CHAPTER 4

1360 Words
DODONG POV Pagkatapos ng epic habulan namin ni Jude, halos mawalan ako ng baga sa kakahabol. Para akong giniling na manok na walang direksyon. Huminto ako sa harap ng ref, hingal na hingal, sabay bukas ng pinto. Kinuha ko agad ang malamig na tubig, at sa wakas ilang segundo ng katahimikan. Finally, peace. Nilapit ko na sa labi ko yung baso, ramdam ko na ang lamig sa dila ko pero biglang “KUYAAAAAAA!!!” SLAAASHHH! Ayun. Nabuhos. Diretso sa dibdib ko. “PUT-JUDEEEE!!!” Tumatawa siya sa likod ko, hawak ‘yung bote. “Kuya naman eh, ang tagal mo! Nagmumuni-muni ka na naman parang telenovelang iniwan sa ere!” “JUDE!!! Bakit mo inagaw tubig ko?!” “Para matigil ka sa pagiging tuyong disyerto! Kailangan mong ma-hydrate hindi lang katawan mo, pati puso mo!” “Hoy, hindi ako tuyong disyerto!” sigaw ko, pero sabay talsik ng tubig sa sahig, kaya nadulas ako. “AAARGH! JUDEEEE!” “Hahahahahahaha!” halos maiyak siya sa katatawa habang tinuturo ako sa sahig. “Kuya, grabe ka! Parang slow motion ‘yung pag-slide mo! Ang ganda sana kung may background music na ‘My Heart Will Going To Toron!’” Tumayo ako, basang-basa, sabay hablot ng tuwalya sa counter. “Kung hindi lang kita kapatid, ipapamana kita sa barangay!” “Sorry na Kuya,” sabi niya, pero halatang pinipigilan pa rin ang tawa. “May good news kasi ako! Super ganda, super life-changing!” “Kung ‘yan na naman ‘yung bago mong business idea na ‘Plantitas for Justice’, wag na.” “Hindi Kuya! Ito seryoso may RETO ako sayo!” Napaangat ako ng kilay. “Ha?” “OOO! Reto! R-E-T-O! Reto ka boy, hahaha! Alam mo ‘yung kaklase kong si Justin? Yung engineer na future stress ball?” “Si Justin? Yung batang lalaki na muntik ko nang masagasaan dati kasi tumawid habang kumakain ng kwek-kwek?” “YUN! May Ate siya, promise Kuya, perfect match sayo!” “Hoy Jude” “Ari-yelle!” “ARIYELLE, hindi ako interesado! Tigilan mo ‘yang kalokohan mo.” “Ay nako, defensive agad! Alam mo ba kung gaano katagal single yung Ate nun?” Nilapit pa talaga niya mukha niya sa akin, parang magbibigay ng classified intel. “TWENTY-EIGHT YEARS, Kuya. Walang jowa, walang love life, walang vitamins ng kilig. As in tigang na tigang!” “HOY!” napasigaw ako. “Anong klaseng description ‘yan sa tao?!” “Eh totoo! Sabi ni Justin, minsan nagbubunganga ‘yung Ate niya sa umaga, akala mo barangay megaphone! Pero mabait daw yun, funny, loyal, marunong magluto ng pancit canton na may feelings.” Napakurap ako. “Pancit canton na may feelings?” “Oo! Sabi ni Justin, tuwing malungkot ‘yung Ate niya, nagluluto ng pancit canton na parang may background music. Alam mo ‘yung tipong ‘Hindi ko kaya mag-isaaa!’ habang nagpiprito ng itlog?” Napangiti ako kahit pilit. “Baka naman baliw ‘yan, Jude.” “Hindi Kuya, may personality!” Umupo siya sa mesa, nakataas pa paa sa silya. “Imagine mo: ikaw na stiff na parang ruler, tapos siya na parang fireworks. Tapos pag nagtagpo kayo, BOOM explosion of laughter and trauma healing!” “Hindi ako nangangailangan ng fireworks. Ang gusto ko tahimik na buhay.” “Eh tahimik nga, Kuya. Sobra nga tahimik, pati love life mo nakipag-quit na sa’yo!” “JUDEEEE!” “O sige na nga ARIIIIIYEEEELLEEEE!” Bumuntong-hininga ako, sabay punas ng mukha ko ng tuwalya. “Hindi ko kailangan ng babae sa buhay ko ngayon. Marami pa akong kailangang ayusin. Marami pa akong…” Tumingin ako sa labas ng bintana. “…utang sa sarili ko.” Biglang natahimik si Jude. Pagkatapos, bumulong: “Kuya, hindi mo kailangang bayaran ang sarili mo ng lungkot.” Natigilan ako. Sa loob ng ilang segundo, parang bumagal ang paligid. Pero bago ako tuluyang maging emosyonal, biglang sumigaw ulit si Jude “CHAROOOOOT!!!” Sabay hagis ng basang sponge sa mukha ko. “PUT-JUUUDE!!!” “Hahaha! Seryoso ka na