CHAPTER 21 SHIEN POV Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba—yung biglaan naming pag-amin sa isa’t isa o yung katotohanang may date kami mamaya pagkatapos ng shift. Napatingin ako kay Callum habang abala siya sa pagsusulat ng patient notes. Ang seryoso ng mukha niya, pero kahit ganun, hindi ko mapigilang titigan siya. s**t, ano bang nangyari sa akin? “Cuecas.” Napatalon ako nang bigla siyang magsalita nang hindi man lang tumitingin sa akin. “Ha?” Napangiti siya nang bahagya. “Kanina ka pa nakatitig sa’kin. Gusto mo ba akong halikan ulit?” Putangina! “Gago ka!” Muntik ko na siyang sapakin, pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at hinila ako palapit. “Nagugustuhan mo na ‘ko, ano?” pabulong niyang sabi, malapit sa tenga ko. Tumaas ang kilay ko at agad kong hinila ang kamay ko.

