TINTIN POV Una sa lahat, gusto kong sabihin hindi ko sinasadya. Okay fine, sinadya ko. Pero justified naman! Kasi kung iiwan mo ba naman ‘yung DIARY mo sa ibabaw ng mesa, bukas, may pusong dinrowing, may pangalan pa na “Dodong ” eh anong gagawin ko? Basahin, siyempre! Hindi ako tsismosa… concerned citizen lang. At ayun na nga. Pagbukas ko, parang sumabog ang kuryente sa buong kwarto. Dear Diary, “Bakit parang ang bango ni Dodong kahit amoy pawis siya? At bakit parang gusto kong magpahinga sa bisig niya kahit may amoy grasa?” Napahiyaw ako. “OH. MY. GULAY. ATEEEE!!!” Si Ate Dadang, biglang lumabas sa banyo, nakatapis pa ng tuwalya. “Ano yun Tintin bakit ka parang may nakita kang kababalaghan?” “Ate, ikaw na yata ang kababalaghan! Grabe, Diary mo parang w*****d na pinirito!” “W