naman eh! Pang-MMK na naman ‘yung vibe mo! Lighten up, Kuya! Papakilala ko sa’yo ‘yung Ate ni Justin, si… ano nga pangalan… DADANG! Yun!” “Dadang?” “Yup! Dadang Marikiton! Twenty-eight years old, duster enthusiast, certified krung-krung ng barangay!” “JUDE, tigilan mo na ‘yan, ayokong ma-involve sa ganyan.” “Kuya, come on! Kailangan mo ng spark! Kahit konting kaguluhan sa buhay mo! Ang tahimik ng aura mo eh, parang library na walang libro!” “Bakit ba kasi gusto mong i-retro-este i-reto ako?!” “Eh kasi Kuya,” sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto, “kapag tahimik ka, parang kulang ang bahay. Nakakapanibago. Miss ko yung dating ikaw yung nakakatawa, maingay, buhay. Hindi ‘tong Dodong na puro trabaho at DIY shelf!” Tahimik. Di ko alam kung matatawa o maaalibadbaran ako. “Jude, ang love life, hindi naman pwedeng i-DIY.” “Eh paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?” “Wala akong oras sa love.” “Eh ‘yung love, may oras para sa’yo!” “Pakiusap, wag kang magdrama diyan.” “Fine! Pero kapag nagkita kayo ni Ate Dadang, at tinamaan ka ako unang tatawa, okay? HAHAHAHA!” “Bakit naman ako tatamaan?” “Kasi baka siya ‘yung karayom sa puso mong lumobo sa katigasan!” “JUDE!” “Ari-yelleee!!!” sigaw pa niya habang tumatakbo palabas ng bahay. “Hoy! Bumalik ka rito!” “Next week ko siya ipapakilala sayo! Magpa-facial ka na! Baka pag nakita ka, isipin niya ikaw yung santo sa altar!” “WAG KA NANG BUMALIK!!!” Narinig ko pa rin tawa niya hanggang labas. Grabe. Para akong in-interview ng bagyo. Umupo ako sa sofa, pinahid ang mukha ko, huminga nang malalim. “Dadang, huh?” Napatawa ako ng mahina. “Anong klaseng pangalan ‘yon? Parang sound effect ng jeep.” Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mapaisip. Twenty-eight, funny, krung-krung, tigang. Grabe, kung totoo man ‘yun, sigurado akong walking chaos ‘yung babae. Pero minsan, naisip ko rin baka nga kailangan ko ng konting chaos. Baka ‘yun ang kulang. Kinagabihan, habang naghuhugas ako ng pinggan, pumasok si Mama Mila at si Papa Rodel. Si Mama, maingay pa rin gaya ng dati. “Anak, kanina ka pa raw pinag-uusapan ni Ariyelle! Narinig ko, may ipapakilala daw siya sayo!” “Ma, huwag niyo po kong idamay sa kabaliwan ni Jude.” Si Papa, habang nagkakape, ngumiti lang. “Dodong, minsan ‘yung mga kabaliwan ng bata, may tamang punto rin.” “Pa, wag mo kong sabayan, please lang.” “Hindi kita sinasabayan, anak. Sinasabayan kita sa pag-iwas sa pag-ibig. Pero tignan mo ko si Mama mo dumating sa buhay ko nung iniiwasan ko lahat ng babae. Ayan, hanggang ngayon hindi na ako makaiwas!” “RODEL!” sigaw ni Mama, pero sabay halakhak din. “See?” sabi ni Papa. “Minsan, ‘yung love hindi mo kailangang hanapin. Isa lang siyang tukso na marunong maglakad.” “Eh paano kung ayokong matukso?” tanong ko. “Eh ‘di wag mo harangan.” Tahimik akong natawa. Baka nga tama sila. Baka nga kailangan kong konting thrill. Pero bago ako tuluyang mapunta sa emosyonal na linya, biglang bumalik si Jude dala ang cellphone niya. “KUYA!!! LOOK OH!” Pinakita niya sa’kin picture ng babae na naka-duster na pink. May buhok na parang pineapple. May hawak na pancit canton. May caption: “Good Morning Sunshine daw sabi ng duster, pero mukha siyang thunderstorm.” “Yan si Ate Dadang!” sigaw ni Jude. “Hindi ba perfect match?! Thunderstorm meets Typhoon!” Napahawak ako sa noo. “Lord… kung siya nga ‘to, baka hindi love story ang mangyari… kundi disaster relief operation.” Pero habang tinitingnan ko ‘yung picture, napansin ko ‘yung ngiti ng babae yung tipong kahit may gulo sa paligid, siya pa rin ‘yung punchline ng lahat. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon… napangiti rin ako ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD