Twelve years later…
Itinaas ni Magnolia ang kanyang sunglasses pagbaba sa paliparan. Agad niyang nilibot ang paningin at napangiti nang mabasa ang maraming placard na nakataas kung saan nakalagay ang pangalan niya at mga mensahe na akala mo ay artista siya. Malamang na pakana iyon ni Liberty at mga magulang niya.
Sa nakalipas na mga taon, hindi siya umuwi ng Pilipinas kahit anong pamimilit ng mga magulang at mga kaibigan niya. Ang dahilan niya ay gusto niya munang ibuhos ang atensiyon sa pagtatrabaho sa isang sikat na architectural firm. Mula sa bahay nila sa Massachusetts ay lumipat siya sa New York at kumuha ng kanyang rent to own condo habang pumapasok bilang isang architect. Limang taon pa niyang tinapos ang kurso at nag-review sa loob ng ilang buwan bago kumuha ng board exam at pumasa. Ngayon ay licensed architect na siya. Tatlong taon siyang naging isang junior architect bago na-promote bilang isang senior architect. Pagkalipas ng isa pang taon ay na-promote ulit siya na manager bagaman tumatanggap pa rin siya ng trabaho habang humahawak ng ilang tao. Iilan lamang silang babae sa architectural firm pero hindi naging mahirap sa kanila para makuha ang respeto at tiwala ng mga katrabaho, lalo na ng mga lalaki.
Sa loob din ng ilang taong iyon ay batid niyang tumaas ang kanyang self-confidence. Malaking bagay ang pagtatrabaho para mas matuto siyang humarap at mag-manage ng mga tao. Nang makita siya ng mga tao ay tila gulat na gulat ang mga ito sa kanya. Hindi niya masisi ang mga ito. Mula sa isang dalagang nakasuot ng makapal na antipara at nakapusod ang buhok, nagpa-laser na siya at ang buhok niya layered cut na kulay burgundy. Nakakatuwang isipin na hindi na snob ang tingin ng mga tao sa kanya. Bagkus isa na siyang confident na babae na hindi na kailangang magtago sa likod-bahay kapag may ibang tao. Isa pa, paulit-ulit namang sinabi sa kanya ng pamilya na huwag niyang ituring ang sarili na iba. Marahil ay hindi siya totoong anak ng kanyang daddy at apo ng kanyang lolo at lola pero hindi pinaramdam ng mga ito na iba siya. Gayunpaman ay pilit niya pa ring iniignora ang pakiramdam niya ng kakulangan. Normal naman siguro iyon dahil hindi man niya aminin, gusto pa rin niyang hanapin ang kanyang tunay na ama. She ought to do it for herself.
Sa ngayon, magpo-focus muna siya sa pagpasok sa architectural firm ng kanilang pamilya. May posisyon nang nakahain para sa kanya. Pero gusto muna niyang sumabak muli bilang senior architect at makisalamuha sa iba pang empleyado para makilala ang mga ito. Malaking bagay iyon para malaman niya kung paano pakikitunguhan ang mga ito. Makakatulong iyon para mas magkaroon sila ng rapport, respeto, at tiwala sa isa’t isa. Maibabahagi niya sa mga ito ang mga natutuhan niya sa limang taong pagtatrabaho sa New York at makakakuha rin siya ng mga bagong ideya sa mga ito, synergy at fusion kumbaga. Mapapataas pa marahil ang kanilang productivity at quality para manitiling nasa mataas na puwesto ang kanilang kumpanya.
Napangiti siya nang salubungin agad siya at yakapin nang mahigpit ng mga magulang. Miss na miss na daw siya ng mga ito kaya natawa siya. Paano ba naman ay ilang buwan pa lamang nang huling puntahan siya ng mga ito sa kanyang condo unit at mahigit isang buwan tumira at nagbakasyon ang mga ito doon. Hinahayaan niyang mag-relax ang kanyang Daddy at Mommy roon at minsan ay ang kanyang lolo at lola kapag sumasama ang mga tio. Malawak naman ang kanyang condo unit kumpara sa mga tipikal na nasa Pilipinas at may apat na silid kaya kasya sila roon. Ganoon na palagi ang sistema nila simula nang mag-aral siya ng kolehiyo. Dalawang beses bawat taon ay dumadalaw sa kanya ang mga ito. Ang mahalaga sa ngayon ay sa Pilipinas na ulit siya mag-i-stay at magbabakasyon na lang paminsan-minsan at sisilipin ang isang maliit na negosyong itinayo nila ng mga kaibigan sa states.
“Daddy, Mommy, kumusta na kayo?”
“Ito, okay naman kami, anak,” nakangiting wika ng Daddy niya.
“Miss na miss ka na namin. Buti umuwi ka na.” Nakangiti din ang Mommy niya bagaman panay ang pahid ng luhang naglandas sa pisngi nito.
“Kayo talaga, kakadalaw niyo lang sa akin sa New York a few months ago,” natatawang sabi niya. “Pero huwag po kayong mag-alala. Dito na po ako lagi simula ngayon pero minsan kailangan ko pa rin pong pumunta sa states. Sina Lolo at Lola? Si Rose?”
“Nasa bahay silang lahat. Kanina ka pa hinihintay ng lola mo. Kasama dapat namin iyon nandito pero sumumpong ang rayuma. Ang kapatid mo naman, masyado pa ring pasaway at makulit. Nahihirapan na kaming sawayin iyon.”
“Oh tama na muna iyan,” pigil dito ng Daddy niya. Sabay nang naglakad ang mga ito papunta sa kotse ng mga ito.
Nilapitan niya si Liberty at niyakap. Dalawang beses itong nakapunta sa kanya para dumalaw. Una, noong nasa Massachusetts pa siya at naghihintay ng resulta ng board exam. Pangalawa, noong kapo-promote niya pa lang bilang manager. Kasama nito si Joseph na nakangiti rin sa kanya. Napansin niyang nag-mature na rin ang lalaki at hindi na katulad noon na mapang-asar lalo na kapag nasa malapit si Carlo. Bigla siyang napahinto nang maalala ang lalaki. Kumusta na kaya ito? Ang huli niyang balita rito ay ito na ang tumatayong CEO ng winery ng mga ito. Katulong din nito ang mga kapatid at pinsan sa pagma-manage ng hacienda ng mga ito sa probinsiya. Magkalapit lamang ang hacienda ng dalawang pamilya. Nang magbalik siya sa tamang huwisyo ay nabigla siya dahil parang malaki ang tiyan ng kaibigan. Napatingin siya roon at malapad ang ngiting tumingin dito.
“You’re pregnant?”
“Yes, six months na,” anito sabay yakap kay Joseph.
“Congratulations ha! Lalaki ba o babae?”
“Lalaki kaya makulit kahit nasa sinapupunan ko pa.”
“Naku mukhang mana sa tatay,” biro niya. “Hoy lalaki, baka naman pinapabayaan mo itong bestfriend ko ha,” baling niya kay Joseph.
“Sus, lagi ngang nakadikit sa akin iyan. Paano ko pa iyan mapapabayaan? Kita mo namang lalong gumaganda ang misis ko,” anito ipinaikot ang isang braso sa baywang ng kanyang kaibigan.
“Kailan ang kasal? May engagement ring na,” aniya at tiningnan ang gintong singsing na may butil ng diyamante na kasinlaki yata ng butil ng bigas.
“Wala pang date. Baka kapag medyo malaki na ang baby,” sabi ni Liberty.
“That’s good! Mag-ninang ako dapat diyan.”
“Oo naman, kaya nga minamadali na rin kita umuwi dito noong nakaraan eh.”
“Tara, lumakad na tayo. Doon na kayo sa bahay mag-lunch ha.” Lumapit na siya sa mga magulang na naghihintay na sa tapat ng sasakyan at sumakay na sila. Habang nasa biyahe ay sige sa pagtatanong ang kanyang mga magulang na para bang sobrang tagal nilang hindi nagkita. Nang matawa siya dahil doon ay pinagsabihan siya ng kanyang Mommy na medyo nagtampo dahil parang hindi raw niya na-miss ang mga ito. Sumenyas ang kanyang Daddy na hayaan na lang ito kaya napangiti na lang siya at nag-sorry.
