DADANG POV Hindi ko alam kung bakit parang ang tahimik ng mundo ko ngayon. Hindi rin naman ako sanay sa tahimik ako nga ‘yung walking megaphone ng barangay, diba? Pero heto ako, nakahiga sa kama, hawak ang ballpen, at tinititigan ‘yung notebook ko na para bang may sagot sa lahat ng kalokohan ng buhay. May nakasulat sa itaas ng pahina: “Dear Diary, aka Dear Future Me na Hopefully May Lovelife Na By Then.” Huminga ako nang malalim. Tapos ayun na naman… yung mukha ni Dodong. Hindi ko alam kung allergic ako o adik. Kasi sa tuwing naiisip ko siya, gusto kong tumawa at magtampisaw sa kanal sabay. “Bwisit na lalaki ‘yon,” bulong ko. “Bakit ang bait-bait niya kahapon? At bakit parang may sparkle ‘yung ngiti niya? Baka may pinatong na fairy dust si Lord?” Sabay suntok sa unan. “Argh! Baki

