CHAPTER 1
THIRD PERSON POV
Umagang-umaga pa lang pero para kay Danicca Marikiton 28 years old na mas kilala sa palayaw na Dadang parang hapon na. Ang gulo ng buhok niya, nakatali lang sa taas na parang pineapple, naka-duster na faded pink na may burdang “Good Morning Sunshine” kahit clearly… hindi siya sunshine sa umaga.
"Hoy Tintin!!!!! Gumising ka na diyan kung ayaw mong ipakulam kita sa kapitbahay nating si Aling Beba! Nagbubuga na naman ng usok baga niya sa sigarilyo, baka isang hipak lang niya tuluyan ka nang mabuhay sa kabilang dimension!" sigaw niya mula kusina habang nagpipiga ng pancit canton na may itlog kuno.
Isang ungol ang maririnig mula sa kwarto.
"Ate… five minutes pa…"
"Five minutes pa ulo mo! Magdi-date ka na naman ‘no? Oy! Byahe na! Ayan ka na naman akala mo naman kinikilig sayo yung nililigawan mo! Eh baka mamaya pag nakita ka, sabihin pa nung babae, ‘ay may mascot nang naligaw’!"
Bagsak bigla ang pintuan ng kwarto. Lumabas ang binata Justin “Tintin” Marikiton, 20 years old, naka-second year college sa isang state university. Naka damit pang-tulog na may print na "Future Engineer" pero mukhang "Future Serbesa Boy" ang vibes.
"Ate naman, hindi ako magdi-date! Pupunta lang ako school! Group project!" depensa ni Tintin.
"Ay wow. Group project daw oh. Kapag ikaw talaga nagka-gf, magpapapaniwala ako na alien talaga ang nasa Area 51," balik ni Dadang habang naka-nguso.
Habang nagbubunganga siya, pumasok ang nanay nila, si Mama Cezarina, dala ang walis tingting.
"Aba! Aba! Aba! Eto na naman kayo! Maga-alas otso na wala pa ring ligo si Tintin, tapos ikaw Dadang duster pa rin pero galit na galit! Hindi ba dapat ikaw muna ang naliligo? Parang ikamamatay mo!" sermon ni Mama.
"Ma... giniginaw akong kaluluwa pa ako ngayon. Low bat pa boses ko. Tsaka tinitimpla ko pa feelings ko sa life, huwag ka muna." sagot ni Dadang, sabay kagat sa pancit canton kung saan halos mahulog pa yung itlog na parang tiniis ng budget.
"Nako, Dadang, puro ka satsat d’yan. Kung di ka pa natigil sa kakatawa sa sarili mong jokes, matanda ka na wala ka pa ring asawa." pang-uuto ng mama niya.
"Aba teka! Ma! Hindi ako desperada ha! Baka nakakalimutan mo, ako ang pambasang krung-krung pero hindi laos!"
"LAOS KA NA ANAK LAOS!" sabat naman ng Papa nila na bagong gising, naka-sando pa na may butas sa gitna. "Kung may price ang pagiging single, ikaw na sana mayaman!"
"Papa! Grabe kayo sakin! Hindi ako laos ano! Choice ko ‘to. Self-love! Boundaries! Healing! Growth!" padakdak ni Dadang sabay pose na parang motivational speaker.
Nagkatinginan sina Mama at Papa.
"Boundaries daw." sabay ulit ng mga magulang, sabay tawa.
"Eto na naman. Conspiracy laban kay Ate. Alam mo Tintin, kung di ako nag-eexist, wala kayong punchline araw-araw!"
"Correction Ate, kapag wala ka, mas payapa buhay namin," balik ni Tintin.
Pak! Hinila ni Dadang ang tenga ni Tintin.
"AY AW-ATE!!!"
"Payapa pala ha? Eto! Dagdag kaguluhan sa buhay mo! JUDE ang pangalan nung crush mo ‘no? Yung chinitang mahaba buhok? Yung future nurse pero hindi sure kung nurse ka ring papasayahin niya??"