Pagkarating sa bahay ay sinalubong agad siya ng kanyang lolo at lola. “Pasensya na apo at hindi kami nakasama sa pagsundo sa iyo sa airport. Pasaway kasi itong rayuma sumabay pa,” sabi ng lola niya.
“Okay lang po iyon,” aniya at muling niyakap ang dalawang matanda.
“Nasaan na po pala si Rose?”
“Naku, kanina pa din umalis. May pupuntahan daw kung saan. Panigurado nasa galaan na naman. Iyang bata talagang iyan. Nakapagtapos na nga at lahat ay wala pa ring ginawa kung hindi maglakwatsa imbes na tumulong sa kumpanya.”
“Ahh okay po,” tanging nasabi niya para hindi na humaba pa ang usapan. Sa loob ng mahigit sampung taon niyang pananatili sa ibang bansa ay lalo pang lumayo ang loob ng kapatid niya sa kanya. Kahit isang beses ay hindi ito dumalaw sa kanya. Minsan siyang sumubok makipaglapit dito sa pag-chat dito sa messenger pero hindi sumasagot sa kanya kaya batid niyang ayaw talaga nito sa kanya. Kaya nga siya lumayo ay para hindi na ito magselos pero ito naman ang naglalagay ng pader sa pagitan nila. Pareho na naman silang nasa tamang edad kaya ayaw na niyang pakaisipin pa ang mga bagay na hindi naman niya mababago.
Dumating na rin si Liberty kasama si Joseph pagkalipas ng ilang minuto. Agad silang dumulog sa hapag na puno ng mga paborito niyang pagkain. Biniro pa siya ng abuelo niya kung kumakain pa raw siya ng mga iyon. Siyempre ay kumakain talaga siya ng mga iyon. Marunong na siyang magluto at kasama iyon sa mga specialty niya. Gulat na gulat pa ang mga ito nang malaman iyon kaya natawa siya. Masaya ang kuwentuhan nang biglang tumahimik dahil sa biglang pagdating ni Rose.
Ganoon pa rin ang bakas sa mukha nitong suplada pagdating sa kanya. Mas gumanda pa ito at kuminis pero hindi niya gusto ang naamoy niya nang makipag-beso ito halatang galing ito sa kung saang hindi niya magugustuhan. Mukha pa itong nagulat nang makita siya pero may nakakalokong ngising naglaro dito. Amoy sigarilyo at alak ito kaya napansin niyang napailing ang Daddy niya nang mapatingin siya roon. “Welcome home, my dear sister,” sarkastikong wika nito sabay sabing. “Carlo is here. May kinuha lang sa sasakyan,” anito at umupo na isa sa mga bakanteng upuan bago nagsandok ng pagkain. “Puro paborito ni ate ito ha,” anito habang ngumunguya. “Iba talaga kapag paborito sa pamilya, parang artista, kahit bastarda naman.” natatawang sabi nito.
“Maria Rosario!” Wala na ang ngiti sa mga labi ng Daddy niya. Parang iyon ang unang beses na nakita niyang nagalit ito nang ganoon. Natakot siya nang mapansin ang talim sa mga mata nito kaya yumuko na lang siya.
“Sorry, Daddy,” balewalang sabi nito at nagpatuloy sa pagkain.
“Good afternoon po,” bungad ng isang baritonong boses.
Her body stiffened as the voice sent shivers down her spine. It was so masculine and sexy. It sounded so commanding that even a feisty woman like her would be willing to follow his orders. She remembered how her friend’s baby tiger used to make its sound whenever her friend was around. It would sit on the couch and move around her friend while puurring as if asking to be petted. Suddenly, she felt turning into her sixteen-year-old self, so in love yet so timid. In love? Of course not!