DADANG POV
Maagang-maaga pa lang, maingay na naman si Justin sa sala. Akala mo may barangay meeting, ‘yun pala nag-aayos lang ng notebook.
“Ate, wag mo kong istorbohin ha. Pupunta dito si Jude, classmate ko! Gagawa kami ng journal.”
“Ahhhh si Judeee…” inunat ko pa ang pagbigkas. “Yung future nurse na future heartbreak mo?”
“ATEEEE!” sigaw niya sabay taklob ng unan sa mukha.
“Wag mo na nga ako asarin!”
“Aba, bakit? Kinikilig ka ‘no? Tingnan mo ‘tong tenga mo, namumula pa oh! Parang shrimp!”
“Hindi nga eh! Group work lang ‘to!”
Pero kahit nagsisinungaling siya, halata sa kilos. Iba ‘yung ngiti yung tipong gusto mong ikabit sa frame at ilagay sa “Museum of Denial.”
Pagkalipas ng ilang minuto, tok tok tok!
“Ayun na! Ayun na si Jude! Ayan na crush mo!”
“ATE SHHHH!”
“Justin, pagbuksan mo!” utos ni Mama mula kusina.
Bumukas ang pinto, at ayun nga pumasok si Jude, dala ang malaking notebook at ngiting parang araw.
“Good morning po, Tito, Tita!” magalang pa.
Nagmano siya kay Mama at Papa, tapos… tumingin sa’kin.
“Hi Ate Dadang!”
“Hi Jude!” sabi ko, sabay kindat. “O, ikaw pala ‘yung nagpapakilig sa kapatid kong parang labandera kapag nagpa-flat-iron ng buhok?”
“ATEEEE!” sigaw ni Justin, halos itapon notebook sa akin.
Tawa lang si Jude, pero ‘yung kindat niya may tinatagong kalokohan.
Lumapit siya, umupo sa tabi ko sandali, at sa sobrang lapit niya halos marinig ko pintig ng puso ko o baka pintig lang ‘yun ng kaba kasi baka marinig kami ni Mama.
Tapos, bulong niya sa tenga ko:
“Ate, may ire-reto ako sa’yo. Susunod na araw ko siya dadalhin.”
Napakurap ako. “Ha? Sino?”
Ngumiti siya. “Kuya ko.”
“Kuya mo???”
“Oo. Matino, tahimik, pogi, pero… sobra nang naipon ‘yung single energy. Parang charger na hindi na-uunplug for years. Sabi ko nga, baka sumabog na sa pagka-single kung di ko pa ipakilala sa babae.”
Natawa ako nang mahina. “Ano siya, emergency case?”
“Something like that,” sagot ni Jude, sabay kindat. “Perfect match kayo. Ikaw daw kasi ‘yung tipo ng babae na kayang gisingin ‘yung tulog na puso ng tao.”
“Hoy, anong gising-gising? Hindi ako alarm clock!”
Pero totoo, kinilig ako kahit ayokong aminin.
Habang nag-uusap kami, biglang sumilip si Mama mula sa kusina, hawak ang sandok.
“O, Dadang, baka gusto mo namang ipagluto ng meryenda ‘yang mga bisita mo?”
“Ma, journal nga po sila o! Hindi food trip!”
“Eh ‘di habang nag-jo-journal sila, ikaw na mag-journal sa puso mo,” sabay kindat pa ni Mama.
“Ay Ma, gusto ko ‘yang linya mo,” sabi ni Jude. “Journal of the Heart.”
“Ma!” reklamo ko.
Tawa sila ni Mama, sabay high-five. Tradisyon na yata sa bahay naming pagtulungan ako.
Lumipas ang ilang minuto, nag-focus si Justin at Jude sa journal project nila. Ako naman, kunwari busy sa paghihiwa ng saging para sa turon, pero pasimpleng nakikinig.
“Justin,” sabi ni Jude, “paano kung hindi lang project ‘to, kundi destiny?”
“Ha?” tanong ni Justin.
“Eh kasi… baka dahil sa project na ‘to, maging happy ending ka na!”
“Jude wag mo kong i-set up sa drama mo!” sagot ni Justin, pero halatang namumula.
Napa-smirk ako. “O ayan, Ma, Papa, witness tayo: may kulay na ang mundo ni Justin!”
“Wag mo kong ginagawang teleserye Ate!”
“Anak, okay lang ‘yan,” sabi ni Papa, nagbabasa pa ng dyaryo. “Mas maganda nang may ka-partner ka kaysa puro gadget.”
“Aba, kung ganon,” singit ni Mama, “baka pati si Dadang gusto nang may kapartner. Puro ka cellphone din eh.”
“MAAA!!!” halos tumili ako. “Journal project nga ‘to, hindi matchmaking agency!”
Pero si Jude, tahimik lang, nakangiti.
“Promise Ate, next time dadalhin ko ‘yung Kuya ko. Baka magustuhan mo.”
Ngumiti ako ng pilit. “Sige, pero pag hindi ko nagustuhan, ikaw mananagot!”
“Deal!” sagot niya, sabay pinky promise.
Kinagabihan, habang naghuhugas ako ng plato, si Mama nakaupo sa lamesa.
“Aba, anak, mukhang nagustuhan mo ‘yung idea ha?”
“Ano pong idea?”
“Yung ire-reto sa’yo ni Jude.”
“Ay naku Ma, hindi ako interesado.”
“Hindi interesado pero ngumingiti habang sinasabi.”
“Hindi ako ngumingiti!” sabay harap ko sa salamin ng ref ayun, nakangiti nga. “Traidor ‘tong mukha ko!”
Tawa nang tawa si Mama. “Anak, minsan hindi mo kailangang mag-plan. Yung kilig, bigla na lang darating.”
“Ma, hindi ako naghahanap ng kilig. Ang gusto ko peace!”
“Oo nga, pero minsan ‘yung peace, may kasamang pogi,” sagot niya, sabay kindat.
Kinabukasan, habang nagluluto ako ng pancit canton (of course), pumasok si Justin, abot-tenga ang ngiti.
“Ate, sabi ni Jude, pupunta raw siya bukas. May kasama.”
“Ah talaga?” kunwari chill ako pero sa loob ko: Eto na! Eto na ‘yung kuya niyang sinasabi!
Kinabahan ako, pero excited din.
Pinilit kong huwag isipin, pero ayun paulit-ulit sa utak ko yung sinabi ni Jude:
“Matino, tahimik, pogi, pero sobra nang naipon yung single energy.”
Single energy. Ang cute pakinggan. Parang superhero na kulang sa lovelife.
Kinagabihan, habang nag-toothbrush ako, narinig kong nag-uusap sina Mama at Papa sa sala.
“Si Dadang, mukhang may spark na ah.”
“Aba, pag dumating ‘yung lalaki bukas, siguraduhin mong nakaduster siyang maganda,” sabi ni Papa.
“Hindi na kailangan,” sagot ni Mama. “Kahit anong suot ni Dadang, nakakatawa na agad.”
“Ma, naririnig ko kayo!” sigaw ko mula banyo.
Tawa sila nang tawa.
Kinabukasan…
Tok tok tok!
“Ate, ayan na sila!” sabi ni Justin, halos matapunan ng kape.
Bumukas ang pinto.
At ayun nakatayo si Jude, nakangiti, at sa likod niya… may lalaking naka-polo, malinis, may ngiti na parang may sariling soundtrack.
“Good morning po!” bati niya.
At sa sandaling tumingin siya sa akin—
para akong napako sa kinatatayuan ko.
Yung tipong gusto mong magtago pero gusto mo rin sumigaw ng “Wait, sino nag-pause ng mundo?!”
Si Jude, nakangiti.
“Ate, ayan na po si Kuya Dodong.”
Dodong.
Tama nga. Tahimik, disente… pero may mata na parang may binabasa sa kaluluwa mo.
“Hi,” sabi niya, medyo mahina pero ramdam.
“Good morning, Ate Dadang.”
At sa unang beses sa buhay ko, hindi ako nakasagot ng asar.
“Ah-hi-good morning,” lang nasabi ko.
Tapos sabay tili sa loob ng utak ko:
LORD, BAKIT PARANG TRAILER NA NG ROM-COM ‘TO?!