CHAPTER 6

1156 Words
DODONG POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nung humalik ako sa kamay niya. Siguro dahil nakasanayan kong maggalang, o baka dahil natulala ako sa itsura ni Dadang. Hindi ko alam. Basta paglapag ng labi ko sa kamay niya, parang tumigil ang hangin. At pagkatapos no’n… “PAK!!!” Sinampal ako. Literal. Hindi light tapik ha ‘yung sampal na may kasamang emosyon, adrenaline, at konting pagkalito. Parang sampal ni Gladys kay Juday noong 2000s. “ARAY!” napahawak ako sa pisngi ko. “Bakit mo ko sinampal?” “Ha?! Akala ko… akala ko minumulto ako!” sigaw ni Dadang, halatang nanginginig pa. “Bakit ka ba humalik sa kamay ko bigla?!” Nagtawanan sina Jude, Mama, at Papa niya sa gilid. Si Justin halos malaglag sa sahig sa kakatawa. “Ate! HAHAHA! Grabe ‘yung reflex mo! Parang may built-in sampalan system!” “Hindi ko sinasadya!” sigaw ni Dadang, sabay takip ng mukha. “Teka, bakit mo kasi hinalikan kamay ko, ha?! Akala ko nanliligaw ka agad!” Ngumiti ako, medyo nahiya pero hindi ko na maitago. “Ah… sanay lang po kasi ako humalik ng kamay kapag nagpapakilala sa mga magulang, tapos nadamay ka.” “Eh bakit ako nadamay?! Hindi ako magulang mo!” “Eh kasi…” tumingin ako sa kanya. “Mukha kang dahilan para magpasalamat.” BOOM. Tahimik. Walang gumalaw. Si Jude, nakatigil sa gitna ng tawa. Si Mama ni Dadang napasigaw ng, “AYYY!” At si Dadang literal, nanigas. “T-teka lang,” pautal niyang sabi. “Ano raw?!” Ngumiti ako. “Sabi ko, mukha kang dahilan para magpasalamat. Kasi kung ganito kagulo bahay niyo, masaya siguro araw-araw.” “Ahhh…” napapikit siya, huminga nang malalim. “Kasi akala ko kung ano” Sabay pasigaw: “BALIW KA BA?! AKALA KO LIGAWAN NA ‘TO!” Lahat nagtawanan. “Dodong, iho,” sabi ni Mama ni Dadang habang pinipigil tawa. “Pasensya ka na sa anak kong yan ha, may allergy kasi sa kilig.” “Ma!” reklamo ni Dadang. “Hindi ako allergic, marupok lang minsan!” “Mas lalo namang hindi nakatulong ‘yun, anak.” “Ughhh!” bulalas niya, sabay harap sa akin. “O ikaw, Mr. Gentleman, anong pakay mo rito? Reto ka raw ng kapatid mo?” Tumango ako. “Oo, pero hindi ko alam na ganito ka pala…” “Ganito ka pala ano?” singit niya, naka-cross arms. “Ah… expressive.” “Expressive?! Hindi ako expressive!” “Talaga? E ‘yung sampal mo kanina? Parang buong barangay naramdaman.” Tawanan na naman. Si Jude halos maluha sa kakatawa. “Kuya! Grabe ka, nasampal ka agad sa first meet! Congrats, may chemistry na kayo agad!” “Chemistry?! Mas bagay ‘yan sa Physics! May momentum!” sigaw ni Dadang. Pag-upo namin sa sala, ako, si Jude, si Justin, at ang magulang ni Dadang, nagkape kami. Si Dadang naman, kunwari busy, pero halata namang gusto pa rin akong titigan kahit pasimple. “Dodong, anak,” sabi ni Mama ni Dadang, “may trabaho ka ba?” “Opo, Tita. May maliit akong furniture shop. Gumagawa ako ng mga mesa, upuan, kung anu-anong gawa sa kahoy.” “Ahh, marunong pala sa kahoy. Magaling magpakinis?” singit bigla ni Dadang, sabay kindat, tapos natahimik din siya. Lahat tumingin sa kanya. “...ano ‘yon, anak?” tanong ni Mama. “WALANG