DADANG POV
"MAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"
Ayun na. Sumabog na naman ang vocal cords ko na parang sirena ng lumang ambulansya habang tumatalon ako papunta sa likod ni Mama.
Sumabit pa ako sa balikat niya parang naka-sidecar.
"Ay susmaryosep DADANG!! ANO KA BA!!!" halos umikot leeg ni Mama habang pilit akong inaalis sa likod niya.
"Huwag mo ‘kong gulat-gulatin anak, hindi ako may-ari ng spine replacement!"
"Hindi ka sumasagot, so ibig sabihin may plano ka! Ina-arrange mo na future ko Ma, hindi pa ako handa magka-baldado na lovelife!"
“Anong baldado?!” singit ni Papa habang humihigop ng kape. “Eh ikaw itong kailangan i-propose-an muna bago ka maging tao!”
“PA! Hindi ako robot!”
“Hm. Hindi pero malapit ka na kasi wala kang social battery.”
“Bakit kayo ganyan sakin ngayon? Ano to council meeting ng kapre??”
Tawa nang tawa si Tintin habang pinapahid pa ang luha sa mata.
“Grabe Ate, sobrang defensive mo. May lalaki ba talagang nilalayo sayo?”
“Hoy Tintin huwag ka d’yan, baka sabihin mo mamaya may nagpaparamdam sa’kin wala ano! Lahat lumalayo kasi natatakot sa kagandahan ko!”
“Ate hindi kagandahan yung kinatatakutan nila.”
“AY ANO?!”
“Attitude.”
“TINTIN GUSTO MO MAWALA ANG PAGKA-SINGLE KO TAPOS MAWALA KA RIN SA MUNDO?!”
Naramdaman ko bigla pisil sa tagiliran ko.
Si Mama.
Alam kong may sasabihin na naman ‘to na pang-kontra sa kaluluwa ko.
“Alam mo anak… hindi mo naman kailangang takutin ang love life mo. Kung para sayo, darating.”
“Ma, hindi ako St. Niño na dinadagsa ng devotees. Baka kapag dumating yung para sakin, wala na ako sa address. Or worse, nasa sementeryo na.”
“Eh kung andyan na pala, pero ikaw ang umaayaw?”
Napakurap ako.
Teka bakit parang… may laman yung sinabi niya??
“Ma…” matalim tingin ko, “ano yan ibig mong sabihin? Sino ‘yang tinutukoy mo? May nagtanong na ba sayo about me? May nagpaparamdam ba? MAY HUMIHINGI BA NG PERMISSION???”
Tawa lang siya ulit tapos iniwan ako sa ere.
Umikot papunta sa kusina parang Miss Universe na nakahawak sa imaginary mic.
“Mama wag mo kong binibitin! Sabihin mo sakin!! Baka mamaya may stalker ako maaga pa para sa Petflix documentary!”
“Secret nga sabi eh,” sagot niya habang nagluluto ng itlog.
“Ma! Wag ka nagse-secret! Para akong aso may kumakain sa tabi ko gusto ko rin malaman!”
“Hindi mo pa kailangang malaman, anak.”
“Bakit???”
“Kasi wala pa sa timing.”
“HUH? Si destiny ba yan o si Grab delivery? Anong timing timing???”
“‘Pag sinabi ko… mawawala ang thrill.”
“Ma… I am NOT Petflix! Wala akong thrill panic ako agad!!”
Papa chimed in ulit, parang commentator.
“Pag sinabing timing, ibig sabihin hindi pa handa utak mo puro ka kasi kabulas’tugan.”
“Excuse me Pa, hindi kabulas’tugan ito… coping mechanism.”
“HAHAHA coping mechanism my toes,” sagot ni Tintin, “kaya ka no jowa kasi puro ka monologue sa universe.”
“Hoy Tintin wag kang feeling may lovelife. Baka mamaya ma-friendzone ka rin ni Jude, tapos sabay tayong mag-alay ng puso sa paso.”
