CHAPTER 3
Pocky’s Pov
Finally natapos ang din ang aking kaarawan.
Napagod talaga ako ng husto kaya pagka- higa ko ay diretso tulog na talaga ako.
Dahil karamihan ng desserts at cake muffins ay flavor ay ang aking favorite na pocky ay hindi ko rin ito pinalampas, Kaya walang ibang laman ang tiyan ko kundi ang mga matatamis na desserts lalo na ang cake ko na most requested ko pa ang bawat layers nito last year pa.
Hindi ko nga alam kung bakit naging favorite ko ang pocky na isa sa mga nangungunang mabenta sa mga products nila Daddy. Katulad ko din siguro ang mga tao na nakahiligan ito na kainin at kapag kinakain mo na ito ay ayaw mo ng paawat dahil masarap talaga.
Kaya sa hilig ko nito ay iyon na ang tawag nila sa akin kaya halos wala ng tumatawag sa akin na Nosgel. Kaya ginawa ko, ay iyon na lang din ang nickname ko at tawag sa akin ng mga close friends ko at family ko hanggang sa nakasanayan na rin talaga nila Daddy at Mommy.
Bumaba na ako para mag almusal, nakasalubong ko ang favorite kong si Yaya Beth. Tumutulong siya sa mga ibang kasama namin dito sa bahay kapag wala akong inuutos sa kanya o mga lakad. Dahil matanda na ako ay madalang nalang din ang kanyang trabaho kaya tumutulong nalang siya sa mga kasamahan niya para wala din silang masabi sa kanya.
Hindi na rin nakapag asawa si Yaya Beth dahil nag focus siya sa pag- aalaga sa akin noong maliit pa ako. Kaya itinuring na rin niya akong parang isang Anak lalo pa't palaging wala noon ang aking mga magulang, Kaya kami ang laging magkasama at nagba- bonding.
42 years old pa lang naman siya kaya kung gusto pa niyang humabol na mag asawa ay hindi namin siya pipigilan pero dito pa din sila titira ng kanyang matitipuhan kung hindi rin naman ito mayaman dahil pamilya na rin ang turing namin sa kanya at sa mga kasama namin dito sa bahay.
"Good morning Yaya, Saan po kayo pupunta?
“Goodmorning din Baby girl, Dalaga ka na talaga ha, Sa itaas, tawagin ko ang Mommy mo para mag almusal na din, Umupo ka na doon at mag almusal ka na.” Tugon niya.
“Aalis po tayo mamaya, pupunta tayong Mall, May nakita ako sa online na bagong display na toys na sa mall mabibili, Syempre ang pocky ko.” Sabay tawa ko.
“Ayun lang! Akala ko dalaga ka na, Sa edad lang pala. Walang problema! Sabihan mo lang ako Baby girl kung anong oras. Oh, Siya kumain kana d'yan.” Natatawang sabi niya.
“After po natin na mag almusal ay mag ready na tayo. Sakto bukas na ang mall kapag nakarating na tayo doon. Hirap na baka maubusan ako.”
“Okay sige” Sagot niya at umalis na papuntang second floor.
Umupo na nga ako at nagdasal bago kumain, Inuna ko ang hotdog dahil hinding hindi ako nagsasawa dito. Napaka juicy kasi neto kaya nakakatakam talaga. Pinaglaruan ko muna bago ko ito kinain. Sinipsip ko at dinilaan parang sa nakita ko sa palaro sa social media pero hindi hotdog kundi talong.
Nang bigla akong nagulat sa pagsigaw ni Yaya Beth kaya pumasok ang buong hotdog sa bibig ko at bumara pa sa aking lalamunan.
“B-baby girl! Anong ginagawa mo sa hotdog ha? Ikaw na bata ka salbahe ka!” Bulalas ni Yaya Beth.
Hindi ako makapagsalita at nauubusan na ako ng hangin, Kaya itinuro ko nalang ang aking lalamunan at tumayo na din.
“Omg! Sorry, sorry! Jusko, Ayan na nga ba ang sinasabi ko, nabilaukan ka tuloy. Kung anu ano kasi ang pinag- gagagawa mo." Pagalit sa akin ni Yaya habang hinahampas niya ang likod ko sa ibaba ng batok.
