CHAPTER 17 THIRD PERSON POV Kinabukasan, bumalik na sina Callum at Shien sa ospital matapos ang kanilang day off. Wala na ang init ng gabing nagdaan o mas tamang sabihin, pareho nilang pilit na binabalewala ito. Pagpasok ni Shien sa nurse station, bumungad agad sa kanya ang pang-aasar ng mga kasamahan niya. "Uy, Cuecas! Kumusta naman ang date niyo ni Doc Callum?" tukso ni Nurse Andrea habang nakahalukipkip. Napairap si Shien at walang pasabing tinapik ang ulo nito. "Ano ka ba?! Anong date? Sinama lang ako no’n para may taga-bitbit ng shopping bags niya." "Talaga lang ha?" singit naman ni Nurse Rico, nakataas pa ang kilay. "Eh bakit daw may hawak kang dalawang malaking stuffed toy, ayon sa chismis?" "Aba, Rico, gusto mo yatang makatikim ng suntok eh," natatawang banta ni Shien, pero