“ATE!”
“Ano?? Sinabi ko lang possibility!”
“No! Parang sinumpa mo ako!”
“At least kung single ka, hindi ka mahirap i-maintain. Gasolina lang okay ka na.”
Mama biglang ahem.
“Pero Dadang, seryoso… reminder lang, hindi lahat ng nagpapatawa masaya.”
Natahimik ako.
Kinamot ko batok ko.
“Oo Ma alam ko naman yun... Pero hindi rin ibig sabihin na kapag masaya ako, may kulang no? Minsan, happy lang talaga.”
Tumango si Mama.
“Pero minsan rin, may tinatakbuhan ka.”
Ayan.
Tinamaan buti-butihan kong puso.
Tapos bigla sabat si Papa:
“Kung tinatakbuhan mo, baka nasa likod mo na.”
“PA, wag mo ko sinasabuyan ng horror script, wala pa ko naka-boyfriend baka lalake pa ang first jumpscare ko!”
Tawa silang tatlo.
Ako? Stress.
“Basta anak…” sabi ni Mama habang inaabot yung platito ng itlog, “darating yan. Pero kailangan ready ka rin.”
“Ready naman ako ah.”
“Ready pero pader.”
“HA?!”
“Pag may lalapit, binabanatan mo agad.”
“Defense yun Ma!”
“Hindi defense. Takot.”
“Hindi ako takot!”
“Takot kang masaktan.”
…
Ayun.
Dumikit bigla yung silence.
Parang na-freeze frame yung buong kusina.
Napakagat-labi ako.
Hindi ko alam kung dahil sa kapeng nilagok ko o sa words na nilagok ng puso ko.
Kaya ko nga ginagawa to eh…
Bardagul, patawa, pang-aasar...
Mas madali kesa seryoso.
Mas safe.
Mas hindi delikado.
Pero syempre, hindi ko pwedeng ipahalata na umatake yung linya niya.
Kaya… switch personality, ON.
“Excuse me Ma, hindi ako takot masaktan! CHAROT! Pero kung may darating tatanggapin ko! Siguro. Maybe. Depende kung gwapo. Or sense of humor. Or may six foot height. Or may kotse. Or may bahay. Or may garden. Or"
“Aba’t checklist pala anak?” sabi ni Papa.
“Hindi check goals!”
“GOAL daw oh,” sabay bulong ni Tintin, “parang NBA pero walang bola.”
“Hoy may bola ako! Maliit lang pero may potensyal!”
“WHAT?!”
“EMOTIONAL BALLS! CONTROL YOUR BRAIN!”
Nagtawanan ulit sila.
Tapos biglang
Tok tok tok.
Nasamid ako.
“Ma sino yan??”
“Baka bisita.”
“MA ANO NA NAMAN YAN HUWAG MO SABIHING”
Pagbukas ni Papa ng pinto...
"Hijo! Maagang bati ha!" bungad niya sa isang lalaking nakatayo sa tapat ng pinto.
Naka-white polo. Neatly ironed. Malinis ang gupit. May dalang tinapay.
At… gwapo.
Like… pang-clean version ng mysterious male lead sa K-drama.
“Good morning po Tito,” sabi nung lalaki sabay ngiti.
Kinilabutan kaluluwa ko.
Wait lang.
SINO. TO.
“OH?” sabi ni Mama with a sly smile.
“Dadang anak… may bisita ka.”
I almost fainted.
“Ma… bakit parang hindi ako na-brief sa episode na ‘to??”
At doon nagsimula ang sakit ng bangs ko.
"Ma… bakit parang hindi ako na-brief sa episode na 'to??"
"Brief? Anak hindi brief ang tawag diyan… SURPRISE TRAILER," sagot ni Mama habang pigil-tawa.
Si Papa naman halos malaglag kape sa sahig.
"Ay anak kung alam mo lang… matagal ka nang may waiting list HAHAHA!"