Halos mapaiyak ako dahil ang jumbo pa ng hotdog na pinaglaruan ko. Nakita ko na lang din si Nanay Trining na nagmamadaling puntahan kami.
Pumwesto pa si Yaya sa aking likod at tinalon- talon niya ako ng ilang beses habang yakap at naka patusok ang hinlalaki nito sa aking tiyan kaya biglang lumabas ang hotdog sa aking bibig na buong buo. Napahawak pa ako sa aking leeg, Sabay inom ng tubig at hinga ng malalim.
“Ayos ka lang ba? Huwag mo nang ulitin 'yon ha? Tinatakot mo kami eh.” Hingal din na sabi ni Yaya Beth.
“Sorry Yaya Beth, Nanay Trining. Kasi ginagaya ko lang ang pina nood ko eh.” Mangiyak- ngiyak kong sabi.
“Dami mong nakikitang bata ka!” Pagalit pa ni Yaya Beth.
“Good Morning guys! Anong almusal natin Nanay Trining? Oh, Anak bakit parang namumula 'yang mukha mo? Is everyone's okay?” Tanong ni Mommy.
“Good Morning Donya Susan, Hotdog, bacon po at Vegan salad. Sinamahan ko ng Fried rice na maraming bawang at nagtimpla din po si Perla ng barakong kape.” Saad ni Nanay Trining.
Nang tumingin si Mommy sa amin at naghihintay din ito ng sagot namin.
“Nabilaukan ako Mommy ng hotdog. Sakit po ng lalamunan ko.” Sabay hawak ko pa ang leeg ko na lumapit kay Mommy para mag beso.
“Pumasok po ba si Daddy? Aga niya namang pumasok.”
“Pasaway ka talaga Pocky, Kung anu ano nanaman siguro ang ginawa mo. Ikaw talagang bata ka, Bata ka pa nga at hindi pa dalaga.” Pagalit din ni Mommy na naiiling.
“Oo maaga ang Daddy mo, May meeting kasi siya sa mga bagong Investors.” Dagdag pa niya.
“Ah okay po, Mommy aalis po ako mamaya kasama ko si Yaya Beth, Pupunta kami sa mall may bibilhin lang.
“Okay, But huwag kayong magpa gabi dahil mas maganda na nauuna kang nakakauwi kaysa sa Daddy mo anak. At isa pa, Magpasama ka sa mga Bodygurads mo anak. Maganda ng nakakasigurado tayo.” Dagdag pa ni Mommy.
“Okay po Mommy, Kain na po tayo para makaalis na din po kami after nito.”
Nang natapos na kaming kumain ay nagpaalam na ako kay Mommy. “Mommy mauna na po ako, maliligo pa po kasi ako.” Pagmamadali kong paalam.
Tumango lang si Mommy.
“Yaya, Mag ready ka na, kumain ka muna okay?” Utos ko kay Yaya sabay takbo sa hagdan.
Matapos kong maligo ay hindi pwedeng hindi ako mag lotion. Ito ang mahigpit na bilin sa akin ni Mommy para daw hindi mag- sag at kumulubot ang aking balat.
Nag suot lang ako ng loose na short denim hanggang sa may tuhod ko at may butas sa harapan, Nag tube lang ako na puti tapos nag suot lang ako ng black na sneakers. Inilugay ko ang aking straight at mahabang buhok.
Kinuha ko na rin sa wardrobe ko ang sling bag ko na Lv Vinton.
Pagbaba ko ay nakita ko na si Yaya Beth sa sala, Ready na po ba kayo? Tara na po Yaya Beth dala n'yo ba ang favorite kong si pocky? Tanong ko na excited.
“Ito hawak ko baby, Ako pa ba! Girl scout yata ‘to.” Pagmamalaki ni Yaya Beth. Ito ang gusto ko sa kanya. Parang bagets lang din kaya magkasundong magkasundo kami.
Kinuha ko ang aking favorite na pocky at inilagay ko sa aking bag. Cellphone, wallet at ang pinaka mahalaga ay ang pocky ko ang laman lang naman nito.
“Tatay Cezar sa BGC po.” Utos ko sa aming Driver na matagal na ding naninilbihan sa amin.
“Okay Señorita.” Ang tugon ni Tatay Cezar.