Story By Mercurywrites
author-avatar

Mercurywrites

ABOUTquote
Poet/Content Writer/Hopeless Romantic/Fiction Writer/ Writing is the most honest expression of one\'s heart and soul. If you want to become a writer, just write. Wala namang nagbabawal sa ating sundin ang pinakananais ng kalooban. New to this app, but looking forward to writing more stories here.
bc
Santiago Brothers 1: Leandro Lagdameo
Updated at Mar 15, 2024, 00:49
Sa loob ng apat na taon, naging tahanan ni Tiffany ang isang tagong kumbento sa bayan ng Santa Clara. Doon ay nagkaroon siya ng bagong pag-asa kasabay ng paghilom ng sugatan niyang puso. Naging masaya siya bilang isang novice pero ilang linggo bago siya maging ganap na madre ay nagdesisyon siyang lumabas dito. Isang gabing tumakas siya para maglakad papuntang kakahuyan ay nakita niya si Leandro Lagdameo, ang Mayor ng karatig-bayan nila at ang taong naging dahilan para magtago siya at kalimutan ang dating buhay. Tulog na tulog ito at duguan kaya tinulungan niya itong makatakas sa mga nagtatangka rito. Akala niya ay ayos na ang lahat pagkatapos nitong magpasalamat pero lalo naman itong dumikit sa kanya at pasimpleng ginagawa ang Flirting 101 skills nito. Bakit ba ito lapit nang lapit sa kanya ngayon? Bored na naman ba ito? May plano na naman ba ito sa kanya? Balak kaya nitong gantihan siya sa ginawa niya rito? Sa lahat ng katanungan niya ay wala siyang mahanap na kasagutan. Pero isa lang ang sigurado niya- kayang-kaya nitong tibagin ang depensang akala niya dati ay kasintatag ng The Great Wall of China.
like
bc
Paint My Love
Updated at Aug 4, 2022, 00:45
Magnolia has always been in love with Carlo. Matagal na niyang alam na may sumibol nang banyagang damdamin sa kanyang bata pang puso. Ang simpleng childhood crush ay nauwi sa infatuation hanggang sa lumalim pa iyon at naging one true love na. But, Carlo is in love with her younger sister, and there is nothing she can do about it. Sa kagustuhang makalimot ay tinanggap niya ang scholarship program sa ibang bansa at doon nagkolehiyo. Pero kasabay ng paglipad niya ay tangay niya ang isang alaalang tatatak na sa kanya. They kissed! Not only once, not only twice! They kissed many times for the love of all that is holy! But he acted like a royal jerk and broke her heart into pieces. Fast forward, bumalik na siya sa Pilipinas para tumulong sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Of course, they crossed paths again. This time, fiance na ito ng kanyang kapatid. Ayaw man niyang aminin ay alam niyang hindi man lang nabura kahit paano ang kanyang nararamdaman para dito. Pero kung kailan naman siya lumalayo ay saka naman ito biglang sumusulpot at parang nanghaharot. Until one night, something happened to them. Once again, he took things casually and broke her heart for the second time. Ayos na sana pero nagkakaroon pa ng remembrance sa sinapupunan niya ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila. Habang ang kapatid naman niya ay biglang umatras sa kasal at nagtago. Paano na siya? Paano na si Carlo? Paano na sila o mas tamang malaman kung magkakaroon pa ba ng sila?
like