CHAPTER 2
3rd Person Pov Continues
Habang kumakain ang lahat ay sabay na din ng pagbukas ng kanyang mga regalo, para hindi na rin magtagal pa ang program na request na din ni Pocky.
Nakatanggap naman ng mga mamahaling mga regalo si Pocky, mga trip to Europe at iba pang mga Bansa. All Expenses paid na 1 week stay sa mahal na mga Hotels. Kaya tuwang tuwa si Pocky dahil isasama niya ito na ipaparaffle sa late Birthday Celebration nito sa ibang araw sa kanilang mansion o sa ibang lugar kasama ang kanilang mga kasama sa bahay at kanilang mga Bodyguards, Security Guards, Drivers at Gardeners.
Nakaugalian na ng kanyang pamilya ang ganito kapag idinadaos ang kanilang mga kaarawan kaya lahat ay Happy Birthday.
"Maraming salamat po sa mga nagbigay ng mga ito." Naka ngiting pasasalamat ni Pocky.
Niregaluhan naman siya ng iba na mga mamahaling alahas at mga Purse na nababalot ng mga Dyamante. Ang iba ay isinasama niya sa kanyang mga ipinapa- raffle at ang ibang nagugustuhan niya ay itinatabi niya.
Isa namang Bentley Continental GT speed V8 na Aegan Blue ang regalo ng kanyang Daddy.
Matagal ng request ni Pocky sa kanyang Daddy
Ang magkaroon ng sasakyan Dahil maliban sa kanyang pagkahumaling sa pocky at hilig din nitong makipagkarera ng sasakyan kasama ang kanyang best friend na si Zasha at ang kanilang close friend at kaklaseng si Gael na parehong nasa ibang banda kasama ang kanilang mga pamilya na nagbabakasyon kaya pareho silang hindi nakadalo sa kanyang kaarawan.
Isang Drag Racer na walang sasakyan. Nakakatawang isipin subalit ito ay kagustuhan na din ng kanyang Daddy dahil baka mailagay niya sa pangunahing kalsada ang kabilisan nitong magmaneho kapag ito ay nasa field ng pakikipag karera. Pinapahiram lang siya ni Zasha ng extrang sasakyan kapag magkakarera na sila.
"Oh Daddy, Am I dreaming?" Hindi maka- paniwalang usal ni Pocky.
Mahilig mang makipag karera sina Pocky at Zasha ay hindi ginusto ng mga ito na makipag compete lalo na at ayaw nilang kalabanin ang kanilang kaibigan na si Gael, siya talaga ang lumalaban sa ganitong sport. Kaya masaya na silang nagbo- bonding na magkakasama at mag karerahan kapag nakahanap sila ng pagkakataon. Ang suporta sa pagkarera ng bawat isa ay para lang kay Gael at masaya na sila dito.
Kaya ngayong 18 na siya ay masaya niyang ibabalita sa kanyang mga kaibigan na mayroon na din siyang sariling sasakyan at hindi na mahihiyang makisakay sa kanila dahil bawat labas nila ay kung hindi kay Zasha ay kay Gael siya nakikisakay. Ipinapangako niyang magiging responsable siyang Driver sa labas ng race field at sa pangunahing kalsada.
“Thank you so much Daddy you are the best Daddy in the whole wide world!” Sambit ni Pocky at tuluyan ng tumulo ang luha nito habang mahigpit na yumakap sa kanyang Ama. Dama din ng kanyang Ina ang pasasalamat ng anak dahil matagal na silang kinukulit nito.
“All for my Unica Hija, but be careful always my Baby atsaka teka nga lang anak, Natural na ako ang The best Daddy para sa’yo dahil ako lang naman ang iyong Ama” Natatawang sabi ni Don Rafael sa kanyang anak.
Nang magkakasalo na sila sa iisang mesa para kumain na din ay humirit pa ‘tong si Pocky.
“Mommy, gusto ko po ng cake na pocky please. 'Yun lang ang kakainin ko.” At nag beautiful eyes pa ito.
“Ang akala ko ay nag matured ka na anak, hindi pa pala. Okay but hinay hinay lang. Remember hindi maganda sa isang dalaga ang maging mataba.” Pagpapa alala ng Ginang kay Pocky.
“Yes Mommy, I'll remember that.” Sabay tinawag ni Pocky si Yaya Beth para ipangkuha ng slice ng cake.
Habang kumakain siya ng cake ay ramdam niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Subalit isinawalang bahala na lamang niya ito dahil sa dami ng taong nandoon at siya nga ang espesyal sa gabing ito ay natural lang na mapapatingin ang mga tao sa kanya, kaya itinuloy na lang niya ang kanyang pagkain lalo pa't lasang pocky talaga ang kanyang kinakain.
Nang matapos ang Party at nagsi- alisan na ang lahat ng mga bisita ay napaupo na lamang ito sa mahabang sofa at dahil napagod ito.
“What a Day” Usal ni Pocky.
Hindi nito alam na hindi pa doon natatapos ang kanyang party dahil nagtipon- tipon ang kanilang mga kasama sa bahay at mga Bodyguards para batiin siya ng personal at may hawak- hawak pang isang malaking bandehado si Yaya Beth na ang laman ay sang katutak na pocky na iba't iba ang mga flavors na pinagpatong patong at pinag dikit atsaka nilagyan nila ito ng kandila sa may bandang harapan.
Pumwesto sila sa may bandang likod ni Pocky kasama ang kanyang mga magulang kaya hindi napansin ng Dalaga na may surpresa pa pala ang mga ito.
Nagsimula ng kumanta ng Birthday song ang mga ito kaya naman napatingin si Pocky sa kanila.
“Happy Birthday to you” Sabay nilang kanta na may kasamang papalakpak pa. Tuwang tuwa sila habang kumakanta at damang dama ang ligaya sa kanilang mga puso.
Nanlaki ang mga mata ni Pocky dahil sa gulat at sabay na ring napaiyak.
“Omg!” Sabay takip nito sa kanyang bibig.
Nawala tuloy ang kanyang pagod at tumayo na ito mula sa kanyang pagkaka upo. Nilapitan niya ang mga ito habang naka takip padin ang kanyang bibig ng kanyang kamay.
Hinipan nito ang kandila pagkatapos nitong humiling ng taimtim at niyakap niya isa- isa ang mga ito.
“Maraming salamat po.” Iyak niyang pagpapasalamat. Para kasi sa kanya ay ito ang pinaka masayang pagdiriwang na kanyang ninanais. Simple lang na pagbati mula sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya at may malasakit.
Pagkatapos ng mga tagpong iyon ay nagpaalam na siya sa mga ito at umakyat na sa hagdan patungo sa kanyang kwarto. Ngunit bago pa ito umalis ay ibinilin niya kay Yaya Beth na dalhin niya sa kanyang kwarto ang lahat ng mga pocky na ibinigay nila sa kanya.
Nag hilamos na agad ito ng kanyang mukha at nagpalit na ito ng damit pagka pasok na pagka pasok niya para makatulog na siya agad dahil dama na niya ang pagod ng kanyang katawan lalo pa't buong party siyang nakatayo na naka heels at medyo mabigat din ang gown na kanyang suot- suot.
Nang humiga na siya sa kanyang malambot na kama ay nagbasa muna siya ng mga messages sa kanyang cellphone at isa na dito ang text messages ng kanyang dalawang matalik na kaibigan. Masayang natulog si Pocky. Para sa kanya ay wala na itong mahihiling pa dahil ang araw na ito ay lubos lubos na ipinag- papasalamat niya sa Panginoon.