw parin ang aming baby.” Sambit ng kanyang Ama. At sumali na din ang kanyang Mommy kaya naman lubos ang kanyang ligaya dahil sa kanyang mababait at mapagmahal na mga magulang. “I love you Daddy and Mommy matagal pa po ba? gusto ko na kumain ng pocky ko Daddy.” Bulalas ni Pocky kaya nagtawanan ang kanyang mga magulang. “Oh, my Baby Pocky, sige tayo na at umupo na” Sambit ng kanyang Ama na natatawa. Kahit kailan talaga ay hindi maawat ang kanilang Anak sa pagkain niya ng pocky.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook