THIRD PERSON POV “Kuya, seryoso ka? Kanina pa kita nakikitang nakangiti mag-isa habang nagda-drive. Para kang may iniisip na kalokohan,” sabi ni Jude habang nakasandal sa bintana ng kotse, hawak ang milktea na halatang di na nasipsip simula pa kanina. Hindi agad sumagot si Dodong. Tumingin lang siya sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela, parang may sariling pelikula sa loob ng utak. “Paano kung kaming dalawa na lang ni Dadang?” “Ano kayang mangyayari kung araw-araw kong makikita ‘yung tawa niyang parang sirena sa fiesta?” “Paano kung turuan ko siyang maging mahinhin? O baka ako pa ang matutong maging makulit?” Napangiti siya sa sariling imahinasyon. Napansin ‘yon ni Jude. “Ayan naaaa. Ayan naaaa! Nakangisi na naman si Kuya! Lord, may kababalaghan na naman ‘to!” Hindi siya pin