"WAITING LIST?? BAKIT AKO PARANG GOVERNMENT PROJECT???"
Tintin tumakbo sa gilid, kunwari reporter.
"Breaking news! Local woman, 28, walang jowa since birth, ngayon for bidding!"
"JUSKO TINTIN GAGAWIN KITANG KUROT MEAL!"
Humakbang yung lalaki papasok nang bahagya.
"Pwede po ba akong… pumasok?"
ANG SMILE. LORD. BAKIT PARANG MAY BUILT-IN RING LIGHT SA ILONG NIYA.
"Uy pwedeng-pwede hijo, tara pasok!" sagot ni Papa.
Si Papa?? ANG BILIS NAGING WELCOME COMMITTEE??
"PA bakit parang kayo yung naunang in-love??"
"Ay sorry anak… ibang aura kasi, hindi gaya nung mga pinapaligaw sayo dati na mukha nang overspeeding jeep!"
Mama lumingon sa’kin, sabay taas kilay.
"Anak, behave. Baka isipin bisita natin ikaw babae… hindi gremlin."
"MA???!"
The guy looked at me. As in diretso sa mata.
Nakangiti.
PARANG MAY MUSIKA.
PARANG may slow motion.
PARANG… SHAKOY??
"Hi," sabi niya sabay slight bow.
"Good morning."
Napa-blink ako. Twice.
"H-hi… w-who I MEAN WHAT I MEAN WHO ARE YOU, BAKIT KA NASA KWARTO KO ESTE BAHAY KO???"
Tawanan buong pamilya.
Si Papa literal tumalikod kasi niluwa yung tawa.
Si Mama napaupo sa upuan hawak dibdib.
Si Tintin halos gumapang sa sahig kakatawa.
"Anak…" sabi ni Mama habang umiiyak sa katatawa, "ang una mong tanong hindi man lang ‘sino ka’ kundi ‘BAKIT KA NASA KWARTO KO’????"
"Ako nga pala," sabi nung lalaki, ngumiti ulit… AKALA KO MAMAMATAY NA KALULUWA KO DOON EH.
"Zandro po. Anak ni Tito Mauro… yung pinsan ni Papa ninyo."
Tapos ngumiti siya ulit.
CASUAL.
PARANG HINDI NIYA ALAM NA MAY NANGYAYARING MAGMAHAL KA NA KUNG DI KA PA NASASAKTAN MOMENT SA CALORIES KO.
"Z-Zandro…" ulit ko, parang nadulas dila ko.
"N-nandito ka kasi…?"
"Para sunduin ka raw," sagot niya habang diretsong nakatingin.
"May pinapakiusap daw po sa’yo."
"SUND - SUNDIN WHO?? SINO SINUSUNDO KO?? KAILAN PA KO NAGING PARCEL??"
Tintin sa likod:
"COD? CASH ON DATE???"
"TINTIN ISASAKSAK KITA SA RICE COOKER!"
Mama nakahalukipkip, naka-ngiti ng mapanira.
"Anak, sinundo ka niya kasi tutulungan mo siya sa errands... at kasi…"
Nag-pause.
Lumapit.
Hinawakan balikat ko.
"SYEMPRE PARA MAKILALA MO."
"MAAAAAAAAAAAAA!!!"
Zandro chuckled.
AS IN CHUCKLED.
YUNG MAHINHIN PERO MAY PANGALANG “FALL-IN-LOVE.”
"Don’t worry," sabi niya habang naka-lean forward ng konti,
"hindi kita isusoli."
…
TULALA AKO
Si Papa? Tumambling sa tawa.
Si Mama literal kumakatok sa mesa.
Si Tintin sumisigaw:
"ATE ITO NA FINAL BOSS!!!"
At ako?
"NANAY BAKIT PARANG GAGAWA NA AGAD AKO NG BIRTH CERTIFICATE PARA SA DAMDAMIN KO??"