ANO MA!” mabilis niyang sagot. “Sinasabi ko lang... maganda ‘yung furniture business!” Si Jude halos gumulong sa sahig sa tawa. “Ate, ikaw ‘yung tipong hindi na kailangan ng love story ikaw na ‘yung punchline!” “Aba, Jude, gusto mo bang masampal din?!” Habang tumatagal, hindi ko maiwasang mapansin si Dadang. Iba siya. Hindi siya ‘yung tipong babae na tahimik at pa-demure. Loud, kalog, parang bagyong may eyeliner. Pero may lambing sa likod ng gulo. Habang nagkukwentuhan kami, napansin kong may buhok siyang tumabing sa mukha. Kaya, instinctively, iniabot ko kamay ko para ayusin. “Uy!” sabay hampas niya sa kamay ko. “Wag kang maromantik-ramantik dyan, ha!” “Hindi naman ako maromantik. Practical lang. Baka makagat mo ‘yang buhok mo habang nagda-drama ka ulit.” “Grabe ka!” Tawanan ulit. Pag-alis ni Jude at Justin para bumili ng softdrinks, naiwan kaming dalawa sa sala. Tahimik bigla. Walang background noise, kahit electric fan parang naghintay ng eksena. Tumingin siya sa akin. “Ano, Dodong. Seryoso ka ba rito sa ‘reto-retohan’ na to?” “Depende.” “Depende saan?” “Depende kung tatawa ka ulit sa jokes ko.” “T-tatawa?” “Oo. Kasi kung mapapatawa kita, ibig sabihin may chance ako.” Ngumiti siya, pilit. “Eh kung hindi ako tumawa?” Ngumiti rin ako. “Eh ‘di magpapatawa pa rin ako. Hindi ako sumusuko.” At ayun napatawa siya. Hindi ‘yung pilit, ‘yung totoo. ‘Yung parang hindi niya napigilan. “Ewan ko sa’yo!” sabay hampas ulit sa braso ko. “Ang weird mo!” “Eh ikaw naman, weird din. Pero bagay tayo.” “HUWAAAT?!” halos sumigaw siya, sabay takip ng mukha. “Ano ka ba, Dodong, wag kang ganyan! May nanonood sa langit!” Ngumiti ako. “Eh di wow, may audience pa love story natin.” “LOVE STORY?! SINO MAY SABING LOVE STORY TO?!” “Eh sino bang nagpasampal sa unang pagkikita?” “Eh kasi kinilig ako ay este, nadala lang ako!” Napahinto siya, realizing what she just said. Kita kong nag-freeze ‘yung utak niya. “Ha? Ano raw?” tanong ko, pailing. “Kinilig ka raw?” “Hindi ko sinabing kinilig ako! Wala akong sinabing ganon!” “Replay natin?” “WAG!” Pagbalik ni Jude at Justin, nakita nila kaming dalawa, parehong pula ang mukha. “Uy,” sabi ni Jude, “anong nangyari dito? Para kayong nagka-lip tint sabay!” “Wala!” sabay sigaw naming dalawa. “Ahh,” ngiti ni Jude. “Love in progress.” “JUDE!” sigaw ni Dadang. Pag-uwi namin ni Jude, nakangiti ako habang nagmamaneho. “Kuya,” sabi niya, “aminin mo, may gusto ka na kay Ate Dadang.” “Huh? Hindi ah.” “Kuya, kahit rearview mirror mo kinikilig.” Napangiti ako. “Baka ikaw ‘yung kinikilig.” “Hindi ako! Pero promise, bagay kayo. Parang kape at pancit canton.” “Bakit naman kape at pancit canton?” “Parehong nakaka-addict kahit walang sense!” Natawa ako. Pero sa loob-loob ko, totoo eh. May kung anong kakaibang saya ‘yung naramdaman ko kanina ‘yung kahit nasampal ako, parang gusto kong ulitin. Kasi sa totoo lang, minsan kailangan mo lang masampal ng tamang tao para magising ang puso mong natutulog. At sa tingin ko… Si Dadang ang alarm clock ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD