bc

Paint My Love

book_age16+
930
FOLLOW
3.1K
READ
forbidden
playboy
arrogant
drama
sweet
bxg
cheating
childhood crush
friends with benefits
passionate
like
intro-logo
Blurb

Magnolia has always been in love with Carlo. Matagal na niyang alam na may sumibol nang banyagang damdamin sa kanyang bata pang puso. Ang simpleng childhood crush ay nauwi sa infatuation hanggang sa lumalim pa iyon at naging one true love na. But, Carlo is in love with her younger sister, and there is nothing she can do about it. Sa kagustuhang makalimot ay tinanggap niya ang scholarship program sa ibang bansa at doon nagkolehiyo. Pero kasabay ng paglipad niya ay tangay niya ang isang alaalang tatatak na sa kanya. They kissed! Not only once, not only twice! They kissed many times for the love of all that is holy! But he acted like a royal jerk and broke her heart into pieces.

Fast forward, bumalik na siya sa Pilipinas para tumulong sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Of course, they crossed paths again. This time, fiance na ito ng kanyang kapatid. Ayaw man niyang aminin ay alam niyang hindi man lang nabura kahit paano ang kanyang nararamdaman para dito. Pero kung kailan naman siya lumalayo ay saka naman ito biglang sumusulpot at parang nanghaharot. Until one night, something happened to them. Once again, he took things casually and broke her heart for the second time. Ayos na sana pero nagkakaroon pa ng remembrance sa sinapupunan niya ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila. Habang ang kapatid naman niya ay biglang umatras sa kasal at nagtago. Paano na siya? Paano na si Carlo? Paano na sila o mas tamang malaman kung magkakaroon pa ba ng sila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Beginning of Love
Abala sa pagguhit si Magnolia sa kanyang sketchpad. Araw ng Sabado at nasa likod-bahay siya para gumuhit ng kung anu-ano. Bata pa siya ay mahilig na talaga siyang gumuhit at magpinta. Sabi ng mommy niya ay nagmana siya sa kanyang ama na hindi niya pa nasisilayan kahit kailan. "Ate, tawag ka ni lola," nakasimangot na sabi ni Rose, ang nag-iisa niyang kapatid na kapatid lamang niya sa ina. Buntis ang kanyang mommy nang takbuhan ng kanyang ama na noon ay nobyo nito. Ilang buwan daw pagkatapos siyang isilang ay nakilala nito ang kanyang amain na daddy ni Rose. Tinabihan siya ng kapatid at inilabas ang pentel pen para sirain ang kanyang gawa. "Rose! Why did you have to do it?" "You deserved it. Sipsip ka kasi. Naiinggit ka kasi favorite ako nina lolo at lola at ampon ka lang," nang-aasar na sabi nito bago mabilis na tumayo at pumasok sa kabahayan. Hindi lihim sa pamilya na hindi talaga siya anak ng kinikilala niyang ama. Daddy na ang nakamulatan niyang tawag dito at kahit kailan ay hindi nito ipinaramdam sa kanyang sampid lamang siya. Mabait din sa kanya ang kinikilala niyang Lolo at lola. Pero malinaw naman ang kaibahan o mas tamang sabihin na pinapaboran ng mga ito si ang kanyang kapatid. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa kabutihan ng mga ito at pagturing sa kanya bilang bahagi ng pamilya. Malaking bagay din siguro ang hilig niya sa pagguhit at pagpipinta dahil isang malaking architectural firm ang pag-aari ng angkan ng kanyang stepfather. Malapit din tuloy siya sa mga ito at sinasabi ng mga itong balang-araw tutulong siya sa pagpapatakbo ng negosyo. Iyon marahil ang bagay na ikinaseselos sa kanya ni Rose. If only her sister knew that she has been trying so hard to fit in or at least be worthy to be part of the family. Iyon kasi ang paraan upang kahit paano ay masuklian niya ang kabutihan ng mga ito. Napabuntung-hininga na lang siya at binitbit ang sketchpad at ilang gamit papasok sa bahay. Agad siyang nagmano sa kanyang Lolo at lola na nakangiting bumungad sa kanya. Kagagaling lang ng mga ito sa bakasyon sa Japan at hindi na siya Kasama sa pagsundo sa airport. Agad na inabot mg mga ito ang pasalubong sa kanya. "Kumusta ka naman, apo?" "Okay naman po, Lolo, Lola. Thank you po sa mga pasalubong." Tuwang-tuwa siya nang makitang mga gamit sa pagpipinta ang Dala ng mga ito kaya Hindi niya napigilang yakapin ang mga ito. Natawa ang mga ito at ang kanyang mga magulang. Pero nang mapatingin siya kay Rose, saktong inirolyo nito ang mga mata sa kanila. Hinayaan na lang niya ito kahit bahagya siyang nainis. Sixteen years old na siya at matanda siya rito ng dalawang taon kaya kahit ganoon ay nilalambing niya pa rin ito. Kaya lang, mismong ito ang malayo sa kanya. Lumalabas talaga ang pagkadisgusto nito sa kanya lalo na kapag nagseselos. Malungkot kung iisipin dahil ito lang naman ang kapatid niya pero hindi pa sila malapit sa isa't isa. Nang kausapin naman niya ito, tinawanan lang siya at sinabing Hindi raw nito gusto ang pagiging Ms. Perfect niya. Ganoon nga siguro siya dahil ibinubuhos niya ang lahat sa mga Gawain Lalo na sa paaralan. Gusto kasi niyang maging proud sa kanya ang kinilala niyang pamilya. Masasabi ng mga itong tamang kinupkop siya ng mga ito. Sa susunod na buwan ay gagraduate na siya sa senior high school. Dalawang beses kasi siyang na-accelerate kaya mas bata siya sa mga kabatch niya. Sa UP Diliman siya mag-aaral at pumasa siya sa kursong Architecture kaya tuwang-tuwa ang mga nakatatanda sa kanya. Isa pa, kakapanalo niya pa lang ng first place sa national level ng drafting competition kaya malaking karangalan ang naiuwi niya sa pamilya. Naimbitahan pa siya na dumalo sa isang Singaporean exhibit at ipinakita niya ang ilan niyang gawa. Lalo tuloy marami ang humanga sa kanya habang si Rose ay tila walang pakialam. Ayaw na muna niyang isipin iyon dahil nakakapagod din minsang ipilit ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya. Hangga't kaya, gusto lang niyang makita nito na kahit anong mangyari ay ito pa rin ang tunay na pamilya. Siya ay bahagi naman ng pamilya, pero Hindi sa dugo kaya lahat ng pabor ay dito pa rin mapupunta. Pero tila ba Hindi nito iyon maintindihan. Umaasa na lang siya na sa pagtanda nila ay pareho silang mag-mature para mas maintindihan pa nito ang maraming bagay at makasundo niya ito kahit paano. Pumasok siya sa kuwarto at inayos ang mga pasalubong sa kanya at muling tiningnan ang mga ito. Maganda ang mga iyon at siguradong magagamit niya lalo na kapag nagsimula na siya sa kolehiyo. Malaki ang pasasalamat niya sa kabutihan ng mga ito. Hindi niya naranasan ang mga naranasan ng mga ipinalabas sa telebisyon. Naisip na tuloy niya ang tunay na ama. Nasaan na kaya ito ngayon? Bakit nito tinakbuhan ang kanyang mommy? Maiisip pa kaya nitong sundan o hanapin siya? Totoong marami siyang tanong sa isip dahil pakiramdam niya ay hindi siya buo. Mabuti ang pamilyang kinagisnan niya pero hindi man sinasadya ay nararamdaman pa rin kasi niyang medyo outcast siya. Pero hindi pa naman siya nagkaroon din ng sama ng loob sa mga ito. Buong puso pa nga siyang nagpapasalamat sa maraming bagay na ipinagkaloob ng mga ito kasama na rin ang labis pagmamahal at tunay na pagtanggap sa kanya ng mga ito. Nang mailabas din ang lahat ng pasalubong, gumanda muli ang kanyang mood. Maganda lahat ng iyon at karamihan ay hindi mabibili sa bansa. Pinagmasdan niya ang mga iyon at isa-isang niyang tiningnan. Na-imagine niya tuloy ang mga pwedeng iguhit at ipinta. Nang magsawa din siya ay saka niya iniligpit ang mga ito at lumapit sa bintana. Paghawi niya ng kurtina ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti at mabilis na pagkabog ng dibdib nang makitang may papasok na kotse at huminto sa patio. Mula roon, bumaba ang mag-asawang matanda na matalik na mga kaibigan ng kanyang lolo at lola. Mabait ang mga ito sa kanila ni Rose at ang gusto ay Lolo at lola rin ang itawag nila. Pero ang mas nakapagpasaya sa kanya ay nang umibis ang Isang binatang tila bored ang hitsura na nagmasid sa kabahayan. Ganoon lagi ang hitsura nito. Para itong laging bored o tinatamad. Pero lalo pa iyong nakadagdag sa karakter nito. Mabilis na nabura ang ngiti niya pagdako ng paningin nito sa kanya. Matipid na ngumiti at kumaway ito sa kanya tanda ng rekognisyon. Ginantihan niya din iyon nang simpleng kaway at pagtango. Naglakad na ito habang nakatingin pa rin sa kanya. Maya-maya'y nasa tabi na nito si Rose kaya doon na nabaling ang atensiyon nito. Pumunta ang mga ito sa maliit nilang hardin. Bahagya niya pang narinig na nagtatawanan ang mga ito. Nakakapit pa talaga si Rose sa Isang braso nito at nakangiti habang may sinasabi rito si Carlo. Pagkatapos ay pumunta ang mga ito sa bench sa ilalim ng Isang puno. Malawak ang bakuran nila kaya mula sa kuwarto ay tanaw niya ang mga nangyayari sa labas. Maaga pa naman at hindi pa gaanong mainit ang sikat ng araw idagdag pa ang malabay na sanga ng puno kaya komportable ang mga ito. Nakaupo lang ang mga ito habang patuloy na nagkuwentuhan. Pagkatapos ay pinaghugpong ang kamay ng mga ito. Sa murang edad niya ay mabilis pa rin niyang naunawaan kung ano ang kahulugan ng pakiramdam na lumukob sa kanya. Tila may mga aspile na tumutusok sa kanyang dibdib habang pinapanood ang tagpo. Her first and ultimate crush was talking and being extra sweet with her sister. It was indeed hard watching them while feeling the invisible needles pricking her chest deeper. Moments later, he gently kissed her forehead, and they stood up. She just closed and pulled the curtains down so they would not see her. She just went back to her bed and thought about what she saw a while ago.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook