CHAPTER 19 SHIEN POV Putangina. Ano bang ginawa ko? Nasa loob na ako ng supply room, pilit pinapakalma ang sarili kong puso na parang tambol sa bilis ng t***k. Ilang beses kong hinampas ang noo ko. "Shien, anong problema mo?!" pabulong kong saway sa sarili ko. Bakit ba kasi ako nagpa-uto sa init ng moment? At bakit ba ako tumakbo palayo pagkatapos ko siyang halikan?! Kakainis! Kagat-labi akong napaupo sa isang stool, iniisip ang mukha ni Callum bago ako tumakas. ‘Yong gulat, ‘yong bahagyang kasiyahan sa mata niya, at higit sa lahat—‘yong nakakalokong ngiti niya na parang nagsasabing hindi pa siya tapos sa akin. Napairap ako sa hangin. Ilang minuto lang ang lumipas bago bumukas ang pinto. Shet. "Shien." Putangina. Napapikit ako ng mariin bago dahan-dahang lumingon. At ayun nga