Namula bigla si Tintin. "Ate wag ka nga maingay baka marinig"
"AY TALAGA PALA! Oh Mama! Papa! Ano sabi ko? May crush nga si Tintin kay Jude! Yieeee!!!" sigaw niya sabay talon-talon sa sala, hawak pa yung noodles.
"Ayun na. Nagsimula na si Bruha." bulong ni Papa.
"Ma! Lalaki pa yan, ganyan talaga!" tatawa-tawang sagot ni Mama. "Pero anak, just a reminder ha... boundary din kayo sa babae. Hindi pa yan panahon mag-apo ako ha! Gusto ko regalo hindi apo!"
"Hoy Tintin ayan ha! Jadey ka d’yan! Ubusin mo muna pag-aaral mo bago 'pagsusumiksik sa puso ng iba'. Focus ka muna sa thesis! Hindi pa puso!"
"Ganyan kayo eh…" simangot si Tintin habang inaabot ang tuwalya. "Pag ako nagka-nurse na girlfriend, kayo unang i-check up niya at di kayo tatanggapin sa ER."
"Kapag ako namatay kakatawa sayo Tintin, ipapamana ko sayo lahat ng utang!" banat ni Dadang.
"At kapag ako nalungkot dahil single ka pa rin after 30…" sabat ni Papa, "Ibubugaw na kita kay Kuya Baldo sa kabilang kanto!"
"NAGHINUROT KAYONG FAMILY KAY KARMA??" sigaw ni Dadang na parang sumisigaw sa rally.
Tawa nang tawa si Mama.
"Ay naku Dadang, sige ka… Baka lahat ng nilalait mo, mapunta sa ‘yo."
"Hindi Ma, okay lang sakin yung karma… wag lang si Kuya Baldo. I swear to God, kung yan ang magiging plot twist ng buhay ko, magpapatawag ako ng exorcist!"
"Hoy anak," sagot ni Mama biglang seryoso, "pero reminder ko lang ha... baka puro ka biro tapos hindi mo na napapansin yung mga totoong dumarating na tao sa buhay mo."
Natahimik si Dadang saglit.
Tumigil din sa pagtawa yung Papa.
"Minsan kasi, kakabardagul at kakapaitingting mo diyan… baka nga may taong seryoso sayo pero iniisip lang nila na hindi ka ready."
Ngumiwi siya. "Ma, ready naman ako..."
"Eh bakit walang manliligaw?" sabay sabat ni Papa.
"Papa kasi mataas standard ko! Hindi ako easy open! Dapat kapag nagmahal ako, full coverage warranty!"
"Full coverage parang kotse?!" tawa ulit ni Mama.
"Oo, Ma! Para kung masira, may repair! Kung papalitan, may upgrade!"
Si Tintin naman, habang palakad palabas, pumepwesto sa pintuan.
"Ate, ingat ka rin ha… baka habang kahihintay mo ng ‘upgrade’, ikaw mismong mag-expire."
"Diyos ko Tintin tama ka! EXPIRY DATE ka na Dadang!" sigaw ni Papa na parang bingo announcer.
"HOY KUNG WALA AKONG LOVE LIFE, AT LEAST AKO MAY PERA!!!" balik ni Dadang na halos mabali leeg.
"Anong pera, anak?" tanong ni Mama sabay taas kilay.
"Yung 246 pesos ko sa JCash!"
Natahimik silang lahat.
Tapos sabay…
NAGHIYAWAN SA TAWA.
"You know what Dadang," sabi ni Mama habang pumapalo pa sa tuhod kakatawa, "kung may award sa pinaka-comedy sa barangay, ikaw yun. Pero tandaan"
"Seryoso na agad??" reklamo niya.
"Tandaan mo… pwede kang magpatawa... pero sa tamang tao, sa tamang panahon. Wag mo gawing shield ang pagiging comedian para hindi ka na nasasaktan."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
"Baka naman Ma, may alam kang hindi ko alam?" curious niyang tanong.
"Secret." ngumiti si Mama ng may alam.
"Teka bakit parang iba yan?? Ma? MA! Huwag mo kong ipa-arranged marriage ha???"
Tumawa lang si Mama.
"Tingin mo may lalaki bang papayag??"
"MAAAAAAAAA!”