CHAPTER 3

1001 Words
THIRD PERSON POV "MA!!! PAAA!!! AYOKO PO!!! AYOKO MAG-ASAWA!!!" Bulyaw iyon ni Dadang habang patakbo papasok ng bahay, halos masamid pa sa sariling laway sa sobrang taranta. Para siyang naka-fast forward mode habang hinihila yung pa-Korean na paldang pinasuot sa kanya ng Mama niya. “ZANDRO SORRY HA!! HINDI KITA TYPE!! HINDI AKO READY!!” sigaw pa niya habang papalayong kumakaway na parang artista sa teleserye na nire-reject ang bida. Tumigil siya sa may pintuan, saka sinilip uli sa labas. "YAN OH!! U MALIS KASI DI KITA TYPE!!!" Sabay hagis ng kamay na parang nagbabato ng sumpa. Napakamot-ulo si Zandro sa kalsada, hindi alam kung tatawa o maiinsulto. Umalis na lang ito, halatang nahiya. Sumara ang gate, sabay BOOM sumimula na naman ang eksena ni Dadang. “Ma!!! Binugaw niyo na naman ako!! Hala bat ganun kayo sa anak niyo?? Huhuhu…” drama niyang iyak-iyak pa habang nakasalampak sa sahig, palad sa dibdib. “Hoy arte!” Si Tin-Tin na agad, halos mahulog sa kakatawa habang naka-sandal sa pader. “Akala ko nasunog yung bahay sa sigaw mo kundi pala REJECT MISSION!” “Tsk! kunyari ka dyan, Tin-Tin!” kunot-noo ni Dadang. “Ikaw kaya itong may crush jan! Ako lang ang ginagawang pambala!” “Eeeh?? Ako pa talaga!” balik ni Tin-Tin sabay tawa nang tawa. Tahimik sa sala ng sandali hanggang pumasok si Papa. "Ay nako Danicca, kung maka-arte ka parang kinakasal ka na ngayong araw." “PA!! HINDI AKO KWEBA PARA PUMASOKAN NG KUNG SINO-SINO!!” sigaw uli ni Dadang. Si Mama naman, kalmado pero may halong pamungay-batang pang-aasar, “Kweba? Anak, kung kweba ka pa, ano nalang yang bunganga mo? MINESHAFT?” Tawanan. As in tawanan na may sabay turo kay Dadang. Nag-iiyak-iyak pa rin siya kahit halatang kunwari lang. "Ma naman oh! Baka magkalawa itong kweba ko, wala pa naman akong Asawa eh!" “Ah so inaamin mong KWEBA nga? Aba pwede na pala iparenta.” dagdag pa ni Papa. “MAMA!! PAPA!! PLEASE!!! I’M STILL A VIRGIN BY FAITH BUT NOT BY LOCATION!!” “ANO???” halos sabay-sabay silang nagulat. “I mean VIRGIN ANG UTAK KO!! UTAK LANG!! UTAK OKAY??” Sabay takip ng mukha niya na parang may paparazzi. Tin-Tin halos mahulog sa sofa sa kakatawa. “Grabe ‘te, ikaw lang talaga kilala kong virgin sa utak pero trending ang hanash sa bunganga!” “Bahala kayo jan! Basta wala ako planong mag-asawa!!” At doon na natapos ang riot side ni Dadang pansamantala. Ngayon lilipat naman ang palabas... SA KABILANG BAHAGI NG BUHAY Donario “Dodong” Mendezaro age 33, nakabalandra sa sofa, nanonood ng TV habang naka-tshirt at shorts na parang tatay mode na kahit wala pang asawa. Tahimik. Komportable. Until… “KUYA!!!” Biglang sumulpot si Jude Ariyelle, naka-malaking T-shirt, hawak ang remote. “HUY WAG MONG” click pinatay ang TV. “Tangin- JUDE!! Hoy, pinapanood ko yan!” Tawa nang tawa si Jude habang gini-grab yung magazine sa kamay ni Dodong. “Kuya ba to? Kuya ba talaga? Parang lolo ka na jan oh! House & Farm Magazine pa talaga! Ano next? Seedlings Weekly?” “Hoy ibalik mo yan Jude!!!” sigaw ni Dodong, agad tumayo. Pero nilingon siya ni Jude na naka-slow-mo pa na parang pang beauty pageant: “Ako si Ariyelle sa harap ng mga tao, kuya. ARI-YELLE. Hindi JUDE. Ang bantot ng Jude, parang lalaki… yuckssss!” “Mas lalaki ka naman sa attitude kaysa sa pangalan mo!” sabat ni Dodong, halatang naiinis pero natatawa rin. “Edi wow! Eh ikaw? Thirty-three ka na, ni aso wala kang napapabuntis!” “Ano? Aso???” “Eh tao ba lalapit sayo? Napaka stiff mo kaya! Dapat ang hinahanap mo girlfriend, hindi architectural design!” Hinabol niya si Jude sa hallway. “HOY IBALIK MO MAGAZINE KO!” “AYOKO! Tatanda ka nang walang jowa!” Takbuhan. Halos mabunggo nila yung flower vase. “Kaya ka single kuya, o! Grabe ka magsalita, parang may built-in sermon sa dibdib!” “Pakibalik remote bago ka lumipad palabas!” “Ayaw ko!” “At bakit???” Tumigil si Jude sa may hagdan, nilingon siya, nakataas kilay, naka-model pose pa. “Kasi kapag napanood mo na naman yang documentaries mo, iiyak ka na naman sa cows at farmers!” “…HOY HINDI AKO UMIYAK.” “Ay oo nga pala, nagmo-moment ka lang.” Sabay tawa. “Jude” “Ari-” “JUDE!!!!” “Ari-YELLE, kuya ARIYELLEEEE!!” drama pa nito sabay talon sa sofa. Napatigil si Dodong, napahawak sa bewang, napabuntong-hininga. Tahimik siyang tumitig sa kapatid… tapos biglang may mapait na ngiti. “Kung hindi ka namin nakita noon… baka wala ako ngayon.” Tumigil bigla si Jude, yung tawa niya naputol. Biglang naging seryoso ang aura. “Kuya…” Baba ang boses. Halatang nata-touch. “Hindi ka ampon sa mata ko, Jude. Kapatid kita. Kahit anong pangalan mo.” Sandaling katahimikan. Pero- “Aaand moment over!” tili ni Jude, sabay hagis ng throw pillow sa mukha ni Dodong. “Pero kahit kapatid mo 'ko, hindi ko ibabalik magazine mo! HAHAHAHA!!” “PUT- HALIKA NGA DITO!!!” At naghabulan na naman sila. Pero ngayon, may ngiti na sa labi ni Dodong hindi pilit, hindi half-hearted totoo. Sila yung tipo ng pamilya na hindi pareho ng dugo, pero pareho ng t***k. BALIK KAY DADANG Sa kusina, umiinom siya ng tubig pero mukha pa ring may unfinished telenovela sa acting niya. “Ma… seryoso, hindi ko pa talaga kaya mag-asawa.” “Hija,” sabi ni Mama, natawa pero malumanay. “Hindi ka obligadong magpakasal. Gusto ka lang namin makitang masaya.” “Kaya oo nga, Mama,” sabat ni Papa habang nagbabasa ng diyaryo, “masaya kami pag may bumibili sayo.” “PAPA!!???” Tin-Tin pasok bigla: “OPEN FOR BIDDING THIS WEEKEND!” “AY SA MUKHA MO ANG BIDDING TIN-TIN!!!” Hagalpakan sila lahat ng tawa. Si Dadang nagdabog, pero halata namang kinikilig sa tawanan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD